noveltoon logo noveltoon
Wild Passion (Kristine Series 22)

Chapter 3

Ch. 4 / 21 Feb 16, 2022

Chapter Three

“B AKIT ngayon mo pa napiling magbakasyon?” sabi ni Bernard na ibinaba ang peryodiko sa mesa. “Sa susunod na buwan ay darating si William mula sa Los Angeles.”

Julianne almost rolled her eyes. Ilang araw nang ipinaalala ng ama ang tungkol sa pagdating ni William Hidalgo, anak ng isa sa mga kaibigan nito. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto niyang pagbigyan ang imbitasyon ng kaibigang daluhan ang kasal nito.

At dahil wala ang mama nila at nasa Texas upang dalawin ang bagong panganak na apo kay Aidan, napakadali para sa ama na i-pressure siya sa gusto nitong mangyari.

“Papa, nangako ka na hindi mo kami pipiliting ipagkasundo sa alinmang anak ng cronies mo,” paalala niya sa ama. “Kung malayang nakapamili sina Lenny at Aidan ng mapapangasawa nila, iyon din ang inaasahan ko mula sa iyo. Namin ni Jessica.”

“I haven’t broken any of my promises yet, Julianne,” Bernard said impatiently. “Pero hindi masamang gumawa ako ng paraan upang mas mapabuti ang kalagayan ninyo ni Jessica. At gusto kong narito ka sa pagdating ni William. Get to know each other better. Iyon din ang dahilan kung bakit uuwi siya. Ang muli kang makita. The last time you saw each other was—”

“More than a year ago,” she supplied. “Nagkikita kami sa Los Angeles, Papa, noong kasalukuyang nasa Art International ako. We’ve dated a few times.”

“Alam ko ang tungkol sa bagay na iyan!” nabiglang pag-amin ni Bernard.

“You knew!” bulalas niya.

“Well...” Nagkibit ng mga balikat si Bernard, umiwas ng tingin.

“Kung hindi ako nagkakamali ay kayo ang nag-utos kay William na makipagkilala at makipagkita sa akin!” She compressed her lips in controlled anger. Now she knew why William did everything to seek her company while she was in L.A.

“Ano ang masama sa ginawa ko? I was informed you enjoyed his company.”

Hindi agad siya makasagot dahil tama ang ama. She enjoyed William’s company. Not only was he as handsome as a Roman god, he was also charming and thoughtful and every inch a gentleman. Huwag nang sabihing ang pamilya nito ay masalapi—ang pinakamahalagang dahilan upang mapaligaya ni Julianne ang lahat ng mga nasa paligid niya kung gugustuhin niya ito. Walang mag-iisip na papakasalan siya nito dahil sa pangalan at salaping mamanahin niya sa takdang panahon.

Pero alam din niyang may girlfriend si William sa Amerika. Isang Pilipina at empleyado sa bangko ng ama nito. Nasa Amerika pa siya nang malamang kasalukuyang nagdadalang-tao ang babae. Nalaman niya ang impormasyong iyon mula sa common friend nang makita nitong nagde-date sila.

Ayon sa common friend nila, hindi mapakasalan ni William ang babae dahil ang pamilya nito ay hindi nabibilang sa alta sociedad. His father threatened to disinherit William should he marry his girlfriend.

It didn’t matter to her then. Dahil wala namang binabanggit si William sa totoong layunin nito sa kanya. But it did now. Lalo at deretsahang sinasabi ng ama na gusto nitong magkapangasawahan sila ni William. Ngayon niya natantong ang ginawang pakikipag-date sa kanya noon ni William ay bahagi lamang ng obligasyon nitong paluguran ang mga magulang nila.

Bigla ay naikumpara niya si William sa mga kapatid na lalaki. Lenny and Aidan would never turn their back on the women they loved for fear that Bernard would disinherit them.

Ang kaisipang iyon ang lalo nang nagpatibay sa pagnanais niyang magbakasyon. Tinitigan ni Julianne ang ama. “Papa, may girlfriend si Will sa Amerika at may anak siya roon—”

“Hindi mo problema iyon, Julianne,” putol nito sa sinasabi niya. “A man has to sow his oats while young. At ang babaeng iyon ay bahagi ng kabataan ni William. He will be a changed man once you married. Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang sarili mong higit pang makilala si William?”

“Hindi ko kailangang gawin iyon, Papa. As a friend, I like him already and—”

“So what’s stopping you from wanting to marry him?” Again, Bernard cut her off.

“I don’t love him,” padabog niyang sabi. Ibinaba ang kutsilyo at tinidor sa pinggan. “And you’re doing this because of this shipping business with his father.”

“That is true, Julianne,” pag-amin ni Bernard. “I want to venture into shipping. At hindi birong kapital ang kailangan ko para doon. Kung magkakatuluyan kayong dalawa ni William ay sasang-ayunang madali ng papa niya ang plano kong magsosyo kami.”

