noveltoon logo noveltoon
Kapeng Barako At Krema (Kristine Series 14)

Chapter 10

Ch. 10 / 24 Nov 28, 2025

“T AKE this milk, Jade.” s i Jewel sa pamangkin. Nasa mukha nito ang matinding pag-aalala para sa dalaga. Jade is her mother’s exact image when she was young.

Soft brown hair, fair and flawless skin that probably would bruise with so much as a touch. Maliban sa mas mataas ang dalaga kaysa kay Emerald. Like Emerald, Jade is soft-spoken and slow to anger.

Napangiti si Jewel sa bahaging iyon. Habang mahaba ang pasensiya ni Jade sa pagkagalit ay siya namang kay iksi-iksi ng kay Julianne. Laging nakangiti ang panganay niyang babae subalit napakadali rin namang mabugnot.

Julianne is so different from Jessica na tulad ng araw at buwan. Si Julianne ay typical sweet but spoiled brat that oftentimes she’s worried of her eldest daughter.

Muli niyang tinitigan ang pamangkin. Ang tanging kinuha ni Jade sa ama ay ang pagiging seryoso ni Marco. Jade’s no nonesense pagdating sa paghawak ng responsibilidad. Samantalang si Emerald ay madali lahat ang bagay. Ginagawang katatawanan ang lahat. Gregarious.

“Thank you, Tita,” wika ng dalaga. Bumangon at inabot ang gatas mula sa tiyahin at marahang ininom. “Hindi pa ba bumabalik ang Uncle Bernard?” Kasama ng mga pulis ay nagtungo sa Bulacan si Bernard nasa ere pa man sila. Si Kurt ay nasa ibaba.

“Tumawag siya. Pabalik na rito.” Naupo si Jewel sa gilid ng kama. “Sa palagay mo ba’y hindi kailangang malaman ni Marco at Emerald ang nangyayaring ito?”

Mabilis siyang umiling. Inilapag ang baso ng gatas sa night table. “Please, Tita,” nakikiusap ang tinig niya. “Pumayag na ako sa gustong mangyari ni Uncle Bernard na pansamantala’y dito sa mansiyon titigil si Kurt huwag lang malaman ng d addy at m ommy ang nangyayari.”

“May karapatan silang malaman ang lahat, hija...”

“Walang gagawin ang m ommy at d addy na hindi ninyo ginagawa ng Uncle Bernard,” mariing sabi niya. “I don’t want to ruin their retirement. At mag-aalala ang Lola Julia, ganoon din ang Tito Nat at Tita Jas.” n apailing ang dalaga. Magugulo at mag-aalala ang lahat. Nakikiusap na tumingala ang dalaga sa tiyahin. “Uncle Bernard can handle this, can’t he?”

Isang buntong-hininga kasabay ng pagtango ang isinagot ni Jewel. “They’re still your parents, dear. At kung ako ang nasa lugar nila’y hindi ko gustong inililihim sa akin ang mga bagay na ito. At tiyak kong iyon ang magiging damdamin ni Marco at Emerald sa sandaling malaman nila ang nangyayari. But you are right, ang gagawin ni Marco’y ginagawa na ni Bernard. There’s no need to alarm them.” n iyuko nito ang dalaga. “Do you want me to stay tonight?”

Umiling siya. Bagaman ganoon na lang ang pagnanais niyang manatili roon ang tiyahin. Pero hindi niya kailangang magpakita ng takot. Lalo rin lang mag-aalala ang mga ito. At ikinatatakot niyang pabalikin siya sa Amerika ni Bernard at malalaman iyon ng daddy niya at tiyak na malabo nang makababalik pa siya sa Pilipinas.

“I wish you’d stay away from the office for a few days, Jade,” wika ni Jewel na sinabayan ng pagtayo. “Umuwi ka na muna kaya sa Paso de Blas. Bahala na si Bernard sa pabrika at ang ibang mga manager.”

Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ng dalaga. “I have a one-man army, Tita, sa katauhan ng bodyguard ko.” Agad ang pagpasok ng mukha ni Kurt sa isip niya. Ni hindi niya ito kinakikitaan ng pagkatakot at pag-aalala. Para bang walang kabagay-bagay ang lahat.

“Yes,” sang-ayon ni Jewel. “Kung hindi kay Kurt ay hindi papayag ang tiyo mo sa gusto mong mangyari.”

