Chapter Twenty
N AHAGIP ng mga mata ni Benedict ang pagkaway ni Julianne sa veranda. Nang ihinto niya ang jeep at muling tumingala mula sa salamin sa tagilirang pinto ng sasakyan ay wala na ito roon. Subalit isang pamilyar na ulo ang natanaw niya bago iyon nawala.
Nagdikit ang mga kilay niya. Sinulyapan ang sasakyan ni Stan na nakaparada sa mismong harap ng porch. Nakadikit na ang bumper niyon sa column. Bumaba siya ng jeep at nagmamadaling pumasok sa loob. Nasa gitna siya ng sala nang matanaw ang pagsisikap na tumayo ni Abel mula sa pagkakahandusay, hawak ang duguang ulo.
“Benedict...” ungol nito, “si Julianne.”
Pumuno ang takot sa dibdib ni Benedict at mabilis na tinakbo ang hagdanan. Tila siya palasong itinudla sa paglabas niya sa veranda upang mapako lamang sa kinatatayuan.
Sa kanang dulo ng veranda ay naroon si Stan at nakasandal sa barandilya. Sa harap nito ay si Julianne. Nakatutok dito ang baril.
“Hanggang diyan ka na lang, Benedict!” babala nito. “Papatayin ko ang babaeng ito!”
Pinamanhiran siya ng katawan. Umugong ang tainga niya sa takot na nararamdaman para kay Julianne. “Papatayin kita, Stan, sa sandaling saktan mo si Julie...”
“At papaano mong gagawin iyon gayong hawak kong pareho ang buhay ninyong dalawa?” Malademonyo itong ngumisi.
“Huwag mong idamay si Julie. Ako ang kalaban mo.”
Umismid ito. “Kung hindi dahil sa babaeng ito ay hindi ako matatalo sa eleksiyong ito, Benedict! Ginamit niya ang salapi niya upang ang mga boto ay mapunta sa kalaban ko.”
“Wala akong kinalaman sa pagkatalo mo...” ani Julianne sa nanginginig na tinig.
Ibinaon nito ang dulo ng baril sa leeg ni Julianne. “Walang silbi ang pagkakaila mo, Julianne. Papatayin kita, tulad din ng gagawin ko kay Benedict. Pero bago iyon ay itutuloy ko ang binalak kong gawin sa iyo noon pa mang magkasintahan tayo.”
Naglagutukan ang mga daliri ni Benedict sa pagkakakuyom niya. His eyes met hers. Namumutla ito. Nasa mga mata ang takot. Ang kabilang pisngi nito ay nangingitim. Benedict cursed silently. Halos mabasag ang mga ngipin niya sa pagtatagis. Hindi niya patatawarin ang sarili kapag may nangyari kay Julianne. Ni hindi niya makuhang kumilos sa takot na baka mapahamak ito.
Puno ng galit at pagkasuklam ang mga matang binalingan niya si Stan. “You won’t get away with this, Stan. Sa sandaling ito’y tumatawag na ng tulong si Abel. Hindi mo siya napuruhan...” Sa sulok ng mga mata niya ay nahagip niya ng tingin ang paggalaw ng isang malaking sanga. But he trained his eyes on Stan’s face.
Gumuhit ang takot sa mga mata nito sa sinabi niya. Pagkuwa’y itinaas ang kamay at itinuon ang baril sa kanya. “Kung gayon ay mamamatay ka na muna, Benedict...”
“Yuko, Julie!” sigaw ni Benedict.
Sa pagitan ng kalituhan at ang bahagyang paglayo ng ulo ni Julianne ay ang pagbagsak ng silo sa ulo ni Stan.
“W-what—” He choked the words. Ang lubid na sumilo sa leeg nito ay unti-unting humihigpit. Nabitiwan nito si Julianne upang pigilin ang lubid sa paghigpit.
Tumakbo si Julianne pasalubong kay Benedict. Muling itinuon ni Stan ang baril sa kanila subalit lalong humigpit ang silo sa leeg nito. Isang malakas na sipa ang tumama sa kamay nito at tuluyan nitong nabitiwan ang baril. Walang lakas na lumaylay ang kamay nito sa sakit. Ang kabila ay nakapigil sa lubid na sumasakal dito.
