Chapter Seven
I TINAAS ni Julianne ang dalawang palad sa mukha. Ano ang gagawin niya ngayong napatunayan na ang kataksilan ni Stan?
“How could I be such a fool?” she whispered in a sob.
“Stan’s the fool one.”
Napasinghap siya sa tinig na narinig. Halos matanggal ang ulo niya sa katawan sa marahas na paglingon. Mula sa madilim na bahagi ng kabahayan ay naaninag niya ang isang anino. Gumuhit ang takot sa dibdib ni Julianne at sa isang sandali’y naisip niyang tumakbo palabas hanggang sa unti-unti itong humakbang patungo sa liwanag.
Kumunot ang noo niya nang mapatapat ito sa bahaging naaabot ng liwanag mula sa malamlam na ilaw sa sala.
Julianne frowned. The strong, rugged face, darkened by days old stubble gave him an air of irresistible danger. Ang buhok na umabot hanggang sa collarbone nito ay magulo. Alin na lang sa dalawa, galing ito sa labas o wala itong ginawa sa nakalipas na sandali kundi paraanin doon ang mga daliri.
Pero ang maiitim nitong mata ang nakakuha nang husto sa atensiyon niya. She had seen those eyes before.
And she couldn’t take her eyes off him. Not because he looked familiar but because he was shirtless. And she could see the contour of his body. And a fine body it was. Kahit ang kupas nitong pantalong maong ay iminomolde ang matipunong mga binti.
For a moment Julianne forgot all about Stan. Her heart was beating madly. Pilit na itinatanggi ng isip na nagtagpo na sila ng lalaking ito.
“It’s impolite to stare,” he said in a slur, looking at her with guarded eyes.
She yanked her gaze away from him. Pinamulahan siya ng mukha. Tumalikod ito at lumakad pabalik sa dilim. Wala sa loob na napahakbang pasunod si Julianne. Mula sa ilaw na nanggagaling sa mga nagkakasayahan ay napagtanto niyang sa likod nito ay ang minibar. At sa counter ay naroon ang isang bote ng Scotch whiskey. It was almost half-empty. Sa tabi nito’y isang goblet na wala nang laman.
Had he been there all along? Napakinggan ba nito ang palitan nila ng usapan ni Stan? Kasama ba ito sa mga bisita ni Stan? Had Stan known this stranger had been drinking in the dark alone?
“W-who are you?” tanong niya.
“Benedict... Benedict Aragon...” sagot nito pero hindi lumilingon. In the semi-darkened room, she could see his back, lean and sinewy. Sinalinan nito ng whiskey ang naroroong goblet.
So this was the stepbrother Nadine was talking about. Ayon kay Mrs. de Castro ay karugtong ng lupain ng mga ito ang lupain ng mga Aragon. At ito ang lalaking nakatagpo niya sa deck at ang lalaking muntik na niyang masagasaan ng kabayo sa parang!
Lalong nag-init ang mga pisngi ni Julianne nang hindi lang iyon ang naalala niya. Biglang nanariwa sa isip niya ang kamay nito habang banayad na dinadama ang dibdib niya. And to her horror, nararamdaman niya ang pananayo ng mga balahibong pusa niya sa katawan.
Sa mismong sandaling iyon ay humarap ito sa kanya. A corner of his mouth twitched in a half smile. The flush on her face told him she already knew who he was. And the glint in his eyes told her that they were both thinking of the same thing.
“Sa... sa ferry boat, you mistook me for... for...” Gusto niyang sa unang pagtatagpo nila sa ferry boat ibaling ang isip nito pero hindi niya masabi ang tamang salita.
He raised a brow. “My apology. May bumangga na sa aking una sa ibaba. Sadya akong binangga. If you know what I mean. Inakala kong magkasama kayo.”
She couldn’t find a word to say. The apology didn’t even sound sincere. Ano ang ginagawa niya at nakikipag-usap sa isang lalaking bukod sa mga hindi kanais-nais na insidente sa pagitan nilang dalawa sa nakaraan ay stepbrother pa ni Stan?
Nilinga niya ang bintanang salamin. Patuloy ang kasayahan sa labas; ang pag-iingay ng mga kasamahan ni Stan sa pulitika; ang banayad na musika. Pagkuwa’y ibinalik niya ang tingin dito. He was sipping his whiskey but he was watching her over the rim.
“Now what shall it be? Go home or have drink with me?” tanong nito.
