noveltoon logo noveltoon
Kapeng Barako At Krema (Kristine Series 14)

Chapter 8

Ch. 8 / 24 Nov 28, 2025

“Y OU’RE late.” s i Kurt na tumingin sa relo. Alas-siyete pasado na.

“What are you doing in my car?” bulalas ni Jade nang pagbukas niya ng sports car ay makitang nasa passenger seat si Kurt.

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. “Nasira ang pickup ko. Okay lang naman sa iyong makisabay ako, `di ba?”

“At paano mong nabuksan ang pinto ng kotse?” dagdag niyang tanong sa naiiritang tono.

Patay-malisyang muling nagkibit si Kurt. “Bukas ang pinto ng sports car mo.”

Hindi siya naniniwalang naiwan niyang bukas ang pinto ng sasakyan niya. Pero hindi na niya inargumento iyon. Padabog na pumasok sa sasakyan si Jade at inilagay sa likod ang mga gamit. Nagmukhang napakaliit ng two-seater sports car sa presensiya ni Kurt.

“Kahit na siguro sabihin kong hindi kita gustong kasabay, magpipilit ka pa rin, ano?” d uda siya kung nasira nga ang sasakyan nito. At kung nasira man, hindi ang uri ni Kurt ang hindi marunong tumingin ng makina... lalo at marunong itong magbukas ng nakasusing sasakyan!

Kurt grinned. Kauna-unahan mula nang makita niya ito. Her eyes widened a fraction. Napigil sa lalamunan ang paghinga niya. The man is really good-looking! The smile made wonders to his face.

“How’d you guess?” nakakalokong tanong nito.

Umikot ang mga mata ni Jade. “Want to drive?” alok niya.

“Nah,” iling ni Kurt. “I’d rather sit here and relax.”

Ini-start ni Jade ang ignition nang hindi sinasadyang nahagip ng tingin ang trailer na nasa malapit sa foundry. She was sure it was the same trailer na nagkakarga ng mga bakal kagabi. At mula sa likod ng trailer ay dalawang tao ang hawak sa tig-isang dulo ang bakal na ikinakarga.

“Bakit kailangang sa ganitong oras ka umuuwi, Jade?” untag ni Kurt na nagpabaling ng tingin niya rito. Sumeryoso ang mukha at tinig nito. “You’re the boss. Kaya mong umuwi nang maaga.”

“Hindi ako isang ordinaryong boss, Kurt,” sagot niya sa malamig na tinig. “Alam kong alam mo iyan.” Muli niyang sinulyapan ang trailer bago tuluyang lumabas ng gate. Ni hindi pinansin ang pagsaludo ng mga guwardiya sa kanya.

Iniliko niya pakaliwa sa daan ang sasakyan. “At kahapong alam kong wala akong bodyguard ay ginabi ako, di lalo na ngayong nariyan ka?” b inigyang-diin niya ang salitang “bodyguard” at nilingon ang katabi. Isang pakunwaring matamis na ngiti ang ibinigay niya rito.

“If there’s one thing I don’t like, lady.” m atalim ang mga matang tinitigan siya nito. “ a re people who court danger.”

“I am not!” asik niya. “Nagtatrabaho ako. And I’ll be damned if I will give my father a reason to reassume his position here.” Bumaba ang tinig niya sa bahaging iyon.

Gumitaw sa isip ang pawisan subalit masayang mukha ng ama nang makausap niya ito sa videophone. She even had a glimpsed of mud in his sportshirt.

Nakita ni Kurt ang biglang paglambot ng anyo ng dalaga. “What made Marco retire early?” pag-iba nito ng topic.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Hindi niya gustong makipag-usap sa estrangherong ito ang tungkol sa pamilya niya subalit hindi niya mapigil na hindi sumagot.

“His retirement was long overdue,” marahang sagot niya. “Hindi niya gustong hawakan ang posisyon sa Kristine Steel but did it for the love of my mother...” a t sinabi na niya rito na bagaman hindi rin naman gusto ni Emerald na hawakan ang posisyon, hindi nito maaaring ipagwalang-bahala ang inheritance mula kay Leon Fortalejo.

“Your father must have loved your mother so much,” sagot ni Kurt sa tonong hindi maunawaan ni Jade kung nanunuya o ano. Ang mga mata’y nasa labas ng sasakyan.