Sinundan iyon ni Benedict ng isang malakas na suntok sa sikmura na halos nagpapugto ng hininga ni Stan at namilipit. “Para iyan kay Julie!” Hindi pa ito nakakabawi ng hininga ay hinila na niya ang lubid mula kay Abel na nakatuntong sa malaking sanga ng isang puno. Ipinulupot niya iyon sa mga kamay at binti nito at mahigpit iyong itinali sa likod.
“Papatayin kita, Benedict... papatayin kita!” sigaw ni Stan na nagpipilit makawala.
Benedict’s eyes sparked in fury. “Sa ginawa mo kay Julianne at Abel ay napakadali para sa aking patayin ka, Stan,” aniya, nagtatagis ang mga bagang. “At ni hindi ako mananagot sa batas. Pero hindi ko dudungisan ang mga kamay ko sa isang tulad mo! Besides, I won’t let you get away with it by simply allowing you to die... You’ll rot in jail!”
“Benedict!”
Napalingon siya. Sapo ni Julianne ang puson nito. Sa dalawang hakbang ay nasa harap na siya nito. “Ano ang nangyayari? Where else did he hit you?”
“M-masakit ang tiyan ko...” she sobbed. “May... nararamdaman akong basa sa panties ko...”
“Darling—” He was confused.
“I’m... ten weeks pregnant, Benedict...”
“Oh, g od!” Agad niya itong sinapo at kinarga palabas ng veranda. Nakasalubong niya si Abel na nag-aalalang tinitigan si Julianne. “Dadalhin ko sa provincial si Julianne, Abel!”
ISANG oras at kalahati ang biyahe patungo sa provincial hospital at natatakot si Benedict sa maaaring mangyari. He drove like mad. Umiingit ang gulong ng four-wheel drive sa bawat pagliko sa zigzag road na bukod sa makitid ay mabato pa. Isang munting pagkakamali at sa bangin sila hahantong. Subalit kabisado niya ang daan tulad ng mga guhit sa palad niya.
“Take a deep breath, darling, and release it in your mouth slowly...” utos niya. He was terrified, pero sinisikap niyang huwag iyong lumabas sa tinig niya. Bago sila umalis ng villa ay tinurukan na niya ito ng gamot-pampakalma... and first aid to stop her bleeding.
Sumunod si Julianne. She was strapped in her seat, hinahaplos ang tiyan. “Forgive me, Benedict. I didn’t tell you about the baby...” humihikbing sabi nito. “I love you and I didn’t want to worry you by my—”
“Sshh.” Inabot niya ang kamay nito at dinala sa bibig iyon at hinagkan. Mists formed in his eyes. “There’s nothing to forgive. And I love you, too, baby. So very much.”
“I know there’s blood in my panties...” wika nito sa pahisteryang tono.
“It’s all right, darling... we’ll be there soon. Please hang on.” Sinisikap niyang konsolahin ito pero siya mismo ay halos nabibingi ang tainga sa takot. Takot sa maaaring mangyari dito. Takot sa magiging epekto kay Julianne kung sakaling mawala ang dinadala nito.
Sa provincial hospital ay agad na ipinasok sa ER si Julianne. Ang resident doctor ay kilala siya. Pinahintulutan siyang sumama sa loob ng ER at siya na mismo ang nagbigay ng utos sa mga naroong doktor at nurses kung ano ang dapat gawin. Hindi sumisigaw si Julianne subalit sige ito sa pagsasalita. Alam ng lahat na naghihisterya ito.
“We have to sedate her, Dr. Aragon...”
Tumango si Benedict. Nagsisikip ang lalamunan niya sa sama-samang emosyon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Julianne.
“I love you, Julie... I love you. Please be strong for me, baby,” he whispered through the mists in his eyes.
“PAPA...” usal ni Julianne nang sa pagmulat ng mga mata ay mukha ng ama ang nabungaran.