“W-why would I do the latter?”
Nagkibit ito ng mga balikat. “Para lunurin sa alak ang galit at sama ng loob mo kay Stan. Iyon naman ang karaniwang ginagawa ng ilan, hindi ba?”
“Hindi ako kabilang sa ilan.”
He gave her a cursory glance. Muling dinala sa bibig ang goblet. “No, I don’t think you are. But would you rather go home and cry your heart out?” he said over the rim.
Natilihan siya sandali. Ganoon nga ba ang gusto niyang gawin? Ang iiyak sa cottage ang galit at sama ng loob niya kay Stan? She shook her head mentally. No, she didn’t think so. Stan didn’t worth a tear.
Tama ito. Walang dahilan para magmukmok siya sa cottage at manatiling gising sa buong magdamag. Pero hindi matalinong manatili siya rito at tanggapin ang alok nito. He wasn’t better than Stan. Kung ang pagbabasehan ay ang ginawa nito sa kanya sa huling pagtatagpo nila.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakatitig ito sa kanya. There was a challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge. Tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto sa pag-aanyaya ng gagamba na gumapang sa sapot nito.
And this man wasn’t an ordinary spider. He was a wolf spider. A predator. But come to think of it, she didn’t have anything against wolf spider.
“Okay... I’ll have one or two shots,” she said boldly, wise or foolish, so let it be.
A slow, devastating smile appeared in his lips. And for one moment Julianne stopped breathing.
“That’s my girl,” wika nito. Kumuha ng isa pang goblet at binitbit iyon kasama ng sarili nitong goblet na wala nang laman. Dinampot ng isang kamay ang bote ng Scotch whiskey. “Tara sa itaas...”
Napakurap si Julianne. “S-sa itaas?”
Nilingon siya nito. A naughty grin on his sensual lips. “Sa veranda. Mula roon ay maririnig at makikita natin ang mga nagkakasayahan pero hindi nila tayo mapapansin.”
Hindi niya makuhang kumilos sa kinatatayuan niya. Ang makipag-inuman dito ay hindi na katalinuhan. Pero ang pumanhik sa itaas na hindi niya alam kung ano ang mangyayari ay tahasang pagtalon sa apoy.
“Well, we can drink here, if you want,” wika nito. “ p ero anumang oras ay maaaring pumasok si Stan o alinman sa mga bisita niya. Malibang gusto mong malaman ni Stan na naririto ka pa at naghihintay sa kanya...”
Benedict was a better man than Stan...
Iyon ang sinabi ni Nadine sa kanya. Enough for her to take a hesitant step towards him.
He smiled. Tulad sa isang pusang hinainan ng gatas. Nauna itong pumanhik, alanganin siyang sumunod. At saka pa lang niya napuna ang maluwang at malapad na hagdanang pinapanhik nila na tila pamaypay ang pagkakayari.
Halos walang ipinagkaiba iyon sa grand staircase sa Villa Kristine maliban sa mga larawan ng mga Fortalejo na nakasabit sa dingding papanhik.
Nang lingunin niya ang ibaba ay nakita niya ang mga antigong kasangkapan. Nasulyapan niya ang bitak sa stone flooring tanda ng panahon. Ang flooring sa Villa Kristine ay napalitan na ng concave v igan tiles. At bago siya tuluyang makarating sa itaas ay nahagip din niya ng tingin ang isang baby grand piano.
Pagdating sa landing sa second floor ay natambad sa kanya ang isang malaki at maluwang na sitting room. Malalapad at makikintab ang sahig na kahoy. Sa magkabilang dulo ay ang mga pasilyo. It was almost as big as the Villa Kristine. Lamang, sa villa sa Paso de Blas, natatanaw mula sa second floor ang buong sala.
But the house had character. Tulad halos ng lahat ng lumang bahay. She would have loved to live here. Just as she always loved the Villa Kristine. Subalit walang maaaring magmay-ari niyon. It was a common property among the Fortalejos until the next generations.
“This way,” ani Benedict at nilingon siya sandali. Pagkatapos ay muli nitong pinanhik ang isang makitid na hagdanan papanhik sa itaas pa.
Sumunod siya. Sa itaas ay maliit lamang ang landing at may isang silid. Sa kanang bahagi ay ang pinto patungo sa veranda.
Sumunod siya kay Benedict sa paglabas sa veranda.
