“H INDI ninyo siya dapat kinausap, Grandmere,” pagalit na sabi ni Kurt sa matandang babae nang malamang nagtagal doon si Jade.
“Panahon na para mag-asawa kang muli, Kurt,” ang matandang babae na hindi natigatig sa galit ng apo. “Panahon na upang kalimutan mo ang nakaraan. Hindi mo ba nakikita at sinasaktan mo ang babaeng iyon? Mahal ka niya.”
“Hindi kami bagay.” Padarang niyang hinila ang upuan at naupo sa lugar kung saan naupo si Jade.
Naroon pa ang tasa ng kape nito sa mesa. Naroon pa ang malabong bakas ng lipstick ng dalaga. Lipstick that he thought he’d erased from her lips. He touched the rim of the cup then angrily rubbed the lipstick off.
“Kailan ba hindi bumagay ang krema sa kape, apo?” naaaliw na sabi ng matanda, sabay ng pagtaas ng kilay sa ginawa ng apo. “Kung masarap ang krema sa instant na kape ngayon ay di lalong higit sa kapeng barako, hindi ga?”
“Hanggang saan ang sinabi ninyo sa kanya?” He raised a grim face to his grandmother.
“Hanggang doon lamang sa bahaging alam ko tungkol kay Ellaine. Kung ang ibig mong tukuyin ay ang tungkol sa pagkatao mo’y hindi ko iyon sinabi, Kurt. Ikaw lamang ang maaaring magsabi niyon.”
“Pandidirihan niya ako.” Ikinulong nito ang ulo sa mga palad.
“`Pag nangyari iyo’y hindi siya ang babaeng para sa iyo. Walang dahilan upang mahalin at ibigin mo rin siya,” pormal na pahayag ng matandang babae. “At ngayon pa lamang ay alamin mo na iyon kaysa pinahihirapan mo ang sarili mo. Mas madaling kalimutan ang babaeng walang-kuwenta!”
Nag-angat siya ng mukha sa abuela. “Hindi ba ninyo alam kung gaano kayaman ang babaeng iyon, Inang? Ano ang maaari kong ialay sa kanya?”
“Istupidong lalaki,” wika ng matanda. “Ikaw na rin ang maysabing hindi matapobre ang mga Fortalejo. At saka bakit kailangang masindak ka sa yaman nila? Iyon ba ang habol mo upang mahalin si Jade?”
“Alam ninyo ang sagot diyan.”
“Ganoon naman pala. Inilaban ka niya sa pamilya niya. Patunayan mong karapat-dapat ka.”
“Grandmere, napakadaling sabihin...” he groaned agonizingly. “Subalit alam ninyong higit kong kinatatakutan ang maaaring maging reaksiyon ni Jade sa pagkatao ko.”
Huminga nang malalim ang matanda. “Hindi lahat ng mga babae’y tulad ni Elizabeth at Ellaine, Kurt. At kung naduduwag kang ipakipagsapalaran ang magiging bunga ng pagtatapat ay nasa sa iyo iyon. Mamamatay kang hindi mo alam kung ano ang magiging pagtanggap ni Jade doon.”
ISANG linggo matapos ang pag-uusap na iyon ay dumating sa Kristine Cement si Kurt.
Inilapag nito ang calling card sa harap ng sekreta rya ni Bernard. (Matagal nang nagretiro si Andrea).
“Gusto kong makausap si Bernard Fortalejo...”
Nag-angat ng paningin ang sekretarya. “May appointment ho ba kayo?”
“Hindi ko kailangan ang appointment,” mariing sabi nito. “Gusto ko siyang makausap sa ayaw at sa gusto mo.”
Bahagyang lumunok ang sekretarya. “May director’s meeting sa loob ang mga boss. Maaari ba kayong maghintay?”
Walang kibong tinungo nito ang bench at naupo. Dinampot ang peryodiko upang abalahin ang sarili. Subalit hindi pa man ito nakapagbuklat ng dalawang pahina’y bumukas ang silid ni Bernard.
“Rosalie,” bungad nito. “Pakitawagan mo nga si Mr. Lacson, sabihin mong parating na—” Natuon kay Kurt ang mga mata nito. Nagdilim ang anyo ni Bernard. “Ano ang ginagawa mo rito?”
Tumayo si Kurt. “Galing ako ng Kristine Steel. May meeting daw rito ang board. Gusto kitang makausap, lalo na si Marco.”
“Para ano?”
“Gusto mong dito ko sabihin?” Nilinga nito ang empleyado at ang iba pang naroroon.
Binalingan ni Bernard ang sekretarya. “Postpone my meeting with Mr. Lacson. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag.”
“Yes, s ir.”
Nang pumasok uli si Bernard ay kasunod na si Kurt. Sa silid nito’y bukas ang adjacent door na siyang conference room. Nagtayuan na ang ibang mga naroroon. Ibig sabihi’y tapos na ang meeting. Nagulat pa si Marco nang makita siya.
