Chapter Fourteen
“¡ M ADRE de Dios!” bulalas ni Bernard. “Nagawa mo ito, Julianne! Ikaw na sarili kong anak!”
Hindi siya sumagot. Bernard was in his late fifties and led a healthy life. He was still virile and handsome. Pinatingkad ng paglipas ng panahon ang anyo nito. Women still gave him coveted glances. Kung hindi natitiyak ng mama niya—at kahit nilang magkakapatid—na nag-iisa ito sa buhay ng ama, Jewel would be incessantly jealous.
Gayunman ay kinabahan siya sa galit na nasa mukha ng ama. He could have a heart failure. She had never seen him this angry before. Isa pa ay hindi pa niya magawang sabihin ang tungkol sa resulta ng pregnancy test niya sa sarili kaninang umaga nang magising siya.
“L-lo siento, Papa,” wika niya sa halos hindi marinig na tinig. “I-it was all so sudden.”
“Oh, I bet,” he mocked angrily. “From Stan to his brother?”
“It isn’t that way,” protesta niya. “Besides, they’re not relat—”
“Don’t split hairs, Julianne!” Namumula na ang mukha nito sa galit. “Ang ginawa mo ay mali, imoral at—”
“Oh, g od, don’t throw stones at me, Papa,” she said in distress and anger.
Hinarap siya ni Bernard. Matagal na tinitigan. “Ano ang gusto mong sabihin? Were you referring to me and your mother?” Bernard’s voice was deceptively soft. Ang galit na nararamdaman ay nagliliyab sa mga mata nito.
Repentantly, nagyuko ng ulo si Julianne. “I-I didn’t mean it that way.”
“Wala akong asawa nang magkasintahan kami ng mama mo, Julianne,” patuloy ni Bernard na ang galit ay hindi nababawasan. He was pacing the floor. “Gayunman, hindi niyon binibigyan ng katwiran ang nangyari sa amin bago kami nagpakasal. But to have an affair with a married man is beyond me!”
“Papa, por favor , listen to me. Benedict’s separated. He... he filed an annulment months ago.”
“And you believed him? ¡ Carajo!” he cursed. “Those are one of the ploys to get laid. Innocent and naive that you are, it worked on you!”
Napangiwi si Julianne. Tila patalim na itinarak sa dibdib niya ang mga sinasabi ng ama. Naupo si Bernard sa high backed chair sa likod ng mesa nito. Naririnig ni Julianne ang marahas na paghinga ng ama sa pagsisikap na kontrolin ang galit.
“Sino ang lalaking ito, Julianne? Saan siya nakatira?” tanong nito makalipas ang mahabang sandali.
Kinakabahang nag-angat siya ng mga mata rito. Her father’s face was devoid of any emotion. Subalit nahagip ng paningin niya ang mapanganib na kislap na nagdaan sa mga mata nito.
Napatayo siyang bigla. “No, Papa. Hindi ako papayag na sirain mo si Benedict! Kung mayroong may kasalanan, ako iyon!”
Tinitigan siya ni Bernard. “He seduced you, Julianne. Wala kang kalaban-laban sa isang lalaking tulad niya. What’s his name again?”
Hindi niya iniwas ang mga mata sa panunuri ng ama. Then she raised her head defiantly. “Benedict Aragon. He’s a surgeon. Ang anumang binabalak mong gawin laban sa kanya ay para mo na ring gagawin sa akin, Papa.”
“Don’t be stupid, Julianne!” Bernard said harshly. “Kalimutan mo ang lalaking ito at ako ang bahala sa kanya. Tatawagan ko ang papa ni William at sasabihin kong mamanhikan na sila bukas ng gabi.”
“I broke off with William yesterday,” aniya. “Isinauli ko ang singsing niya ”
“ ¡ Que!”
“Hindi ko gustong magpakasal sa kanya tulad din ng hindi niya gustong magpakasal sa akin.” Humugot siya ng malalim na hininga bago muling itinaas ang mukha, at sa determinadong tinig ay mabilis na idinagdag,. “Aalis ako ngayon. Hindi mo ako mapipigil.”
