Chapter Twelve
“H OW ARE you, Julianne?” ani William matapos ibaba ng waiter ang aperitif nila. “A month ago, nabanggit sa akin ng papa mo ang tungkol sa nobyo mo sa Mindoro—”
“Bakit hindi ka bumalik sa L.A. nang malaman mong may nobyo na ako, Will?” putol niya sa sinasabi nito.
Nagkibit ito ng mga balikat. “May mga negosyong dapat na asikasuhin dito. So, what happened to the boyfriend? I got a late call from your father last night. He told me it’s off.”
Pinaglaruan niya ang rim ng champagne glass niya. “Ayoko siyang pag-usapan, Will,” bagot niyang sagot.
“As you wish.” Tumango-tango ito. “Let’s talk about us then.”
“W-what do you want us to talk about?”
William smiled wryly. “Don’t let us beat around the bush, Julie. Alam nating pareho kung bakit magkasama tayo ngayon. I want to marry you.”
She couldn’t have heard a more colder proposal. Pero ano ba ang inaasahan niya? Lumuhod ito sa harap niya at saka sabihing gusto siya nitong pakasalan? Pareho nilang alam kung bakit kailangan nilang magpakasal.
Bago si Benedict, baka sakaling nakahanda siyang bulagin ang sariling damdamin para dito. Si William ang kabuuan ng pangarap ng sino mang babae. Pero bakit ayaw man lang kumislot ng puso niya rito? Just as she realized now how her heart didn’t even beat for Stan. Na kaya mas pinili niyang maging kasintahan si Stan dahil hindi ito inirekomenda ng ama; na niligawan siya nito bilang siya; na kung sakaling makasal sila ay hindi dahil mapapadali niyon ang mga transaction sa negosyo.
“Do you really want to marry me, Will?” mahinang anas niya.
“That’s a silly question, Julianne,” wika nito, giving her an indulgent smile. “Kahit sinong lalaki ay papangarapin kang maging asawa.”
“We aren’t in love.”
“We would be once we were married,” he said matter-of-factly. “Arranged marriages are usually the lasting ones. Read the history of famous men and women whose marriages were arranged, kung hindi man ng pamilya ay ng mga obligasyon.”
“Yeah,” matabang niyang sabi. “At karaniwan na’y may mga itinatagong mistresses sa tabi.”
Hinayaan muna ni William na mailapag ng waiter ang order nilang pagkain at nang makaalis ito ay saka siya sinagot.
“Just as many married couples who had professed undying love to each other,” he said cynically, then added with a lace of bitterness in his voice. “Love are for fools, Julianne. For the dreamers... They aren’t for us.”
Umiwas siya ng tingin. Hindi niya maintindihan subalit nag-iinit ang sulok ng mga mata niya sa tono nito. Gusto niyang umiyak. Since her brief affair with Benedict, nagiging maudlin siya.
Mula sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang may dinukot sa bulsa ng pantalon nito si William at inilapag iyon sa mesa sa mas malapit sa kanya.
“Buksan mo,” utos nito, nakangiti. “Binili ko iyan sa New York bago ako nagtungo rito.”
Tinitigan niya ang cajeta . Nakatatak doon ang tindahang pinanggalingan. Tiffany’s of New y ork. Duda siya kung kayang bilhin ni Benedict ang ikaapat na bahagi man lang ng halaga ng laman ng cajeta .
Obligingly, binuksan niya ang cajeta . Kumislap sa harap niya ang flawless three-carat blue diamond.
“I-it’s beautiful, Will ” wika niya sa pinasiglang tinig.
“I’m glad you like it.” Kinuha nito ang singsing at isinuot sa daliri niya. “Perfect. I thought I would have to bring it back to New York for resizing.”
Tinitigan ni Julianne ang singsing. It was flawless and must have cost a fortune. Pero nakahanda siyang magsuot ng singsing na yari sa tanso at ipagmalaki iyon sa buong mundo kung galing iyon kay Benedict.
Flash ng camera ang biglang nagpaangat ng paningin ni Julianne. Akma siyang tatayo upang sitahin ang reporter subalit hinawakan siya ni William sa braso at pinigilan.
