Chapter Nine
M ULA sa pagkakasubsob sa sofa ay gulat na nag-angat ng katawan si Julianne at nilingon ang pinanggalingan ng tinig.
Si Stan. Suot pa rin nito ang damit kagabi bagaman kusot at bukas nang lahat ang mga butones niyon. Sa tantiya niya ay sa sofa ito natulog at nagising lang nang mapasigaw siya. Sa end table ay naroon ang bote ng alak at ang walang lamang kopita.
Uminom pa ba ito nang matapos ang party? Napangiwi siya sa sarili. Ni wala siyang kamalayan kung anong oras tumigil ang ingay sa ibaba kagabi. O alin ang unang natapos, ang pagtatalik nila ni Benedict o ang party.
The last thing she remembered was when Benedict draped his arms around her. She felt so drained, so sleepy, and deliriously content. Isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito at tuluyang nagpadala sa antok.
Napatayo mula sa sofa si Stan. Hindi makapaniwalang tinitigan siya mula ulo hanggang paa. “Natulog ka sa silid ko! Hinintay mo akong talaga!” Humalo sa pagkamangha nito ang panghihinayang. Ipinahiwatig lang ng sinabi nito na hindi pa ito pumapasok sa sariling silid.
“Ang laki ng tiwala mo sa sarili kung inaasahan mong maghihintay ako sa silid mo kagabi, Stan,” aniya sa malamig na tono. Nalalanghap niya ang malakas na amoy ng alak mula sa hininga nito at napangiwi siya.
Paanong iba ang dating niyon sa kanya mula kay Benedict kagabi? Benedict’s whiskey-scented breath brought shivers down her spine. Mula kay Stan ay gusto niyang paypayan ang sarili at lumabas upang sumagap ng sariwang hangin.
“Kung ganoon ay saan ka natu—” Nahinto ito sa pagsasalita.Tumingala sa itaas at mabilis ding ibinalik ang namumulang mga mata sa kanya. Naroon ang pagdududa. Pagkatapos ay umiling na tila ba imposible ang biglang naisip.
Pagkuwa’y ngumisi ito. “Ah, itinuro tiyak sa iyo ng matandang m angyan ang guest room sa itaas. Sa bukana lang iyon. Kung alam ko lang na doon ka natulog, di sana’y...” His voice trailed off, but the innuendo was obvious.
Hinawakan siya nito sa mga balikat. “Anyway, atin ang buong araw ngayon para mag-usap, Julianne. Huwag mong bigyan ng malaking issue si Milet at ang anunsiyo ko kagabi. I don’t love her—”
Hinawi niya ang mga kamay nito sa mga balikat niya. “Walang dapat pag-usapan pa, Stan,” aniya sa mahinahon subalit mariing tinig. “Tapos na sa atin ang lahat. Kagabi pa. You can marry Milet for all I care. It doesn’t really matter.”
Tinitigan siya ni Stan. Tinantiya. Then a humourless smile appeared on his lips. “That is one thing I like about you, Julianne, honey. You’re so cool... dignified even in a worst circumstances. You would make a good politician’s wife. I would really hate losing you. But I need money to win this election. At ipinangako ni Milet ang suporta ng mga magulang niya. Sila ang ticket ko sa mayoralty.”
Manghang napatitig siya rito. “Money? You cheated on me because you thought I am a poor man’s daughter?”
Itinaas ni Stan ang mga kamay at hinilot ang magkabilang sentido na para bang biglang sumakit ang ulo.
“Hindi ko inakalang anak-mahirap ka lang, Julianne,” wika nito. “Alam kong mahirap ka.” Idiniin nito ang sinabing iyon na tila ba isang krimen ang maging mahirap. “Kaya ka nga nagtatrabaho sa mga de Castro, hindi ba? At sinabi mo mismo sa akin na isang empleyado lamang ang ama mo sa kompanya ng semento.”
Muli nitong inikot ang mga daliri sa sentido at napangiwi. Pagkatapos ay tinitigan siya. “Nang una mong sabihin iyon ay hindi ko agad pinaniwalaan. Fool me. In fact, I often fantasized that your father was more than just that. An executive perhaps. Mahusay kang mangabayo. Hindi iyon pangkaraniwan para sa isang ordinaryong tao. You have that look that is so... so different from the other women. You’re cultured. Kahit sa pagkilos at pagsasalita.
