Chapter Ten
n ang hindi sumagot si Benedict sa tanong niya ay nanlumo si Julianne. Sana’y nanatili na lang walang salitang namagitan sa kanila. Sana ay naghiwalay na lang silang muli pagkatapos. O di kaya ay hindi na lang sana siya nito sinundan para ulitin ang maling naganap sa kanila.
Alam niyang tataglayin niya sa alaala ang namagitan sa kanila sa habang-panahon. Pero ang malamang may asawa na ito ay gustong magpababang higit ng pagtingin niya sa sarili.
She had the most fulfilling sex with a married stranger!
Tumayo rin si Benedict at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Julianne, listen. I am not married anymore... I mean, technically, yes,” he amended.
She raised weary eyes to him, wishing him to just leave. But words wouldn’t come out.
“I filed an annulment eight months ago,” mabilis nitong paliwanag nang makita ang ekspresyon niya. “Sa nakalipas na panahon ay dalawang beses lang kaming nagkita at sa korte pa. Ang anumang negosasyon at pag-uusap ay ginagawa sa pamamagitan ng mga abogado namin.” Kinabig siya nito, idinikit ang mga labi sa noo niya.
“What happened between us was wrong...” she said in a small voice. At hindi lang ang nangyari nang nagdaang gabi ang mali, kahit ang naganap sa kanila kani-kanina lang.
“Last night, you were vulnerable and I took advantage of it. I admit that I deliberately seduced you to spite Stan... lahat ng bagay, kahit na inayawan na niya ay hindi niya gustong mapunta sa iba... lalo na sa akin.”
Her eyes flashed angrily. Sinikap niyang makawala mula rito subalit hinigpitan ni Benedict ang pagkakahawak sa mga balikat niya.
“Listen, Julianne...” He gave her shoulder a gentle shake. “Iyon ang unang nasa isip ko. But the thought was gone as fast as it came. Kung saan mang bahagi ng pag-uusap natin iyon tuluyang nawala ay hindi ko matukoy.”
Nang pilit na pinakakawalan ni Julianne ang sarili ay sinapo nito ng mga kamay ang mukha niya at itiningala siya. Then he gazed into her eyes.
“Something happened last night, Julianne. O marahil ay naroon na iyon una pa lang. n a makita kitang lumalakad papasok sa gate. Or it could have been there when I first laid eyes on you months ago. Sa deck ng ferry. Sa parang. I don’t know what happened but—”
“Sex. Unadulterated sex. That’s what happened,” she said sarcastically.
“It’s more than just sex,” mariing wika nito. “I never slept the night with a woman after a satisfying sex. Not even with the woman I was married to. We had separate bedrooms—”
“For goodness’ sake, you were drunk!”
“Not too drunk to have made love to you twice, my darling,” he said with an amused smile on his lips. “May silid sa third floor at magagawa kong bigyang-kasiyahan ang sarili ko at pagkatapos ay ipahatid kita kay Abel. Pero dinala kita sa silid ko dahil sa isang bahagi ng isip ko, hindi ko man maamin iyon kagabi, gusto kong magising sa kinabukasang nasa tabi kita.”
“You found out I was... I was without experience.” She flushed. “That must have bothered your conscience.”
He gazed into her eyes. “Your virginity was an added bonus.” There was an odd tenderness in his voice and something akin to pleasure crossed his eyes. “There was something else and we both know that. Napatunayan natin iyan ngayon lang.”
Napabuntong-hininga si Julianne. Hindi niya kayang itatwa ang sinabi nito. “And you think that something else is enough for me to agree to have a fling with you?”
“Bakit hindi?” he challenged.
Muli siyang nagbuntong-hininga at kumawala mula rito. Nahagip ng mga mata niya ang undies niya sa sahig at dinampot iyon upang muling isuot subalit inagaw iyon ni Benedict mula sa mga kamay niya.
She opened her mouth to say something but she couldn’t find a word to say. Wearily, ipinagsalikop niya sa katawan ang mga braso.
