noveltoon logo noveltoon
Kapeng Barako At Krema (Kristine Series 14)

Chapter 13

Ch. 13 / 24 Nov 28, 2025

N AGMENOR si Kurt nang matanaw ang pagpula ng traffic light. Alas-dose pasado na subalit marami pa ring sasakyan sa kabilang intersection. Sa pagmenor na iyo’y nakuhang makauna ng kotseng itim at ilang metro mula sa kanila’y iniharang nito ang sasakyan sa highway.

“Oh, g od!” s i Jade na pinanlakihan ng mga mata. “Ano ang gagawin natin?” Nilingon niya si Kurt na walang ekspresyon ang mukha.

“Yumuko ka and hug yourself in a fetal position!”

Subalit hindi kumikilos ang dalaga at nanatiling sindak na nakatutok ang mga mata sa nasa unahan nila.

“T–t–they’ll t-take me....”

“Sonofabitch!” mura ni Kurt at marahas na hinila ang recliner ng upuan niya at humilig itong pahiga kasama si Jade na tumili.

Hindi inaalis ni Kurt ang mga mata sa daan. Sa unahan ay dalawang armadong mga lalaki ang lumabas sa kotse. Isa mula sa hulihang upuan at isa mula sa passenger seat sa unahan. Ang isa’y driver.

“Babanggain mo sila!” hiyaw ni Jade mula sa pagkakahiga dahil hindi nagmemenor ang lalaki.

“No choice, boss,” kalmanteng wika ni Kurt.

“We’ll capsize!”

“`Pag nangyari iyon, idedemanda ko ang manufacturer ng kotseng ito.” t umaas ang isang sulok ng bibig ng lalaki. Death shadowed in his eyes. Ready for battle. Shifted his gear and stepped hard on the accelerator. Unti-unting tumaas ang speed ng kotse.

“Ano’ng... ginagawa ng lalaking iyon?” ang tanong ng pinakalider.

“B-babanggain tayo!” ang sigaw ng isa mula sa likuran.

“Anak ng p...!” ang pinaka-boss at itinuon ang hawak na armalite sa parating na four-wheel drive.

Subalit hindi pa man nito naitataas nang husto ang armas ay heto na ang pickup. Mabilis na binitiwan nito ang armas at tumakbo paiwas. Ganoon din ang kasamang lalaki nito sa kabilang direksiyon naman.

Subalit nahagip ng pickup ang kalahati ng katawan nito at tumilapon ang lalaki sa rampa. Ang dulo ng Sedan ang pinatamaan ni Kurt. Napatili si Jade sa impact na iyon ng mga nagtatamang mga bakal. Yumanig iyon sa katawan niya.

Samantalang umikot ang lumang Sedan na tila trumpo. Huminto si Kurt ilang metro mula sa Sedan. Sa gitna na halos ng intersection at sa gitna ng gabi’y sunod-sunod ang busina ng mga sasakyang nagpreno sa kabilang bahagi ng highway.

Muling ikinambiyo ni Kurt ang sasakyan at mabilis na iniatras upang patamaang muli ang kotse.

“Tama na, let’s get out of here, Kurt!” sigaw ng dalaga subalit walang makikitang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Tuloy ito sa mabilis na pag-atras.

Muli ay ang nakangingilo at nakabibinging impact ng dalawang nagbubungguang sasakyan. Halos mauga ang buong pagkatao ni Jade. Kung wala ang seat belt na naka-strap sa katawan niya’y baka bumalandra na ang katawan niya sa lahat ng sulok ng pickup.

Ang driver ng Sedan ay tila laruan sa loob ng kotse. Mula sa glove compartment ay may kinuha si Kurt.

“Baril!” bulalas ni Jade na pinanlakihan ng mga mata. At sa kabila ng kaguluhan at takot ay alam niyang hindi ordinaryong baril iyon.

Her great grandfather had a gun collections. At ang hawak ni Kurt ay isa sa mga mamahalin at modernong baril! Muling may dinukot sa compartment ang lalaki. Isang mahabang pabilog na bakal ang kinuha ni Kurt sa ilalim at ikinabit sa dulo ng baril.

“S-saan ka pupunta?” kinakabahang tanong niya nang buksan ng lalaki ang pinto sa panig nito at bumaba. “Kurt!” Kinapa niya ang recliner at itinayo ang upuan.