“Then I realized, after talking to Nadine, na wala naman palang kataka-taka sa nakikita ko sa iyo. Dahil kahit ang kaibigan mo ay tila mayaman kung magsalita sa limang taong ipinamalagi sa state university. Nahawa kayo sa mga kaklaseng anak-mayaman.”
May ilang sandaling nakatayo lang doon si Julianne at nakatitig kay Stan. Hindi makapaniwalang marinig ang mga salitang iyon mula rito. At isiping pinaniwalaan niya ang mga sinabi nitong mahal siya? Unti-unti, sumilay ang nang-uuyam na ngiti sa mga labi niya. Ngiting nauwi sa malakas na tawa.
“You aren’t hysterical, are you?” tanong ni Stan na biglang nabalisa.
“Perdi el habla!” aniya, shaking her head in mocking amusement. Unaware that she spoke in Spanish. How could she have thought she loved this jerk? At isiping ipakikilala at ipinagmamalaki niya ito sa mga magulang.
Tinalikuran niya ito, ipinagpatuloy ang paglakad patungo sa pinto nang huminto siya at lumingon. “ Dejame contarte , Stan, que estupido eres . Walang mahalaga sa iyo kundi ang panlabas na anyo. Bagay kayo ni Milet.”
The estupido part hit him. Sa isang hakbang ay nasa tabi na niya ito at marahas siyang kinabig. “You bitch! Wala kang karapatang—”
“Gising ka na pala, hija,” ani Abel mula sa kung saang bahagi ng bahay. “Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?”
Unti-unting lumuwag ang mahigpit na pagkakahawak ni Stan sa braso niya. Nakahinga nang maluwag si Julianne at nginitian ng pasasalamat ang matandang lalaki. Ito marahil ang matandang m angyan na tinukoy ni Stan.
“Salamat, pero tutuloy na ako,” aniya, bahagya nang dinaanan ng tingin si Stan at tuluyang pinakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak nito.
“Gusto mo bang ihatid kita?” muling alok ni Abel.
“Salamat uli. Umaga na. Marami na sigurong tricycle na nagdaraan. Pero maaari n’yo akong ihatid sa labas ng gate hanggang sa main road.”
Tumango si Abel at nilampasan si Stan at nagpatiunang lumabas. Sumunod si Julianne.
May mahabang sandaling nakatayo si Stan sa gitna ng sala. Pinagsisisihang hindi man lang niya naisip na baka sa isa sa mga guest room nagpalipas ng gabi si Julianne. Ala-una na ng madaling-araw natapos ang kasayahan pero inihatid pa niya si Milet at ang mga magulang nito. At nang magbalik siya ay napuna niya ang four-wheel drive ni Benedict sa labas ng gate.
Tumiim ang mukha niya. Kararating lang ba nito? Nang pumasok siya at dumeretso sa bar ay nakita niya sa bar counter ang bukas na bote ng Scotch whiskey. Tinungo niya ang servants’ quarter sa likod ng kusina at kinatok at ginising si Abel.
“Anong oras dumating si Benedict?” singhal niya rito.
“Hindi ko napuna,” sagot nito at nagtalukbong ng kumot.
Nagmura siyang lumabas ng silid nito at nagtuloy sa bar. Hindi niya gusto ang pagkailang at galit na nararamdaman tuwing naroroon si Benedict . Lalo at dinatnan nitong nagkakasayahan ang grupo niya. At wala itong karapatang dumating at kumilos sa pamamahay na ito na tila pag-aari pa rin nito ang villa.
Hangga’t hindi nito natatagpuan ang testamento at titulo ng Villa Manuela ay mananatiling nasa villa siya. At kung magiging matalino siya ay mananatili siya roon dahil duda siya kung may kopya nga ng testamentong naitago. Kung mayroon ay tiyak na ipinakita na iyon sa kanya ni Benedict. At kung magiging mayor siya sa bayang iyon ay madali na niyang magawan ng paraan ang ownership ng Villa Manuela.
Ang binalak niyang ilang shots kaninang madaling-araw ay nauwi sa marami. Hindi na niya namalayang nakatulog siya sa sala.
Nasa ganoon pa rin siyang pagmumuni-muni nang muling pumasok si Abel. “Ipagtimpla mo ako ng kape,” pasinghal niyang utos dito.
