Chapter Fifteen
N AKAUNAN siya sa braso ni Benedict, ang mga daliri niya ay hinahaplos at pinaglalaruan ang maninipis na balahibo sa dibdib nito.
“Benedict...”
“Hmm.”
“Tell me about your... ex-wife.” She felt him tensed. Lumalim ang tiyan nito sa paghugot ng hininga. “K-kung hindi mo gustong sabihin, it’s okay.” Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. Iniisip ni Julianne na hindi na ito magsasalita dahil mahabang sandali ang lumipas na hindi ito kumikibo.
“Bagaman sa bayan sa Calapan nakatira si Raquel, naging malapit kami sa isa’t isa bilang magkaibigan,” simula nito. “Magkaklase kami mula pa sa elementarya. She was also one of the prettiest in school and I really had a crush on her. Nang tumuntong kami ng high school, gusto ko siyang ligawan subalit natatakot akong baka masira niyon ang pagkakaibigan namin. Sa halip ay sa ibang babae ko ibinaling ang aking pansin. Nang magpakasal sina Iluminada at Clemente ay lumuwas ako sa Maynila. Pero ipinangako ko sa sariling liligawan ko siya sa sandaling makatapos ako ng kolehiyo.
“Hindi nangyari iyon dahil nang magtapos ako sa kolehiyo ay nabalitaan kong magkasintahan na sila ni Stan. Somehow, it broke my heart. Hindi ko siya pinakibalitaan na at isinubsob ko ang panahon ko sa practice ko sa m edisina. Hanggang isang araw ay dumating siya sa apartment na tinutuluyan ko sa Maynila. All grown up and twice as much prettier.” He paused.
Tumingala si Julianne, nakatitig ito sa kisame, a self-mocking smile on his lips.
“Ang sabi niya ay matagal na silang hiwalay ni Stan at gusto niyang maghanap ng trabaho sa Maynila. At dahil wala siyang matutuluyan, I took her in. She offered to do the cleaning and cooking as her share of the rent...” He gave Julianne a brief glance. “Malaking bagay sa akin `yon noong una. May nag-aasikaso ng apartment at mga gamit ko.
“Isang umaga, mula sa tatlong araw at round-the-clock na duty ko sa ospital, umuwi akong pagod at puyat. May sarili akong susi sa apartment at tuloy-tuloy ako hanggang sa itaas. Nang buksan ko ang silid ko ay inabutan ko si Raquel doon...” He cleared his throat, gazed down at her. But Julianne refused to meet his eyes. Nahuhulaan na niya ang kasunod na mga pangyayari.
“She had nothing on but water dripping all over her body. Katatapos lang niyang maligo at ayon sa kanya’y nanghihiram siya ng tuwalya ko.” Muling tumikhim si Benedict. “To make the story short, we ended up in bed together...”
“At tatlong araw kang pagod at puyat, huh!” sarkastikong sabi niya. Kumawala mula sa pagkakaunan sa braso nito.
Banayad na tumawa si Benedict. Hinila siya pabalik sa braso nito. “Ikaw ang may gustong marinig ang tungkol sa kanya.”
Hindi siya kumibo. Hindi niya kayang ilarawan sa isip si Benedict habang katalik ng ibang babae. May tila patalim na gumuguhit sa dibdib niya. Pero gusto niyang malaman ang tungkol sa babaeng pinakasalan nito. “Okay, go on...”
“I was so exhausted. I can’t even remember falling asleep. Nang magising ako’y umiiyak sa tabi ko si Raquel. Hindi raw siya makapaniwalang nagawa namin iyon. She made it appear that I took advantage of our friendship. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Humingi ako ng paumanhin. She was inconsolable and ran to her bedroom.
“Minutes later, mula sa Calapan ay dumating ang tatay niya. Ako ang nagbukas ng pinto sa pag- aakalang isa sa mga kasamahan ko sa ospital. I had only my boxers on. At bago ko pa natawag si Raquel mula sa itaas, nasa hagdan na ito at nakatapi lang ng tuwalya. Upon seeing her father, fear and guilt flooded her face. Naupo siya sa baitang ng hagdan at bumulalas ng iyak...