“Larawan lang iyon, Julianne,” wika nito. “There’s no need to lose your poise.”
Nagpupuyos pa rin siya sa galit nang muling maupo. Pero inalis ni William ang pansin niya sa ginawa ng reporter sa pamamagitan ng muling pagbanggit tungkol sa kanila. Ang sumunod na mga sandali ay ginugol niya sa pilit na pagngiti, pagsang-ayon at pagpapatianod sa mga sinasabi nito.
ISANG warning knock ang ginawa ni Benedict bago siya pumasok sa silid ni John Contreras, fifty-five years old, kaibigan at kasosyo sa negosyo.
“Kailangan mo raw ako,” bungad niya.
Mula sa ginagawa ay nag-angat ng mukha si John. “What’s wrong with you, Benedict?” kunot-noong tanong nito. “Ang sabi ni Minda ay kahapon pa niya ipinasok sa opisina mo ang mga scents na pagpipilian mo para sa whitening soap na ilulunsad natin.”
Hindi siya sumagot at sa halip ay tinungo ang mahabang sofa at naupo roon. i tinaas ang dalawang binti sa ibabaw ng fiberglass table. Walang pakialam kung nakusot niya ang peryodikong nasa ibabaw niyon.
“Maaga akong umuwi kahapon.”
“Exactly. At ngayon ka lang dumating.” Bumaba ang mga mata nito sa relo sa braso. “Pasado alas- kuwatro na.” Umiling ito. Hindi malaman kung magagalit o magsisimpatya.
“Mula nang manggaling ka sa Capistrano ay para kang wala sa sarili. Walang mangyayari kung patuloy mong aalagaan ang galit diyan sa dibdib mo dahil sa ginawa ni Stan sa lupa mo. Magagawa mong bilhin uli ang propiedad sa taong bumili niyon kung seseryosuhin mo ang trabaho natin. Lalo na `yong bagong scent ng perfume na tinutuklas mo.”
Hindi siya sumagot. Inihilig ang ulo sa sandalan ng sofa at tumitig sa kisame.
“Dammit, Benedict!” Tumayo mula sa high backed chair nito si John. “We are enundated with purchase orders after we distributed the soap samples. At naghihintay ang mga supermarkets kung kailan natin ilo-launch ang mga produkto. Why, we even need to hire two more chemists. And i need you to choose the scent for the new—”
“I met a woman in Capistrano, John.”
Hindi agad nakahuma si John. Tinitigan siya na tila ba ang sinabi niya ay Latin. Then, “A woman...” wika nito na tumango-tango. “Lahat ng ito ay dahil may nakilala kang babae sa Capistrano?” He was sarcastic. “Pero ano ang bago roon? Kung lapitan ka ng mga babae ay tila sila mga langgam at ikaw ang asukal.”
“This one’s different.”
John rolled his eyes. “And who’s this woman, anyway?” he asked with indulgence in his voice.
“She’s Stan’s ex-girlfriend.”
“Son of a bitch...” pagmumura nito. Naupo sa gilid ng desk at dinampot ang sigarilyo at sinindihan. Matapos magbuga ng usok ay ngumiti nang nakakaloko. “History repeating itself?”
Hindi siya sumagot. Ibinaba ang mga binti mula sa mesa. Sumamang bumagsak sa carpet ang peryodiko na nagkahiwa-hiwalay. Wala sa loob na dinampot niya iyon at basta na lang pinagpatong- patong sa ibabaw ng mesita nang may tumawag sa pansin niya. Halos mapunit ang pahina nang daklutin niya iyon.
Stunning Julianne Fortalejo, one of the heirs of the Fortalejo empire were photographed dining with William Hidalgo, son of bank magnate...
Though no announcement has been made yet from both families, a reliable source said that wedding bells will soon chime for these lovely couple...
Nagtatagis ang mga ngiping nilamukos ni Benedict ang peryodiko sa pagtataka ni John.
“Damn... damn!” usal niya. He had been taken for a fool. Sa nakalipas na apat na araw ay hindi niya ma-contact sa cell phone si Julianne.