Hindi ito kumibo at nagtuloy sa kusina. Sinundan niya ito. “Nang pasukin kita kaninang madaling-araw, bakit hindi mo sinabing pinatulog mo sa guest room si Julianne?”
Patuloy sa pag-abot ng tasa at platito sa cupboard si Abel. Ni hindi siya nilingon nang sumagot. “Hindi ako ang nagpatulog kay Miss Julianne sa itaas, Stan.”
“Hindi ikaw!” bulalas niya, tinantiya ang matanda kung nagsisinungaling o hindi. Subalit walang dahilan para magsinungaling si Abel.
Nagsimulang umahon ang hinala sa dibdib niya. Biglang gumitaw sa isip ang dalawang goblets sa bar counter. At ang isang bagay sa may dulo ng bar counter na nahagip niya ng tingin pag-uwi niya mula kina Milet pero hindi niya binigyan ng pansin.
Mabilis siyang tumalikod at dinalawang hakbang ang pagtungo sa bar. Sa dulo ng bar counter ay naroon ang clutch purse ni Julianne. Dinaklot niya iyon at tinungo ang hagdan. Dinala-dalawang baitang niya ang pagpanhik.
Tuloy-tuloy siya sa pasilyo hanggang sa silid ni Benedict, ang dating master bedroom, ang pinakamalaki at tanging silid sa bahay na iyon na may sariling toilet and bath. It was also the room that he coveted most.
NAPABALIKWAS si Benedict nang pabalyang bumukas ang pinto ng silid at tumama iyon sa dingding. He squinted his eyes as sunlight blinded him. Inihilamos niya ang kamay sa mukha. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin at nang makita si Stan sa may pintuan ay lalong nagdikit ang mga kilay.
“Dammit, Stan,” he muttered angrily. “Tiyakin mong may mabuti kang dahilan para balyahin ang pinto ng silid ko at gisingin ako.”
“You slept with her!” Stan accused angrily. Inihagis sa kama ang clutch purse ni Julianne.
Biglang natilihan si Benedict. All of a sudden, everything came in a flash. The whiskey, the woman, and the night of wild passion. Wala sa loob na nilinga ang tabi. The empty side of his bed filled him with a sense of loss.
“Nasaan si Julianne?” he asked, an edge in his voice.
Isang malakas na halakhak ang isinagot ni Stan. “Well, the bitch had the sense to get out of this house before I realized she fu—d with you.”
Tumayo siya mula sa kama. Ang kumot na nakapulupot sa may ibabang bahagi ng katawan ay sumama sa pagtayo niya. “Watch your language, Stan,” babala niya. m ay panganib na gumuhit sa mga mata.
“Feeling protector again, Benedict?” he mocked. “Kahit kailan ay mahilig kang sumalo sa mga pinagsawaan ko.”
He clenched his jaw. Nagising siya nang wala sa oras nang balyahin nito ang pinto ng silid niya. Masakit ang ulo niya dala ng hangover. Wala siyang balak na sa unang oras sa umaga ay makikipagbasagan siya ng mukha. Besides, they were too old for that. Nang sa pagyuko niya ay may isang bagay sa kama ang kumuha ng pansin niya.
Muli, kumislap sa isip niya ang pangyayari nang nagdaang gabi: ang pagkamangha niya nang matuklasang wala pa itong karanasan; the way her passion overrode her discomfort and arched her body to meet his; and the way he muffled her scream as he brought her to the edge of the world.
Muli siyang nag-angat ng tingin kay Stan. Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya sa isang pauyam na ngiti.
“Pinagsawaan? Oh, I doubt it, Stan.”
Kumunot ang noong sinundan ni Stan ng tingin ang tinititigan ni Benedict sa ibabaw ng kama. Bahagya na nitong nahagip iyon ng tingin dahil mabilis niyang inihagis doon ang kumot. It was sort of a protective gesture on his part and that surprised him.
What was on the sheet was proof of Julianne’s innocence. Hindi kailangang ipangalandakan niya kay Stan iyon. Kahit na ano pa ang sabihin nito. What happened between him and Julianne last night was very private.
“Get out, Stan,” pagtataboy niya rito.
Mula sa pagkakatitig sa ibabaw ng kama ay nag-angat ito ng nagliliyab na mga mata sa kanya. Stan’s face turned ugly in anger. Gayunman ay walang salitang tumalikod ito.