“Ano ang ginagawa mo rito?” Lumatay ang galit sa mukha ni Marco. “Alam kong matapang ka, Kurt. Balewala sa iyo ang pumatay ng tao pero hindi ko akalaing magagawa mong makipagkita pa sa akin pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko. And if Bernard failed to kill you, tutuluyan kita!”
“Sanay akong umapak sa teritoryo ng kaaway, Marco,” ganti ni Kurt.
“Oh, well, mauuna na kami, Marco... Bernard...” ang ibang miyembro ng board na kumaway at lumabas na. Hindi gustong mapagitna sa personal na alitan.
Naiwan ang buong pamilya. Naroon din si Nathaniel, Zandro at si Margarita na ang mga mata’y pare-parehong nakatuon sa bagong dating.
“If you want to talk to me,” ani Bernard sa malamig na tono. “You might as well talk to the rest of my family.”
Kurt groaned silently. Ang buong akala niya’y ang dalawang lalaki lang ang makakaharap. Hindi kailanman siya natakot sa maraming panganib na kaugnay ng trabaho niya. Subalit sa harap ng mga ito’y gustong manginig ng mga tuhod niya.
Lahat ng mga mata’y nang-uuri. Ang apat na malalaking lalaki’y tila handang paulanan siya ng bala anumang sandali. Ang kaisa-isang babae’y walang imik na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Ikaw ba ang Kurt La Pierre?” si Margarita.
“Hrmp... yes, Ma’am...”
“Maupo ka, hijo... at kung anuman ang sadya mo’y pakikinggan namin.” Itinuro nito ang upuan sa tabi.
“Margarita...” s i Marco sa tutol na tinig. Nagpupuyos pa rin ang loob.
“Marco,” banayad na wika ng babae. “Why don’t you hear him out first...”
Walang kibong hinila ni Kurt ang silya at naupo. He felt silly and stupid. Never in his whole damn life na makadama siya ng ganitong antisipasyon. Never in his life that he cared what other people say sa mga ginagawa at sasabihin niya. He’s almost thirty-five pero tila siya isang binatilyo sa pakiramdam niya.
“Of course, kilala mo si Marco, Jade’s father.” s i Margarita uli. “And Bernard’s my half brother. Na sa pagkakaalam ko’y siyang nakakakilala sa iyo.” t umango siya at tumaas ang tingin kay Marco at Bernard. Ang dalawang lalaki’y parehong madilim ang tingin. “And to your right is my son, Nathaniel...” h indi kumibo si Nathaniel at nanatiling nakatitig sa kanya. “...and next to him is Bernard’s elder half brother, Zandro.”
Si Zandro ay tumikhim. Bahagyang tumango. Gustong ma-amuse sa paraan ng pagpapakilala ni Margarita sa kanilang lahat. Sa wari ba nito’y gustong lituhin ni Margarita ang bisita.
“Ano ang sadya mo?” s i Marco. “Ang alam ko’y itinaboy mo ang anak ko nang makipagkita siya nang dalawang beses sa iyo. For that, gusto kitang pasalamatan...” i t was partly true.
Masaya na sana ito kung hindi nag-hibernate si Jade sa farm at naging malulungkutin.
“She’ll get by, Emerald,” mariing wika ni Marco.
“I don’t think so, Marco,” humihikbing wika nito. “I will never forget you in a million years kung inilayo ako ng Lolo, ng Mommy at ni Nathaniel sa iyo.”
“Dammit, ano ang gusto mong gawin ko? Ang lalaking iyon mismo ang ayaw panagutan ang anak mo. And I don’t really mind at all!” Hindi sumagot ang asawa pero tahimik na umiiyak.
And he will kill this sonofabitch if he had the choice!
Matagal bago nagsalita si Kurt. Tila hindi alam kung paano uumpisahan ang sasabihin.
“She... could get pregnant...” ang nasabi.
Parehong nakaawang ang bibig ng lahat maliban kay Zandro na humagalpak ng tawa. Natuon ang pansin ng lahat dito. Itinaas ni Zandro ang dalawang kamay.
“I just remembered something of that line many years ago... that’s all.” i kiniling nito ang ulo sa amusement. “And come on, you guys. Give the man a break.”
“Well if my daughter will get pregnant then it’s easy to—”
Napatayo si Kurt. “Don’t you dare terminate her pregnancy!”
“Huwag mo akong turuan kung ano ang gagawin ko sa sarili kong anak!” ani Marco, in equal voice. Bagaman hindi ang konklusyon ni Kurt ang gustong sabihin.
“Marco...” s i Margarita na namagitan.
