Chapter Thirteen
N ANG buksan ng security guard ang gate ng town house para sa sasakyan ay magtutuloy-tuloy na sana siya sa loob nang katukin ng isa pang security guard ang salamin ng jeep niya.
“Evening, s ir. May naghihintay ho sa inyo sa loob,” wika nito nang ibaba niya ang salamin.
Kumunot ang noo ni Benedict sa iritasyon, sinulyapan ang relo sa dashboard. Alas-onse na ng gabi. Tinapos nila ni John ang mga packages na ide-deliver kinabukasan. He was dead tired at ang tumanggap ng bisita sa ganoong oras ng gabi ang kahuli-hulihan niyang gagawin.
“Kilala ko ba?”
“Ngayon lang namin siya nakita, s ir. Julianne Fortalejo ang ibinigay niyang pangalan.”
“Sonofa—” He compressed his lips. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Dalawang araw na ang lumipas mula nang tawagan niya ito sa telepono. At sa nakalipas na kuwarenta y otso oras ay ibinuhos niya ang buong kaisipan sa trabaho. Hindi niya gustong bigyan ng pagkakataong okupahin ni Julianne ang kahit kaunting bahagi ng isip niya.
Sa buong buhay niya ay wala siyang natatandaang may babaeng gumulo sa pagkatao niya. Until Julianne. The cheat. To the bitter end, she wanted to fool him.
What was she doing here?
Nahahati ang isip at damdamin niya kung tutuloy sa loob ng compound o umalis muli at sa bahay na lang ni John magpalipas ng gabi.
Ipinasya niya ang huli. He’d be damned if he’d make a fool of himself again. Julianne was engaged. Ayon sa nabasa niya ay nahuli lang ng ilang segundo ang reporter para makuhanan ang engagement ring nito.
He shifted his gear. Iniaatras palabas ng gate ang sasakyan niya nang muling magsalita ang security guard.
“Mula pa kaninang alas-sais y media siya narito, s ir. Baka ho naghihintay sa loob ng kotse niya. Mercedes s ports, s ir. Silver.”
Natigilan si Benedict. Alas-sais y media. She waited that long?
Sapat iyon upang muli niyang ibinalik ang kambiyo at mabilis na pinaandar ang sasakyan papasok sa compound. Pinatay niya ang makina bago pa tuluyang huminto ang jeep malapit sa garahe niya. Nakita niya kaagad ang kotse ni Julianne na inokupa ang mismong loob ng garahe niya. Sleek and beautiful. Tulad ng may-ari niyon. But like its owner, both were beyond his reach. Beyond his wildest dreams.
Benedict was a simple man with simple dreams. At isang malaking kabaliwan na bigyan niya ng puwang ang pag-asang umahon sa dibdib. Sa kabila ng pananabik ay mabagal ang bawat kilos niya. Patamad siyang lumabas ng sasakyan at lumakad patungo sa kotse. It was tinted with black. Ni hindi niya maaninag ang loob.
Pagtapat sa driver’s seat ay marahan siyang kumatok at sumilip sa loob. Subalit wala si Julianne sa loob ng kotse. Nagsalubong ang mga kilay niya. Lumakad siya patungo sa hagdan at dahan-dahang pumanhik.
Napahinto siya sa unang landing nang makita sa itaas si Julianne. Sa top landing bago ang pinto ng unit niya ay naroon ito. In blue signature jeans and high-heeled leather boots—na kinababasahan niya ng DKNY ang maliit na label sa gilid. Ang laylayan ng puting blusa ay halos hindi umabot sa baywang ng pantalon.
Nakaupo ito sa sahig, nakayakap ang mga braso sa mga binti at nakayupyop doon. Nakatulog marahil ito sa paghihintay sa kanya. In nearly five hours. And right now, she didn’t look like a cheat. Nor a millionaire’s daughter. She looked small and vulnerable. May kung anong damdaming hindi maipaliwanag ang gumuhit sa dibdib ni Benedict.
Naramdaman marahil ni Julianne ang presensiya niya, dahan-dahan itong nag-angat ng ulo at lumingon sa gawi niya. Hinawi nito sa mukha ang mahabang buhok, then a sleepy and hesitant smile curved her lips.
Oh, g od, Benedict groaned silently. She was beautiful! At kung hindi niya pipigilin ang sarili ay baka takbuhin niya ang hagdan at yakapin ito.
“Hi...” she said huskily.
At nang hindi siya tumugon ng ngiti ay alanganing tumayo si Julianne. She stood there with uneasiness, watching him climbed the stairs slowly while his eyes seemed to imprison her.
He was on the top landing when she moved one step forward and gazed at him. Sa isang mahabang sandali ay nanatili silang nakatitig sa isa’t isa. And before Benedict could open his arms, yumakap na ito sa kanya.
“I’m sorry... I’m sorry...” she whispered, sobbing softly.
“Sshh...” Mahigpit niya itong niyakap, kissing her hair, her temple. Aminin man niya o hindi, he missed her like crazy.