Kaninang umaga ay nangahas siyang magtungo sa apartment kung saan niya ito inihatid. Nakahanda siyang harapin at kausapin ang mga magulang nito. Naniniwala siyang walang hindi nakukuha sa mahusay na pakikipag-usap.
Subalit gayon na lamang ang pagkamangha at panlulumo niya nang makitang bakante ang isang duplex. Ayon sa napagtanungan niya sa kabilang pinto ay wala silang kilalang Julianne de Silva at na ang nakatira sa kabila ay isang mag-asawang Australiano na inupahan ang duplex sa nakalipas na anim na buwan at nagbalik nang muli sa Australia ang mag-asawa.
He checked the nearest neighbors. Walang nakakakilala sa mga ito kay Julianne.
Kung kanina ay hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ni Julianne iyon, ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang lahat.
An heiress. He’d met and had great sex with a virgin heiress. Julianne must have turned to him on the rebound and he had given her the best initiation of her life. Now he couldn’t tell who was the better fool between him and Stan.
Naiwala ni Stan ang pagkakataong makapag-asawa ng masalapi. Sa pagkakataong iyon, hindi lang basta masalapi ang napakawalan nito kundi isang tagapagmana.
But what about him? What had he lost?
“Care to tell me all about it?” ani John na nagtataka sa nakikitang galit sa mukha niya. Dinampot nito ang inihagis niyang nilamukos na pahina ng peryodiko.
“Just that I was duped into thinking that she wanted me as much as I wanted her,” he said furiously. Tumayo at lumakad patungo sa pinto.
“Benedict, what about the scent samples?” pahabol ni John.
“Scent number two.” Iyon lang at lumabas siya ng opisina nito. Tuloy-tuloy siya sa parking lot at sumakay sa four-wheel drive niya. Paarangkada niyang inilabas ng compound ang sasakyan.
Pilit niyang iwinawaksi sa isip ang isang damdaming kahalintulad ng paninibugho. Nagagalit siya, iyon ang nararamdaman niya. Because Julianne made him look like a fool.
“MA’AM Julianne, telepono po,” wika ng katulong, tinatakpan ang mouthpiece ng cordless. “SDL Laboratories daw po.”
Mula sa pagti-trim ng mga orchids ay kunot ang noong nilingon niya ang katulong. “Ako ba ang kailangan?”
“Opo, m a’am. Ang nasa linya ay ang manager ng kompanya.”
“Why would—” Hindi niya itinuloy ang sinasabi. Isa na naman marahil sa mga kakilala ng ama na gusto siyang kuhaning modelo para sa mga produkto ng mga ito. She had refused quite a few of them. She wasn’t just interested. Ibinaba niya ang gunting at kasabay ng bagot na buntong-hininga ay inabot ang cordless phone sa maid. “Hello...”
“Hello, darling. Remember me?” wika ng mapanuyang baritonong tinig sa kabilang linya.
Napasinghap si Julianne kasabay ng panlalaki ng mga mata. Agad ang pag-alon ng dibdib niya. Binalingan niya ang katulong at sinenyasan na iwan siya. Sa nanlalambot na mga tuhod ay sumandal siya sa palm tree. Sampung araw na ang nakalipas mula nang maghiwalay sila.
“B-Benedict…” she whispered after a long while, clutching the phone tightly, na para bang kapag niluwagan niya ang hawak sa instrumento ay mawawala sa kabilang linya si Benedict. Ang tibok ng puso niya ay tila iyong nanggaling mula sa pagtakbo sa marathon.
Silly her, but she didn’t know why she suddenly wanted to cry. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya.
“I’ll be damned,” ani Benedict. Magkahalong panunuya at galit ang nasa tinig. “Kailangan kong magdaan sa butas ng karayom makausap ka lang. At hindi ko alam kung bakit kailangan pa kitang makausap matapos ang ginawa mo.”
“P-paano mong nalaman ang numero ng telepono rito sa bahay?” tanong niya. Ang mga numero ng telepono nila sa mansiyon ay unlisted.
“I’m resourceful,” sarkastikong sabi nito.
Sa loob ng ilang sandali ay walang usapang namagitan. Tila hindi alam ng bawat isa kung ano ang sasabihin sa isa’t isa.