Natilihan si Bernard. Nasa mukha ang pinagsamang galit at pagkamangha.
“Oh, I don’t want to hurt you, Papa. I love you,” she said softly. “You know that, don’t you? But I love him, too, and I’ll take my chance on him.”
“Hindi mo alam ang sinasabi mo, Julianne,” hindi makapaniwalang usal ni Bernard, napahakbang palapit sa anak. Subalit humakbang siya palayo.
“Papatayin ko ang lalaking ito, Julianne, binabalaan kita!”
Umiling siya. “Nakikiusap ako sa iyong huwag kang gagawa ng mga bagay na pagsisisihan nating pareho sa bandang huli, Papa. Unless you want another bastard in this family.” Tumalikod siya pero nakita na muna niya ang shock at sakit sa mukha ng ama nang marehistro dito ang kahulugan ng sinabi niya.
Gusto niyang pagsisihang nangyari ang lahat ng ito. Hindi dahil kay Benedict. She would never regret meeting and loving him. Subalit pinagsisisihan niyang nadulutan niya ng sama ng loob ang ama. At natitiyak niyang higit ang mama niya sa sandaling malaman nito ang buong pangyayari.
Wala pang dalawampung minuto ay bumaba nang muli si Julianne kasunod ang dalawang katulong na bitbit ang mga gamit niya na nang nagdaang gabi pa niya inihanda.
Bumalik siyang muli sa den. Naroon pa rin si Bernard sa ganoon ding ayos na iniwan niya kanina. The pain in her heart intensified at the sight of her father. Sa tingin niya ay tumanda ito ng maraming taon. Sa buong buhay niya, hindi niya kailanman nakita si Bernard na nanggigipuspos nang ganoon. Gusto niyang umiyak, takbuhin at yakapin ito. Subalit pinigil niya ang sarili. She knew her father too much and he would capitalize any weakness from her to his advantage.
“Aalis na ako, Papa,” she said softly. “Alam ni Yaya kung saan mo ako makikita kung sakaling gusto mo akong makausap.”
“What... what would I tell your mother?” Gumaralgal ang tinig nito.
Julianne bit her lip to stop herself from crying. “T-the truth.” Inihilig niya ang ulo sa hamba ng pintuan.
“I only want what’s best for you, Julie... kami ng mama mo, para sa inyong magkakapatid.”
“Yo se, Papa,” she whispered, choking on her tears. “None of these are your fault. I love you both. But this is my life. Please try to understand.” Humakbang siya palapit dito. Yumuko siya at hinagkan ito sa pisngi. “ Adios , Papa.”
Hindi kumibo si Bernard, muli siyang tumalikod at lumakad palabas. Subalit bago niya mailapat ang pinto ay nagsalita ito. “Remember, sweetheart, I’ll catch you when you fall.”
Mabilis niyang inilapat ang pinto at tahimik na humikbi. May ilang sandali siyang nanatiling nakasandal sa pinto nang lumitaw sa harap niya si Amparo.
“Sa kalagayan mo’y kakailanganin mo ako, Julie...” tahimik nitong sabi, dumako ang mga mata sa impis niyang tiyan.
Pinahid niya ng mga palad, ang mga luha at isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa yaya. “Salamat, Yaya. Pero huwag muna ngayon. Baka sa susunod na mga araw.” Gusto niyang isama na ito pero hindi siya nakatitiyak sa magiging pagtanggap ni Benedict sa pasya niyang pumisan na rito.
Hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito sa sandaling malamang nagdadalang-tao siya. Paano kung hindi nito gustong magdalang-tao siya?
May mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya sa kaisipang iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung saka-sakali.
JULIANNE made it to Batangas Pier in record time. Gusto niyang makarating sa Capistrano bago humapon. Nang dumating siya sa town house kaninang umaga ay sinabi ng mga security guards na madaling-araw pa lang kahapon ay umalis na si Benedict. Walang ideya ang mga ito kung saan ito patungo subalit sinabi ng isa sa mga security guards na napuna nila ang isang travelling bag sa likod ng sasakyan nito.
