K ANINA pa siya palihim na lumiligid sa mansiyon na iyon ng mga Villavicencio. Hindi mataas ang bakod sa harap ng bahay o mas akmang sabihing walang bakod dahil tuloy-tuloy ang paikot na driveway sa may pinto.
One of those open-front mansions na pulos mamahaling tanim ang pinakabakod. Ang mga tagiliran at likuran lamang ang may matataas na bakod.
Nasa kabahayan at sa pool side ang party. And he couldn’t just pass through the guard nang walang invitation card. Hindi siya tiyak na papapasukin. At hindi siya puwedeng pumakabila sa halaman dahil makikita siyang tiyak ng dalawang guwardiya sa harapan.
Damn! Bakit nakalimutan ni Marco de Silva na bigyan siya ng invitation card sa party na ito.
Ano ba naman ang malay niyang dito tutuloy ang anak nitong dalaga? All he was asked to do was stalk her saan man ito magpunta. And Marco de Silva probably assumed na kaya niyang gawan ito ng paraan.
Puwes, gawan ng paraang makapasok. Hindi siya ex-CIA for nothing. One of those choiced few who worked undercover for the CIA. Thanks to his father. Bagaman matagal na niyang kinalimutan ang bahaging iyon ng pagkatao niya.
But he hated this boring job. Kung hindi lang dahil sa ama’y hindi niya tatanggapin ang trabahong ito kahit na magkano pa ang ibayad ng mga de Silva at Fortalejo sa kanya.
Madali at walang kahirap-hirap. Walang challenge. Baka ang makakalaban pa niya’y mga pipitsuging bully sa unibersidad. Bantayan lang at kailangang huwag mawala sa paningin ang maganda at seksing anak ni De Silva (iyon lang ang konsolasyon. Jade Ann de Silva is really a beauty), sa mga magtatangkang gumawa rito ng masama.
And he’s too old and experienced for this.
A rookie would have enjoyed this job immensely.
Ipinarada niya sa di-kalayuan ang kotse. Inayos ang sarili para sa paglitaw sa party ng mga rich and famous.
This could be a very boring night... again!
“HI,” bati ni Melanie, who’s wearing an off-white long gown. Sa leeg ay isang pulgada ang lapad ng south sea pearl choker na sa ugpungan ay nagkikislapang brilyante. Kasinlaki ng holen ang perpektong perlas na nasa tainga ng dalaga. “I thought you’ll snob my engagement night.” l umabi ito at hinila si Jade patungo sa umpukan ng tatlong lalaki.
“Puwede ba naman iyon? Di hindi mo ako kinausap nang isang araw,” biro niya at nagtawanan ang dalawang dalaga.
“You’re stunning,” puna ni Melanie sa suot niya. A simple body-fitting gold yellow minidress. Sleeveless and round necked. Walang kung ano-anong dekorasyon. A Donna Karan original.
Ang magagandang binti ng dalaga ay lalong nabigyan ng emphasis sa three-inch high-heeled suede sandals at leather clutched bag by Charles Jourdan. At sa magkabilang tainga niya’y a pair of flawless one-carat each diamond stud earrings.
“I’ll kill Neal if he as much as look at you,” eksaheradong biro nito. Bagaman nasa mga mata ang paghanga sa dalaga.
Natawa si Jade. Kilala niya si Neal. Anak din ito ng isa sa mga kilalang pamilya.
Natanawan sila ni Bradley at agad na humiwalay sa grupo at sumalubong.
“Gorgeous,” nakangiting wika nito. Nasa mga mata ang matinding paghanga habang sinuyod siya ng tingin. Inabot ang kamay niya at hinagkan. Umikot ang mga mata ni Jade but nevertheless, pleased.
“Thank you, Brad. You don’t look bad yourself,” aniya.
“Oh, well, you’re in good hands, Jade.” k inindatan ni Melanie ang dalaga at saka lumakad na upang salubungin ang ibang mga bisita.
“Hindi mo kasama si Romano?” kaswal na tanong ni Bradley at inakay siya patungo sa isang sulok ng malaking kabahayan.
Tinatanguan at binabati nilang pareho ang mga kakilalang nakakasalubong. Kumuha ng dalawang alak sa tray na iniikot ng waiter at iniabot ang isang goblet kay Jade.
“May sariling lakad ang kambal at mga pinsan ko, Brad,” sagot niya at dinala sa bibig ang champagne at tinitigan pailalim ang guwapong binata. Kapag niligawan siya nito sa gabing ito’y hindi ito magdadalawang salita. Sasagutin niya kaagad.
“Then you should have told me,” wika nito. “Dapat ay sinundo kita sa inyo.”
She smiled. “I’m here. Isa pa’y may driver ako. Hindi papayag ang d addy na hindi ko kasama ang driver.”
Natawa ang binata. “Daddy’s worried about his baby, eh...”
Gusto niyang mapika roon. Pero totoo ang sinasabi ng binata. Matabang siyang ngumiti.
