noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 24

Ch. 25 / 78 May 03, 2022

Piggy bank

Pinagmamasdan ko ang mga puno sa paligid habang iniintay matapos kumain ang apat na lalaki. Si T.H ay nakahiga sa isa mga kahoy na upuan doon.

Pumikit ng kusa ang mga mata ko ng umihip ang sariwang hangin. Parang nasa probinsya ako pero ayon nga lang ay hindi ko kasama sina Lolita at Lucky.

Namiss kong bigla ang mangahoy kasama ang pinsan ko at kung pinsan ay namumundok kami para magpicnic.

Lumuwag na ang pakiramdam ko ngayon dahil nakareceive ako kanina lang ng tawag sa pinsan ko. Putol-putol man ang pag-uusap namin dahil sa hina ng signal ay naintindihan ko ang ilang detalye nito.

May nagpadala ng pera kay Lucky kay nakakuha siyang pangbayad sa ospital. Hindi lang 'yun, dahil sumobra ang pera na pangbili ng gamot ni Lolita.

"Anong kadramahan 'yan? Ang lalim ng iniisip mo?" si Jez na parang kabuteng sumulpot sa tabi ko.

Maluwag ang paghinga ko kasabay ng paglanghap ko sa hangin na puno ng oksihino.

"Nagpapasalamat talaga ko sa'yo, Jez!" niyakap ko siya pero agad naman akong pabiro niyang tinulak.

"Bakit? Ang random mo naman!" sambit nito habang pinapapak ang hita ng manok.

"Nawala 'yung manok ko!" sigaw ni Marcus mula sa kabilang mesa. Minabuti naman ni Jez na hindi siya makitang kumakain nito kaya tumalikod siya sa pwestong iyon.

"Latrelle, pakilabas" awtoridad na sambit ni Marcus. Para silang batang nag-aaway.

Humagikhik ako dahil sa reaksyon ni Latrelle. Napakainosente kasi ng mukha nito habang kumakain.

"Alam mong malakas ako sa ulam. Pero hindi talaga ako" pagtanggi ni Latrelle saka tumayo upang maghugas ng kamay gamit ang kanyang tubig.

Iritadong kinain ni Marcus ang natitirang leeg ng manok niya. Si Wyn na katabi nito ay binigyan siya ng tapa.

Wala namang imik si Marcus dahil masama ang timpla nito. Iyon kasi ang pinakapaborito niyang parte ng manok.

"May pakwan akong dala sa bag" patay-malisyang sabi ni Jez na sapat na upang marinig nila.

"Akin na lang!" masayang sambit ni Marcus.

"Bakit ka kasi nangunguha ng ulam?" ani ko.

"Shh. Kulang kasi 'yung dala kong ulam girl. Saka bet ko kasi ng manok ngayon. Alam mo na malapit na ang buwanang dalaw ko", naghugas siya ng kamay saka iniabutan ko siya ng tissue.

Pinagmasdan ko siyang magsuklay ng kanyang buhok.

"Feeling may matres ka" sabi ko na lang.

Hindi naman siya umimik kaya hindi nagtagal ang pag-uusap namin.

Nang matapos na ang ritwal ng mga lalaki kong kasama ay nagsimula na kaming muling maglakad. Marami silang kwentuhan ng may makasabay kaming lalaki na nasa middle 40's ang edad.

Nagkwento siya na kaya pinagbabawal magtapon sa bundok na ito ay bukod sa pagpapanatili ang kalinisan nito ay dahil daw kay Maria Makiling.

"Personally, hindi talaga ko naniniwala sa mga folktale, Manong" aniya Marcus na abalang kumakain ng mangga na binili niya sa isa sa mga tindahan doon.

"Hiker kasi kami ng Papa ko. Nu'ng bata ako naniniwala ako sa ganyan pero nu'ng lumaki ako ay hindi na" patuloy na kwento niya.

"Alam mo Iho wala namang masama kung maniniwala ka o hindi" sabi ng matanda na pinagkibit-balikat na lang niya.

"Eh, sino nga ba 'yung Maria Makiling? Chix ba 'yun?" gago talaga itong si Latrelle o sadyang wala siyang alam tungkol sa dalaga.

Uminom muna ng tubig si Manong bago magpatuloy ng kwento.

Halata naman kay Manong na paniwalain nga sa mga gano'ng bagay. Sa ayos palang niya ay mukhang pangmatandang paniniwala ang nakalakihan niya.

May bandang nakatali sa noo nito. May tatlong buton ang damit niya at may kwintas na parang ngipin ng mabagsik na hayop. Ang shorts niya naman ay gula-gulanit na kupas at nakatsinelas lamang siyang pinagtagpi gamit ang tumb tacks.