May ilang sandali siyang hindi kumibo, pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa ama. “Okay, payagan n’yo akong magbakasyon sa Mindoro at nangangako akong pag-uwi ko’y ibubuhos ko ang buong pansin ko kay William at pag-iisipang mabuti ang bentahe kung magkakatuluyan kami...”

Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “Why particularly in Mindoro?”

“Tagaroon si Nadine. Dati ko siyang classmate at kaibigan sa unibersidad bago n’yo kami ipinadala ni Jess sa Texas. Though it had been three years since we last saw each other, we communicated once in a while. She invited me to her wedding next month...”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. Dinampot ang tasa ng kape at humigop. Napangiwi ito nang malasahang lumamig na iyon.

“Okay. Buy your friend the best gift. I’ll arrange for the pilot to take you there—”

“`Pa, I’m going there alone. At walang mga bodyguard.”

Napadali ang pagbagsak ng tasa sa platito at natapon ang kape sa placemat. “ ¿ De que estas de hablando, Julianne?” nanlalaki ang mga matang sabi nito.

“Papa, wala kayong dapat ipag-alala—”

“Walang dapat ipag-alala?” muling putol ng ama sa sinasabi niya. “Bukod sa wrong timing ang paghingi mong ito ng bakasyon, hindi ba dapat akong mag-alala na magbabakasyon ka nang nag-iisa at walang bodyguards...”

She opened her mouth to say something but Bernard spoke again. “Kaya ko kayo ipinadala ni Jess sa Amerika ay dahil sa lumaganap ang kidnap for ransom dito sa atin. Tu estas mas loca que una chiva!” ani Bernard, nagsimulang umahon ang galit. “You are bound to endanger yourself and you know that!”

“People won’t recognize me, Papa,” she reasoned out. “Probinsiya iyon. Sino ang makakakilala sa amin doon?”

“Julianne—”

“ Por favor , Papa,” pakiusap niya. “I promise to take care of myself. Isa pa, alam n’yo kung saan ako patungo. At matatawagan ninyo ako sa cell phone ko. Besides, nasabi ko na sa Mama ang balak kong pagtungo sa Mindoro. Pinayagan niya ako.”

Umiling si Bernard. “I can’t believe your mother agreed to this foolishness.” Pagkuwa’y tinitigan siya nito nang matagal. “Bakit ka humihiling ng ganito, Julianne?” Bernard’s tone was weary. “It is so unlike you. Kung si Jessica ay baka maintindihan ko. But not you.”

“`Pa, is it so bad to leave all these—” i nikot niya ang tingin sa karangyaan na nasa paligid, “— for a while? Ang magtungo sa ibang lugar bilang isang simpleng Julianne? `Yong magkaroon ng mga kakilala na hindi mangingilag dahil ako ay isang Fortalejo?” And perhaps I’ll meet someone who wouldn’t want me for the Fortalejo money. `Yong hindi papayag sa arranged marriage para sa higit pang kayamanan at convenience ng pamilya, ang muntik na niyang maidagdag sabihin. Iyon mismo ang dahilan kung bakit hinihiling niya ito sa ama. Nagamit lang niya ang nalalapit na kasal ni Nadine. Of course, she couldn’t tell her father that.

“Hindi ko ipipilit na gustuhin mo si William, hija. Huwag mo lang gawin ito,” ani Bernard na tila nahuhulaan ang nasa isip niya.

“This has nothing to do with William. Alam kong hindi ninyo siya ipagpipilitan sa akin kung talagang ayaw ko. Lalo na ang Mama. Sarili kong kagustuhan ang gagawin ko, Papa.”

Tila walang-hanggan ang katahimikang namagitan. Iniisip na ni Julianne na hindi papayag ang ama. Pagkatapos ay isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard bago sa resigned na tinig ay, “Saang bahagi sa Mindoro naroroon ang kaibigan mong ito?”

Isang maluwag na hininga ang pinakawalan niya at ngumiti. “Sa Capistrano, Papa. It’s near Puerto Galera. At hindi iyon malayo sa Palawan, hindi ba?”

“And what about this friend of yours? Kilala ka niya, paano mo matitiyak ang kaligtasan mo kung—”

She shook her head. “No, Papa. Ang alam ni Nadine ay isa lamang akong ordinaryong estudyante sa pamantasan noong nag-aaral pa kami. `Yong pagtungo namin ni Jess sa Amerika ay sinabi kong makikitira ako sa isang kamag-anak at magtatrabaho roon. I didn’t lie to her. I work part-time with Aidan’s company.”

“This is ridiculous!” Bernard muttered.

Subalit nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Julianne na tila hindi nagsalita ang ama. “Si Nadine ay ulila na sa ina at nakapag-aral sa unibersidad dahil sa scholarship ng gobernador sa kanilang lugar. At ang tatay naman niya’y nagtatrabaho sa munisipyo bilang clerk. At sa panahong magkasama kami ay hindi ko magawang ipakita sa kanya ang kaibahan ng aming buhay nang hindi nakadarama ng guilt...” Her voice trailed off when Bernard harrumphed.