“Hindi ako pinilit ng tatay niyang pakasalan si Raquel. But I really thought I compromised her. Kinabukasan ay niyaya ko siyang kumuha kami ng lisensiya sa pinakamalapit na munisipyo. Tinanggap kong isa na akong may-asawang tao. Sinabi ko sa sarili kong talaga namang binalak ko siyang ligawan. Kontento ako sa unang linggo ng pagsasama namin. Most of the days ay nasa ospital ako, on duty. Natural na kabisado na ni Raquel ang schedule ko.
“Pero nang araw na iyon ay may kasamahan akong doktor na nakipagpalit ng duty sa akin, for some reason I don’t remember anymore. Umuwi ako wala pang alas-sais ng umaga. Tulad ng nakagawian ay gamit ko ang susi ko sa apartment at tuloy-tuloy sa itaas. Naisip kong tulog pa si Raquel. Pero bukas ang pinto at ilaw sa banyo sa dulo ng pasilyo at narinig ko siyang nagduduwal.
“Humakbang ako patungo roon nang bigla siyang nagsalita. Iniisip kong may kasama siya sa loob ng banyo. Agad na may naglarong eksena sa isip ko. Kinakabahan at walang ingay akong lumapit at sumilip sa nakabukas na pinto. She was alone. Akma ko siyang tatawagin nang makita ko ang ginagawa niya. Sinasaktan niya ang sarili, sa bahagi ng tiyan, screaming at herself. Bakit daw hindi pa iyon malaglag sa dami ng iniinom niyang gamot!”
“Oh, my g od.” Julianne was horrified, wala sa loob na dinama ang sariling tiyan. Hinding-hindi niya pag-iisipang mawala ang nasa sinapupunan niya ano man ang sirkumstansiya.
“Nakita niya akong nakatayo sa pinto, we were both shocked, sa magkakaibang dahilan. Sa sandali ring iyon ay muli akong lumabas ng bahay. Hindi ko hinintay ang paliwanag niya. Mula noon, umuuwi lang ako kung magbibihis. Tinakot niya akong sisirain ang propesyon sa sandaling hindi ko ibalik sa dati ang pagsasama namin. Na mag-asawa kami at hindi maniniwala ang kahit na sino na hindi ako ang ama ng dinadala niya.
“I told her I am a doctor, napakadali para sa aking malaman ang paternity ng nasa sinapupunan niya through DNA, whether or not she would chose to come to terms.”
“Ano ang nangyari?”
“She got rid of her pregnancy. And it almost took her life. Sa ospital, I took blood samples. A couple of months later, I filed an annulment.”
“S-sino ang ama ng dinadala niya, Benedict?”
His shoulders lifted in a shrugged. “Stan, I guess.”
Mahabang katahimikan ang namagitan. Wala sa loob na idinikit ni Julianne ang sarili rito. Ang kamay niya ay muli niyang iniyakap dito, in a possessive gesture, at tahimik na hinagkan ang gilid ng dibdib nito.
Inabot ni Benedict ang kamay niya, ipinagsalikop doon ang mga daliri nito. “Kung yakapin mo ako’y para bang may kukuha sa akin mula sa iyo,” he said, smiling tenderly. “I’m yours, Julie, just as you are mine. For now and always.”
Tahimik siyang tumango. “Si, mi amor... para siempre...” she whispered against his chest.
MAINGAT na inangat ni Julianne mula sa katawan niya ang braso ni Benedict upang huwag itong magising. He was sleeping soundly. He deserved his precious sleep after the passion they shared last night. She smiled tenderly, her heart was overflowing with love for this man.
Bumangon siya, naghikab at tumayo mula sa kama. Nilingon niya ang relo sa nightstand, alas- siyete na halos ng umaga. Inabot niya ang T-shirt ni Benedict at isinuot iyon. Umabot iyon hanggang sa mid-thigh niya. Hindi pa niya nailalabas sa maleta ang mga gamit niya.