“Uncle trusted him that much?” nagtatakang tanong niya.

“Very much. Kung paanong pinagkatiwalaan din ni Bernard ang ama ni Kurt.” s andaling kumislap sa isip ni Jewel ang pangyayaring naroon si Jackson upang tulungan si Bernard sa pagliligtas kay Diana. Pero agad niyang pinalis iyon sa isip. Hindi niya gustong isiping may panahong nagtangi ng ibang babae ang asawa.

“Goodnight, darling, and take one or two of those calming tablets so you can sleep well.” l umabas na ito ng pinto. Nabitin sa lalamunan ni Jade ang maraming katanungan tungkol kay Kurt.

SI KURT na nakahiga sa isa sa silid ng servant’s house malapit sa mansiyon ay napabalikwas ng bangon sa tila tiling narinig nito. Instinctively, dinakma nito ang susi sa backdoor sa mesa at patakbong lumabas.

Hindi malakas ang tili. Kung tutuusi’y baka balewala sa pandinig ng iba dahil air-conditioned ang silid ni Jade.

But his trained senses heard it bukod pa sa hindi pa naman talaga siya nakakatulog. Halos dalawang oras pa lang mula nang sunduin ni Bernard si Jewel.

Iisa ang direksiyong tinakbo nito. Ang silid ni Jade. Bumalandra ang pinto sa marahas nitong pagbukas. Nasa kama ang dalaga, nakaupo at sindak na nakatitig dito at sa baril na nasa kamay nito.

Ang mga mata ni Kurt ay natuon sa glass panelling patungo sa balcony. Mabilis ang mga kilos na humakbang patungo roon ang lalaki at maingat na binuksan ang glass panel. Sandaling sumilip at lumabas, half expecting na may sasalubong sa kanya.

Ilang metro mula sa mansiyon ay ang dalawang security guard na panggabi. Tumingala ang mga ito sa kanya. Sa liwanag na nasa guardhouse ay tila nagtataka pa ang mga ito na nakita siyang may hawak na baril at nasa silid ni Jade.

Ilang sandaling ginalugad ni Kurt ng tingin ang paligid bago muling pumasok kasabay ng paghila pasara sa panel door.

“What—” n ahinto sa lalamunan nito ang pagtatanong sa anyo ng dalaga.

Her hair dishevelled na parang galing sa isang mainit na pakikipagtalik. Ang mga tirante ng pantulog ng dalaga’y parehong nakababa sa mga balikat nito, showing soft and silky flesh. Na marahil ay napigil sa pagbaba nang tuluyan sa katawan sa pamamagitan ng dibdib niya. Sa malamlam na liwanag ng lampshade ay parang wala na ring tinakpan ang manipis na negligee.

“B-bumukas ang g-glass panel at... at may tao...” wika niya sa nanginginig na tinig.

“Gising ang mga guwardiya at naglalaro ng baraha. Walang tao sa labas at nakasara ang glass panel pagpasok ko!” nagagalit nitong sabi.

Nagagalit ito sa nakikita sa dalaga at sa sarili dahil napakabilis ng reaksiyon ng katawan nito. Ni hindi pa ito nakaka-recover sa epekto ng paghalik kay Jade kanina.

“You must have been dreaming!”

Bumunghalit ng iyak si Jade. Malakas na nagmura si Kurt. Ni hindi gustong umalis sa kinatatayuan.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo?” he asked irritably. Damn those negligee manufacturer! And damn women for buying the products that covered nothing!

“And what are you so angry about?” pahikbing tanong niya. “So I’ve been dreaming! I couldn’t have stopped myself from screaming dahil lang magagalit ka...”

Isang eksasperadong paghinga ang binitiwan ni Kurt at lumakad patungo sa pinto.

“Go back to sleep,” walang emosyong utos nito. “Nasa ibaba lang ako at maririnig ko anumang ingay gaano man kaingat gagawin iyon ng sino man.”

“What is wrong with you?” umiiyak pa ring tanong niya. Lalong nagsisikip ang dibdib sa sama ng loob sa gawi ng lalaki. “How about a little empathy, if you know what I mean. Sa halip tila may sakit akong nakakahawa kung tingnan mo.”

Hell, you’re right! You’re a deadly virus worming into my senses and sanity!

