noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 20

Ch. 21 / 78 May 03, 2022

Papatulan

Hindi maalis ang tawa niya habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nakatitig lamang ako sa kanya. Kung palagi siyang ganito ay mas marami pang babae ang mahuhulog sa kanya.

"Nandito ka pala, T.H" sabi ni Latrelle na nakapamulsa. Nagulat ako ng makita siya sa harapan ko.

Nakangisi siya sabay kumindat sa akin halos manginig ako dahil sa hindi ko nagustuhan iyon.

"O, ayaw mo? Kinindatan ka ng gwapo?" natatawa niyang sambit.

Umismid na lang ako.

"Nagpapaayos akong sasakyan. Ikaw ba?" aniya ni T.H ng makabalik siya sa katinuan.

"Nagpapaayos din. Sumabog kasi 'yung gulong napag-abutan ako rito"

Tumango lang si T.H sa sinabi ng kaibigan dahil tinawag siya ng mekaniko. Sumunod naman ako kay T.H para hindi kulitin ni Latrelle.

"Ano ba?"

"May atraso ka sa akin"

"Ano?"

Seryoso ang mukha niya habang nakapamulsa. Hindi ko mawari kung akto lang itong ginagawa niya sa harap ko. Matapang ang itim niyang mga mata na nakatingin sa akin.

"Pinasundo ka sa akin ni Marcus tapos kasama mo pala si T.H"

"Anong big deal dun? Sana nagtanong ka di ba?" umikot ang mga ko. Iiwan ko na sana siya kaso bigla ba naman akong hinila.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Kaya't nanlaki ang mga mata ko. Nanlambot din ang tuhod ko. Kung ganito siya kalapit sa akin ay parang mauubusan ako ng hininga.

Lumapit pa siya lalo sa akin ng pumiglas ako. Hinigpitan niya ang hawak sa magkabila kong braso.

Bumaling siya sa aking tenga. Tumaas ang balahibo ko ng lumabas ang baritono niyang boses mula sa kanyang bibig.

"Sandali lang, Kaoree" Sandali lang naman. Walang masama pero ang amoy ng mamahaling pabango niya ay dinadala ako.

Ilang segundo kaming nagtagal sa gano'ng pwesto hanggang sa kusa niya kong binitiwan. Tinulak niya ko at nagpagpag siya ng mga kamay. Para bang dinumihan ko siya. Eh siya nga itong dumikit sa akin!

"Bakit ba kung makadikit ka parang type mo ko!"

"Wow? Type kita? May dumaan lang na kilala ako"

"Ah. Pinagtataguan mo no! Teka! Sino kaya 'yon?"

Sumilip ako sa kanang bahagi ng kalsada kung saan siya nakatingin.

"Ano ba, Kaoree!" Iritado siya kaya tumigil ako sa pagsilip.

Bumalik naman si T.H kaya umakto kaming normal ni Latrelle na parang walang nangyari.

"Tara", sabi niya sa akin.

Sumunod naman ako at iniwan si Latrelle doon na mukhang ginusumot na papel ang mukha.

Pag-uwi namin sa bahay naabutan kong nagluluto si Wyn. Nakatalikod siya habang nakaapron. Kitang-kita kung gaano kalapad ang kanyang braso.

Dahan-dahan akong humalumbaba sa may mesa. Hindi niya manlang pansin ang presensya ko kaya kung anu-ano ang iniisip ko. Siguro sa future ay ganito siya pag naging asawa ko.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti ng malawak dahil sa pagiging ambisyosa ko.

"Kaoree, nandyan ka na pala"

Nagulat ako sa pagbati niya kaya nagkunwari akong kumamot sa aking baba.

"Ang kati ng baba ko"

Buti na lang at hindi siya malisyoso kaya hindi niya halatang pinagpapantasyahan ko siya. Kung siya ba naman ang magiging asawa ko ay para aking nakajackpot sa lotto.

"Patingin nga"

Seryoso titignan niya talaga? Pwedeng dun sa isang ibaba na lang? De joke HHAHAHA.

Susme, Kaoree! Ang dumi ng nasa isip mo ha.

"Uhm. Wag na, Wyn! Siya nga pala magpahinga ka na. Ako ng bahala dyan!"

"Hindi. Ako na." Pinilit kong agawin ang sandok sa kanya pero ayaw niyang magpaawat.

Napangiti naman siya ng pilit kong inagaw iyon sa kanya.