Si Kurt ay tuloy-tuloy sa lalaking nasa rampa. Tall and big and dangerous. Bale-wala ang mga nagsusulputang sasakyang nagsimula nang magka-traffic.

His intention was to apprehend the man. Subalit sa dilim ay naaninag niyang tumaas nang bahagya ang kanang kamay nito patungo sa sandatang tumilapon sa tabi. Hustong nahawakan ng lalaki ang sandata nang manlaki ang mga mata nito. Ni wala itong nasabi at bumagsak sa damuhan. Tulad din ng kung paanong walang narinig kahit na tunog ng baril.

Umikot lang sandali ang mga mata ni Kurt at hinanap ang isa pang kasama nito subalit natitiyak nitong wala na iyon. Kalmanteng bumalik sa sasakyan ang lalaki.

“Oh, g od...!” s i Jade. Pakiramdam niya’y binabangungot siya. Tahimik na pinatakbo ni Kurt ang sasakyan na tila walang nangyari.

“Hindi mo kailangang patayin ang taong iyon!” akusa niya. “Nahagip mo na siya kanina!”

“Inunahan ko lang siya,” tahimik nitong sagot. “At iyong kasama niya, babalikan ka niyon. But I’ll kill him first.” Natitiyak nitong hindi magdadalawang-isip na pumatay ng kung sino man ang pinuno ng grupo.

Pinatamaan lang niya sa binti ang mga kasamahan nito upang may abutan ang mga pulis at si Bernard. Subalit tadtad ng bala ang dalawang lalaki nang dumating si Bernard sa pabrika.

Napasandal sa sandalan ang dalaga. Inihilig ang ulo at pumikit. This isn’t a game anymore. This is real! Dalawang guwardiya ang napatay. Ngayon nama’y dalawa mula sa panig ng mga kalaban.

She’s trembling in terror.

TAHIMIK siyang umiinom ng brandy upang maalis ang tension sa katawan habang kausap ni Kurt si Bernard Fortalejo sa telepono.

“Take care of the mess, Fortalejo.” s i Kurt. “Nakatakas ang isa. Pero nahagip ng headlights ang mukha ng lalaki. At hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita... y es, she’s here.” n ilinga nito si Jade. Tinakpan ang mouthpiece. “Gusto mong papuntahin dito ang tiyo at tiya mo?”

Marahan siyang umiling. “I–I’m okay...” she lied.

Muli nitong ibinaling ang pansin sa kausap. “There’s no need for you to come here. She’s perfectly alright,” sabi nito. “Tiyakin mong hindi lalabas sa peryodiko ang eksaktong balita.”

“Ako ang bahala.” s i Bernard na tumiim ang mga bagang. Nagpupuyos ang mga mata sa galit. “Konektado ka pa ba sa CIA?”

Hindi agad nakasagot si Kurt. Isang matalim na paghinga ang binitiwan nito bago muling nagsalita.

“Not anymore...” i yon ang uri ng tanong na tila nagsisilbing gasolina sa nag-aapoy na niyang damdamin. “But I have friends...”

“Can’t we find out kung sino ang mga taong iyon?”

“Kaya mong gawin iyon,” sagot nito. “You don’t need my underground friends.”

“But dammit, you didn’t have to kill him. Papaano ko malalaman iyon?” Hindi nito dapat sabihin iyon. Kurt was trained to kill the enemy. At bago pa makasagot si Kurt ay nagsalitang muli si Bernard. “From now on, sa katabing silid ka ni Jade matutulog, Kurt...”

“What!” m agpoprotesta sana ang lalaki subalit nawala na sa linya ang kausap. “Sonofabitch!” Ibinagsak nito ang telepono pabalik sa craddle.

Pagkatapos ay humakbang ito patungo sa minibar. Nagsalin ng alak sa baso at ini-straight.

“A-ano ang sabi ng Uncle Bernard...?” tahimik na tanong ni Jade. Nakaupo sa sofa at hawak sa nanginginig na mga kamay ang kopita ng brandy.

“Na sa katabing silid mo ako matutulog mula ngayon!” nagpupuyos nitong sagot.

Nanlumong napahinga nang malalim si Jade. Kitang-kita niya ang disgusto sa mukha ng lalaki.

“Hindi mo kailangang sumunod. I’ll be safe here in my own house, Kurt.” b agaman gusto na niyang pagdudahan ang huling sinabi.

Nagtagis ang mga ngipin ni Kurt. “Subukan mong sabihin sa tiyuhin mo iyan...”