Nakapaang lumakad siya patungo sa French door at maingat iyong binuksan at lumabas patungo sa veranda. Humaplos sa mukha niya ang malamig na hanging-dagat. Sinuyod niya ng tingin ang balkonahe, higit iyong malawak kaysa sa ikatlong palapag.
Lumakad siya patungo sa dulong bahagi niyon subalit bago makarating doon ay isang tinig ang nagpahinto sa mga hakbang niya.
“Well... well. It feels like a deja vu.”
Nag-angat siya ng mukha. Sa tagilirang bahagi ng dulong balkonahe ay nakatayo si Stan. Hindi niya ito napuna dahil sa mga sanga ng punong-kahoy na umaabot doon. Sa mga mata nito ay ang hindi itinatagong galit habang sinusuyod ng tingin ang kaanyuan niya.
She frowned. “Ano ang ginagawa mo rito sa itaas?”
“I live here,” sagot nito. “So, nagkamali ako ng pagkakilala sa iyo, Julianne,” patuloy ni Stan. “But I can’t believe you jumped into bed with Benedict just to get back at me!”
“You’re wrong, Stan. Nasaktan at nagalit ako sa panloloko mo, but you weren’t the reason why I turned to Benedict.”
“Don’t lie. You loved me... And you are doing this on the rebound!” Humakbang ito palapit sa kanya.
“Iyon ang maaari mong isipin.” She smiled sarcastically. “Pero naging dahilan ang ginawa mong iyon upang matuklasan ko ang tunay kong damdamin sa iyo. Besides, hindi iyon ang unang pagkikita namin ni Benedict.”
Nakita niyang nabigla ito sa sinabi niya. “And you accused me of cheating?”
“I didn’t cheat on you,” she said calmly. “Anyway, para saan ang usapang ito, Stan?”
“I want you back, Julianne. I know you still love me. Kalilimutan ko ang anumang naganap sa pagitan ninyo ni Benedict...”
“Dahil natuklasan mong hindi ako isang mahirap na horse trainer lamang?” She looked at him with disgust. Hindi siya makapaniwalang sinasabi nito sa kanya iyon. “You’re crazy, Stan. Kahit na marahil wala akong pag-ibig kay Benedict, hindi ko babale-walain ang ginawa mo.”
“Pag-ibig kay Benedict?” manghang ulit nito. “May pag-ibig ka kay Benedict?”
“Yes. I love him,” aniya at itinaas ang mukha rito.
“Oh, no, you’re wrong. You don’t love him, Julianne. You were such a prude, remember? And when Benedict initiated you, nagustuhan mo ang pakikipagtalik sa kanya. Kung pinagtiyagaan ko ang kunwa’y pagtanggi mong makipagtalik sa akin at naangkin kita, hindi ka babaling kay Benedict. You’d cling to me, Julianne, despite Milet. Tulad ng ginagawa mo ngayon kay Benedict.”
Umangat ang kamay niya, at bago pa nakaiwas si Stan ay tumama sa mukha nito ang palad niya.
Mula sa pagkakabaling ng mukha’y poot na tinitigan siya ni Stan. Umangat ang kamay nito. “Lay a finger on her and you’re dead, Stan.” Pareho nilang nilingon si Benedict na nakatayo sa may pinto ng silid nito. Nakasuot lang ito ng puting boxer shorts at tulad ni Julianne ay nakapaa rin lang ito. May panganib na kumislap sa mga mata nito habang humahakbang palapit sa kanila.
Unti-unting bumaba ang braso ni Stan, nagtagis ang mga bagang. “Ano ang ginagawa ni Julianne dito, Benedict? Para ituya sa akin ang katayuan niya sa buhay at ang magarang sasakyan?” Ibinalik nito ang tingin sa kanya at umismid.
“Mananatili si Julianne sa villa hanggang naririto ako, Stan... as my wife,” impormasyon ni Benedict at kinabig si Julianne palapit.
Buong pagkamanghang pinaglipat-lipat ni Stan ang tingin sa kanilang dalawa. “Your wife? You must be out of your mind, Benedict! Paano mong magiging asawa si Julianne gayong hanggang ngayon ay kasal ka pa rin kay Raquel?”
