noveltoon logo noveltoon
Wild Passion (Kristine Series 22)

Chapter 19

Ch. 20 / 21 Feb 16, 2022

Chapter Nineteen

S A HALIP na sa Calapan Port ay pinili ni Benedict ang ferry na dadaong sa Balatero Port sa Puerto Galera. Maliit lamang ang Balatero kung ikokompara sa pier ng Calapan. Iilan lang ang dumadaong doon at wala iyong sapat na paradahan ng mga sasakyan. Pero higit na malapit sa pupuntahan niya.

Inilabas niya sa ferry ang four-wheel drive at ipinarada sa isang bakanteng lugar sa ilalim ng malaking puno at ibinilin sa isang residente roon. Pagkatapos ay umupa siya ng bangkang de-motor upang magpahatid sa pupuntahan.

Mas madali niyang mararating ang Isla Santa de Leones kung sa dagat siya dadaan. Kung kalahating oras niyang lalakbayin sa dagat ang pagtungo sa isla ay doble niyon kung sa lupa siya magdaraan at magmumula pa iyon sa Villa Manuela. Hindi lang iyon. Sa sandaling iyon ay mataas ang tubig at tiyak niyang nakalubog ang lupaing nagdudugtong sa Capistrano at i sla Santa de Leones. Hindi rin niya magagamit ang sasakyan.

Lumuwas siya ng Maynila apat na araw na ang nakalipas upang personal na ipakipag-usap kay John ang balak na pagbebenta ng share niya sa SDL Laboratories.

“Forget it, Benedict,” ani John. “Wala akong balak kumuha ng ibang partner upang patakbuhin ang kompanyang ito. Isa pa’y hindi mo kailangang ipagbili ang share mo kung kailangan mo ang ganoon kalaking halaga. Binibili ng Avon ang rights sa bagong tuklas mong scent kasama na ang formula...” Sinabi nito ang halagang iniaalok ng cosmetic company.

Napasandal sa headrest ng swivel chair niya si Benedict. It was a lot of money. Mabibili niyang muli ang ilang ektaryang lupaing naipagbili na ni Stan.

“And we could up the ante, my boy,” patuloy ni John. “Nakita ko ang malaking interes sa mga mata ng big bosses. At kahit hindi nila sabihin, the scent would hit the US market...”

“It never occur to you to use the scent to launch our own brand of perfume?” he asked lamely. Alam niyang bago iyon kagatin sa market ay hindi birong salapi at mahabang panahon ang kailangan nila para sa marketing at advertisement.

“Alam mo ang sagot diyan, Benedict. We’re doing more than well sa whitening soap and cream. Be practical. This is your chance for big bucks. And would you believe, they want to hire you.”

Matabang siyang tumawa. “Okay, John, set an appointment this afternoon.”

“Why the hurry, Benedict?”

“Gusto kong umuwi bukas din nang maagang- maaga, John. Nitong mga huling araw ay napupuna kong parang may sakit ang asawa ko,” he said worriedly. “But she wouldn’t admit it to me. Isinasama ko siya sa pagluwas kong ito pero tumanggi. Mapapagod lang daw siya sa biyahe kung babalik din naman ako kaagad.”

“She could be pregnant.”

Napaangat mula sa swivel chair niya si Benedict. “What... what gave you the idea?”

“Benedict, you’re dumb,” amused nitong sinabi. “Hindi ba at dapat lang namang asahan iyon malibang gumagamit kayo ng contraceptives. Do you?”

Wala sa loob na umiling siya. Stunned. “I... I never thought about it. Do you think it could be that she’s pregnant? Pero bakit hindi niya sinasabi sa akin?”

“Posibilidad lang ang sa akin. Kumpirmahin mo. You’re a doctor, for heaven’s sake.”

Benedict was thrilled and scared at the same time. Mixed emotions melded in his heart. He wanted to hurry back home immediately. Kumpirmahin si Julianne sa posibilidad na iyon.

Bigla, sa sandaling iyon ay isang matalinong desisyon ang napagpasyahan niya. Hindi lamang sa mga big boss ng cosmetic company siya dapat na makipag-set ng appointment.

His meeting with the Avon big bosses was more than satisfactory. Magalang niyang tinanggihan ang alok ng mga itong magtrabaho sa kanila. Subalit nag-iwan ang mga ito ng salita na kung sakaling magbago siya ng isip anumang sandali ay tatanggapin siya ng mga itong magtrabaho para sa kompanya.

“Narito na ho tayo, s ir...” putol ng bangkero sa pag-iisip niya.