“Just as my mother loved my father...”

Nagtagis ang mga bagang ni Kurt doon. Bahagya pa niyang narinig ang marahas na paghinga nito bilang pag-ismid.

“What was that all about?” Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon niya ito. “Hindi ka naniniwalang mahal ng mga magulang ko ang isa’t isa?”

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. Nasa daan pa rin ang tingin. “Maybe your parents are one in a million.”

“You’re wrong—”

“Oh, yeah?” s a pagkakataong iyon ay obvious ang panunuya sa tinig nito. “People use the word ‘love’ as a means to an end. For selfish reasons.”

Ilang sandaling hindi nakasagot si Jade. Pabalik-balik ang mga mata sa lalaki at sa daan.

“Then perhaps you’ve met the wrong women in your life,” she said softly. “My parents love each other. Oh, yes, they had some misunderstandings too. Just like any ordinary couple. But my mother believed that she shouldn’t let the sun catch her crying. Kahit pa mali ng d addy ang pinag-aawayan nila, siya ang unang bumabati. Dad, too. Minsan nga nagkakatawanan pa sila dahil iisa pala ang motibo nila sa paglapit sa isa’t isa. To patch things up. No matter whose fault.”

“As I’ve said, your parents are one in a million.” Kasinlamig ng yelo ang tinig nito.

“As I was about to say too,” giit ng dalaga. “You’re wrong. One day, I’d like you to meet my family. The men in my family.”

“Men, yes!” marahas nitong sabi. “But what about the women?”

The bitterness in his voice is obvious. “I don’t want to ask who hurt you, Kurt,” she spoke gently. “Pero para sa mga babae ng pamilya, sumisikat at lumulubog ang araw sa mga asa-asawa nila.”

“What made you assume that somebody hurt me?” magaspang nitong tanong. Bago pa makasagot ang dalaga’y muli itong nagsalita. “Anyway, I don’t blame you for taking sides with—”

“I am stating facts,” agap niya. “Ang Uncle Nat at Tita Jas ko’y muntik nang maghiwalay...” n ilingon niya ang lalaki and gave him a faint and sincere smile. “Love kept them together. But believe me, Kurt, some kinds of love condone faults and immorality at iyon ang uri ng pag-ibig na bulag at mali. My families do not have that kind of love. Not that they’re perfect. No one is. They can only try. One day, if you want, I’ll tell you my Uncle Nat’s and Tita Jas’ story.”

“Hindi ko alam kung paano ka naging eksperto sa bagay na iyan.” p atuyang tumaas ang isang sulok ng bibig nito. “People like you fall in and out of love in a drop of a hat.”

Gustong magalit ni Jade sa huling sinabi nito. Pero hindi niya pinatulan ang bitterness sa tinig ng lalaki. Suddenly, she is hating the woman who’d hurt this man. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

“Our wealth was incidental and as you can see, we are working hard for it. All of us.” b inigyang diin niya ang huling mga salita. “And had my father been a hard and selfish man, balewala ang pera. Balewala ang pag-ibig niya sa mommy. But relationships are giving and taking, Kurt. Most often sacrifice.” n ilingon niya ang lalaki. Nakatiim ang mukha niyon.

Hindi sumagot si Kurt pero nanatiling nag-iigting ang mga bagang.

NASA kanya ang mga delivery receipt. Hiningi niya ang mga delivery kahapon sa sekretarya. Subalit walang delivery nang bandang gabi. Ibig sabihin ay hindi nag-deliver. Pero bakit may lamang mga bakal ang trailer?

Tumayo siya at tinanaw mula sa bintana ang foundry. Sa mga naroong trailer at delivery truck ay may iilang kinakargahan. Kabilang sa mga naroong trailer ay ang nakita niya kagabi. Walang laman ngayong umaga.

Bumalik siya sa mesa at diniinan ang intercom. “Maila, was there an early delivery this morning?” Mula sa opisina niya’y natatanaw niya sa one-way mirror ang mesa ng sekretarya na nasa harap ng computer.

“Wala, Jade...” ang sagot nito habang patuloy sa ginagawa. “Ngayon pa lang nagsisimulang magkarga.”

Palakad-lakad ang dalaga sa loob ng silid. Naroong itaas-ibaba ang kurtina sa salaming bintana na nakatanaw sa foundry. Hindi niya alam kung bakit ayaw maalis sa isip niyang sa magkasunod na gabi’y may ginawang delivery.