“Kumusta na ang pakiramdam mo, Julie...?” tanong ni Bernard.
Unti-unti ang panunumbalik ng pangyayari sa kanya. Gumapang ang takot sa katawan. “Nasaan si Benedict? Ang... ang baby ko...” Dinama niya ang tiyan. “Ano ang nangyari sa baby ko, Papa?”
“Sshh... it’s okay, hija. The baby’s fine,” Bernard said soothingly. “Oh, it’s not even a baby yet!” he said in a light tone. “Ayon kay Benedict, sabi ng mga doktor sa provincial ay spotting lang ang nangyari sa iyo at hindi naman nagtuloy iyon nang maturukan ka ng gamot. What you have been through must have caused it.”
Julianne sagged on her pillow as relief flooded her.
“Sinabi sa akin ni Benedict ang buong pangyayari,” ani Bernard, sinisikap na huwag lumabas ang galit sa tinig. Ang mga mata’y nakatuon sa pasa ni Julianne sa mukha. “You could have told me about this bastard!”
“I never thought Stan was that dangerous, Papa,” she said defensively. Then she looked around her. Mas mukhang hotel suite ang silid kaysa sa isang silid sa provincial hospital. “Nasaan ako?”
“Inilipat ka ng helicopter dito sa Makati Med kagabi. Tinawagan ako ni Benedict kahapon matapos kang maipasok sa ospital. Siya mismo ang nagpilit na madala ka rito sa kabila ng paniniyak ng dalawang ob-gyn sa provincial hospital na walang dapat ipag-alala sa iyo. Doktor si Benedict, dios! p ero natataranta siya pagdating sa iyo, hija.” Bernard shook his head in amusement.
“Where’s Benedict?” A panic rose in her throat. Nagpaiwan ba ito? Ipinaubaya ba siya nito sa ama?
“Calma te, Julianne,” ani Bernard. “Nasa coffee shop ang asawa mo kausap si Jessica.”
“Oh.” She almost smiled. Natitiyak niya, Jessica and Benedict would get along like a house on fire. Pagkuwan ay biglang bumalik sa isip ang salitang ginamit ng ama. Asawa. Sukat doon ay tuluyang nagkalambong ang mukha niya. Namuo ang luha sa mga mata.
Bernard frowned. “Quepasa?”
“Lo siento, Papa,” usal niya sa gumagaralgal na tinig. “Hindi ko kayo gustong bigyan ng kahihiyan. Alam kong ginawan ninyo ng paraan upang mapadali ang annulment ni Benedict sa ex-wife niya. But he couldn’t marry me...” She bit her lip to stop herself from crying.
“Couldn’t?” ani Bernard na kumunot ang noo. “Hindi iyan ang sinabi sa akin ni Benedict nang makipagkita siya sa akin sa opisina kamakalawa.”
Napatitig sa ama si Julianne. “N-nakipagkita sa inyo si Benedict?”
“Bago siya bumalik sa Calapan, si.” Tumango ito. “In fact, I was very surprised when my secretary informed me that my future son-in-law was outside to see me. At first, I thought it was William who wanted to see me. Pero kilala ng sekretarya si William...”
A worried frown crossed her forehead. “Papa, you didn’t... I mean, you—”
“I could have given him a lashing, Julie. Pero nang maisip kong hindi birong lakas ng loob ang ginawa niya upang kausapin ako ay nagbago ako ng isip. I heard him out.” May paghangang dumaan sa mga mata nito. “Maliban sa paraan ninyo ng pagtatagpo at ang madaliang relasyon, I think I like the man. Hiningi niya sa akin nang pormal ang kamay mo. Inihingi niya ng paumanhin ang pagsasama ninyo nang hindi pa nakakasal. At nangako siyang luluwas muli kasama ka at pag-uusapan ang tungkol sa kasal ninyo.”
