“K ALILIMUTAN mo ang lalaking iyon, Jade!” ang tila kulog na salita ni Marco.
“I love him, Daddy,” pahikbing sagot niya. “At gagawin ko ang lahat para tugunin ni Kurt ang damdamin ko at wala kayong magagawa!”
“Ipapapatay ko ang lalaking iyon!” poot na pahayag ni Marco. Nagtumbahang lahat ang laman ng mesa sa library sa pagpukpok nito. “Dapat ay sa puso pinatamaan ni Bernard ang lalaking iyon! Dapat ay tuluyan niya itong pinatay!”
“Then I would have died with him!” she cried passionately.
“Marco...” s i Emerald sa banayad na tinig. Hinahaplos ang likod ng anak.
“Dad.” n akikiusap ang tinig na tumingala sa ama ang dalaga. “All my life, I’ve been a good daughter to both of you. Wala kayong ginustong hindi ko sinunod dahil naniniwala akong para sa akin iyon... para sa amin ni Romano. But let me live my life this time, Daddy...” s unod-sunod ang hikbi niya.
“Hindi si Kurt ang lalaking para sa iyo, Jade,” nanlalambot na wika ni Marco. Napahawak sa gilid ng mesa. “He’s older, mahigit sampung taon.”
“You’re twelve years older than Mom,” paalala niya.
“At nagkaasawa na si Kurt. Namatay ang asawa niya sa pagsabog ng isang kotse na nakalaan para sa kanya. Kasama ang tatlong buwang gulang nilang anak na lalaki.”
“Oh, god!” panggigipuspos ni Jade.
“He was an ex-pilot for jetfighter planes who fought in the Gulf for almost a year. CIA took him. For three years, balewala kay Kurt ang pumatay—”
“Ng kalaban!” agap niya. “For protecting his bosses’ damn asses who worked behind desks and driving limousines! For risking his life for Uncle Sam! Alin na lang sa dalawa, Daddy? Siya ang mamamatay o ang kalaban niya. Just like what he did to the men who tried to kill us...”
Nagsalubong ang mga kilay ni Marco.
“Ano ang ibig mong sabihin?” Si Emerald ay natilihang humarap sa anak.
“Oh, Daddy.” u miiyak siyang umiling. “Kurt saved my life since you hired him almost three years ago. Hindi iilang beses niyang ipinain ang buhay niya dahil sa akin...”
“Balewala ang trabahong iyon sa kanya, Jade,” paliwanag ni Marco. “He was trained to kill. I paid him to protect you. Enormous amount of money.”
Itinaas ng dalaga ang mukha. “No matter what you say, Dad, I love him...”
Napaungol si Marco. Si Emerald ay tila spectator sa sagutan ng mag-ama. Nahahati ang puso sa pagitan ng anak at asawa. Pinaalala nito ang pakikipagsagutan niya kay Don Leon at Nathaniel nang gustuhin niyang makipagkita kay Marco maraming taon na ang nakararaan.
“Kahit na sabihin ko pa sa iyong ang asawa ni Kurt ay isang confirmed spy at nagtatrabaho sa KGB? And it was rumored that Kurt was a double spy,” hamon ni Marco sa anak.
Nanlaki ang mga mata ni Jade. So iyon ang ibig sabihin ng Uncle Bernard niyang traydor sa sariling bansa si Kurt. Gusto niyang manlumo. Wala siyang pakialam kung aling bansa ang nagdidigmaan nang lihim sa isa’t isa. But a traitor is a traitor.
“And who knows kung ano’ng sekreto ang ipinapasa ni Kurt sa kalabang bansa sa pamamagitan ng asawa niya. Iyon ang dahilan kaya nag-resign siya sa CIA,” patuloy ni Marco. Nakakita ng pag-asa sa hindi makapaniwalang anyo ng anak. “Tatanggalin din siya. And who knows, he could be terminated. Iyon ang dahilan kaya siya narito sa Pilipinas.”
“Nariyan si Bradley, hija.” s i Emerald sa banayad na tono. “Hindi ba at matindi ang pagkakagusto mo sa kanya bago ka umalis patungong Amerika? At malimit ka niyang kumustahin sa akin sa tuwing nagkikita kami sa mga function...”