Then he cupped her face in his hands and claimed her mouth in a hungry kiss. Julianne drank him in, letting his tongue mate with hers as he probed the sweet recesses of her mouth.
His mouth was still fused with hers when he dragged them both towards the door. Sinusian niyang pabukas ang pinto at ipinasok ang mga sarili sa loob.
Muling sumara ang pinto nang sumandal siya roon habang ang mga labi nila ay nanatiling magkahinang. Then his hands fumbled with the buttons of her blouse, almost ripping them apart.
In record time, they were both naked. Bagaman hindi sila nakarating sa silid niya, binigyan sila ng mahabang sofa ng sapat na espasyo. And after that, it all became a blur of raw passion: the kissing and fondling of their bodies, their rhythmic rocking in unison, and their climax.
Ang imahe ni Julianne ay mananatili nang nakakulong sa alaala ni Benedict sa habang-panahon: with her nipples so erect with arousal; with her head turning side to side, with the arching of her hips as she met him thrust for thrust; and the look of wonder on her face as he gave her shattering release.
Matapos ang mahabang sandali, neither said a word. They lay nestled together on their sides like two spoons.
“Benedict...”
Tumaas ang kamay ni Benedict at idinampi sa mga labi ni Julianne ang mga daliri niya. “Not now, Julie,” he whispered, kissing her shoulders. “Our bodies just said it all.” Then his arms closed around her.
Narinig ni Benedict ang mahinang paghikab ni Julianne kasabay ng pagkaramdam niya ng ngawit sa braso kung saan ito nakaunan. But he didn’t move. Hell, but he didn’t want to move from her. Sa halip, humigpit ang pagkakayakap niya rito, holding her as if he would never let her go.
BENEDICT woke up before dawn with empty arms. Tumayo siya sa pag-aakalang nasa banyo si Julianne nang matuunan niya ng pansin ang isang papel sa end table na nakaipit sa isang figurine. Inabot niya iyon at binasa.
I had to leave before I compromise the people that helped me find you. I promise to be with
you again after I have settled things with my father...
Damn. Damn. Damn.
Marahas niyang tinabig ang figurine sa ibabaw ng end table. Nagkadurog-durog iyon nang bumagsak sa sahig. He paced up and down the living room mad as hell. Gusto niyang isiping pinaglalaruan siya nito. But something about Julianne didn’t add up to it.
Muli niyang ibinagsak ang sarili sa sofa. He furiously raked his fingers through his hair. Sinisikap niyang kalmahin ang sarili at analisahin at unawain ang sariling damdamin.
Paanong kay Julianne ay kakaiba ang lahat? Papaanong sa una pa lang na makita niya ito ay kakaibang kislot na ng damdamin ang dulot nito sa kanya?
What did she give him that other women didn’t or hadn’t? Maybe it was the way she made love to him with more than just her body. She gave him everything—every part of her.
Dahil sinindihan mo ang apoy ng pagnanasa sa kanya, ang ibinubulong ng kabilang bahagi ng isip niya. Why you initiated her, gave her great sex... That was all there was to it. Perhaps that damn millionaire fiancé of her was a lousy lover. She’ll marry him and keep you on the side.
Ang panibughong nararamdaman niya, tulad din noong makita niya ang larawan nito sa peryodiko kasama ang lalaking iyon, ay tulad sa isang apoy na unti-unting tumutupok sa pagkatao niya.
Jealousy and anger were a potent combination.
“I’M MEETING Mr. Hidalgo here today. Would you know if he has arrived?” tanong ni Julianne sa receptionist na sumalubong sa kanya sa eksklusibong restaurant na iyon.
“He has, m a’am, five minutes ago,” wika ng receptionist, nakapagkit sa mga labi ang professional smile. “This way, please.”
Habang sinusundan niya ang babae ay inikot ni Julianne ang mga mata sa loob ng restaurant. Iyon ang unang pagkakataong napasok siya sa restaurant na iyon. It had an intimate air of seclusion. Bagaman siya ang tumawag kay William upang makipagkita rito ay ito ang pumili ng lugar na pagtatagpuan nila.
Itinuro ng receptionist ang kinauupuan nito. Agad tumayo si William nang makita siya.
“Hi,” bati nito at hinagkan siya sa pisngi. Pagkatapos ay hinila nito ang silya niya at pinaupo siya. Kinawayan nito ang waiter bago bumalik sa sariling upuan.
“What would you have?” tanong nito sa kanya nang lumapit ang waiter.
“Just a cup of coffee, please.” Sa waiter sinabi ni Julianne ang order.
“I’ll have the same,” wika nito. “We’ll order later.” William dismissed the waiter.
Tinitigan siya nito, napuna ang tensiyon sa mukha niya. Then he covered her hand with his. “So, anong importanteng bagay ang nais mong sabihin sa akin?” tanong nito na sinabayan ng ngiti. “Napagpasyahan mo na ba kung kailan mag-uusap ang mga magulang natin?”
“Hindi iyan ang dahilan kaya ako nakipagkita sa iyo, Will,” wika niya sa mahinang tinig.