Benedict strode towards her, uncaring if he was as naked as the day he was born. “Bakit hindi, Julianne?” ulit nito sa malagihay na tinig, as if he’d been drinking too much. Tulad nang nagdaang gabi. But she knew better, especially when she stared into those killer eyes. Pagkuwan ay pumaloob ang kamay nito sa bathrobe niya.
She moaned as heat boiled anew inside her. Lalo na nang idaiti nito ang katawan sa katawan niya. She could feel him. Hard and hot. At ang isang kamay nito ay bumaba patungo sa puson niya... at pababa pa.
Oh, g od. Kung hindi niya paiiralin ang isip, mauuwi na naman sila sa kama. At wala pang beinte-kuwatro oras mula nang magkakilala sila.
“ i-i have a ferry to catch...” she said, sounding silly.
Benedict chuckled. “Hindi ko alam kung ano ang mayroon ka, darling, but I am behaving like a sex-starved just looking at you. And you were Stan’s girlfriend for three months! Has he, all of a sudden, turned into a saint?” Muli itong tumawa. A triumphant laugh. Na para bang ang namagitan sa kanila ay dahil sa pagnanais nitong makalamang kay Stan.
Subalit bago pa magkaugat sa isip niya iyon ay yumuko ito at banayad siyang hinagkan sa mga labi at pagkatapos ay inalis ang kamay sa katawan niya.
“Sabay tayong lumuwas sa Maynila ngayon.” Tumalikod ito at dinampot ang mga damit sa sahig at isa-isang isinuot.
“P-pagkatapos?” naguguluhang tanong niya.
He turned ang grinned. “Walang private cabin sa ferry, so we can’t make love while at sea. Palipasin natin ang dalawang oras na biyahe sa pagkilala nang higit sa isa’t isa. You can tell me about your family... and I’ll tell you mine.” Sinabi nito ang huling pangungusap na may pag-aatubili.
Nang manatili siyang nakatayo lang at titig na titig dito ay isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Benedict at muli siyang nilapitan.
Itinaas nito ang mukha niya. “Be my woman, Julianne,” he whispered.
“You’re asking me that we have sex every time we met, is that it?” Her voice was a mixture of weariness and anger.
“Sex between us is good. We complemented each other. But there’s more to relationship than just sex.” He paused and didn’t speak for a while. Then, “I can’t promise you anything, yet. But I’m asking you to take a chance on me...”
NASA top deck sila at magkaharapang nakaupo sa naroong mga chrome-plated metal benches kasama ng ilang pasaherong mas gustong nasa itaas kaysa manatili sa air-conditioned room sa ibaba.
Ang mga binti ni Benedict ay nakataas sa bench na inupuan ni Julianne at nakahilig ang ulo nito sa sandalan. Nakakrus ang mga braso sa dibdib.
Naaaninag ni Julianne sa shades ni Benedict na nakapikit ito. Pero alam niyang hindi ito tulog. She had been staring at him for seconds, memorizing every planes and angles. Hindi pa rin ito nag-aahit. His jaws and chin were darkened by days old whiskers. Sa halip na pagmukhaing marumi ng whiskers ang mukha nito ay lalo lamang nakadagdag iyon sa attraction ni Benedict.
She noticed a few women who gave him a second look.
Ang buhok nito ay ginugulo ng hanging nagmumula sa dagat. Nang matuon ang mga mata niya sa mga labi nito ay bahagyang nanayo ang mga mumunting balahibo niya sa katawan nang maisip kung ano ang nagagawa ng pilyong mga labing iyon sa kanya.
Niyuko niya ang magkapatong nitong mga paa sa upuan niya. Naka-moccasin ito at walang suot na medyas. Her fingers softly toyed with the fine hairs on his lower leg. Then a tender smile curved her lips.
Napakalaki na ng ipinagbago ng buhay niya sa nakalipas na mga oras. Mula sa sandaling binigyan niya ng konsiderasyon ang alok nito sa kanya ay nagsisimula na niyang tahakin ang daang walang katiyakan kung ano ang dulo.