Nanggipuspos siya. Hindi siya maaaring bumalik sa ama. Ang susunod niyang pag-alis ay hindi na magiging madali. And she couldn’t stay at the hotel either and wait for Benedict’s return—kung kailan man iyon.
Kung may dala itong travelling bag, maaaring bumalik ito sa Capistrano. Hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niyang doon ito nagtungo. At habang mabilis siyang nagmamaneho patungo sa Batangas ay tinatawagan niya sa cell phone si Nadine upang makatiyak. Bago pa man siya nakapagtanong sa kaibigan ay agad na nitong ibinalita na dumating doon si Benedict at kaaalis lang nito sa kapitolyo kasama si Gobernador.
Pasado alas-singko ng hapon nang dumating siya sa Capistrano. Sa lahat yata ng punong-kahoy sa magkabilang panig ng daan ay nakapaskil ang larawan ni Stan. The posters alone must have cost him a lot of money. Marahil ay talagang sinuportahan ito nang husto ng mga de Castro.
Nangako siya sa sariling hindi ito mananalong mayor sa bayang iyon. But she had so many things on her mind to even bother with Stan.
Sa isang banda, dapat na rin niyang ipagpasalamat ang pagkatuklas niya sa panloloko nito. Iyon ang naging paraan upang makilala niya si Benedict.
Dinama niya ang impis pang tiyan. Ayon kay Jade, isang buwan na ang bilang ng nasa tiyan niya. Isang hindi maipaliwanag na kagalakan ang nadarama niya. Hindi muna niya sasabihin kay Benedict ang kalagayan niya hangga’t hindi siya nakatitiyak sa katayuan nilang dalawa. But whatever happened, she had his child to cherish. No one could take it away from her.
“...I’ll catch you when you fall.”
Tears stung her eyes. Alam ni Julianne na hindi siya pababayaan ng mga magulang. Kahit ang mga kapatid niya. Pero hindi niya gugustuhing saluhin siya ng mga ito. This was her life. Ginawa niya ito sa sarili niya. She would take the consequences no matter what happened.
Isang buntong-hininga ang ginawa niya at sandaling dinaanan ng tingin ang karagatan sa dako pa roon. Then a humourless smile curved her lips. Tila sumpa sa angkan ng mga Fortalejo ang bastardo. Ang papa niya, ang Uncle Zandro niya, and there was her cousin Karl.
Nagmenor siya nang makita sa kanang daan ang arko ng Villa Manuela. Iniliko niya roon ang kotse. Ilang sandali pa ay ipinapasok na niya sa nakabukas na gate ang sports car. Natanaw niya ang jeep ni Benedict na nakaparada sa isang bahagi ng solar. Ibig sabihin ay naroon ito.
Nang patayin niya ang makina ng kotse ay ilang sandali siyang nanatili sa loob. Bigla ang alinlangang umahon sa dibdib niya. Ano ang sasabihin nito sa ginawa niyang pagsunod dito? Paano kung itaboy siya nito? Puno ng insekyuridad ang dibdib na lumabas siya ng sasakyan.
Nakakailang hakbang na siya nang maramdamang may nagmamasid sa kanya. Huminto siya sa paghakbang at tumingala. Sa veranda, sa ikatlong palapag ay nakatayo si Benedict. Napakataas ng kinalalagyan nito at hindi niya gaanong malinawan ang anyo pero natitiyak niyang magkadikit ang mga kilay nito habang nakayuko sa kanya.
BENEDICT paced the stone flooring. Pananabik, galit, at pagtataka ang sama-sama niyang nararamdaman. Gusto niyang tumakbo pababa at salubungin si Julianne subalit inawat niya ang sarili.
Ano ang ginagawa nito sa Capistrano? Bakit ito sumunod? Agad na kinabisa sa isip ang litanya ng mga sasabihin niya rito. Hindi siya papayag na paglaruan nito. She was rich and spoiled. Ano mang sandali ay magagawa nito ang anumang nais gawin. She followed him and came here on whim. But he couldn’t let her fool him again. Or perhaps use was the right word.
Pumasok siya sa loob ng kabahayan at bumaba. Nasa pasilyo siya ng ikalawang palapag nang mapahinto. Nasa bungad ng hagdanan si Julianne at nakahawak sa balustre.