“But... but...” She was confused. “May... may binanggit ba si Benedict sa inyo tungkol sa—-”
“Villa Manuela?” dugtong ni Bernard. “Sinabi niya sa akin ang lahat ng problemang kinakaharap niya, Julianne. Ang sabi niya’y higit kang mahalaga kaysa alinmang bagay sa lupang ito.” Bernard almost rolled his eyes in amusement. “Wait till your mother hears about this. Anyway, he refused financial help from me. Ilalaban niya sa korte ang testamento ng stepmother niya.”
“Oh, Papa!” Nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso niya.
Sa puntong iyon ay bumukas ang pinto at sumungaw si Jessica kasunod si Benedict.
“Oh, you’re awake!” Nilapitan siya nito at hinagkan sa pisngi. “You just know how to pick me a brother-in-law... a flatterer, for that matter.” Nilingon nito si Benedict at nginitian.
Julianne’s eyes met Benedict’s. He winked at her. “I’m glad you like him, Jess.”
Bago pa may maisagot si Jessica ay mataktika nang nagyaya si Bernard. “Vamos, Jessica. Samahan mo ako sa coffee shop.”
Banayad na tinapik ni Jessica ang tiyan niya. “Ako ang pipili ng pangalan.” She giggled, pagkatapos ay sumunod sa ama sa paglabas.
Naupo si Benedict sa gilid ng kama niya nang lumapat ang pinto pasara. Inalalayan siyang bumangon at isinandal sa headboard. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“I’m fine, Benedict.” Hinaplos niya ang nangingitim nitong mukha dahil sa tumutubong balahibo. “Hindi mo nabanggit sa akin na balak mong kausapin si Papa.”
“It nagged my mind these past few weeks, Julie,” sagot nito. “Ipinag-aantala ko dahil sa problema ko sa mga lupain. Pero nang ipahiwatig sa akin ni John na baka nagdadalang-tao ka ay naisip kong iyon na ang pagkakataong kausapin ko ang mga magulang mo. Si Lolo Benedicto ay bastardo...” His hand moved to her stomach. “Hindi ko gustong maging ganoon ang aking anak.”
“It seems that my family and yours have something in common, Benedict.” Ngumiti siya. “One of these days, sasabihin ko sa iyo ang skeleton ng pamilya. And I am looking forward to meeting this friend of yours.”
“He’d like to meet you, too. John’s like a father to me, Julie. Makakasundo mo siya at ang pamilya niya.” Yumuko ito at banayad siyang hinagkan sa mga labi. “Thank God, you and the baby are safe, darling. You gave me the scare of my life. Hindi ko gustong maranasang muli ang takot na iyon, Julie.”
She smiled. Kumislap ang mga mata. “May... magandang balita ako sa iyo.”
Umangat ang mga kilay nito. “The baby’s good news. Mayroon pa bang iba?”
“Natagpuan ko ang titulo ng lupain ng mga Santa de Leones, Benedict, kasama ang testamento ng Lolo Benedicto mo.”
Natilihan ito. “You... you’re joking.”
Umiling siya. “Sa lumang album. Sa likod ng larawan mo sa inside cover.” Sinabi niya rito kung paano unang pumasok sa isip niyang may parang nakatago sa likod ng larawan at kung paanong hindi niya agad napagtuunan iyon ng pansin dahil sa pagdating ni Stan at ng abogado nito. “Nalimutan ko iyon, lalo at nailigpit ni Abel. Pero nitong umalis ka patungong Maynila ay muli kong naalala.”
Napaungol si Benedict. “No wonder my grandmother had told me always to take care of that particular album. Had I not been so dumb, I could have saved myself a lot of trouble. At hindi ka madadamay...” Remorse in his eyes, niyuko nito ang tiyan niya at muling dinama iyon.
Ipinatong ni Julianne ang kamay sa ibabaw ng kamay nito. “You were just a boy, Benedict,” banayad niyang sabi. “Isa pa’y kung hindi dahil doon ay hindi tayo magtatagpo. Hindi ka uuwi sa Capistrano.”