Mula sa pagkakatitig sa tubig ay nag-angat ng mukha si Benedict. Napahugot siya ng hininga nang matambad sa kanya ang isang sloop. A thirty-foot beauty! It was painted in white. The mast were in red, yellow, and blue.

How he wished he could own a sailboat like that. He shook his head mentally. Nagbuntong-hininga. m ay mas mahalagang bagay siyang dapat na muling maangkin kaysa sa luxury ng pagkakaroon ng sailboat.

Umahon siya sa pantalan. Nilingon niya ang bangkero nang nasa itaas na siya. “Hintayin mo ako.”

“Sige po, s ir.” Tuluyan na nitong pinatay ang motor ng bangka. Tiningala ni Benedict ang islang bato. Alam ng buong Capistrano na sa pinakamataas na bahagi ng isla ay nakatayo ang bahay ng mga Santa de Leones. But no one had actually seen it. Kahit mula sa laot. Natatakpan iyon ng makakapal na punong-kahoy.

Kahit siya ay iyon ang kauna-unahang pagtapak sa islang iyon. Apprehension filled him. Hindi niya tiyak kung ano ang magiging pagtanggap sa kanya ng matandang Santa de Leones. At ni hindi niya alam kung buhay pa ito. Ang impormasyong nasabi ng Lola Manuela niya noong binatilyo siya ay bata kaysa sa Lolo Serafin niya ang kapatid nito sa ama.

Sinimulan niyang panhikin ang walang-katapusang hagdanang-bato. Ilang baitang na lang siya mula sa itaas nang makarinig ng tahulan ng mga aso. He groaned. They could be killer dogs. And he was an intruder.

Nasa itaas na siya nang matambad sa kanya ang tatlong malalaking aso na halos kasinlalaki ng tao. Sampung yarda mula sa kinatatayuan niya ang layo ng mga iyon. They growled savagely. Naglabasan ang matatalim na pangil at anumang sandali ay nakahanda siyang daluhungin.

Nasa pagitan siya ng pag-iisip kung bababang muli o umaasang may tao siyang matanaw.

“Quiet!” ang sigaw ng makapangyarihang tinig mula sa kanang bahagi ng mga aso. “Hindi ka sasagpangin ng mga iyan malibang inutos ko.”

Ang mga aso ay unti-unting umatras. Tahimik na naupo sa damuhan. They stopped growling but the three pairs of beast eyes were alert.

Saka pa lang pinakawalan ni Benedict ang pinipigil na hininga. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig.

Sa tabi ng barandilyang bakal na humaharang sa gilid ng bangin patungo sa dagat ay nakaupo sa wheelchair ang isang matandang lalaki. He must be in his mid-seventies. Halos puti nang lahat ang buhok nito, ganoon din ang makapal na bigote. Nakasuot ito ng puting camisa de chino at khaki ang maluwang na pantalon. Si Don Serafin Santa de Leones.

“So, I’ve finally met Benedicto’s grandson,” wika nito. The mustache turned upward in a dry smile.

“Kilala mo ako?” He was surprised.

“You’re a spitting image of your grandfather, young man. No one could have mistaken those Santa de Leones eyes for somebody else’s.”

“Isa rin akong Aragon...”

Sloppy shoulders lifted in a shrug, as if the name didn’t merit his attention. “So what brought you here for the first time in—how old are you and what is your name?”

“Thirty-three... Benedict.”

“Benedict...” Pinaglaro nito sa dila ang pangalan niya, then a nostalgic smile seemed to cross his eyes. “So why come here only now? Money?”

Naningkit ang mga mata ni Benedict. “Sorry to disappoint you, s ir. Hindi pera ang kailangan ko.”

Umangat ang kilay ng matandang lalaki. “Don’t be offended, young man. Karaniwan nang ganoon ang nangyayari. Nagtataka lang ako. I thought I’d go to my grave without seeing you.”

“Then why didn’t you come and see me? Kahit nang mamatay si Lola Manuela?”

The old man released a harsh breath. Sadness crossed his eyes. “Matandang alitan ng magkakapatid, Benedict, ang dahilan. Hindi kailangang pag-usapan sa unang pagkakataong nagkita tayo.” Itinuro nito ang katabing lounging chair. “Maupo ka at sabihin mo sa akin ang kailangan mo.” Nag-angat ito ng mukha sa dakong sa palagay ni Benedict ay ang patungo sa bahay nito bagaman wala siyang nakikita kundi malalaking puno. Patungo sa kanila ang isang babaeng nakauniporme ng puti. Isang pribadong nurse.