“Bakit kailangan mong makadama ng guilt, Julianne?” tanong nito. “Kung ano ang nararanasan ninyong magkakapatid ngayon ay dahil sa dugo at pawis ko. Alam ninyong lahat iyan. Lenny worked his way through college and you and Jess—”

“Yo se, Papa. Pero hindi mo maiaalis sa aking makadama ng ganoon. Nakakasalamuha ko sa unibersidad ang mahihirap na mga estudyante—”

“We have the Fortalejo Foundation. Hindi mabilang na estudyante ang binibigyan nito ng scholarship.”

Hindi niya itinanggi ang katotohanang iyon. “Okay... okay. Anyway, nang tanungin ako ni Nadine kung ano ang trabaho mo ay sinabi kong isa kang empleyado sa isang kompanya ng semento. I didn’t lie, did I?” Nginitian niya ang ama na hindi makapaniwalang umiling.

Nagpatuloy siya. “Para kay Nadine ay isa lamang ako sa libo-libong estudyante ng pamantasan from all walks of life. At magkaiba kami ng oras ng uwian dahil tatlong subjects lang naman kami classmates. So, hindi niya ako nakikitang sinusundo.” May mga pagkakataon sa nakaraan na niyayaya niyang mag-malling si Nadine, pero patiuna na niyang sinasabi sa mga bodyguard na dumistansiya ang mga ito sa kanila at huwag magpapahalata.

Sa isang mahabang sandali ay nanatiling tahimik si Bernard. Pagkatapos ay, “I’ll indulge this foolishness of yours, Julianne. Sabihin mo kay Josepa na maghanda ng mga gamit niya.”

She groaned. “Oh, no, Papa. Hindi ko maaaring isama si Yaya. Nadine would surely notice how she pampers me.”

“Okay, un mes,” atubiling sang-ayon nito.

MALIBAN sa maliit na insidente sa deck nang mawalan ng panimbang si Julianne nang gumiwang ang ferry at nabangga niya ang isang bastos na lalaki ay dumaong sila nang ligtas sa Calapan Pier.

Nang pababa na siya sa ferry ay hinanap ng mga mata niya ang lalaki. Bagaman hindi gaanong natitigan ang anyo nito ay natitiyak niyang makikilala niya ito sa mga taong nakapila palabas.

She was intrigued. Hindi niya maisip ang dahilan ng hostility sa mga mata nito. Sinusuyod pa rin niya ng tingin ang mga taong lumalabas nang matanaw si Nadine. Nakangiting kumakaway ito at itinitili ang pangalan niya.

Nawala sa isip ni Julianne ang lalaking gustong makita at nahalinhan ng pananabik sa pagkikita nilang muli ng kaibigan. Nagmadali siyang nakisiksik sa paglabas.

Nagyakap at nagkumustahan ang dalawa. Ang katabing lalaki nito ay inabot ang bagahe niya.

“Muntik na kitang hindi makilala,” ani Nadine, tumaas-baba ang mga mata sa kanya nang may paghanga. “Mas maganda kang lalo ngayon, Julie. Namumula ang kutis mo.” Nilingon nito ang katabi. “Kung hindi ko lang alam na nahipnotismo ko na itong si Miguel ko ay hinding-hindi kita ipakikilala sa kanya.”

Isang tawa ang pinakawalan niya. Tinitigan ang fiancé nito na nahihiyang ngumiti. Siya na mismo ang nag-abot ng kamay niya rito. Miguel was a charming young man. Ayon kay Nadine ay kaopisina nito ang nobyo sa kapitolyo. Ito mismo ang sekretaryo ng gobernador. She liked him immediately.

“Naku, Julianne, pagkatapos ng kasal ay huwag kang uuwi kaagad, ha?” patuloy ni Nadine na walang tigil sa kakakuwento. Nasa loob na sila ng owner-type jeep ni Miguel.

“At ano naman ang gusto mong mangyari sa akin habang nasa honeymoon kayo, aber?”

“Hmp... huwag mong intindihin iyon. Pormalidad na lang ang kasal namin. Nauna na iyon—hey!” Napauklo ito nang banayad na sikuhin ni Miguel.

“lkaw talaga, hindi ka na nahiya kay Julianne,” sita ni Miguel na napakamot sa ulo at nahihiyang nginitian si Julianne sa rearview mirror.

Nagtawanan ang magkaibigan. “Kabisado na ako nitong kaibigan ko, Miguel,” ani Nadine. Pagkuwa’y nilingon siya sa likuran. “Ipapasyal kita sa magagandang lugar dito sa Calapan at sa Puerto Galera.”

Julianne gave her friend an indulgent smile.