Inikot niya ang paningin sa paligid. Kilala niya halos ang mga naroroon. Ang mga kung sino at sino sa alta-sosyedad. His father would hate this party and bore himself to death kung dumalo ito.
She felt a prickly sensation at the back of her neck. Lumingon ang dalaga at nahinto sa ere ang pagdadala niya ng goblet sa bibig nang matuunan ng pansin ang isang lalaki sa sulok. May kausap itong babae. And yet he raised his eyes to her na tila ba alam nitong nakatingin siya rito.
A slow, sexy smile broke his lips na ewan niya kung para sa kanya o para sa kausap nito. At nagkataon lamang na napatingin ito sa dako niya.
He was dressed in a well-cut black evening suit and looked tall and broad-shouldered. A long capable hand holding his drink. Bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi malamang kadahilanan.
Hinila siya ni Bradley patungo sa gitna ng dancing floor.
“Let’s dance,” wika nito at kinuha sa kanya ang kopita ng alak at ibinaba sa nadaanang mesita.
“Kilala mo ba iyong—” s ubalit nang muli siyang mag-angat ng tingin ay wala na roon ang lalaki.
“Sino?” wika ng binata na hinapit siya nang mahigpit sa baywang.
“Wala,” she sighed. “I thought I saw someone I knew.” Nagpaubaya siya sa ginagawa ng lalaki na gusto siyang yakapin nang mahigpit sa halip na magsayaw.
“You’re so beautiful tonight, Jade,” bulong ni Bradley at nararamdaman niya ang mga labi nito sa sentido niya.
Kung hindi niya nakita ang lalaki ay baka nag-enjoy siya sa ginagawa ni Bradley. Pero malayo na ang nilalakbay ng isip niya. Tulad ng kung nasaan ito nagpunta?
Namumukhaan niya ang babaeng kausap nito kanina at iniisip niya kung magkasama ang dalawang dumating sa party.
“Hey, bakit tila yata hindi mo naririnig ang tanong ko?” s i Brad na bahagya siyang inilayo.
“I–I’m sorry. Ano ba iyong sinasabi mo?” Bahagya pa siyang nagulat nang lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya.
“You were dreaming in my arms, Jade,” amuse na wika nito. “I hope ako ang nasa isip mo.”
“Mayroon pa bang iba?” she teased and smiled seductively at him.
“Well, I really hope so, Jade Ann. Dahil gusto kong simula sa araw na ito’y girlfriend na kita.”
“I’ve been waiting for you to say that,” at muli siyang humilig sa balikat nito. Hindi tiyak kung sincere sa sinabi. Gusto niyang kamuhian ang estranghero dahil sinisira nito ang gabi niya.
She’d been waiting for Bradley to court her properly. At nagsisimula na ito pero wala siyang madamang satisfaction. Inagaw na ng estranghero ang pag-iisip niya.
Pero ano ba ang kasalanan nito gayong ni hindi siya nilalapitan o kinakausap man lang? Tuwing magkakasalubong sila’y totoong tinititigan siya nito, pero hanggang doon lang.
Nasa gayon siyang pag-iisip nang magsigawan ang mga bisita malapit sa pinto. Natuon doon ang halos lahat ng mga mata. Pati sila ni Bradley.
“What was that commotion—” h indi natapos ng binata ang sasabihin nang tatlong armadong lalaki ang itinuon ang mga armas sa lahat.
“Ang sinumang kumilos nang masama ay mamamatay!” sigaw ng isa. Isa-isang sinuri ng tingin ang mga naroong bisita.
“Iisang tao lang ang kailangan namin!”
Si Melanie ay napayakap sa kasintahan.
Ang babaeng Villavicencio ay hinimatay na ikinatili ni Melanie. Natuon doon ang armas ng isang lalaki.
“Tumahimik ka kung hindi mo gustong sa iyo ko pasabugin ito!”
Ang isang lalaki’y nahinto ang pagtuon ng baril kay Jade.
“Narito siya!” wika nito sa kasama.
Agad na naglapitan ang mga ito at pahablot na hinila si Jade mula sa pagkakahawak kay Bradley.
“W-what do you want from me?” ang nahintakutang tanong ng dalaga.
“Saan ninyo siya dadalhin?” s i Bradley subalit nang ibaling dito ang dulo ng baril ay napaatras at tumahimik.
“Bitiwan ninyo ako, ano ba!” galit na piglas ng dalaga.
Subalit tila walang naririnig ang mga lalaki. Ni walang nangahas na tumulong.
Not even Bradley o kahit na sino sa mga naroong kalalakihan na ang karamiha’y nagpahayag ng paghanga at pagkakagusto sa kanya.
Hila siya ng mga lalaki sa labas. Sa gate ay natanawan niya ang dalawa pang armadong lalaki na nakabantay. Sa baldosa ay ang dalawang guwardia. At natitiyak niyang kung hindi man malubha ang mga ito’y tiyak na wala nang buhay.