Hindi ito sumagot. Bahagyang tumaas ang mga kilay at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Itinaas niya sa mesa ang kaliwang kamay at mula roon ay hinugot niya ang singsing na ibinigay nito sa kanya isang linggong mahigit na ang nakalipas. Ibinaba niya iyon sa mesa, itinulak palapit sa harap nito.
Isang mahabang katahimikan ang lumipas. Dumating ang waiter at ibinaba ang order nilang kape at muli ring tumalikod.
“I-I’m sorry, Will, but I am giving you back this ring. I can’t marry you. M-may higit na karapat-dapat na pagbigyan ng singsing na iyan... at hindi ako iyon.”
Tinitigan ni William ang singsing sa harap nang may ilang sandali, pagkatapos ay nag-angat ng mukha sa kanya. “I see,” he said without any emotion.
Iniwas ni Julianne ang mga mata. Wala sa loob na naglagay ng cream at sugar sa kape at pagkatapos ay itinaas sa bibig ang tasa at humigop nang marahan. Naghihintay siya ng sasabihin nito subalit nanatiling walang kibo si William.
Ibinaba niya ang tasa sa platito. “N-nasabi ko na ang gusto kong sabihin. I have to go...”
Tumango si William kasabay ng buntong- hininga. “At least, sinikap nating sundin ang kagustuhan ng mga magulang natin.”
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya at pagkatapos ay dinampot ang purse at tumayo. Awtomatikong tumayo si William.
Nakailang hakbang na si Julianne nang mapahinto siya. Nausea filled her. Pagkatapos ay naramdaman niya na tila gumalaw ang sahig na tinutuntungan niya at umiikot ang buong paligid. Mabilis niyang inabot ang silyang nasa tabi niya at humawak doon.
“Julie, what’s wrong?” ani William na agad siyang nilapitan at hinawakan sa braso.
“I-I don’t know what’s happening to me.” Her voice trembled.
“Pinagpapawisan ka ng malamig. Maupo ka muna...” Inalalayan siya nito na maupo sa naroong malapit na silya.
“I-I’ll be fine, Will. Thank you. Kailangan ko lang sigurong makasagap ng hangin.”
“Are you sure? Do you want me to drive you home?”
Hindi agad siya sumagot. Masama ang pakiramdam niya. Parang hinahalukay ang sikmura niya. Kaninang umaga ay naramdaman na niya iyon. May ilang minuto siyang nanatili sa higaan at nang sa pakiramdam niya ay kaya nang tumayo ay nagtungo siya sa banyo at naligo.
Kung hindi sa pagnanais niyang makipagkita kay William ay hindi siya babangon. At may hinala na siya kung bakit ganoon ang pakiramdam niya. Gayunman, gusto niyang makatiyak.
“May appointment pa akong iba, Will. Thank you.” Pinilit niyang ngumiti at muling tumayo. “Don’t worry. Kung sa pakiramdam ko’y hindi ko kayang mag-drive, hindi ako magpipilit. Hindi na malayo rito ang bahay ng pinsan kong si Jade. In fact, doon ako patungo.”
“Ihahatid kita sa kotse mo.” Sinenyasan nito ang waiter at iniabot ang credit card at pagkatapos ay iginiya na si Julianne palabas ng restaurant.
“NAG-AALALA ako sa nangyayaring ito sa iyo, Julie,” ani Jade nang muling bumalik sa kotse matapos manggaling sa drugstore at ibinigay sa kanya ang binili.
Hindi siya sumagot. Inihilig niya ang ulo sa headrest at sandaling pumikit. Hindi pa rin nawawala ang sama ng pakiramdam niya.
“At ganoon din si Kurt,” patuloy ni Jade at pinihit ang susi sa ignition at pinaandar ang makina ng kotse paalis sa lugar na iyon. “And he’s so angry with this man that he’s going to tell your father about it.”
“No!” Napaangat mula sa pagkakasandal si Julianne.
Nanlulumong nilingon siya ni Jade. “I’m sorry, Julie, pero hindi ko mapipigilan ang asawa ko. Labag sa kalooban ni Kurt nang hingin mo ang tulong niyang hanapin ang address ni Benedict. At hindi niya inaasahang magpapalipas ka roon ng gabi habang ang buong akala ni Uncle Bernard ay nasa amin ka.”
“But he promised—”
“Yes. Pero nang dumating ka kanina sa bahay na masama ang pakiramdam ay naghinala siya sa kalagayan mo.” Sandali nitong niyuko ang binili sa drugstore na nasa kandungan niya bago ibinalik sa daan ang paningin. “You actually don’t need that pregnancy kit. We both know you’re pregnant.”
“My father would destroy him, Jade,” nagpa-panic niyang sabi.
“Kung ganoon ay walang mabuting gawin kundi ang magsabi ka sa Papa mo ng totoo.”
Napatitig sa labas ng bintana si Julianne pero tagos-tagusan ang tingin. “Natatakot ako sa maaaring sabihin at gawin ng Papa, Jade.”
“We have to face the consequences of our actions, Julie.”
Julianne smiled drily. Didn’t she say the same thing to Nadine?