Pinagsalikop niya ang mga kamay sa wineglass. Pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay tumingala sa lalaki na humugot ng sigarilyo sa bulsa at ikinulong sa mga labi ang filtered tip.

Inabot nito ang posporo sa ibabaw ng counter at nagsindi at pagkatapos ay ikinulong sa mga palad ang apoy at saka idinikit sa dulo ng sigarilyo.

She watched his every move. Ang lakad nito... ang pagkilos... were all masculine. Even his brother and cousins couldn’t compete.

Naalala niya ang gabing itulak siya nito pahiga sa baldosa upang huwag siyang tamaan ng bala. Hindi iilang pagkakataong naisip niya ang eksenang iyon. Nasaktan sana siya sa pagbagsak kung hindi sa mga bisig ni Kurt sa likod niya.

Sa kabila ng panganib, she was firmly aware of the man... of the arms that embraced her and kept her safe. So overpowering and yet he made sure na hindi siya masaktan.

“Hindi nga pala kita napapasalamatan pa sa pagliligtas mo sa buhay ko, almost three years ago, Kurt,” pagbasag niya sa katahimikan. “At ganoon din kanina at sa ibang mga pagkakataon.”

Mula sa pagitan ng manipis na usok ng sigarilyo’y tinitigan siya nito. “Huwag mo akong pasalamatan,” malamig nitong sagot. “Binabayaran ako ni Bernard Fortalejo para gawin iyon.”

Tahimik niyang inilapag ang wineglass sa side table. Muling nag-angat ng paningin. “Who are you, Kurt?”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“You aren’t simply a bodyguard that my uncle took in some detective agencies. Hindi gagawin ng isang ordinaryong detective ang ginawa mong pagpatay sa dalawang tao kanina. And though you didn’t literally shoot that driver, you killed him just the same nang dalawang beses mong banggain ang sasakyan nila.”

“Meaning I’m a murderer?” sarkastikong tanong nito. Nagbuga ng manipis na usok sa ere.

“Hindi ko sinasabi iyon,” banayad niyang sagot. “But killing comes easy for you.”

Paismid itong nagbuga ng hininga. “You’re right. Hindi ako isang ordinaryong detective though I owned the security agency na nagsu-supply ng mga guwardiya sa iba’t ibang kumpanya. Part of my job was to kill the enemy... when it left me no choice.” Idinagdag nito ang huling sinabi, which is unusual. Dahil karaniwan na’y wala itong pakialam kung ano man ang tingin ng ibang tao. Subalit sa isang sulok ng isip ay hindi nito gustong isipin ni Jade na isa siyang mamamatay-tao nang walang kadahi-dahilan.

But hell! What does it matter. May dahilan o wala, nabahiran ng maraming dugo ang kamay niya. Kahit pa sabihing kaaway iyon na kung hindi niya gagawin ay siya ang mamamatay.

“Hindi mo kailangang patayin ang nasa rampa. Nakita kong hindi na siya makakalayo...”

Tumalim ang mga mata ni Kurt. “Kung hindi ko siya pinatay ay papatayin din siya ng kasama niya. At ginawa ko iyon upang ibigay ang mensaheng hindi ako madaling kalaban.”

She sighed wearily. “Y-you said part of your job w-was to kill the enemy. What was—”

“I don’t want to talk about it,” agap nito sa pinal na tono. “You still have a few hours to sleep. Pumanhik ka na sa itaas... sa silid mo...” utos nito.

Marahan siyang humakbang palapit dito. “Don’t dismiss me like a child, Kurt.” a ng tinig niya’y sa pagitan ng iritasyon at pakiusap. “I’m scared, you know. This isn’t a joke anymore. People are killed. At iyong... iyong ginawa mo kanina... hindi ko inaasahan iyon. Para akong nanonood ng sine... only it wasn’t a scene in a movie. It was real and I was a participant.”

“Ikinalulungkot kong nasaksihan mo iyon,” walang emosyong wika nito.

Huminto ang dalaga sa harap nito. Almost a meter away from him but he only has to reach his arm at mahahawakan nito si Jade. Muling sinalakay ang ilong nito ng samyo mula sa dalaga. The sweet and feminine scent.

And damn him, nagsisikip ang maong niya!

His hormones are working overtime. Kailangan nito ng date. Pero paano nitong gagawin iyon kung lahat ng oras nito’y okupado ni Jade Ann de Silva?

