Chapter Seventeen
M AAGA pa lang ay wala na sa villa si Benedict sa magkasunod na tatlong araw. Hapon na kung dumarating ito. Ayon dito ay kasama nito si Governor Marciano na nagboluntaryong maging abogado nito para sa kasong isinampa ni Benedict tungkol sa Villa Manuela at sa lupaing nakapaligid dito.
Sa isang banda ay ipinagpapasalamat ni Julianne iyon. Hindi nakikita ni Benedict ang morning sickness niya.
Maliban sa kaalamang dinadala nito sa korte ang problema ng lupain ng mga Santa de Leones ay iniiwasan ni Benedict na pag-usapan nila ang tungkol dito. At kung nasa villa naman ito ay gumugugol ito ng malaking oras sa computer na siyang ugnayan nito at kay John.
“Ipinagtimpla kita ng kape,” ani Julianne nang pumasok sa library. Inilapag niya ang mug ng kape sa ibabaw ng mesa na pinagpapatungan ng computer.
Benedict smiled. He reached for her tiredly and kissed the side of her breast. “Thank you.” Inabot nito ang tasa ng kape at humigop. “Hmm... nagiging masarap ang timpla mo ng kape sa araw-araw, darling.”
Julianne grinned. “I’m learning.” Itinuon niya ang paningin sa screen ng computer. “Kumusta ang trabaho ninyo ni John?”
Nawala ang ngiti sa mukha nito, nagbuntong-hininga. “Iniaalok ko kay John ang share ko sa kompanya.”
“Why?” tanong niya sa kabila ng humigit- kumulang ay alam niya ang dahilan.
“Ang share ko roon at ang profit sa sales nitong nakalipas na buwan at ang halagang naipon ko nang tanggihan ni Stan na ipagbili sa akin ang unang bahagi ng lupaing ipinagbili niya ay sapat na upang bilhin kong muli ang lupaing nakaharap sa dagat.”
“Paano kung hindi ipagbili sa iyo ng nakabili?”
May ilang sandali ang pinalipas nito bago sumagot. “I haven’t thought of that yet.” Tumingala ito sa kanya. The stubble darkened his face. Then he gave her a strained smile. “Sabi mo nga, one problem at a time.”
“Paano ang trabaho mo?”
“I’m planning to put up a clinic here in Capistrano, darling... bilang pagtupad sa pangarap ng Lola na magkaroon ng doktor sa bayang ito.”
“Bakit ayaw mong tulungan kita?” Nakikiusap ang tinig niya.
Masuyo siyang inabot ni Benedict at pinaupo sa kandungan nito. “Sa napakahabang panahon ay ikaw ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko, Julie...” His voice turned husky with emotion. “And I don’t even deserve you. Huwag mong pababaing higit ang pagtingin ko sa sarili ko.”
“Benedict, I love you, and—”
“And that’s more than enough.” He touched his forefinger on her lips. “Just love me, darling, iyon lang ang hinihingi ko sa iyo. Ipaubaya mo sa akin ang suliranin ng lupain ko.”
“Such foolish pride!” padabog niyang sinabi at tumayo mula sa kandungan nito. Hindi siya papayag na mauwi kay Stan ang propiedad ni Benedict. She had to do something about it in her own way. At hindi kailangang sabihin kay Benedict ang plano niya.
“Come here and kiss me,” utos nito at hinawakan siya sa braso.
Nagpahinuhod siya at muling naupo sa kandungan nito. Dinama ng mga daliri ang tumutubong balbas. “Relationship is sharing, Benedict, sa lahat ng bagay.”
“Saan mo naman natutuhan ang sinabi mong iyan?” amused nitong tanong, hinuli ang daliri niya at banayad iyong kinagat. “Wala ka namang ibang nakarelasyon kundi ako. Count out your brief and boring affair withStan.”
Julianne’s face broke into a soft smile. “You should meet my family, Benedict. Ang alam lang ng mundo sa amin ay ang kayamanan ng pamilya. You wouldn’t believe what our families went through... and how relationships stood the test of time.”
“Mapalad ka sa pagkakaroon ng ganoong uri ng pamilya, Julie.”
“Luck has nothing to do with it,” aniya. “Mas nakasalalay sa pag-ibig at pagsisikap ng bawat isa na harapin ang unos nang magkakasama. Walang diborsiyo sa pamilya, Benedict. Hindi niyon nalulutas ang suliranin. And despite the wealth, my parents aren’t corrupt. They do not condone wrongdoings, anak ka man o hindi.”
“I’d love to meet your parents, Julie.” Nasa tinig nito ang pag-asam. “Bagaman sa panahong ito ay wala akong kayang ipagmalaki sa kanila.”
“Oh, knowing my father, you will soon. Don’t ever doubt that.” Then a sad smile fleetingly crossed her face. Umaasa siyang hindi muna sasabihin ng mga magulang niya sa mga kapatid na lalaki ang tungkol sa kanila ni Benedict.