Biglang pumasok sa isip ang ama. Ang pagnanais nitong magkaroon siya ng mga bodyguard.
She’s being kidnapped!
She shivered in terror. Gusto niyang pagsisihang nakipagtalo siyang paalisin na ang mga bodyguard niya. This is only a nightmare at hindi totoong nangyayari.
Nagpapalag ang dalaga subalit tila bakal ang mga kamay na humahawak sa tig-isang braso niya at kinakaladkad siya.
Nang biglang gulantangin ang limang lalaki sa tunog ng rebolusyon ng dalawang malalaking Harley Davidson. Nahinto sa paghakbang ang mga ito.
Ang dalawang nasa gate ay pumakabila sa tig-isang malagong halaman sa magkabila. Kilala ng dalaga ang tunog ng mga motorbike na iyon.
Tumili si Jade nang matanaw ang mga ito upang bigyang babala ang kapatid at pinsan. “Romano! Lenny!”
“Tumahimik ka!” Isang malakas na sampal ang ipinadapo ng isa sa kanya.
SI ROMANO ang nasa unahan at nasa aktong papatayin ang ignition nang matanawan ang dalawang lalaki na pinapagitnaan si Jade. Hindi maliwanag sa bahaging iyon but he will recognize his twin anywhere, anytime.
Hindi rin nito narinig ang sigaw ng dalaga dahil sa ingay ng motorbikes subalit nakita nito ang pagtaas ng isang kamay at dumapo sa mukha ng kapatid.
Umilap ang mga mata ni Romano. The semi-darkness puzzled him. Wala ring tao sa harap. Nilakasan ang rebolusyon ng makina.
“Lenny, trouble,” wika niya sa pinsan na papalapit.
“What the—” h indi narinig ni Lenny ang sinabi niya subalit nagtaka nang makita ang pag-flash ni Romano sa tail light nito in a signal na sila lang magpipinsan ang nakakaalam.
Romano made sure na makikita ni Aidan na nasa likuran bago inikot ang Harley Davidson at bumalik sa pinanggalingan.
Sumunod si Lenny. Sa mata ng mga kidnapper ay paalis ang mga ito. Subalit ginulat sila sa biglang paglitaw muli ng mga motorsiklo nang sabay at sa isang kisap-mata’y tinawid ng motorbikes ang malalagong halaman.
At lalong hindi inaasahan ng mga ito ang paglitaw ng BMW sa mismong driveway na tila nawalan ng preno.
Bumagsak ang isang lalaking may hawak kay Jade sa pagtama rito ng hindi inaasahang flying kick mula sa likurang bahagi ng bahay.
Napatili ang dalaga at nilinga kung sino ang gumawa niyon.
Si Romano at Lenny ay sa dalawang lalaking nasa malalagong halaman na hindi nakuhang makapagpaputok dahil sa pagkahagip ng mga motorsiklo sa mga ito.
Ang ikatlong lalaki’y ibinaling ang armas sa estrangherong lalaking galing sa likod subalit isang putok ang pumailanlang at bumagsak ito.
Si Aidan.
Nag-panic na ang apat at isa ang nagtuon ng baril kay Jade na nanatili sa gitna ng laban. Nanlaki ang mga mata ng estranghero at sa bilis na hindi nito alam kung saan kinuha ay tinakbo si Jade.
“Get down, you idiot!” Kasabay ng putok, bumagsak silang dalawa sa damuhan sa tabi ng nabaril ni Aidan. Sa ilalim ng estranghero ang dalaga.
Sa trained na mga mata ay dinakma ng estranghero ang baril ng bumagsak na kalaban. Alam nitong may tama siya.
How could he had underestimated everything. He didn’t even thought that he would ever need a gun. He wanted to laugh ironically at himself. A boring night indeed.
Dalawang putok ang pumailanlang. Segundo lang ang pagitan sa bawat isa. Mula kay Aidan at sa estranghero. Iisa ang target: ang nakatayong kidnapper.
But Aidan missed his target dahil nakuha pang magpaputok ng kidnapper at tinamaan ang binata sa balikat.
Ang bala ng estranghero’y sa likod ng ulo ng lalaki tumama.
ISA ang patay at nadala sa ospital ang unang nabaril, ang isa’y nahuli. At dalawa ang nakatakas.
Haging lang ang tumama kay Aidan. Ang sa estranghero’y sa kanang dibdib. His disappearance was delayed nang hawakan ito ni Jade.
“You’re bleeding!”
“Get out of my way!” tabig nito sa kanya.
Sa di-kalayuan ay ang sirena ng mga mobile patrol. At kailangang makaalis ito agad sa lugar na iyon. He moved fast at sa pagkakagulo ng mga tao ay tuluyang nawala.
Naguguluhang sinundan ito ng tanaw ni Jade subalit nawala sa dilim ang estrangherong nagligtas sa buhay niya.
Bagaman hindi iniinda ay dinala sa ospital si Aidan, kasama si Lenny at Romano na pulos pasa at bugbog ang mga batang katawan.