Dark eyes turned even darker. “Umalis ka sa harap ko, Stan. Hindi ko alam kung bakit ka naririto sa itaas.”
“Hindi mo ako maitataboy, Benedict,” kalmanteng sagot ni Stan. “Magiging anino mo ako sa bahay na ito sa habang-panahon.” Nakakalokong tumawa ito.
Sa isang hakbang ay nakalapit si Benedict at pinitserahan ito. Dagling nahalinhan ng takot ang panunuya sa mukha ni Stan. Lalo na nang humigpit ang pagkakahawak ni Benedict sa kuwelyo ng polo shirt nito na halos magpatingkayad dito mula sa stone flooring.
“I’d kill you first, Stan, bago mapunta sa iyong lahat ang ari-arian ng aking mga ninuno!” Malakas itong ibinalya ni Benedict na muntik nang ikasadsad ni Stan sa pader.
Poot na humakbang si Stan patungo sa pinto papasok sa kabahayan. Subalit lumingon ito bago tuluyang pumasok. “Oh, nakalimutan kong sabihin sa iyo, Benedict. Sa isang linggo na ang pirmahan namin ng deed of sale ng taong bibili sa limang ektaryang propiedad na nakaharap sa dagat, at wala kang magagawa.”
Kumuyom ang mga kamay ni Benedict at humakbang upang muling lapitan ito subalit napigil iyon ni Julianne.
“Please, Benedict,” pakiusap niya, pigil ang braso nito.
“Physical injury. Iyan ang ikakaso ko, sa iyo, Benedict, sa sandaling mamantsahan mo ang alinmang bahagi ng katawan ko. That would help me win this election! At hindi lang iyon, titiyakin kung tatanggalan ka ng lisensiya ng medical association.”
“You sonofabitch!” Benedict hurled furiously. Nakita ni Julianne ang pag-iigting ng mga ugat sa braso nito sa galit at matinding pagpipigil sa sarili.
Nasa ibaba na si Stan ay naririnig pa rin nila ang nakakalokong halakhak nito. Hawak pa rin ni Julianne ang braso ni Benedict nang maramdaman niya ang unti-unting paghulagpos ng tensiyon mula rito. Tila naubusan ito ng lakas na tumingala at sinuklay ng mga daliri ang magulong buhok.
Then he gazed down at her wearily. “Nakita mo na, unang araw mo pa lang, problems na agad ang nasagupa mo…”
“Totoong sa karangyaan kami lumaking magkakapatid, Benedict. Pero tinuruan kami ng aming mga magulang kung paano harapin ang mga problema at sikaping lutasin iyon sa abot ng aming makakaya,” she said gently. “At natutuhan naming may mga suliraning mahirap hanapan ng kalutasan. Gayunman, kung kaya mong pakitunguhan ito sa bawat araw, and not rattled by it, natanto naming para na rin naming nalutas ang problema.”
Tinitigan siya nito nang ilang sandali. May sumibol na paggalang sa mga mata nito para sa kanya. “Not the spoiled socialite I thought you to be...”
“Oh, I am, don’t ever doubt about that. Watch out...” pabirong babala niya sa kabila ng lahat. Sumeryoso siya. “Gusto kong maintindihan ang dahilan ng alitan ninyong ito ni Stan, Benedict. Pahapyaw nang binanggit sa akin ni Nadine ang tungkol diyan.”
Muli nitong isinuklay sa buhok ang mga daliri, pagkatapos ay pinuno ng hangin ang dibdib. Inakbayan siya nito at iginiya papasok sa kabahayan patungo sa mas makitid na hagdan papanhik sa ikatlong palapag.
“May ipakikita ako sa iyo,” wika ni Benedict nang nasa itaas na sila. Inakay siya nito patungo sa kanang dulo ng balkonahe kung saan sila naroroon noong gabing dalhin siya ni Benedict sa itaas. Itinuro nito sa kanya ang tanawin sa ibaba. “Sinabi ko sa iyo noong gabing narito tayo na higit na maganda ang view sa ibaba mula rito kapag maliwanag.”
“Oh, it is, Benedict!” bulalas niya makaraang suyurin ng tingin ang view sa ibaba.