SINALUBONG si Julianne ng malamig na dapyo ng hangin paglabas niya patungo sa maluwang at madilim na veranda. Ang mga ilaw na nagmumula sa mga poste sa ibaba ang tanging nagsilbing tanglaw. At dahil mataas na ang kinalalagyan nila ay halos hindi umabot ang liwanag doon.
Inilapag ni Benedict sa ibabaw ng barandilya ang dalawang goblet at sinalinan ng whiskey ang mga iyon. Pagkatapos ay iniabot sa kanya ang isa.
With trembling hands, she took the goblet from h im and took a couple of swallows. Ang init ng alak na naglandas sa lalamunan niya ay sapat upang mapawi nang bahagya ang lamig na nararamdaman niya.
Benedict was half-sitting in the balustrade. He was watching her with curiosity and fascination. “You look smart ang intelligent. Hindi ko maintindihan kun g bakit pinatulan mo si Stan. Of course, he is good-looking. But with a face like yours, I’m sure good-looking men would swarm you like bees to honey.”
The backhanded compliment both startled and pleased her. “I... I really belived Stan’s intentions were honest and sincere,” aniya.
“Honest and sincere are not the words you’d find in Stan’s vocabulary,” matabang nitong sabi.
“I realized that now.” Her voice was low. Sultry. And she wasn’t even aware of it.
Nagbuntong-hininga si Julianne at lumakad patungo sa kabilang dulo ng balkonahe. Huminto siya sa dulo at nilinga ang madilim na kapaligiran. Bukod sa mumunting ilaw na natatanaw niya sa laot, ang tanging masasabing liwanag ay ang kislap ng mga alon sa dagat tuwing humahampas ang mga iyon sa dalampasigan.
Niyuko niya ang ibaba na hindi niya maaninag maliban sa tila mga aninong nagsasayaw ang mga sanga ng mga puno. “Mula sa road bend, nakatayo ang bahay na ito sa mataas na dako,” aniya nang hindi lumilingon. Alam niyang nakasunod sa kanya si Benedict. “Ano ang mayroon sa ibaba?”
Humakbang ito palapit sa kanya.” Huminto sa mismong likuran niya. “Isang dalisdis ang tinutunghayan mo. A slope,” wika nito.
Julianne shivered. Hindi niya malaman kung dahil sa malamig na hangin na dumadapyo sa balat niya o dahil sa nararamdaman niya sa likod ng tainga ang mainit nitong hininga.
Pagkuwa’y humakbang si Benedict palapit sa barandilya at yumuko sa kadiliman sa ibaba. “Kahit nasa ibaba ka’y mapanganib para sa isa ang mahulog sa dalisdis dahil sa mga nakausling ugat ng mga punong-kahoy.”
“Ano ang nasa ibaba ng slope?” There was a hint of curiosity in her voice.
“My family’s local version of a bayou...”
“A bayou!” she exclaimed as she turned to look at him in disbelief.
He grinned. His teeth flashed in the dark. “A swamp, lake or a river offshoot. Kung ano man ang gusto mong itawag. Dapat ay makita mo ang view sa ibaba mula rito sa araw. It’s spectacular. At sa likod ng mga nipa at kung ano-anong punong tumutubo sa tubig na nakapaligid sa swamp ay ang mismong dagat.”
“Really?” Hindi niya mapigilan ang pag-ahon ng excitement na makita ang sinasabi nito sa araw.
“Really. At sa swamp ay makikita mo ang napakaraming heron,” wika nito.
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Julianne ang bahid ng lungkot na nakiraan sa tinig nito. Ang pagnanais na malaman ang dahilan ng kalungkutang iyon ay bahagyang nagpamangha sa kanya. “Noong bata pa ako,” patuloy ni Benedict, “iniisip kong ang bahay na ito ay ang aking palasyo at ang nag-iisang silid dito sa itaas ay ang tore. Ako ang hari. Ang kagubatan, ang lake, at dagat ang aking nasasakupan.”
She smiled. “I had the same fantasy when I was a kid.”
“Na hari ka?” tukso nito, naupo sa barandilya.
Ang ngiti niya’y nauwi sa tawa. Totoong tawa. At hindi siya makapaniwalang nakikipag-usap at nakikipagtawanan siya nang ganito sa isang taong, bagaman nakatagpo na niya nang dalawang beses sa nakaraan, ay ngayon lang niya nakilala. Bukod doon, paano siyang nakadarama ng kasiyahan gayong natuklasan lang niya ang kataksilan ni Stan?
