noveltoon logo noveltoon
Wild Passion (Kristine Series 22)

Chapter 2

Ch. 3 / 21 Feb 16, 2022

Chapter Two

H UMINTO si Benedict sa mismong tagiliran ng kabayo. Nakita niya na tila natilihan ang binatilyo. Natakot ba niya ito?

“Narinig mo ba ako? Muntik mo na akong masagasaan niyang kabayo mo!”

“Narinig kita,” the boy said in a throaty voice. “Kung hindi ka ba naman tatanga-tanga, sino ba ang maysabi sa iyong humarang ka sa daan?”

Naningkit ang mga mata ni Benedict. He expected an apology not contempt which was very obvious the way the boy’s back stiffened, and he held the horse’s reign as if it were a weapon he could use against him.

“Ang daang sinasabi mo ay pag-aari ko. Kaya kung ako sa iyo ay bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo bago ko malimutang bata ka lang. Pribado ang lupaing ito at trespassing ka!”

Narinig ni Benedict ang pagsinghap nito. Pagkatapos ay umangat ang isang kamay nito at ibinaba pa ang suot na cap upang matakpan nang husto ang kalahati ng mukha.

“Kung pag-aari mo ang lupaing ito ay kasalanan mong nagawi kami rito ng kabayo,” wika nito. “Wala akong nakitang bakod o karatula.”

Benedict frowned at the rider’s voice. There was contempt in the boy’s tone, yet it also had an interesting quality that sent funny sensation dancing along his spine.

Dammit! Hell would freeze over before he cared one way or another about a boy’s voice.

“Kung ganoon ay bulag ka,” patuloy niya, nag-isang linya ang mga mata. Humakbang siya palapit dito at tumaas ang mga kamay at dinaklot ang lapel ng damit nito.

Humalinghing ang kabayo at umatras. Subalit hindi niya binibitiwan ang lapel ng polo shirt nito. Then his large hands connected with... with a swell that wasn’t chest muscles.

It was soft, warm, and...

“Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas ito kasabay ng pagpipigil pa rin sa kabayo na unti-unti nang nag-aaburido. Dahilan iyon upang ang cap na suot nito ay kumawala mula sa ulo nito. A luxurious fountain of soft brown hair tumbled down.

Benedict stared in astonishment.

A woman. And a familiar woman for that matter.

Yes! Ito ang babaeng nakatagpo niya sa top deck ng ferry boat four days ago.

For an endless moment, they stared at each other.

Benedict recovered first. Pagkuwa’y unti-unti ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

“Well... well...” wika niya, ang mga kamay ay mahigpit pa ring nakahawak sa lapel ng polo shirt nito sa kabila ng nararamdaman na niyang maaaring magwala ang kabayo anumang sandali. “Isipin mo nga naman iyan. Lalaking may dibdib.”

“B-bitiwan mo ako!” Pilit nitong inaalis ang mga kamay niya subalit hinigpitan niyang lalo ang pagkakapitsera dito.

“And, oh, nagkita na tayo, `di ba?” he said in a mocking tone. “Ano na nga `yong sinabi mo sa akin sa ferry? Jerk? At kani-kanina lang ay tatanga-tanga naman ako! Jerk na tatanga-tanga, iyon ba ako?” Umangat ang mga kilay niya. “At binalak mong sagasaan akong talaga nitong kabayo mo, ` di ba?”

Her lips compressed in anger. Her eyes in slits. Tinapik ng binti nito ang gilid ng kabayo at ang kabayong gusto nang magwala ay muling umangat ang ulo at humalinghing.

Lumuwag ang isang kamay niya sa pagkakahawak sa lapel ng polo nito. His hand deliberately moved across her breast.

Nanlaki ang mga mata nito. “Bastos!” she hissed.

Nararamdaman ni Benedict ang mabilis na pintig ng puso nito. At sa kabila ng damit at bra, tila tumatagos doon ang init mula sa katawan nito.

Without warning, his body responded in a way that was both automatic and unsuppressibly male.

Then his thumb moved softly, caressing her breast. Benedict saw her eyes widened, felt the quickening of her breaths. Pagkatapos ay marahas na tinapik ng binti nito ang tagiliran ng kabayo at itinaas ang renda. The horse whinnied, bolted and ran. At sa ikalawang pagkakataon ay napaupo sa damuhan si Benedict.