Wala sa loob na umikot ang mga mata ni Julianne sa paligid ng library. Tumingala siya sa mga nakasalansang libro sa paligid. Mga koleksiyon ng iba’t ibang uri ng libro. Bagaman napasok na niya iyon nitong nakalipas na araw, noon lang niya napuna ang limang albums na nakasalansan sa upper shelf ng credenza sa likuran ni Benedict. “Album ng pamilya?” she asked.
Lumingon si Benedict sa hinayon ng mga mata niya. Tumango ito. “Those are my grandmother’s treasured items, Julie. Lalo na `yong makapal. Naroroon ang mga larawan nila ni Lolo.” Ibinalik nito ang mga mata sa kanya, a nostalgic smile on his handsome face. “Maniniwala ka bang walang alam sabihin si Lola sa akin noong bata pa ako tuwing hawak ang album na iyan at tinitingnan ang mga larawan ni Lolo kundi ang ingatan ko ang album na iyan? She always said that that album was my legacy from my grandfather.”
“I can understand that.” She smiled softly. Ang papa niya ay may mga iniingatang larawan ng great-grandmother niyang si Julia de Silva. In a way, magkatulad ang ama niya at si Benedict, parehong lola ang nag-aruga. Ang pangalan niya ay kinuha mula sa matriarch ng mga de Silva. “May mga larawan ka ba ng mama mo?”
Tumango ito. “`Yong pinakabagong album sa lahat. Ako na lang ang bumili ng album at naglagay ng mga larawan ni Mama mula pagkabata. Natagpuan ko ang mga larawan sa lumang aparador ni Lola nang nakalipas na mga taon.”
“Maaari ko ba silang makita?”
“Oh, sure. But some other time, sweetheart.” Tumaas ang kamay nito at dinama nang halinhinan ang dibdib niya. Banayad na napasinghap si Julianne. “Alas-nuwebe pasado na ng gabi at mas may naisip akong magandang gawin kaysa sa tumingin ng mga lumang larawan.” He claimed her lips and swept her mouth hungrily, greedily. Ang isang kamay nito ay pumaloob sa ilalim ng cotton dress niya. Then he pulled her briefs down.
“B-Benedict, nasa loob tayo ng library...” mabuway niyang saway, though excitement suddenly ran through her veins like wild fire.
Itinayo siya nito at pagkatapos ay muling pinaupo pabalik sa kandungan nito, this time she was straddling him. “I’ll make love to you anywhere and everywhere in this house, darling...” bulong nito habang hinahagkan siya. “So every corner will remind you of how I burn for you.”
Julianned moaned and closed her eyes. Then Benedict held her buttocks and guided her down to him inch after agonizing inch. He was hard, and hot.
“Quiero... quiero que hagamos las cosas sin apresurarnos, Benedict. Ay, por favor,” she said breathlessly.
Benedict chuckled against her neck. Bagaman ang naiintindihan lang niya roon ay ang por favor, Julianne’s habit of lapsing into Spanish whenever she was aroused was adorable... and erotic.
HINDI pa natatagalang umalis sina Nadine at Miguel na inanyayahan niyang doon mananghalian. Minabuti niyang tingnan ang mga lumang album nang wala siyang maisip gawin. Una niyang binuklat ang album ni Benedict mula noong bata pa ito. Hindi niya maiwasang mangiti sa nakikita niya. Warmth flooded her heart. Kung makababalik siya sa Maynila ay gusto niyang kunin ang album nila ni Jessica at ipakita rin dito.
Huli niyang binuklat ay ang pinakalumang album sa lahat, ang kinapapalooban ng mga larawan ni Don Benedicto at Doña Manuela. Sa pagtataka niya ay ang 6x8 close-up photo ni Benedict noong binatilyo pa ito ang nakapaloob sa antigong photo corners sa inside cover ng album.
Sa kanan, sa unang pahina ng album ay ang kasinlaking larawan ni Don Benedicto. Ayon sa caption sa ibaba, tatlumpung taon ang don nang kunan ang larawang iyon.
Pinaglipat-lipat ni Julianne ang tingin sa maglolo. The likeness was remarkable. Kamukha ni Benedict ngayon ang abuelo noong kabataan nito. Pagkatapos ay muli niyang inilipat ang mga mata sa larawan ni Benedict. She smiled tenderly. Ang mga daliri niya ay banayad na dinama ang larawan, outlining Benedict’s young face. Nang biglang magsalubong ang mga kilay niya. Hindi pantay ang pagkakadikit ng larawan. May bahaging nakaangat nang bahagya.
Muli sana niyang pararaanin ang mga daliri sa kabuuan ng larawan nang makarinig siya ng mga tinig. Napatuon ang pansin niya sa nakabukas na pinto ng library. Ang isang tinig ay kay Stan.
Sa nakalipas na isang linggo mula nang mangyari ang pagtatagpo nila sa veranda ay hindi umuuwi sa villa si Stan. Ilang araw na lang at eleksiyon na at marahil ay sa headquarters ng partido ito naglalagi kung hindi man sa bahay ni Mayor Alcaraz. Subalit kaninang magising siya ay napuna niya ang kotse nito sa garahe. Hindi niya ito nakatagpo sa almusal at inisip niyang natutulog pa marahil.
Binitiwan niya ang album at tumayo at lumabas ng library.