“I don’t love him,” tahimik niyang sabi. Tinuyo ng panyo ang mga luha. Tumayo at hinarap ang ama. “Daddy, nakikiusap ako. Don’t make it hard for me. Hindi ko alam kung ano ang damdamin ni Kurt sa akin at—”
“And yet you gave yourself to that savage!” Pulang-pula ang mukha ni Marco sa pagbangong muli ng matinding galit.
She raised her face a fraction at sinalubong ang mga mata ng ama. “I’m twenty-four. At wala kayong maaaring iakusa sa aking kaluwagan ng moral. Alright, I made a mistake this time. Let me handle this... my way.”
“I’ll disinherit you, Jade!” pahabol ni Marco nang nasa pinto na siya.
“Cliche, Dad,” matabang niyang sabi.
“You’re my only daughter...”
Nahinto sa pag-ikot ng knob ang dalaga. Saw the pain in her father’s eyes sa kabila ng galit.
Muling pinamukalan ng luha ang mga mata niya. Humakbang pabalik sa ama. Tumingkayad at hinagkan ito sa pisngi.
“I love you, Daddy... kayo ng Mommy. But I love him, too. But don’t worry, Dad. Hindi naman ako tanga para habulin ang lalaking ayaw sa akin. Pero gusto ko munang marinig ang bahagi ng kuwento kay Kurt. Even if I have to choke it out from him.”
“Hindi siya ang tamang lalaki para iyo, Jade,” usal ni Marco sa nanlulumong tinig.
“It is a matter of opinion, Daddy. Kurt is a good man. At paniwalaan ninyo ako sa sinasabi kong iyan. Hindi dahil mahal ko siya kundi dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘good man.’ You.”
Ilang sandali nang nakalabas ang dalaga’y nanatiling tahimik sa pagitan ng mag-asawa. Si Marco ang bumasag sa katahimikan. Hinila ang silya at hapong naupo.
“I shouldn’t have retired... I shouldn’t have allowed my only daughter manage this damn company...” t ila tumanda nang maraming taon si Marco. Ikinulong ang ulo sa mga palad.
“She loves him, Marco...” Emerald whispered softly. Nagbabara ang lalamunan sa emosyon sa nakikitang panlulumo ng asawa. “Just as I loved you kahit na ikaw pa ang pinakamahigpit na kaaway ng Lolo at ni Nathaniel. Mas matindi ang ginawa mo sa akin kaysa sa ginawa ni Kurt kay Jade. You kidnapped me at sapilitang itinigil sa de Silva farm...”
“Huwag mo akong ikumpara sa lalaking iyon, Emerald! He’s a savage... a cold-blooded—”
“Just as I thought of you as the devil, Marco,” putol niya sa sasabihin nito. May kislap ng alaala sa mukha ni Emerald sa kabila ng kaseryosuhan ng pag-uusap. “And I defied both Leon and Nathaniel for you. Loved you despite the uncertainty...”
“Iba ang pangyayaring iyon, Emerald.” n agtaas ng ulo ang lalaki. “I loved you the first moment I’d set my eyes on you. And I was an honorable man and—” h indi nito itinuloy ang sinasabi nang makita ang paglitaw ng ngiti sa mukha ng asawa.
“Bibihira kitang marinig na magyabang, darling. I kind of like it. It reminds me of the old days nang kidnapin mo ako...”
“And your daughter is exactly like you. Stubborn!”
Lumapad ang ngiti niya. “But you loved me just the same.”
“Oh, come here, darling...” i nilahad ni Marco ang dalawang palad. Tumayo at humakbang si Emerald palapit sa asawa at pumaloob sa mga braso nito. Isinubsob ni Marco ang mukha sa tiyan niya. “Where have I gone wrong, Emerald, para maging ganito si Jade?” he asked agonizingly.
Isinuklay ni Emerald ang mga daliri sa buhok ng asawa. Buhok na ilang panahon na lang ay magkukulay-puting lahat. Ang lalaking mamahalin niya sa lahat ng panahon.
“You’ve raised a wonderful daughter, my darling. Trust her.”
“Trust her go after that man!”
“You were never judgmental, Marco. Pagdating sa anak mo’y nawawala ang matinong pananaw mo.”
“I only want the best for my children, Emerald.” t iningala ni Marco ang asawa. Lumalim ang mga linya sa noo. “And she’s my only daughter...”
“I know. At alam din ni Jade iyon. Hindi mo ba narinig at naintindihan ang sinabi niya kanina? Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng mabuting lalaki. You are her yardstick, Marco... and she’s probably right.”