“Sabihin mo kay Choleng na dalhan kami ng malamig na maiinom, Ariana.” Nang tumalikod ang babae ay muli siyang hinarap. “So?”

“Hindi pera ang tulong na gusto kong hingin sa iyo...” Muling umangat ang kilay ng matandang lalaki pero hindi kumibo. Ipinaliwanag ni Benedict ang sirkumstansiya ng mga lupain niya, lalong higit ang Villa Manuela. Hindi niya pinansin ang pagtiim ng bagang ng matandang lalaki. “Alam kong magkakarugtong ang islang ito at ang Capistrano. Katunayan ang dulo ng daan sa dagat ay pag-aari ko. Ginagamit ninyo ang propiedad ko bilang daanan...”

“There’s a law to a right of way.”

“That’s not my point,” he said impatiently. “Naisip kong may titulo kang hawak upang patunayang pag-aari ni Lolo Benedicto ang lupain.”

Isang nahahapong buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang lalaki. Nilinga ang karagatan. “Tatlo kaming magkakapatid na lalaki, ang lolo mo ang panganay. But he was also our father’s son outside his marriage...”

“Alam ko ang bagay na iyan.”

“Sino ang nagsabi sa iyo?” Sinulyapan siya. “Ahh, si Manuela...” Muli, sa ikalawang pagkakataon ay nagkalambong ang mga mata nito pagkabanggit sa pangalan ng lola niya.

Nagpatuloy ang matandang lalaki. “Nang ipamana ng aking ama ang buong lupain kay Benedicto ay ibinigay nito sa kanya ang lahat ng mga papeles, Benedict. Nalulungkot akong wala akong maitutulong sa iyo sa bagay na iyan. But if you will ask me to hire someone to kill this land-grabbing bastard, I might help you. At hindi ako nagbibiro!”

Benedict was stunned for a moment and then he gave a bark of laughter. Don Serafin laughed with him. Nararamdaman ni Benedict na makakasundo niya ito kahit ngayon lang sila nagkita.

“Baka sa sandaling ito’y mayor na ng Capistrano si Stan, s ir, marami nang bodyguards tiyak iyon,” he joked.

“Call me ‘ g randpa,’ or ‘ l olo,’ o kahit na anong itawag mo sa akin. Huwag lang ‘ s ir.’”

“Grandpa, then,” he said, felt the warmth flow in her heart. “Kahapon ang eleksiyon sa Capistrano at malamang na ngayon ay may resulta na.”

“Kalimutan mo ang kaso sa korte, Benedict,” wika ng matanda. “Matatagalan pa iyon. Mauubos ang salapi mo roon. Buy back the property from this man. Ibibigay ko sa iyo ang halagang kailangan mo.”

“Stan wouldn’t sell the Santa de Leones property, Grandpa,” he said in a resigned voice. “And even if he would, I won’t accept your money.”

“A true blue Santa de Leones,” matabang na wika nito. “Foolish but a Santa de Leones nevertheless. Let me help you, Benedict.”

Tumayo siya. “Sa ibang pagkakataon, Grandpa. Sisikapin kong lutasin ang suliranin ko sa sarili kong paraan. Salamat sa pakikipag-usap. At ipagpaumanhin mong hindi ko mahihintay ang inuming ipinakuha mo.”

Inabot nito ang braso niya at hinila siya at isang mahigpit na yakap at tapik sa balikat ang ginawa nito. “Come visit me again, Benedict. Meet the rest of the Santa de Leoneses...”

Benedict smiled gently. “I promise.” Tumalikod na siya pabalik sa pinanggalingan nang magpahabol ito ng salita.

“Maliit lang ang Capistrano pero magulo na rin ang eleksiyon.”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

Nagkibit ito ng mga balikat. “Ayon kay Pedro, ang katiwala, ay nabaril noong isang araw ang isang kandidato sa pagka-mayor.” Umiling ito. “Don’t ever think of entering into politics, Benedict.”

He smiled. Muling nagpaalam at tuluyan nang tumalikod.

“PANGALAWANG init mo na iyan diyan sa ulam, Julianne,” komento ni Abel nang muli niyang ilagay sa microwave ang pagkain. “Baka abutin ng hapon si Benedict.”

Alam niyang darating ito ngayon. Tumawag ito habang nasa ferry at nagsabing maaantala. Pero hindi niya inaasahang dalawang oras itong maaantala sa pananghalian.