Muli niyang diniinan ang intercom. “Kurt, will you come up here, please.”

Mula sa opisina sa ibaba’y pumanhik si Kurt at ilang sandali pa’y kaharap na niya.

“Kung may ipapagawa ka’y magpapasalamat ako, Jade,” wika nito sa nababagot na tono. “How can one stand the whole afternoon sitting behind his desk doing nothing?”

Napangiti siya roon. Hindi pumasok sa isip niya na hindi ang uri ni Kurt ang tatagal na nakaupo maghapon. Hindi rin ang uri nito ang gusto ng mga paper work.

“What do you want me for, anyway?”

“Tao mo bang lahat ang mga nasa gates?”

“Of course. Why?” Naupo ito sa silyang nasa harap ng mesa niya. Itinaas ang mga binti sa kabilang silya.

Sandaling nawala sa isip ni Jade ang sasabihin. Napatitig sa kabuuan ng lalaki. Nakabukas ang ilang butones sa polo shirt nito na hindi dapat para sa isang nag-oopisina. At nasisilip niya ang maninipis na balahibo nito sa malapad na dibdib. Bigla ay tila nilalagnat ang pakiramdam niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Kurt sa pagkakatitig na iyon ng dalaga sa kanya. Damn! He’s thirty-four years old at hindi na bago sa kanya ang nasa mga mata ni Jade. Hindi lang iilang babae ang tumitingin dito nang ganoon. And he hated it all the more.

Dumukot ng sigarilyo at lighter sa bulsa ng maong at nagsindi. “Hmn... uh... I kind of like the way your eyes always devour my body, Jade... but surely hindi mo ako pinaakyat dito para lang sa intensiyong iyon?”

Muli ay napapitlag si Jade doon. Gustong pamulahan ng mukha. She tried to recover her composure immediately. Tinitigan ang sigarilyo ng lalaki.

“This is an air-conditioned room. Stop that,” saway niya kasabay ng pagsimangot as she stared at the thin smoke he created in the air.

“Bakit mo ba ako ipinatawag?” patuloy nito na hindi pinansin ang pagsimangot niya. Pinaypay ni Jade ang kamay sa harap sa usok na nalalanghap.

“How long have you been smoking?”

Natawa nang bahagya si Kurt doon. “So hindi mo lang pala ako gustong titigan kaya mo ako tinawag dito. Gusto mo rin akong ma-interview.” h indi sumagot ang dalaga at tinititigan nang may pagkadisgusto ang usok ng sigarilyo.

Nagkibit ng mga balikat si Kurt. “Oh, well, I started smoking when I was in the air... after college, I guess.”

“Then your mouth must taste like ashtray already,” dere-deretsong sabi niya sa inis. Kung sa usok ng sigarilyo, sa lalaki, o sa sarili ay hindi masagot ng dalaga.

Hindi sumagot si Kurt at nang titigan ni Jade ito’y hindi niya mawari ang nasa mga mata ng lalaki. All of a sudden, bawat isa’y aware sa tension na namamagitan.

Pagkuwa’y tumikhim si Kurt at ngumisi. Tumayo at umikot sa lugar niya. Naupo sa sulok ng mesa sa kanan niya. Yumuko at hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya rito.

“Nakatikim ka na ba ng ashtray?”

“W-what?” Nalito siya.

His face is too close. Nalalanghap niya ang hininga nito. A mixture of cigarette and the man himself. Very sensual. And she thought she hated the smell of cigarettes. And she had never in her life long for a kiss until this very moment.

At wala siyang gagawin kundi itaas nang bahagya ang mukha niya at magpapang-abot na ang mga labi nilang dalawa. At iyon na ang akmang gagawin niya nang biglang bitiwan ni Kurt ang mukha niya. Na para bang may naamoy itong hindi maganda sa kanya.

“There’s nothing I’d love more at this moment but to kiss you,” he said harshly. “But you will never have the satisfaction of knowing if my mouth really tasted like ashtray. So count me out!”

Napasinghap si Jade. This time, talagang hindi niya napigilang pamulahan ng mukha. She wanted to say something back pero walang mahagilap ang utak niya na maaaring sabihin.