Damn wench!

“How could you be so without any compassion, Kurt?” banayad na tanong ni Jade. “Wala ka bang emosyon?”

“Para saan ang tanong na iyan?” he snapped.

“You could have asked me how I feel after what happened on the road? If I am in shock? If I am alright...”

“You are alright. I saw to it!” he hissed. Gusto nitong umatras subalit counter na ng minibar ang nasa likuran nito. And Jade’s voice is wrecking his senses... his firm resolve. “You’re one tough lady.”

“I am not alright!” sigaw ng dalaga. Kung papuri ang huling sinabi nito’y binalewala niya. “I’m trembling inside. I’m worried... I’m alone and scared and you don’t care.”

“I am not being paid to care, Jade,” malupit nitong sagot.

“Oh, damn you!” pahikbing sigaw niya.

She was really vulnerable. Anumang sandali ay gusto niyang humagulhol ng iyak. In fact, gusto niyang tawagan si Emerald at umiyak dito.

“Magkano ang gusto mo para lang yakapin ako and say something nice that would make me feel safe and secure?”

Nag-iigting ang mga ugat ni Kurt sa pagpipigil sa sarili. Kanina pa nito gustong gawin iyon. Kanina pa nito gustong ikulong sa mga bisig si Jade at alisin ang takot sa dibdib niya. Pero hindi nito papayagan ang sariling mahulog na naman sa bitag ng isang babae.

Ng mga babaeng higit ang kamandag kaysa sa cobra.

Tumaas ang kamay nito at inabot ang braso ng dalaga. Isang pagkakamali. Her softness and warmth burned his fingers. Mabilis nitong pinangibabaw ang sinanay na self-control nang maraming taon sa US a irforce at sa underworld.

“You’re safe with me. Mapapatay na muna nila ako bago ka nila mahawakan,” he said firmly. Professionally. Inakay ang dalaga patungo sa bungad ng hagdan. “Go upstairs and I’ll give you something to calm you down. I know you’re upset.”

“I am upset! Pero hindi ko kailangan ng tranquilizer!” protesta ng dalaga at iwinaksi ang kamay ni Kurt.

Binitiwan siya ng lalaki. Bigla na bahagya siyang napaatras. “Ano ang gusto mo?” he asked calmly, dangerously.

“Talk to me. Hold me... kiss me, if you want. Stay with me and—”

“And f—k you? Is that what you want?” Kasinlamig ng yelo ang tinig nito.

Kung paano siyang nakalapit uli at mabilis na ipinadapo sa mukha ni Kurt ang palad niya’y hindi niya alam.

Nanunuot ang titig na ibinigay ni Kurt sa kanya. Pumapaso sa buong pagkatao niya. Kinakabahang umatras si Jade.

“I—” l umunok siya. “I—am sorry. I didn’t mean to hit you...”

“You women are all the same.” n anunuot sa buto niya ang lamig mula sa tinig nito. “You always get what you want... in one way or another.” i tinaas nito ang kamay at marahas siyang kinabig. Claimed her lips in a punishing kiss that bruised her mouth.

She moaned in pain as she struggled herself free. Pero lalo lamang dumiin ang halik. He was giving her a full mouth kiss and tried to part her teeth with his tongue and succeeded. His tongue’s penetration shocked her.

Huminto siya sa pagpalag at wala sa loob na napahawak sa mga balikat nito.

Ang marahas na halik ay nabawasan. Subalit mariin at malalim pa rin... erotic and yet it meant to insult her. Pero hindi napigilan niyon ang sensasyong pinukaw sa kanya.

After a long and thorough kiss, he jerked her forward.

“Tulad ng inaasahan ko,” magaspang nitong sabi. Ang mga mata’y puno ng malisya. “Jade Ann de Silva, a lady. Pero para kang pulbura. Handang magsindi at sumabog.” At marahan itong tumawa. Malisyoso at marumi.

Sa mga babae sa pamilya, siya raw ang may pinakamahabang pasensiya. Siguro nga. Dahil sa mga sandaling iyon ay kulang na lang na magdugo ang palad niya sa pagbaon ng mga kuko sa matinding pagkakakuyom upang huwag muling tumaas ang kamay niya at sampalin ang lalaking ito.

“Y–you’re a filthy sonofabitch, La Pierre!” ang hindi niya mapigilang sabihin bago siya patakbong pumanhik sa hagdanan.