Naupo sa gilid ng kama si Benedict. Sinapo ng dalawang kamay ang ulo. Tila iyon minamartilyo sa sakit. Matindi ang hangover niya.
“Dinalhan kita ng kape,” ani Abel na bumungad sa pinto dala ang tray na may mug ng umuusok na kape.
“Salamat, Abel. Nakita mo ba nang—”
“Inihatid ko siya sa sakayan,” sagot nito bago pa matapos ang tanong niya at inilapag ang tray sa gilid ng mesa.
Isang tango ng pasasalamat ang ginawa niya. Inabot ang kape at sinimulang higupin iyon. Ang init na naglandas sa lalamunan niya ay bahagyang nakaginhawa sa pakiramdam niya.
“Ipaghahanda kita ng almusal,” wika nito at humakbang patungo sa pinto.
“Huwag na, Abel.” Tumayo siya at kumuha ng tuwalya sa closet at itinapi sa hubad na katawan. “Maliligo na ako pagkatapos kong magkape. Alam mo ba kung saan siya nakatira?”
Tinitigan siya nito nang matagal. Nasa mukha ang hindi pagsang-ayon. “Kusang umalis si Julianne. Hindi ka niya hinintay na magising. Ang nangyari sa buong magdamag ay sapat na sana. Hindi sa nakikialam ako, Benedict. Baka gagawa ka na naman ng bagay na lalo lang magpapabaon sa iyo sa higit pang suliranin. Kinatatakutan kong baka mauwi kay Stan ang Villa Manuela.”
Marahas siyang nagmura. “Ang bahay na ito ay mananatiling akin, Abel!” mariing sabi niya bagaman sa sulok ng isip ay naroon ang walang katiyakan.
“Bakit hindi ka lumapit sa mga—”
“Hindi mauuuwi kay Stan ang villa, anuman ang gawin niya. At wala akong kailangang lapitan!”
Nagbuntong-hininga ito. “Sana nga. Hindi masama ang magpaalala.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito.
Muli siyang napaupo sa gilid ng kama at sinapo ng mga palad ang mukha. Napakaraming suliranin ang kinakaharap niya. Tama si Abel. Ang naganap kagabi sa kanila ni Julianne ay sapat na. Ito na ang kusang umalis ngayong umaga bago pa man siya magising. Ano at gusto niyang dagdagan?
Si Julianne ay isang suliranin. Ano ang maaari niyang ipagkaloob dito? Not even his name.
But call it lust or whatever, he wanted her. And he would see her again.
NAKAPALIGO na si Julianne at itinatali ang sash ng bathrobe habang papasok sa silid niya nang bumukas ang kabilang silid at sumungaw si Nadine. Nang nagdaang gabi ay pinauwi nito si Weng at ito na mismo ang naghintay sa pag-uwi niya.
“H-hey...” bati nito at naghikab. “Anong oras ka dumating? Nakatulog ako sa paghihintay sa iyo.”
“Kaya nga hindi na kita ginising...” Isang pilit na ngiti ang ginawa niya, iniwasang sagutin ang tanong. Inalis niya ang tuwalyang nakapulupot sa buhok at inihagis sa kama. Pagkatapos ay kumuha ng malinis na panty sa lagayan at isinuot iyon.
Sumunod si Nadine at sumandal sa hamba ng pinto. Yumuko siya at kinuha ang maleta sa ilalim ng kama at ipinatong sa ibabaw niyon. “Ngayon na ako uuwi, Nadine.” May bahid ng lungkot ang tinig niya nang sabihin iyon. Lungkot na hindi niya gustong aminin ang pinagmulan.
“Ano’ng nangyari sa pagtungo mo sa Villa Manuela? Nagkausap ba kayo ni Stan?” tanong ni Nadine na puno ng kuryosidad ang tinig.
Nagkibit siya ng mga balikat. i nabot mula sa closet ang mga damit at basta na lang inihagis sa maleta. “Kinumpirma lang ni Stan ang sinabi mo sa akin.”
Napabuntong-hininga si Nadine. Humakbang patungo sa loob ng silid at naupo sa gilid ng kama. “I’m... sorry, Julianne.”