“Bakit mo ako ipinatawag?” pagalit na tanong ni Kurt. Mas para sa sarili ang galit.

Many years of trained self-control ang tanging nakapigil dito upang huwag angkinin ang mga labi ng dalaga. Hell, but she smells of roses and spring. Somehow, he missed home.

But where’s home anyway? For more than three years, ang Pilipinas ang naging tahanan niya. At, eh, ano kung walang spring dito?

Bumaba ang tingin nito kay Jade. Na ang mga labi’y bahagya pa ring nakaawang sa pagkamangha marahil. The devil help him but he want to crush her soft lips against his!

Tumikhim si Jade and composed herself. Raised her chin in a very dignified manner.

“I–I’d like you to check with the guards if a delivery was made last night. Minutes after we left.”

Matalim na tinitigan ni Kurt ang dalaga. There she is. Back to being the lady boss again. Authoritative and powerful. Kani-kanina lang ay nararamdaman nitong gusto ng dalagang hagkan siya. He could feel it in his bones.

Oh, well, he’d rather want her this way. The boss.

“Hindi mo ako kailangang paakyatin dito,” sagot ng lalaki na muling naupo sa may leatherette bench. Kung gusto nitong manatili ang katinuan ay kailangang malayo ito sa kanya. “You could have asked him yourself.”

Muling napahiya si Jade doon. Tama ito. Hindi niya maintindihan kung bakit nga ba kinailangan pang ipatawag niya si Kurt.

“What’s his name?” Dinampot niya ang intercom.

“Perez.”

“Perez?” ang dalaga nang may sumagot sa kabilang linya. “Oh...” n apapikit siya sa sagot nito. Mamaya pang second shift ang dating ng guwardiya kagabi. “Paki-check sa record mo kung may delivery na ginawa kagabi sa pagitan ng alas-otso y media at alas-nuwebe...” i lang sandaling naghintay ang dalaga.

“Ayon po dito sa record ni Perez, Ma’am, ang huling oras po ng delivery ay alas-siyete kuwareinta y singko. Apat na trailer po.”

“Thank you.” i binaba niya ang telephone-intercom.

“What is this all about?” si Kurt.

Huminga siya nang malalim. Tumayo at lumakad patungo sa bintana. Hinawi ang kurtina. Mula roon ay natatanaw niya ang trailer.

“Nothing but a hunch,” sagot niya. “I have this feeling na may delivery noong araw na may humarang sa akin at ganoon din kagabi. The same trailer truck. Pero wala sa record.”

“Bakit mo nasabi iyan?”

Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. “Nang umalis ako noong isang gabi’y may kaunting karga ang trailer at ang driver at ang mismong trailer ay nakahanda sa paglabas. Kagabi’y iyon ding trailer na iyon ay nakita kong may karga na naman.”

“Have you checked the DRs?”

Tumango ang dalaga. “Kasama ang trailer sa mga nag-deliver sa—” n ahinto sa sinasabi ang dalaga. Mabilis na bumalik sa mesa at dinampot muli ang intercom. “Guard, paki-check mo nga ang plate number ng trailer na nasa tagilirang bahagi ng foundry. Iyong fourteen wheeler. Yes. At kung sino ang driver.”

Nakakunot ang noo na tinititigan ni Kurt ang dalaga. Beautiful, rich, smart... and reliable. He’d met a lot of beautiful, rich and smart women in his life. Pero iyong reliable ay hindi nito makuhang ikapit sa mga iyon.

In his records, Jade Ann de Silva is twenty-four years old. Very young. Kung ang ibang anak-mayayaman’y kasalukuyang nasa party o hindi kaya’y nagsa-shopping and jetsetting around the world at nag-uubos ng salaping hindi naman kayang ubusin, si Jade de Silva ay naririto sa kuwadradong opisina.

And no matter how luxurious the office was, naka-confine pa rin dito ang dalaga. Acting CEO in one of the biggest steel manufacturing companies in the Philippines.

Bagaman ang main office ng Kristine Steel ay nasa Sucat kung saan naroon din ang main office ng Kristine Group of Companies at pinamamahalaan ni Bernard Fortalejo, hindi pa rin biro ang trabahong nasa balikat ng dalaga.

She could have chosen to hold office at the main branch. Pero pinili pa rin niyang sa pabrika mamahala.