“Katatawag lang niya, Abel. Nasa daan na siya,” aniya, inilagay sa no. 4 ang timer ng microwave. “Sa palagay mo ba, magugustuhan niya ang niluto ko? I’ve perfected it, haven’t I?”

Nangiti si Abel sa insekyuridad sa tinig niya. “Tinitiyak kong magugustuhan ni Benedict ang kare-kare mo.”

“Ang bagoong!” bulalas niya at kinuha mula sa pantry ang binotelyang bagoong na binili niya sa isang grocery sa bayan ng Puerto Galera kamakailan.

Nauwi sa tawa ang ngiti ni Abel. “Sasabihin mo ba ngayon ang tungkol diyan sa dinadala mo, Julianne?” banayad nitong tanong nang inilalagay na niya sa platito ang bagoong.

Natigilan siya. Humugot ng malalim na hininga. “Kailangan ko nang sab—” Nahinto ang sasabihin niya sa pagparada ng sasakyan sa labas. Narinig nila ang paggiik ng gulong sa marahil ay biglang pagpreno ng driver. Nagkatinginan ang dalawa.

“Si Benedict ba ang dumating?” wala sa loob niyang tanong at humakbang palabas ng dining room. Nasa sala na siya nang bumalya pabukas ang pinto at iniluwa si Stan.

“Ikaw ang may kagagawan sa pagkatalo ko, Julianne!” bungad nito. Ang kabangisang nakabalatay sa mukha nito ay nagpakaba sa kanya. Wala sa loob na napahawak siya sa gilid ng buffet cabinet.

“Ano ang sinasabi mo, Stan?” tanong niya, sinisikap na huwag maapektuhan ng galit nito.

“You and your filthy money! Natalo ako sa eleksiyong ito at pagbabayaran mo ang ginawa mo!” He strode toward her.

Napahakbang paatras si Julianne. Ngayon lang niya nakita ang ganitong anyo ni Stan. “Wala akong kinalaman sa pagkatalo mo, Stan. At iyon ang totoo. What I said days ago was an empty threat.”

“You, liar!” Bago pa nakaiwas si Julianne ay tumama sa pisngi niya ang likod ng kamay nito. Umikot ang buong paligid sa sakit na naramdaman niya kasabay ng pagbalandra niya sa barandilya ng hagdan. Tumama ang ibabang likod niya na halos magpapugto sa hininga niya.

“Nagkamali ka ng kinalaban, Julianne!” Muli itong humakbang palapit sa kanya.

Sinikap ni Julianne na paglabanan ang sakit na nararamdaman. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya ang mabilis na pagsugod ni Abel kay Stan. Muling tumaas ang kamay ng huli at sa panlalaki ng mga mata niya at itinuon ni Stan ang baril dito. Baril na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Nakalimutan niya ang sariling sakit at tinakbo si Stan at ubod-lakas na hinampas ang kamay nito. Kasabay ng putok ay ang pagbagsak ng baril sa sahig.

“Abel!” sigaw niya nang makitang humandusay ang matandang lalaki at makitang may dugong umaagos sa gilid ng mukha nito. Tumakbo siya upang daluhan ito. Si Stan ay humakbang upang damputin ang baril na humagis hindi kalayuan kay Abel.

Subalit nakagapang na roon si Abel at malakas na tinabig iyon ng kamay. Humagis iyon sa ilalim ng malalaking upuan sa sala. Nagmumurang sinipa ni Stan ang matandang lalaki. Napaungol sa sakit si Abel.

Humakbang si Stan upang kunin ang baril na humagis sa paanan ng mahabang sofa.

“Abel...”

“Tu... tumakbo ka, Julianne... t umakbo ka... d ali!”

Atubiling nilinga ni Julianne si Stan na ang akmang pagdampot sa baril ay napigil at nilingon siya. Hinayon ng mga mata niya ang pinto palabas. Bago pa niya iyon marating ay tiyak na naroon na ito. She opted to run for the stairs. Dinampot ni Stan ang baril at hinabol si Julianne.

Sa itaas, bago siya nakatakbo papasok sa silid niya ay nahagip ni Stan ang buhok niya. Hindi niya alam kung saan galing ang lakas niya nang bigla niya itong hinarap at tinuhod. Tinakbo niya ang pinto ng silid nila ngunit hindi niya iyon nakuhang isara. Naroon ang braso ni Stan at iniharang. Binalya nito iyon at pabalandrang bumukas ang pinto.

Tinakbo ni Julianne ang French door palabas sa veranda. Nahagip ng mga mata niya ang pagpasok ng sasakyan ni Benedict sa gate.

“Benedict!” she screamed and waved her hands in terror.