But it was so easy talking to him. At nararamdaman niyang unti-unting nababawasan ang sama ng loob niya sa nangyari sa kanila ni Stan.
Pagkuwa’y biglang napawi ang ngiti ni Julianne nang mapunang nakatitig si Benedict sa kanya. Umiwas siya ng tingin, kasabay niyon ay ang pagtataka sa sarili kung bakit hindi niya makuhang titigan ito nang deretso. Benedict wasn’t the first attra ctive man she’d met. But he made her feel uncomfortable. Isang bagay na hindi niya nadama kay Stan.
Pagkuwa’y napukaw ang atensiyon nila sa biglang hiyawan at palakpakan sa ibaba. Kasunod niyon ay ang tinig ni Mayor Alcaraz sa mikropono. Kinukuha nito ang atensiyon ng mga tao at disimuladong nangangampanya kasabay ng pag-eendorso kay Stan bilang kahalili nito sa puwesto at na iboto ito bilang governador.
Muling bumangon ang galit at pagkapahiyang naramdaman ni Julianne. She took an angry breath. “Stan will not win the mayoral race! I promise!”
Benedict chuckled at the anger in her voice. “Hell hath no fury the woman scorned.”
Humarap siya rito, naniningkit ang mga mata. “You don’t believe me I can make him lose in this election, do you?”
Amusement still lit his eyes as he moved toward her. With his thumb and forefinger he raised her chin and looked straight into her eyes.
“Baby, I can understand your anger. Pero hindi mo kilala si Stan. He’s an obsessed, self-centered ambitious jerk. And power hungry. He’d stop at nothing to win the mayoral race.”
Gusto niyang sabihin dito na hindi mananalo si Stan. Na hindi niya kailangang gamitin ang impluwensiya ng ama. That her own money could make him lose because she was going to support his opponent.
But all of a sudden, confusion... and something else overrode her anger and robbed her of her speech. Her heart was beating violently against her chest.
“Forget Stan, Julianne. Get on with your life and—” He stopped in midsentence. Unti-unting humigpit ang mga daliri sa baba niya na nararamdaman na ang pressure niyon. “Malibang may dapat kang ipaghabol kay Stan,” he said in a voice that was as cold as the chilly evening.
Napakurap siya. Pagkatapos ay napasinghap nang marehistro sa nalilitong isip niya ang nais nitong ipahiwatig. Marahas niyang pinakawalan ang mukha.
“May dapat ka bang ipaghabol kay Stan, Julianne?” pahabol na tanong ni Benedict.
“Wala!” s he almost spat the word. Hindi dahil hindi sumubok si Stan na lumampas sila sa dapat lampasan. Alin na lang sa dalawa: dahil sa tuwina’y naroroon si Nadine at ang mga kapatid nito at hindi sila magkaroon ng pagkakataon o dahil hindi siya handang tahakin ang daang iyon para sa magkasintahan?
Kung ano man ang dahilan, labis niyang ipinagpasalamat na walang namagitan sa kanila ni Stan.
Isang maluwag na paghinga ang ginawa ni Benedict. Itinaas sa bibig ang kopita at sinaid ang laman niyon. Pagkuwa’y lumakad pabalik sa pinaglapagan nito ng whiskey. Sumunod si Julianne. Huminto siya ilang hakbang mula rito at humilig sa posteng bato at pinagmamasdan ang muling pagsasalin ni Benedict ng alak sa walang-lamang goblet nito.
She was sure he had too much to drink. At hindi niya makuhang awatin ito sa pag-inom. Muling nakuha ang atensiyon niya ng nagkakaingay na mga tao sa ibaba. Sa pagkakataong iyon ay si Stan naman ang nasa mikropono.
Umaalingawngaw ang tinig nito sa buong paligid habang inaanunsiyo ang engagement nito at ni Milet sa pagkakatuwaan at pagpapalakpakan ng mga tao.
Niyuko niya ang laman ng goblet. Wala sa loob na nilaro-laro ng daliri ang rim. Though she felt no pain, she was humiliated. At ang pagkahabag sa sarili ay unti-unti nang gumagawa ng daan patungo sa puso at isip niya.
“Baby, don’t,” wika ni Benedict na pinagmamasdan ang bawat ekspresyon ng mukha niya. “He’s not worth it...”