Kanina, ilang minuto matapos siyang iwan sandali ni Benedict sa cottage upang magbalik sa villa para magpaalam kay Abel ay bumalik si Nadine na punong-puno ng kuryosidad at pagtataka. Hindi man niya gustong magsalita ay hindi makapagkakaila ang kakaibang kislap sa mga mata niya. That and the telltales on her throat and shoulder blades of what had just transpired between her and Benedict. Napilitan siyang sabihin nang pahapyaw rito ang pangyayari sa pagitan nila ni Benedict.
“Hindi ako makapaniwalang ginawa mo ito, Julie!” bulalas ni Nadine bagaman wala kahit na bahid na pag-aakusa sa tinig. Ang naroon ay matinding panggigilalas. “Para kayong buhawi!”
“Iyon din ang naisip ko,” she said, embarrassed by the permissiveness of her behavior. “Kagabi, maaari kong isisi sa mababang morale at vulnerability ang nangyari dahil sa natuklasan ko kay Stan. At nadagdagan pa ng kaunting espiritu ng alak. Pero ang nangyari kanina ay...” Nilingon niya ang kama, a delicious shiver ran down her spine as the intensity of their lovemaking flashed in her mind, “hindi ko kayang ipaliwanag.”
“You and Benedict Aragon are destined to meet,” hindi pa rin makapaniwalang idinagdag nito. A romantic spark flashed her eyes.
Isang matabang na ngiti ang pinakawalan niya. “I don’t believe in destiny, Nadine. You shouldn’t either. Tayo ang gumagawa ng mga bagay na nangyayari sa atin. Nakilala ko si Benedict dahil nagtungo ako sa Villa Manuela para komprontahin si Stan. I made it happened. Hindi dahil nakatakda kaming magtagpo. Don’t be silly.”
“But he seduced you,” giit nito. “Sa isang tulad ni Benedict Aragon, tila ka sisiw sa mga kuko ng agila. You have no choice. Kung saan ka nadapa, doon ka na babangon.”
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. “We all have choices to make, Nadine,” paliwanag niya. “We were never left without a choice. Kahit na nga ba hindi natin gusto ang pagpipilian, still we were given that.”
“At gusto mo ang pinili mo?”
Hindi siya kumibo. She wondered if she already made a choice. Hindi niya sinang-ayunan ang alok nito subalit hindi rin naman tinanggihan. It would have been easier if she just said good-bye. No... no. This morning when she left the villa, that had been easy. Maliban sa guilt sa ginawa niya, hindi na niya inaasahang magkikita pa silang muli.
Pero pinagdududahan niya ang sariling damdamin kung kaya niyang sabihin ngayon iyon. Kung ano ang nangyari sa pagitan ng pagdating nito sa cottage hanggang ngayon ay hindi alam ni Julianne. And it wasn’t because they had sex. It was preposterous to even consider that sex was the reason why she was considering Benedict’s offer of a relationship.
She was even a bigger fool to agree with him that there was something going on between them that he couldn’t explain. Pero paano niyang ipaliliwanag sa sariling hindi niya makuhang iglap na putulin ang napasimulan na? That deep inside, she really wanted to take a chance on him; na naroroon ang isang gahiblang pag-asa na kung sakaling ma-annul ang kasal nito sa asawa ay magiging malaya si Benedict na ialok sa kanya ang pangalan nito.
Asawang tinutukoy nito ng “siya” at “the woman I married.” Ganoon na lang ba ang pagkasuklam nito sa asawa at kahit man lang ang pagbigkas ng pangalan nito ay hindi magawa ni Benedict?
Isang buntong-hininga ang ginawa ni Nadine nang manatili siyang tahimik. “Ano ang sasabihin ng mga magulang mo?”
Napatingin siya sa labas ng bintana. May ilang sandali ang pinalipas bago sumagot. “Kung... kung magagawa kong ipaglihim sa kanila ay gagawin ko, Nadine. I can only hope this...” Hindi siya makahagilap ng tamang salita para sa kanilang dalawa ni Benedict, “this thing between us wears off before they learned about it.”
“Nag-aalala ako, Julie. Paano kung... kung hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng gagawin mong ito?”
“Then I suffer the consequences of my actions, of the wrong decision I made. We all do.”
Iyon ang naging kabuuan ng pag-uusap nila ni Nadine bago siya sinundo ni Benedict. She dreaded to know what the consequences would be.