“Muntik ka nang mapahamak... kayo,” he amended in a gruff voice. Isang pagkalalim-lalim na hininga ang pinakawalan nito. “Hindi na makapanggugulo si Stan, Julie. Hindi lang ang ginawa niya sa inyo ni Abel ang pagdudusahan niya sa bilangguan. Nagkamalay na si Jimenez—ang kalaban niya sa pagkamayor. Sinabi nito na mga bodyguard ni Stan ang bumaril dito. The bodyguards were collared, si Stan ang itinurong mastermind. Mabubulok siya sa bilangguan.”
“Oh, but he still owns the Aragon property.”
Muli itong nagbuntong-hininga. “I could probably buy half of it. Hindi siya tatanggi. Sa nangyayari ay kailangan niya ng pera.”
“And don’t be foolish to refuse my help to buy the rest of the property!” mariing giit niya. “Pag-aari ng magiging anak ko ang lupaing iyon. My child’s birthright. Wala kang karapatang tanggihan iyon.”
“Put it that way, what else could I say?” he said in a resigned tone, pagkuwan ay may dinukot sa bulsa. “I have something for you.” Mula sa bulsa ng denim jeans nito ay inilabas ang isang maliit na bote ng pabango.
“A perfume...” usal niya, binuksan iyon at ipinahid sa palapulsuhan. “Oh, Benedict, I like the scent. It’s sweet and subtle... and exotic.” Sininghot niya ang amoy sa palapulsuhan.
“I sold the right to Avon, Julie. I can use the money they offered me to buy back half of the Aragon property. At pumayag sila sa kondisyon ko na ang pabango ay pangalan mo, ‘Julianne.’”
Tinitigan niya ang maliit na botelya, kasalukuyang walang tatak at pangalan. But soon, this perfume would be in the market with her name on the bottle. Benedict couldn’t have given her a better gift.
Nakatitig pa siya sa pabango nang abutin ni Benedict ang kamay niya at isuot doon ang isang singsing. “My grandmother took it from her finger before she died. Ayon sa kanya’y galing iyan sa Lolo Benedicto at ibigay ko raw sa babaeng magtataglay ng aking pangalan. Hindi ko naisip minsan man na ibigay kay Raquel ang singsing na iyan. When I met you, I know why.”
Julianne was speechless. Hindi makapaniwalang tinitigan ang singsing sa daliri niya. It was a star ruby in emerald cut cast in eighteen-carat yellow gold. May mga brilyantitos na nakapaligid sa pulang bato. Kumislap sa liwanag ang tila manipis na sinulid na naghuhugis-bituin.
Pagkuwan ay ibinalik niya rito ang mga mata. “But... but you never meant to marry me.”
“Hindi ko inisip iyon,” wika nito, kumunot ang noo. “Ang alam ko’y hindi ko maipagkaloob sa iyo ang aking pangalan dahil kasalukuyang nakatali iyon. Huwag nang idagdag ang suliranin ko sa lupain. That was why I asked you to take a chance on me. Though never in my wildest dreams that I gave an indecent proposal to an heiress.
“Kinabukasang magising ako sa town house at wala ka, inakala kong pinaglalaruan mo ako, lalo at hindi mo naman intensiyong ipaalam sa akin ang pagkatao mo. I was so mad at you. But in my heart I was so scared I’d really never see you again.” He paused, his gaze piercing her soul. “Nang dumating ka sa villa, hindi mo lang alam na kinatatakutan ko ang bawat araw. Na baka paggising ko isang umaga’y wala ka na sa tabi ko...”
Dinala niya ang kamay nito sa pisngi niya. “Ay, querido .”
Benedict cupped her chin and raised it to him. “Marry me, Julie, and be the mother of my children.”
Julianne’s heart swelled. Nagsimulang magtubig ang mga mata niya. “Si... si. Te quierro a ti . Benedict. Para siempre.”
“I take that to mean you love me,” wika nito, a spark of love and amusement in his eyes. “What about the last two words?” Yumuko ito at inangkin ang mga labi niya.
“Para siempre... now and always,” she murmured against his lips.
“I love you, Julie, para siempre...”
Julianne grinned.
WAKAS
Watch out for the gorgeous Santa de Leones men in Ang mga leon ng Santa de Leones in Kristine .