Sa gitna ng napakakapal na kagubatan at vegetation ay ang swamp. At sa tubig ay naroroon ang mga nagliliparan at nanginginaing puti at asul na tagak.
“Omigosh, those are blue herons, aren’t they?”
Benedict grinned. “Yes. Puti ang pinakapangkaraniwan sa lahat dito sa atin. Ayon kay Lola Manuela ay dala ng great-grandfather ko ang blue heron mula sa Mexico.”
Mula sa swamp ay tumawid sa walang-katapusang makakapal na puno ang paningin ni Julianne. Sa kabila niyon ay ang karagatan na kumikislap sa ilalim ng papalubog na araw. One or two sails were visible in the middle distance. Habang sa laot ay naaaninag niya ang higit na malaking sasakyang-pandagat.
Sa kabila ng karangyaan ng Villa Kristine, it didn’t have this wonderful view of the sea. Though she couldn’t say the same thing to his Uncle Nathaniel’s and Aunt Jasmin’s home which was on the other side of the island and had the privilege of a view spectacular as this.
“This is a small paradise, Benedict!”
“Natitiyak kong magandang di-hamak ang Paso de Blas, Julie,” wika nito, a humourless smile on his lips.
“Bawat lugar ay may kanya-kanyang ipinagmamalaking katangian, Benedict. And this place has its own. At kahit ang villa na ito na nakatayo sa ibabaw ng mataas na lupa ay tila haring nakatanaw sa nasasakupan niya.” She grinned at him. “I sounded like you. You must be very proud of all these.”
“Yeah,” wika nito, nagkalamlam ang mga mata. “Hindi ko alam kung paano ko muling maaangkin ang propiedad ng aking mga ninuno...”
“Ano ang ibig mong sabihin?” Julianne asked curiously.
Itinuon ni Benedict ang tingin sa kagubatan sa paligid. May ilang sandali ang lumipas bago ito sumagot. “Pag-aari ko ang buong lupaing naaabot ng pananaw mo, Julie. Minana ko mula sa aking ina, kasama ang villa na ito. Sa panig naman ng papa ay ang humigit-kumulang sa tatlumpung ektaryang lupain. Narating mo na ang bahagi niyon dahil karugtong iyon ng lupain ng mga de Castro...” Sandali siya nitong sinulyapan, ipinaalala ang paraan ng pagtatagpo nila roon. Sa kabila ng lahat, Benedict smiled warmly at her. Kinabig siya at hinagkan sa ibabaw ng ulo.
Pagkatapos ay muli nitong ibinalik sa kagubatan ang tingin at sa nag-iigting na mga bagang. “Wala na sa pangalan ko ang propiedad ng mga Aragon, Julie, maliban sa ipinahihintulot ng batas na mananatiling akin. At kahit itong lupain at villa na pag-aari ng Santa de Leones ay nanganganib na mawala sa akin... malibang dalhin ko sa korte ang bagay na ito, na siya mismong dahilan kung bakit ako umuwi...”
“Ano ang ibig mong sabihin?” Nagsalubong ang mga kilay niya.
“Hindi nakapag-iwan ng testamento ang Papa,” sagot nito. “Hindi niya inaasahan ang maagang kamatayan. He led a healthy life. Subalit nang mamatay ang Lola Manuela ay labis niya itong dinamdam. May ilang araw din siyang bumaling sa alak. Nakainom ang Papa nang magtungo sa dagat at malunod...”
Hindi kumibo si Julianne. Naalala niya ang sariling ama nang mamatay ang great-grandmother niya, si Julia de Silva. May ilang panahon ding hindi halos makausap si Bernard.
“Doña Manuela Santa de Leones was my biological mother’s mother, Julie. Minana niya ang villa na ito mula sa kanyang asawa, si Don Benedicto Santa de Leones...”
Manghang napatitig si Julianne dito. “W-what do you mean by ‘my biological mother?”
He took a deep breath. “Ang tunay kong ina ay namatay isang linggo pagkasilang sa akin. Makalipas lamang ang isang taon ay pinakasalan ni Papa si Mama Iluminada... ”