Sinundan ng tingin ni Benedict ang papalayong kabayo at ang sakay niyon. Sa mahabang sandali ay nanatili siyang nakaupo sa damuhan. He was ashamed of himself. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakain niya at nagawa iyon. It was so unlike him. He behaved like a naughty adolescent.

He hadn’t intended to. Pero nang makita at makilala ito at madama ng palad niya ang dibdib nito ay hindi niya nakuhang pigilan ang sarili. His arousal surprised him. Tulad din ng nangyari sa kanya sa ferry.

What was wrong with him? And why this particular woman?

Natitigan niya ito nang husto kanina. She had enormous hazel eyes. And she stared down at him with fear and contempt. Sapat upang makadama siya ng guilt. Subalit bago niya ito mabitiwan at humingi ng paumanhin ay pinatakbo na nito ang kabayo.

Sino ito? Saan ito nakatira?

The urge to find her was so strong that he would have cancelled his trip back to Manila. But his cell phone chose to ring at that moment.

It was John, his friend and business partner. Ipinaalala nito sa kanya ang importanteng meeting mamayang alas-otso ng gabi sa Dusit Hotel.

ANG TINIG ni Abel ang muling nagpanumbalik ng isip ni Benedict.

“Kaya naguluhan ako nang makita kong si Milet ang kasama ni Stan ngayon...”

Isang matabang na ngiti ang pinakawalan niya. “Para ka namang bago nang bago kay Stan, Abel. Kung saan ang pakinabang ay naroon siya.”

Lumakad siya patungo sa hindi naiilawang bahagi ng kabahayan kung saan naroroon ang bar. Iniisip niya kung ang babaeng sinasabi ni Abel na girlfriend ni Stan ay ang babaeng nakatagpo niya sa parang nang araw na iyon.

Napakislot siya nang buksan ni Abel ang ilaw at lumiwanag ang paligid. Muli niya iyong pinapatay. Hindi niya gustong kuhanin kaagad ang atensiyon ni Stan sa pagdating niya. Kumuha siya ng bote ng alak at nagsalin sa naroong kopita.

“Sana’y mananatili ka na rito sa atin, Benedict,” ani Abel, pinagmamasdan ang ginawa niyang pagsaid sa laman ng kopita. “Ang villa ay ginagawang pulungan ni Stan at ng mga kasamahan niya sa pulitika. Balita ko’y ipinagbili na ni Stan ang limang ektaryang lupang nasa dakong silangan...”

Nabitin sa ere ang kopita. Pagkatapos ay marahas siyang nagmura kasabay ng pagbagsak ng kopita sa bar counter. Nabasag iyon.

Napapailing na lumapit si Abel at kinuha mula sa kamay niya ang basag na kopita. “Nasugatan ka ba?” tanong nito na sinipat sa dilim ang kamay niya.

Subalit binale-wala niya ang tanong nito. “Kung ganoon ay walang silbi ang pag-uwi ko ngayon, Abel...” Magkahalong panggigipuspos at galit ang nasa tinig niya. Umuwi siyang dala ang tseke para sa kalahati ng halaga ng lupain. Umaasa siyang tatanggapin iyon ni Stan at saka na lamang niya pupunan ang kabuuan.

Fool that he was, until now he didn’t realize that Stan had no intention of selling him back the property. Mas nanaisin nitong ipagbili ang lupain sa ibang tao kaysa mauwing muli sa kanya.

Isang buntong-hiningang puno ng simpatya ang pinakawalan ni Abel at tinapik siya sa balikat. “Ihahanda ko ang silid mo sa itaas, Benedict. Sa maraming pagkakataon ay nagpipilit si Stan na buksan ko iyon. Pero malibang gibain niya ang pinto at saktan ako’y hindi siya makakapasok sa silid mo.”

Nagtagis ang mga bagang niya. Kung si Stan ang masusunod ay matagal na nitong pinalayas at sinaktan si Abel. Pero kahit papaano ay takot si Stan dito. May hinala itong may mga kakilalang taong-labas si Abel. At pareho nilang hinayaan na isipin ni Stan iyon sa kapakinabangan na rin ni Abel.

“Salamat sa lahat ng mga ginawa mo para sa amin, Abel. At sa pananatili mo sa bahay na ito sa kabila ng lahat.”

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Ihahanda ko na rin ang banyo,” sabi nito at tumalikod.

Natibo marahil siya ng nabasag na kopita dahil may nararamdaman siyang mahapdi sa palad niya. Itinaas niya ang bote ng whiskey at binuhusan ang bahaging mahapdi.