Tahimik na sumandal si Marco, nagpupuyos pa rin ang loob. Paano tinatanggap ng isang ama ang balitang maaaring magdalang-tao ang bunso nito sa isang lalaking hindi gustong pakasalan ang anak? Na sa katotohanan ay may bahagi ng isip na gusto niyang matuwa... at ikamatay, at the same time.
“I love your daughter, Mr. de Silva,” he said in a formal and soft voice, na kahit siya’y hindi aware doon. Muling bumalik sa pagkakaupo. “And if she will have me I will marry her. Sa ayaw at sa gusto mo...” n ilinga nito ang mga nakapaligid. “...o ninyong lahat.”
“Interesting,” tuya ni Marco. “Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? You must have realized kung gaano kalaking salapi ang kasama sa pangalan ng anak ko?”
Bigla, ang pormalidad at kababaan ng tinig ay nahalinhan ng paniningkit ng mga mata. “F—you!”
Napangiwi si Margarita roon. Ang mga lalaki’y tahimik na nakamasid. Si Zandro ay hindi maiwasang mapangiti. Nakikita ang sarili sa lalaki maraming taon na ang nakalipas. But he was tamer compare to this man.
Tumayo si Kurt at niyuko si Marco. “May palagay akong walang silbi ang pag-uusap na ito. Ganoon pa man, gusto kong malaman mo, ninyong lahat na kakausapin ko si Jade sa gusto o hindi ninuman.” i nilipat nito ang tingin kay Bernard. “Higit kanino man alam mong kaya kong gawin iyon saan n’yo man siya itago...”
“I’ll kill you first, Kurt!” s i Marco uli.
“Then kill me now. You may be the devil but you can’t stop me,” hamon nito.
Nag-fake ng pag-ubo si Bernard. “Ano ang dahilan at gusto mong kausapin si Jade ngayon? Bakit hindi noong nagtungo siya sa iyo?” kalmanteng tanong ni Bernard. “What made you change your mind, Kurt?”
He tensed.
Hindi makasagot.
Inikot ang paningin sa lahat ng mga naroroon na pawang naghihintay ng sagot niya.
Nanlulumong naupo uli si Kurt. “Don’t you know?” marahang tanong nito kay Bernard. “Hindi mo ba alam kung ano ang Papa?”
“Iisa lang ang alam ko. Magkaibigan kami. Handa naming ipagkaloob ang buhay namin sa isa’t isa noong mga panahong iyon,” tahimik na sagot ni Bernard.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. “I love your daughter, Marco, you must believe that.” n ilingon nito ang matandang lalaki. “Though g od knows how I tried to suppress my feelings. How I tried to keep my job on professional basis. Hindi mahirap gawin iyon. I only have to hate her... as a woman. I couldn’t believe myself how Jade made me lost control... that I have no control over myself anymore...”
Bernard knew how it was so difficult for Kurt to express emotions.
“I was crude, rough, and everything that would make her hate me. But she didn’t...” b ahagyang nabasag ang tinig ni Kurt doon. Pinuno ng hangin ang dibdib at nagpatuloy. “I have no wish of marrying her... hindi dahil hindi iyon ang gusto ko. Kundi baka hindi niya ako tanggapin sa sandaling malaman niya ang totoong ako. I’d rather die than see the hatred in her eyes...”
“Ano ang gusto mong sabihin?” s i Marco na bumaba ang tinig.
At sa harap ng lahat ay sinabi ni Kurt ang gustong sabihin. Ang lahat-lahat mula sa araw na nakilala nito si Ellaine hanggang sa ito’y mamatay sa sumabog na sasakyan kasama ang anak nila.
At ang lihim ng pagkatao niya.
Ang pagkamangha ng mga ito’y para kay Ellaine at sa ginawa nito. Maliban kay Bernard na nanatiling tahimik at walang ekspresyon sa mukha. Subalit tila hindi napansin ng mga ito ang bagay na ipinagtapat ni Kurt tungkol sa pagkatao niya.
“Hmn... interesting.” s i Nathaniel na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon. “At paano kung ang inaasahan mo’y siyang maging reaksiyon ni Jade?”
Pain passed through his eyes. Subalit agad ding nawala.
“I’ll cross the bridge when I come to it,” he said in a cold voice. Hindi alam kung naipagkanulo siya ng kaunting takot sa tinig. “You’ll never see me again. She is all that matters. I do not even care a whit what you think about me.” Tumayo na siya. “Good day, Ma’am.” n iyuko niya si Margarita.
Nakalabas na siya ng pinto nang basagin ni Bernard ang katahimikan sa kanilang lahat.
“I couldn’t believe my niece wormed her way into that hard man’s heart and cracked the ice that he built around him for years. Matagal ko nang alam ang ipinagtapat niya ngayon...”
Walang gustong sumagot. Iisa ang nasa isip ng mga lalaki—how their wives did the same thing... in one way or another.