“I am not,” aniya. May anyong nagpipilit gumitaw sa isip niya subalit pilit niyang binubura. Hindi siya makapaniwalang mula kaninang umalis siya ng Villa Manuela ay walang sandaling hindi inokupa ni Benedict ang isip niya. “Natuklasan ko kung ano ang uri ng pagkatao niya bago ko siya maipakilala sa mga magulang ko.”
“Pero ikinalulungkot kong ito ang naging resulta ng pagbabakasyon mo rito sa amin.”
She gave her friend a reassuring smile. “Maliban kay Stan, ikinatutuwa ko ang apat na buwang pagtigil ko rito sa Capistrano, Nadine. Napatunayan kong kaya ko palang mabuhay nang malayo sa kasaganaang kinasanayan ko.”
Napangiwi si Nadine. “At hindi ko naiintindihan ang bagay na iyan, Julie. Bakit kailangang maranasan mong mahirapan gayong kay inam ng buhay na taglay mo?”
Ang akmang sasabihin ni Julianne ay napigil sa tunog ng papalapit na sasakyan. At bago pa makatayo si Nadine upang sumilip sa bintana ay narinig na nila ang pagparada niyon sa tapat ng cottage.
Nagkatinginan ang magkaibigan. Pagkatapos ay sabay na lumabas ng sala. Si Nadine ay dere-deretso sa balkon. Nagulat pa nang mapagsino ang bagong dating na tuloy-tuloy sa pagpanhik.
“D-Dr. Aragon?” manghang usal nito.
“Si Julianne? Nariyan ba siya?”
Tumango si Nadine at namamalik-matang lumakad pabalik sa loob. Si Julianne na nakatayo sa pintuan ng silid ay napigil ang hininga nang makita si Benedict sa likuran ni Nadine.
Nagugulumihanang pinaglipat-lipat ni Nadine ang mga mata sa dalawa na sa mahabang sandali ay nakatitig sa isa’t isa, ang pananabik ay pawang mga nakabadya sa mga mukha. Nadine cleared her throat. And that broke Julianne and Benedict’s eye contact.
Benedict turned to her. “Maaari ko bang makausap si Julianne... nang sarilinan?”
Tumaas ang mga mata ni Nadine sa kanya. Subalit ang ekspresyon sa mukha niya ay sapat upang magkibit ito ng mga balikat sa kabila ng pagtataka at kuryosidad.
“Sa bahay na ako magkakape,” wika nito bago muling lumabas sa balkon.
Hindi pa marahil ito nakakababa sa lupa nang kabigin pasara ni Benedict ang pinto. At sa dalawang hakbang ay nilapitan si Julianne. At sa isang iglap ay nakapaloob na siya sa mga bisig nito. Then he had her backed against the wall, his lips grinding into hers.
Dapat ay makadama siya ng sakit sa savagery na iyon. But there was only pleasure, as his lips probed, delved, sucked until she thought everything around her spinned.
Ang mga labi nito ay hindi nagtatagal sa iisang lugar. Buong pananabik siyang hinahagkan na tila ba napakahabang panahon ang namagitan bago ang pagkikitang iyon. Na tila ba ang lagablab ng apoy nang nagdaang gabi sa pagitan nilang dalawa ay hindi naging sapat para dito.
And to her amazement, she was returning his passion with a fire all her own.
When Benedict pulled his head back, his eyes were blazing. At walang sali-salita, binuhat siya nito at humakbang patungo sa kama at ibinaba sa ibabaw niyon.
Without taking his heated gaze off her, kinalag ni Benedict ang tali ng bathrobe niya. She whimpered when she felt his hand on her breasts teasing them before it moved lower. Pumulupot ang mga daliri nito sa panties niya. Then he jerked them off her.
Pagkatapos ay pinakawalan siya at ang sarili nitong T-shirt ang hinubad, kasunod ang pang-ibabang kasuotan. Sa lahat ng iyon ay nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa kanya.
She had seen him totally naked this morning. Subalit tulog ito, and was half-aroused, hindi tulad ngayon. And last night had been different, they made love in the semi-darkened room.
Ngayon, sa liwanag ng araw, literal na napigil sa dibdib niya ang hininga. He was so hard he could explode any second.
Wordlessly, he sank his lips on hers again with the same hungry intensity. She could feel him and she wanted him inside her. But his hands, tongue, and lips were torturing her.
“Benedict,” she cried softly, pressing her thighs against him.