Pagkatapos ay kumuha ng panibagong goblet at sinalinan iyon. Nakakailang shots na siya nang muli siyang balikan ni Abel.

“Nakahanda na ang banyo,” tahimik nitong sabi. “Kung binabalak mong magpakalango para may dahilan kang patulan si Stan ay huwag mo nang ituloy,” payo nito na tila nahuhulaan ang gusto niyang mangyari. “Walang patutunguhan ang gagawin mo. Lalo mo lamang siyang itutulak na ipagbiling lahat ang ari-arian ng mga Aragon. Isa kang doktor, Benedict. Huwag mong pahintulutang sirain ni Stan ang pangalan mo.”

“Hindi niya maipagbibili ang bahay na ito, Abel!” he said gritting his teeth.

“Totoo, Benedict. Dahil ang mismong bahay na ito ay pinag-iinteresan ni Stan. Pero hangga’t hindi mo naipakikita sa korte ang katunayang pag-aari ito ng mga Santa de Leones ay mananatiling narito si Stan sa villa. Ginagamit niya ito laban sa iyo.”

“Kabisado mo ang buong villa, Abel,” aniya. “Nasubukan mo na bang—”

“Ultimong kisame ay napanhik ko na para hanapin ang anumang maaaring nakatagong titulo. At natitiyak ko sa iyo na iyon din mismo ang lihim na ginagawa ni Stan. At sa sandaling may makita siya ay tiyak na mauuwi iyon sa abo...”

“Natitiyak mo bang hindi pa nagagawa ni Stan iyon, Abel?” Fear and anger melded with each other.

“Sa bagay na iyan ay nakatitiyak ako, Benedict. Pero paano kung wala naman talagang kopya ng titulo at testamento at kung sa paano mang paraan ay nasira ang mga ito?”

Isang marahas na mura ang binitiwan niya at sinaid ang laman ng huling isinalin niya at pagkatapos ay tumayo at tinungo ang grand staircase.

Umiiling na sinundan siya ng tingin ni Abel.

PAGKATAPOS maligo ni Benedict ay nahiga na siya. Subalit may dalawampung minuto na siyang pabiling-biling sa higaan ay hindi siya dalawin ng antok. Alas-siete pasado pa lang ng gabi. Pero dahil pagod siya sa biyahe ay inaasahan niyang makakatulog siya kaagad. Subalit naririnig niya ang mga tinig ng mga taong nagkakasayahan sa hardin.

Bumalikwas siya at muling isinuot ang hinubad na pantalong maong. Pagkatapos ay lumabas sa balkonahe na nakapaligid sa buong ikalawang palapag. Ang kinatatayuan niya ay nakatanaw mismo sa hardin at sa harapang-daan. Malibang matutuon ang pansin ni Stan sa itaas ay hindi nito malalamang naroroon siya. At natitiyak niyang hindi pa rin nito alam ang pagdating niya. Madilim ang bahaging iyon dahil sa mga sanga ng punong-kahoy na humaharang sa liwanag na nanggagaling sa ibaba.

Sinuyod niya ng tingin ang mga tao sa lawn. Natanaw niya ang mesa ng grupo ni Mayor Alcaraz at ng pamilya nito. Katabi nito si Stan na nakaakbay k ay Milet. Sa katabing mesa ay ang mag-asawang de Castro, na masasabing kabilang sa taal at iilang masasabing may-kaya sa buhay sa bayan ng Capistrano.

Nang ibaling niya ang mga mata sa delantera ng bahay ay nakuha ng pagparada ng tricycle sa mismong tapat ng gate na naiilawan ang atensiyon niya. Mula roon ay isang magandang binti ang natanaw niyang iniunat at inilabas sa tricycle. Sa paa ay isang black strapped sandals na may manipis at mahabang takong. At marahil ay may kaiklian ang suot nitong damit dahil lumilis iyon sa hindi dapat. Pagkatapos ay sinundan iyon ng isa pang binti.

Hindi niya maiwasang mapangiti. He wasn’t a voyeur. Pero sa pagkakataong iyon ay iyon ang tingin niya sa sarili, lalo at sa palagay niya’y iyon ang pinakamagandang pares ng binti na nakita niya sa matagal-tagal ding panahon.

Umaasa siyang babagay sa mukha nito ang kung sino mang nagmamay-ari ng pares na mga binting iyon. Sinundan ng mga mata niya ang tuluyang paglabas ng babae.