Nakasuot ito ng denim skirt and light blue T- shirt. On her feet were flat step-ins. Ang buhok nito ay naka-ponytail sa likod. She looked sixteen than twenty-four.
Isang alanganing ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “H-hi,” she said. Her eyes devoured him hungrily and Benedict groaned silently.
“Oh, hi.” He smirked. “Now I see her, now I don’t. That’s the name of the game, isn’t it?” He walked toward her lazily.
Julianne bit her lip a little bit nervously. “I-I’m sorry. But I’m here now.”
“So?”
Nakita ni Benedict ang pagtaas-baba ng dibdib nito at ang pagdaan ng walang-katiyakan sa mga mata nito. And he wanted to kick himself for making this hard on her.
“You... you asked me before to take a chance on you...”
“So?”
Julianne almost groaned in frustration. “I’ll take you up on that offer.”
“Wala akong dose-dosenang katulong...”
“I can do simple cleaning.”
“Wala akong cook.”
“I took up cooking lessons in Paris, Benedict.”
She took up cooking lessons in Paris. Halos pigilin ni Benedict ang mapahalakhak sa sinabi nito. Ano ang lulutuin nito para sa kanila? Ratatuoille, Duck al orange, or croque monsier? “Wala akong maibibigay na yaya rito para sa iyo, Julie.”
Isang nanlulumong buntong-hininga ang pinakawalan ni Julianne. But she persevered. “I don’t need one.”
“And I intend to stay here for an indefinite period of time.”
“I-I don’t mind really. I love this place... this house,” mabilis nitong sabi. Nang akma siyang magsasalita ay agad nitong sinundan ang sinabi. “Please believe me. We have a place similar to this in Palawan.”
“Oh, yes. Isang buong isla, Paso de Blas,” he said drily. “I am a very simple man, Julie, yet my life is so complicated. Isang malaking pagkakamali sa bahagi ko ang idamay kita at—” He stopped in midsentence when he heard the anguish in her groan. Napasandig ito sa balustre ng hagdanan na tila nawalan ng lakas.
“I-I’m sorry I came...” usal nito at mabilis na tumalikod upang muling bumaba.
Subalit naroon na siya bago nito naihakbang ang mga binti pababa sa baitang ng hagdan at hinawakan ito sa braso at iniharap sa kanya. He felt like a heel when he saw the unshed tears in her eyes. “Hey,” he said huskily.
“You’ve changed your mind...” g umaralgal ang tinig nito.
“Hindi, Julie.” He kissed her temple. “Lalong hindi ko pinagsisisihang nakilala kita. Ang pinagsisisihan ko’y nagtagpo tayo sa bahaging ito ng buhay ko na wala akong maihahandog sa iyo kundi maraming suliranin. Paano mong pakikitunguhan ang darating na mga araw sa piling ko?”
“Let’s take one day at a time, Benedict,” she said through misty eyes. “Tomorrow will take care of itself.”
Maybe she was right. He should take things one day at a time. Pero ang hindi niya matiyak ay kung tama ang ginagawa niya para sa kanilang dalawa.
His arms tightened around her, kissing her with tender roughness Julianne was coming to know. “You’re sweet and beautiful, Julie. You’re everything I ever wanted. You’re everything I could ever want. I think I fell in love with you the first time I saw you...”
Napasinghap si Julianne kasabay ng panlalaki ng mga mata. “Y-you love me?”
“Nakakagulat ba iyon?” He smiled tenderly. “I just wish I’d met you two years earlier.”
“Benedict Aragon,” wika nito sa kunwa ay prim and proper na tinig, gustong sumabog ang dibdib sa kaligayahan. “Is that a ploy to get laid?”
“Is it working?”
“Uhum...”
Benedict chuckled softly. Muli nitong inangkin ang mga labi niya. He tasted her, memorized her.
Isang tikhim mula sa bukana ng hagdan ang narinig nila. “Nakahanda na ang hapunan, Benedict...”
Reluctantly, pinakawalan niya ang mga labi ni Julianne. Inakbayan patungo sa hagdan. “Susunod na kami, Abel.”