"Maganda siyang dalaga. Isa siyang diwata na tagapagbantay rito. Sa katunayan, dati malimit na may nawawalang hikers sa bundok na ito. Bihira lang ang nakababalik. Kung makabalik man ay wala na sila sa katinuan"

Mukha namang kapani-paniwala ang kwento niya kaya gano'n na lamang ang pagtango nina Jez, T.H, at Latrelle. Kahit si Wyn na maka-Diyos ay hindi ako makapaniwalang na maniniwala rin siya sa ganito.

Pero isang tao lang ang iba ang reaksyon. Kunot ang noo ni Marcus kasabay ng pagnguso ng labi nitong mapula.

Matapos ng ilang kalhating oras ay napagpasyahan namin magpahinga muli.

"May pupuntahan lang kami" aniya Latrelle.

Siguro pupuntahan nila 'yung sa Agila. Malapit lang daw 'yun dito.

Namataan ko na lang na nakaidlip ako at boses ni Latrelle ang gumising sa akin.

"Si Marcus! Nawawawala!"

Isa-isa na kaming nagpanic. Si Jez ay tinawagan ang mga forest ranger na nagbabantay sa bundok. Samantalang sina Latrelle at T.H ay nagtanong-tanong sa mga kapwa namin hiker kung nakita nila si Marcus.

Kami naman ni Wyn ay nagtanong-tanong sa mga tindera roon kung nakita nila si Marcus gamit ng pagpapakita ng picture ng aming kaibigan.

Alas-tres ng hapon doon ay nagkaroon kami ng pag-asa ng isang hiker din ang nakakita kay Marcus. Ngunit hindi namin makausap si Marcus. Parang wala siya sa sarili.

"Marcus, pre?" mangiyak-ngiyak na sambit ni Latrelle. Ngayon ko lang siyang nakitang lugmok.

May binuulong si Marcus sa sarili pero hindi namin maintindihan.

Tumulo ang luha namin na kahit si T.H na akala ko ay walang puso ay gano'n na lang din ang pagtulo ng luha niya.

"Ako na pong bahala sa kanya, Sir" sabi ng forest ranger na tinulungan ki sa paghahanap kay Marcus.

"Salamat na lang po. Ako ng bahala sa kaibigan ko" sambit ni Latrelle.

Habang pababa na kami ng bundok para umuwi ay inaalalayan niya si Marcus. Tahimik kaming pinagmamasdan silang dalawa.

Sandali akong tumigil ng makaramdam ako ng sakit tuhod. Kanina pang pagod ito dahil sa paghahanap kay Marcus.

Umupo ako sandali. Susunod na lamang ako sa kanila. Mabagal naman ang lakad nila kaya hindi ako maiiwan.

Ilang segundong pahinga palang ang ginawa ko ng tumigil sa harap ko. Alam ko kung kaninong sapatos ito.

Ngumiti ako sa saya pero hindi ko pinakita ang reaksyon ko. Umakto akong normal ng iniangat ko ang tingin sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko. "Halika. Piggy bank ride" tila siya anghel sa langit dahil sa lamig at lambing ng boses niya.

"Uh. Nakakahiya, Wyn" pakipot muna ng konti para hindi halatang malandi.

"Alam ko pagod ka na kaya h'wag ka ng mahiya"

Namula ako ng pumangko sa likod niya. Impit ang boses ko ng maramdaman kong kamay niyang inayos ang mga tuhod ko.

"Humawak ka ng mahigpit" paalala nito.

Kahit hindi niya naman sabihin ay gagawin ko iyon. Namula ang pisngi ko at nag-init.

Pakiramdam ko ay kailangan kong magpacheck ng BP pagkatapos nito.

"Kaoree! Wyn!" sigaw ni Jez na may halong pag-aalala.

Lumingon ang kaibigan ko sa likuran niya ng sumagot si Wyn. "Nandyan na!"

Halos lumaglag ang panga ni Jez ng makita ako sa gano'ng pwesto. Ilang beses siyang kumurap tila hindi yata makapaniwala.

Ang katabi niya namang si T.H ay kumunot ang noo. Para bang pinapatay niya ko gamit ng kanyang mga tingin.

Hindi ko alam kung bakit parang ginapangan ako ng hiya. Tumungo na lang ako at hinarangan ang aking mukha gamit ng sarili kong buhok.

"Kaoree, ayos ka lang ba?"

"Huh? Uhm... Oo naman!" pilit akong tumawa.