Bagaman hindi niya masyadong masipat ang kabuuan ng mukha nito dahil nasa itaas siya ay hindi naman siya nabigo sa inaasahan.

Ang walang manggas, draped collar, above-the-knee length peach dress ay humahapit sa balingkinitang katawan nito na tila isang mangingibig. May katamtamang taas ito. And although she appeared on the thin side, she was well-proportioned. Ipinakikita iyon ng katamtamang laki ng dibdib at maliit na baywang na palagay niya’y kayang ipagsalikop doon ang mga kamay niya.

Napuna ni Benedict ang wala sa loob nitong paghaplos sa buhok na naka-French twist, para bang tinitiyak na walang hiblang naalis mula sa pagkakaayos.

Sandali itong nag-atubili, pagkatapos ay nakita ni Benedict ang pagtaas-baba ng dibdib nito bago itinaas ang mukha at lumakad na papasok sa gate, walking like a queen.

Sandali itong huminto sa paghakbang. And when her eyes moved around her it was as if those people were her subjects. Kakaiba ang dating nito sa mga kadalagahang naroroon; na tila ba hindi ito nararapat sa ganoong uri ng kasayahan at kapaligiran.

Pero bakit naka-tricycle lang ito? Sino ang bisitang ito ni Stan? She didn’t appear like one of the townspeople.

May ilang bisitang napuna ang pagdating ng babae. May mga nakangiting bumati rito. Mas o menos, taga-Capistrano ang babae. Pagkuwa’y kumunot ang noo ni Benedict nang mapuna ang ilang grupong biglang nagbulong-bulungan, lalo na sa mesang hindi kalayuan sa mesa ng mga tagamunisipyo.

Tila ba biglang nagkaroon ng tensiyon sa partikular na grupong iyon ng mga bisita ni Stan. Pagkatapos ay napuna niya ang pagbulong ng isang lalaki kay Stan. Bigla itong tumayo. Ang ngiti nito ay dagling naglaho. May ibinulong kay Milet at pagkatapos ay nagmamadali ang mga hakbang na nilapitan ang babae.

Mula sa pagkakapanungaw sa veranda ay bumalik sa loob ng bahay si Benedict. Marahil ay maiibsan ang pagkabagot niya. More or less, may ideya siya kung sino ang bagong dating.

Aminin man niya o hindi, he felt an unexpected thrill ran through him.

NAKITA ni Julianne ang ginawang pagbulong ni Stan sa tainga ni Milet at ang sandaling pagsulyap ng huli sa kanya. Iglap lang ang pagkamanghang lumatay sa mukha bago isang nang-uuyam na ngiti ang kumawala sa mga labi nito.

Hindi niya alam kung saan niya kinuha ang lakas ng loob sa pagparito. It would have been best if she had gone home and forget about this episode of her life.

Pero naroon na siya at lumalakad na si Stan palapit sa kanya. A tense smile on his face. Nanginginig ang mga tuhod niya habang palapit ito. Itinaas niya ang noo, sa kabila ng panginginig ng mga tuhod. Wala siyang balak ipaalam dito ang kabang nararamdaman.

“Julianne...” His smile was strained.

“Happy birthday, Stan,” bati niya rito, isang napakatamis na ngiti ang nasa mga labi niya.

Hinawakan nito ang braso niya at hinila siya patungo sa bahay. Kulang na lang ay kaladkarin siya nito. Nararamdaman niya ang mahigpit na pagbaon ng mga daliri nito sa braso niya.

“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ni Stan nang nasa loob na sila ng villa.

“Ano ang ginagawa ko rito?” she parroted. Binawi niya ang brasong hawak nito kasabay ng pagkawala ng ngiti sa mga labi niya. “You cheating liar...”

Nagpakawala si Stan ng naiiritang hininga. “This is not a birthday celebration, Julianne. Sinabi ko na sa iyo na hindi ako magse-celebrate ng birthday. Nagkataon lang na pinili ng partido na ngayon ganapin ang meeting namin.”

“You really are taking me for a fool, aren’t you?” Bago pa makasagot si Stan ay agad niyang sinusugan ang sinabi, “What’s Milet doing here anyway, Stan?”

Doon unti-unting nagkaguhit ang ngiti sa mga labi nito. “So, there! Nagseselos ka.”

“Don’t flatter yourself,” she hissed. “At hindi si Milet ang uri ng babaeng pagseselosan ko.” Sinabi niya iyon sa painsultong tono na nagpasalubong ng mga kilay nito.