“I-I miss you so much and I wanna see you...” ani Julianne makaraan sa gumagaralgal na tinig.
“Really?” he replied in a mocking voice. “For another roll in the hay, Julianne, darling? Hindi ba kayang paligayahin ni Mr. Bank Magnate si Miss Heiress?”
“Benedict...” She choked on her tears.
“You’re a cheat, Julianne. A first-class cheat but a cheat nevertheless!”
Sapat iyon upang ang pinipigil na emosyon ni Julianne ay kumawala. She burst into tears.
“J-Julianne...” ani Benedict na biglang nag-iba ang tinig. “What’s wrong, Julie? Oh, g od, why are you crying?”
“Because I... I really... want to see you... but I can’t...” she said in between broken sobs.
Benedict muttered a litany of curses. “What is this, Julie? Another trick you want to pull on me?” he said in a mixture of anger, weariness, and confusion.
“I want to see you, Benedict,” muling ulit ni Julianne, “and I want to be with you. Maniwala ka.”
“Then meet me now. Ibibigay ko sa iyo ang address ng town house ko—”
“I can’t. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis na hindi kasama ang... ang mga bodyguards ko. Kailangan ko munang mag-isip ng—”
“Poor me.” The sarcasm was back in his voice. “And I almost believe you.” Pagkasabi niyon ay ibinagsak nito ang telepono.
“B-Benedict... hello... hello!” Julianne panicked. She had been given the chance to hear from him again. Ang kaisipang maaaring tuluyan na silang hindi magkitang muli ay tila gustong magpapugto ng hininga niya. At ang lahat ng agam-agam na inaalagaan niya sa dibdib sa nakalipas na mga araw ay tuluyan na niyang inihagis sa hangin.
Halos takbuhin niya ang pagpasok sa loob ng bahay. Tinungo ang main equipment at tiningnan ang numero ng teleponong ginamit ni Benedict na nakarehistro doon. Isinulat iyon sa papel at pagkatapos ay tinawagan ito.
Apat na ring bago iyon sinagot ni Benedict. “Benedict... I—” Subalit biglang naputol ang linya bago pa man niya masabi ang gustong sabihin. And she was sure Benedict pulled the plug from the telephone socket. Tinitigan niya ang telepono nang may ilang sandali bago iyon dahan-dahang ibinalik sa cradle.
Sa loob ng ilang segundo ay para siyang estatwang nakatayo lang doon. Nang isang ideya ang biglang pumasok sa isip. Pumasok siya sa den at ang telepono roon ang ginamit. She dialed Kurt’s office, her cousin Jade’s husband.
“Julianne, alam mo ba kung paano kita pananagutan sa papa mo sa sandaling gawin ko ang mga ipinakikiusap mo sa akin?” ani Kurt sa kabilang linya matapos niyang sabihin dito ang gustong mangyari. “Bernard will have my neck.”
“You aren’t afraid of my father, Kurt,” wika niya sa desperadong tono.
“Not when it comes to the women in the family, baby. Remember what I went through for Jade?” he laughed drily. “I’d rather face the terrorists but not the wrath of the men in this family. I was so scared then. Mahusay lang akong magdala.”
“You’re lying.” She sniffed.
“No, baby. Back then, si Uncle Zandro lang ang pinagkunan ko ng pag-asa. He was the only one who didn’t look at me with contempt. What I saw in his eyes was amusement... and I saw respect, too, and challenge.”
Julianne smiled to herself fondly. “Oh, Kurt, I know you’ll go through over the Fortalejos and de Silvas again, if only for Jade. Kaya natitiyak kong naiintindihan mo ang damdamin ko. And my father doesn’t have to know. Please, nakikiusap ako.”
“Who is this man, Julianne?” Kurt asked in a weary tone.
“That’s your forte, cousin,” aniya, nakasilip ng pag-asa sa tono nito. “You can check him out if you want. But I beg of you to help me... kayo ni Jade.”
Pagkatapos ng mahabang pakiusap, ibinaba niya ang telepono. Paglabas ng den ay tinawag niya si Yaya Amparo. “Magbihis ka, Yaya. Aalis tayo.”