“I know, my love, I know.” Dinama ng kamay nito ang dibdib niya. A gesture almost as protective as his mouth traced down the furrow between her ribs. “I want you so much, Julie...” The proof of his need lay like a steel rod against her thigh.
Then his big hand moved to cup her bottom, raised it and ground out just before he penetrated the threshold, robbing Julianne of her breath.
Sa ikalawang pagkakataon, Julianne experienced the most incredible pleasure of her entire life. Bumaon ang mga kuko niya sa likod nito. And her moans of completion sent Benedict over the edge. He rammed into her and then gave that masculine roar of triumph as he shuddered violently inside her.
BENEDICT rolled off her but didn’t let her go. Ipinailalim nito ang braso sa ulo niya. Ang katawan nito ang nagsilbing takip sa katawan niya. Sa isang napakatagal na sandali ay walang salitang namagitan.
Gustong magsalita ni Julianne pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Again, she had the most fulfilling sex with a total stranger!
Mayamaya ay naramdaman niya ang pagdaiti ng mga labi nito sa ibabaw ng ulo niya; ng thumb nito na hinahaplos nang marahan ang punong-braso niya.
“I have nothing to offer you, Julianne,” sabi nito makalipas ang mahabang sandali.
Napapikit siya. Alam niyang ang ginawa nila ay mali, ginawa sa lahat ng mga maling kadahilanan. Lalo na sa parte niya. She admitted to herself that she wanted him—sa unang pagkakataong naghinang ang mga mata nila. Iyon lang ang dahilang maaari niyang ibigay sa nangyari sa kanila.
She never thought that he could lust a man like this. Not even with James Navarro—her first crush—na sa loob ng maraming taon ng kabataan niya ay pinapantasya niya.
Nang umalis siya ng Villa Manuela kaninang madaling-araw ay hindi na niya inaasahang magkikita pa silang muli. But seeing him again minutes ago made her realized just how much craving she had for this stranger.
Hindi niya alam kung bakit sinundan siya ni Benedict. Ano man ang dahilan, iisa pa rin ang resulta—pareho nilang pinanabikan ang isa’t isa. And again, they made love with so much abandon.
At muli ay wala siyang inaasahan mula rito. They could part now as if nothing happened. But she wondered why his words hurt.
“I am thirty-three,” patuloy nito nang manatili siyang tahimik, “with a medical degree. I specialized in surgery—”
“Well, at least, that took my fear away for having casual sex with a stranger,” matabang niyang sabi. At mas naramdaman niya kaysa nakita ang ginawang pagngiti nito.
“Though I had two years training in surgical medicine,” patuloy nito makaraan, “hindi ito ang trabaho ko. Isa muna akong chemist bago ako naging doktor. And I work with a pharmaceutical company as one of the partners. I am good at my job. Financially speaking, kaya kong ipagkaloob sa iyo ang simpleng mga bagay na kailangan mo. Other than that, I cannot offer you anything, Julianne.”
“Hindi mo kailangang pagkalooban ako ng anumang bagay, Benedict.” Hindi niya alam kung bakit nito sinasabi iyon. “I don’t usually indulge in this... this kind of—”
“Of course. Ako, higit kanino man, ang nakakaalam niyan,” putol nito sa sinasabi niya. “But there’s something between us that I can’t explain. A spark... electricity. I don’t believe in that bull. Pero hindi ko kayang ipaliwanag sa sarili ko ang nararamdaman ko sa iyo mula pa kagabi. There were women... but nothing like this.”
“Does that suppose to flatter me?” She was sarcastic.
“I am not trying to be flattery. Sinasabi ko sa iyo ang nararamdaman ko.”
“Why?”
“Dahil hindi ko gustong matapos sa kama ang namagitan sa atin. I want you to have a fling with me, Julianne.”
Julianne wondered why she was shocked by the bluntness. Gayong kung tutuusin ay higit na dapat siyang magimbal sa ginawang pagkakaloob dito ng sarili niya. Sa nakalipas na humigit-kumulang na labindalawang oras ay tatlong beses siyang inangkin nito.
Nang biglang pumasok sa isip niya ang isang dahilan kung bakit “fling” ang iniaalok nito sa kanya. Kumawala siya mula rito at mabilis na tumayo at ipinagsalikop ang nakaladlad na bathrobe.
“A-are you married?”