“Honey...”

“Don’t honey me, you bastard!” Tinabig niya ang kamay nito sa pagtatangkang hawakan siyang muli. “Whatever your reasons, it would have been decent to break it off with me.”

“Julianne, hindi ko intensiyong makipag-break sa iyo,” pagsisikap nitong magpaliwanag. “Hindi ba at usapan nating magbibiyahe ako sa isang linggo?”

“Why, of course! You want to keep us both. At ano ang magiging papel ko? Mistress mo?” She was sarcastic. Akmang muling mangangatwiran si Stan pero inunahan niya uli. “Sa palagay mo ba’y hindi nakarating sa akin ang balitang iaanunsiyo mo ngayong gabi ang engagement ninyo?”

He didn’t even flinch. “You’re listening to rumors, Julianne. Ako ang kasintahan mo at sa akin ka dapat maniwala.”

“At ano ang dapat kong paniwalaan, Stan? May mga taong nakakaalam na magkasintahan tayo. And tonight you will announce to these people that Milet’s your fiancée...”

“Please try to understand, Julianne. Totoong may ilang taong nakakaalam na magkasintahan tayo. Pero marami ang hindi gugustuhin na ang mapangasawa ko ay isang dayo sa bayang ito... na hindi alam kung saan galing ang pamilya. And I need all the votes to win this election. Kailangan kong iprisinta sa kanila ang isang tulad ni Milet de Castro. This is just politics, Julianne. Ikaw ang mahal ko.”

“My g od!” hindi makapaniwalang sabi niya. “So you really intend to keep us both!”

“Hon, trust me...” Itinaas nito ang dalawang kamay upang hawakan siya sa magkabilang balikat subalit mabilis na umatras si Julianne.

“I’d rather trust a rattle snake!”

Tumiim ang mukha ni Stan. Ang mahinahong mga salita ay biglang naglaho. “Don’t make a scene, Julianne,” babala nito. Nilinga ang kuwadra-kuwadradong bintanang salamin at sumilip sa labas. Nakita nito si Milet na patungo sa bahay. Muli siya nitong hinarap.

“Julianne, kailangan kong bumalik sa grupo. Stay here, if you want. My bedroom’s down the hallway. Mag-usap tayo pagkatapos ng party. Hintayin mo ako sa silid ko.”

Ang akmang pagsagot ni Julianne ay napigil nang bumukas ang pinto at sumungaw si Milet. Sumandal ito sa hamba. Her red silk dress was slashed nearly to the navel.

“Inimbita mo ba siya, Stan?” Milet asked impatiently. Tinitigan at sinuri ang kabuuan niya. Then abruptly, Milet took her eyes off her, dismissing Julianne as if she were a piece of garbage. “Hindi maganda sa paningin ng mga tao ang pagtungo niya rito. Paalisin mo na. Naiinip na ang Papa’t Mama. Ganoon din si Mayor. Ayokong mapahiya sa kanila.”

Tinitigan siya ni Stan. Naroroon ang babala sa mga mata nito. At ang sandaling pagguhit ng... takot. Isang paismid na ngiti ang pinakawalan niya. Nakadama ng kasiyahang kahit papaano ay kinakabahan ito sa iskandalong maaari niyang gawin.

“May daan sa likuran ang bahay na ito, hindi ba?” Milet was addressing Stan. “Magagamit niya iyon sa paglabas.” Ikinawit na nito ang braso sa braso ni Stan at hinila na ito.

Isang huling sulyap-babala ang ibinigay sa kanya ni Stan bago nito kinabig pasara ang pinto.

Ilang sandali nang nakalabas ang dalawa ay nanatiling nakatitig sa pinto si Julianne. Iba’t ibang emosyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. On top of it all, she felt like crying and screaming at the same time. Nananakit na ang mga palad niya sa pagkakabaon doon ng mga kuko niya.

Paano niyang naisip na si Stan ang ipakikilala niya sa mga magulang at magiging kasama sa habang-buhay? Ano ang sasabihin ng ama niya sa kanya? Tinanggihan niya ang alok ng amang magpakasal sa anak ng crony nito dahil kay Stan. Ipinagmayabang niya sa ama na mahal siya ni Stan nang walang anumang pansariling motibo.

Wala sa loob na napaupo siya sa naroong mahabang sofa. Nagpipilit sumiksik sa isip ang pagtatalo nilang mag-ama may apat na buwan na ang nakalipas nang ipasya niyang magtungo sa Mindoro...