“I’m being paid to keep you safe, Jade de Silva,” wika nito sa walang emosyong tinig. “No more, no less.” Akma na nitong bubuksan ang pinto nang muli siyang tawagin ng dalaga.

“Kurt...”

“What!”

“Do you always treat clients like this?”

“Like what?”

“You know what I mean...” she choked her sob.

“Ano ba ang inaasahan mo sa isang bodyguard, Jade? Yakapin at hagkan ka sa mga sandaling ganito?” he asked furiously.

Iyon lang ang alam nitong panlaban upang huwag lapitan ang dalaga at ikulong sa mga bisig at sabihin ditong papatayin nito ang sinumang nagtatangkang manakit sa kanya.

Na kinatatakutan nitong malingat at mapahamak siya. Hindi dahil mabibigo ito sa inaasahan ni Bernard. Kundi dahil... shit!

“Hinagkan mo ako kanina nang inaakala mong nagpa-panic na ako...”

“Why, thank you at alam mo kung bakit ko ginawa iyon.” Puno ng sarcasm ang tinig nito. “At dahil natatakot at umiiyak ka ngayon ay umaasa kang gagawin ko uli?” nadidismayang dagdag nito. “You rich young women do cry in a drop of a hat, don’t you know that?”

Pinahid niya ng likod ng palad ang mga pisngi. “That’s unfair,” aniya, a sob in her voice. “I don’t normally break down like this. At lalong hindi ko inaasahang yakapin at aluin ako ng kahit na sinong lalaki na lang...” u ntil you. I don’t know why I feel so vulnerable pagdating sa iyo. “You should know that by now.”

“Oh, yeah?” Patuyang tumaas ang sulok ng bibig nito. “Tulad ng tila ka babaeng sawa kung makapulupot doon sa boyfriend mong tisoy more than two years ago. And yet he did nothing to save your ass!” Kung paano nitong nasabi iyon ay hindi maintindihan ni Kurt ang sarili. He cursed himself silently. Tila siya lokong nagseselos sa sinabi.

“Oh, my god, you’re so rude...”

“So I am rude. Good morning, Jade. I still have a couple of hours to sleep.” Pagkasabi niyon ay tuluyan nang lumabas ang lalaki.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Why did she expect him to comfort her. Kung ibang bodyguard ba ang na-assign sa kanya’y iyon din ang aasahan niya?

Marahas ang pagtanggi ng isip niya.

KINABUKASAN ay dinatnan na ni Jade at Kurt si Bernard sa opisina.

“Good morning, Uncle,” bati ni Jade at hinagkan ang tiyuhin. Tulog na siya nang dumating ito sa Corinthian at sunduin si Jewel. Kaninang umaga lang niya nalaman mula kay Kurt na dalawa sa mga guwardiya ang napatay. Apat ang nasa ospital.

“`Morning, hija,” sagot ni Bernard na tumayo at tinanguan si Kurt. “Come with me, Kurt.”

“WHAT have you found out?” s i Bernard nang nasa labas na sila ng opisina.

“Nothing yet,” sagot nito. “Hindi madaling paimbestigahan ang mga tauhan ng pabrika, Bernard.”

“Dammit, Kurt. Hindi ko sinabing ang lahat ng mga tauhan. Yaon lamang maaaring paghinalaan. Ang dating mga security guard na hinalinhan ng mga tauhan mo... ang manager ng foundry... ang supervisor kaya.”

“Kung interesado kang malutas ang kasong ito’y ganoon din ako, Bernard,” sagot nito sa nag-iigting na tono. “Dalawa sa mga tauhan ko ang napatay ng mga kriminal na iyon. Mga pamilyadong tao!”

Huminga nang malalim si Bernard at akmang magsasalita nang mula sa hagdan ay lumitaw ang sekretarya ni Jade. Magalang nitong binati si Bernard.

“Good morning, Mr. Fortalejo...”

“`Morning, Maila...”

Dinaanan lang nito ng tingin si Kurt at tuloy-tuloy na sa mesa nito sa may tila cubicle sa labas ng private office ni Jade.

“Sa kanya nagre-report ang dating agency ayon sa record.” b ahagyang nilingon ni Kurt ang sekretarya na nagsimula nang mag-ayos ng gamit upang magtrabaho.

“Si Maila? Yes. She’s been here for three years, I think. At kasama sa trabaho ng pinalitan niya ang mga security ng building. But you can check her if you want though I can assure you she’s clean.”