Isa pang ngiti nitong si Wyn hahalikan ko na talaga siya.

"Sakit niyo sa mata!" aniya ng attitude kong kaibigan. Sino pa ba eh di Jez na mukhang kadarating lang sa photoshoot.

Kalat ang eyeliner niya pati ang lipstick nito.

"Girl, ayos ka lang ba? Mukha kang nakipaglaplapan sa kabayo"

Humawak siya sa dibdib niya. "Ang exaggerated mo naman ha. Saka nandyan si Wyn! Bibig mo!"

Ngumiwi naman ako at nagpeace sign kay Wyn. Pero nakangiti naman siya na parang walang mali sa sinabi ko.

Baka isipin niyang hindi ako mabuting tao. Sa isip ko ay bumuntong hininga ako.

"O, siya. Maiwan ko na kayong dalawa." Sabi niya matapos uminom ng tubig.

Sandali lang naman kaming nagluto ni Wyn dahil menudo lang naman iyon. Kagaya ng kinagawian ay nanood kami ng TV bago matulog.

Si T.H naman nasa kwarto niya ng tinawag niya ko para magtimpla ng gatas. Ilang beses niya ng pinanood ang Harry Potter pero mukhang hindi pa rin siya nagsasawa.

Nakayakap siya sa kanyang mga tuhod habang konsentradong nanonood. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya dahil sa pagtaas at pagbaba ng kanyang balikat.

"Bakit hindi ka pa lumabas?"

"Ah. Oo nga pala. Sorry"

Mabilis kong sinarado ang pinto at tumakbo paibaba ng hagdanan. Hanggang sa...

"Aray!" sabay naming wika ni Latrelle.

Hawak niya ang kanyang noo habang sa akin naman ay ilong.

"Bakit ba hindi ka nakatingin sa daan?" pagsusungit ko.

Kita ko sa maliit na salamin na nakasabit may pader ang pamumula ng ilong ko.

"Nakatingin ako sa daan. Ikaw ang hindi nakatingin. Paano ba naman sa gwapong mukha ko ikaw nakatingin", pagmamayabang niya.

Mas mahangin pa siya sa electric fan ng sala.

Hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik ako sa panonood habang siya naman ay tumaas papuntang kwarto. Wala namang nakapansin na tumabi ako kay Wyn.

Humalakhak sila habang nanonood ng Waikiki.

"Patabi ako, Wyn ha" Hindi naman siya tumututol kaya pakiramdam ko ay namumukadkad ang aking bulaklak.

Hindi ko naintindihan ang palabas dahil sa loob ng dalawang oras pinagmamasdan ko lang ang mukha niyang anghel. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.

"Pst..."

"Ano ba!"

"Pst.."

Hinawi ko ang kamay na sinusundot ang ulo.

"Ano ba natutulog ang tao!"

"Kanina pa tapos ang palabas. Baka gusto mong matulog sa kwarto mo"

Bumalikwas ako ng bangon kaya muntik akong maglaglag ng sofa. Hindi manlang ako ginising nung tatlo.

"Ano bang ginagawa mo rito at nang iistorbo ka sa pagtulog?"

"Ako na nga ang concern. Ako pa ang istorbo. Nilalamok ka kanina pa. Kayo ni Wyn"

Unti-unting bumaling ang mata ko sa kabilang sofa. Hala! Nandun pala siya.

Kinusot niya ang kanyang mga mata.

"Tara, Kaoree. Kanina pa kita iniintay magising pero nakatulog rin pala ako", maliit ang tawa niya na kita ang puti niyang mga ngipin.

Narinig ko ang kanta ng anghel sa langit. Impit ang aking sigaw dahil inintay niya pala ko.

"Crush mo si Wyn ano?", tanong ng chismosong si Latrelle ng siniko.

"Hindi ah!"

"Crush mo eh. Hindi kayo bagay!" bulong niya. Tinitigan ko ang hawak niyang baso na may gatas.

Parang gusto kong itapon sa kanyang mukha iyon kung maagaw ko lang sana.

"Bagay kami no! Wala ng ibang bagay sa akin"

"Hindi ka papatulan niyan. Ako, papatulan kita"

Napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Tila nilipad ako ng hangin sa sinabi niya.

Ang lakas niya! Inaasar niya lang siguro ako.

Gosh! Latrelle! Nakakainis ka talaga!