noveltoon logo noveltoon
Wild Passion (Kristine Series 22)

Chapter 18

Ch. 19 / 21 Feb 16, 2022

Chapter Eighteen

N ASA labas na si Julianne ng pinto nang matanaw si Stan at ang mga bisita nito sa sala.

“Ano ang ibig mong sabihin, Attorney?”

Tumikhim muna ang abogado bago nagsalita. “Umurong si Mr. Go sa kasunduang bilhin ang limang ektaryang lupang nakaharap sa dagat.”

“What?!” Stan shouted. “Paanong nangyari iyon? Yari na ang deed of sale, kulang na lang ay ang pirma niya!”

Naguguluhang umiling ang abogado. “Hindi ko rin maintindihan, Stan. Alam nating pareho na matagal nang gustong bilhin ni Mr. Go ang bahaging iyon ng lupain.”

“Anak ng—!” marahas nitong mura. “Kailangan ko ng pera, Attorney. Ilang araw na lang at halalan na. Find another buyer.”

“Hindi tayo makakahanap ng buyer sa pagitan lamang ng ilang araw, Stan. Bakit hindi ka muna manghiram sa mga de Castro?”

“Hindi na gustong magbigay ng mag-asawa. Sapat na para sa kanila ang suportang ginawa nila.” Nagdilim ang mukha nito, sunod-sunod na mura ang pinakawalan. He was pacing the floor furiously. Nang mag-angat ito ng mukha ay nakita si Julianne na nakatayo sa labas ng pinto ng library. “Have you been eavesdropping, Julianne?”

Dahan-dahan siyang humakbang palapit. “I don’t need to eavesdrop, Stan. Nag-e-echo sa buong bahay ang tinig mo.” Sinulyapan niya ang kausap nito.

“Siyanga pala, ipinakikilala ko sa iyo si Attorney Mijares, my lawyer. Attorney, this is Julianne, Benedict’s paramour.”

Napangiwi si Julianne doon. Napilitang tanggapin ang pakikipagkamay ng matandang abogado na ang pagkakangisi ay malisyoso habang hinahagod siya ng tingin. And that triggered her anger.

“I guess my father’s men were working overtime,” aniya. “Kung ang pagbabasehan ko ay ang biglang pag-urong ng buyer mo sa limang ektaryang lupain ni Benedict.”

Parehong natuon ang mga mata ng dalawang lalaki sa kanya. “Ikaw ang may kagagawan ng pag-urong ni Mr. Go sa negosasyon namin?” marahas na tanong ni Stan, unti-unti ang paniningkit ng mga mata.

“Sa mga ganitong pagkakataon napakikinabangan ang mga tinatawag na connections, Stan,” she taunted.

“You bitch!” Humakbang ito palapit sa kanya subalit biglang nahinto nang may masulyapan sa likuran niya. At kahit hindi siya lumingon ay alam ni Julianne na si Abel ang nakita nito.

Sa mga knickknack sa estante ibinaling ni Stan ang galit. Tinabig ang mga iyon at nagkabasag-basag na bumagsak sa sahig. Ang abogado ay hinawakan ito sa balikat subalit iwinaksi ito ni Stan.

“I could kill you for this, Julianne!”

“Natural na magkainteres ako sa mga bagay na may kinalaman sa aking asawa, Stan,” wika niya, sinisikap itago ang takot na nararamdaman.

“Asawa? Asawa...” usal nito, tumaas-baba ang dibdib sa galit. “You are his mistress, Julianne. Hindi ka pakakasalan ni Benedict!”

“Oh, you’re wrong, Stan. Once the marriage was annulled, and it won’t be long now, magpapakasal kami ni Benedict,” she said confidently.

May ilang sandaling nakatitig lang ito sa kanya. Tinatantiya ang sinasabi niya. Pagkuwan ay, “Good,” wika nito, unti-unting kinakalma ang sarili sa pamamagitan ng paghinga nang malalim. “Isang malaking pabor ang gagawin mo sa akin kung pakakasalan ka ni Benedict.”

Kumunot ang noo niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

Nagdududang umangat ang mga kilay nito. “So, you know nothing about Iluminada’s will?”

“Only that she deviously left you the Aragon property.”

“Tama ka.” Stan smiled coldly. “Pero hindi naman nawalan si Benedict, naiwan sa kanya ang ikaapat na bahagi ng propiedad na ipinahihintulot ng batas. At hindi ba niya nabanggit sa iyong hinati sa aming dalawa ni Iluminada itong villa at ang lupaing nakapaligid dito?”

Bigla ang paglatay ng kalituhan sa mukha ni Julianne. Hindi sinabi sa kanya ni Benedict ang bagay na iyon maliban sa pinahintulutan nitong manatili sa villa si Stan upang huwag nitong tuluyang ipagbili ang Aragon property.

“Hindi pag-aari ng mga Aragon ang Villa Manuela...” usal niya.

Malademonyo ang ngiting sumilay sa mga labi nito. “Nasaan ang titulo? Nasaan ang testamento ni Don Benedicto o ni Doña Manuela mismo? Wala, Julianne. Sa tagal ng panahon ay itinuring na itong kabilang sa propiedad ng mga Aragon. This was Iluminada’s way of revenge to Benedict’s family. She must be laughing at her grave right now.”

Julianne gritted her teeth. “Magkano ang halaga ng share mo sa propiedad ng Santa de Leones, Stan?”

Stan’s eyes widened in amusement. Pagkuwan ay isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito. “I’m overwhelmed. Kayang bilhin ng pamilya mo kahit ang buong bayan ng Capistrano, Julianne, hindi ba? At ni hindi iyon makakabawas man lang sa kayamanan n’yo. Oh, I really have regretted losing you...” wika nito na sinabayan ng kibit ng mga balikat. “Anyway, ang share ko sa villa ay priceless.”

“Hindi papayag si Benedict na mauwi sa iyo ang propiedad ng Santa de Leones, Stan!”

“Oh, ang akala ko ba ay magpapakasal kayo sa sandaling mapawalang-bisa ang kasal nila ni Raquel?”

Naningkit ang mga mata niya. “Ano ang kinalaman ng pagpapakasal namin sa ari-arian ng mga Santa de Leones?”

“Benedict didn’t tell you about the codicil in Iluminada’s will, did he?” Nakangising nilingon nito si Attorney Mijares na nanatiling nakikinig sa palitan nila ng usapan. “Ipaliwanag mo sa kanya, Attorney, yamang ikaw ang inutusang gumawa ng codicil na iyon.”

Tumikhim ang abogado, malisyosong ngumisi. “Ayon sa idinagdag na clause ni Iluminada sa testamento niya, Miss Julianne, sa sandaling mag-asawa si Benedict ay maiwawala niya ang bahagi niya sa Villa Manuela at mauuwi ito kay Stan.”

“B-Benedict married Raquel—”

“That happened two years ago. Hindi pa nagagawa ang testamento nang mangyari iyon,” sagot ng abogado. Sa sulok ng mga mata ni Julianne ay nakita niya ang nakakalokong ngiti ni Stan.

“But it was illegal!” she exclaimed. “Iluminada couldn’t have willed the Santa de Leones property!”

“Don’t worry yourself about that, Julianne, my dear.” Stan’s smile was triumphant. “Go ahead and marry Benedict.”

“Hindi mapapasaiyo ang villa, Stan, magpakasal man kami ni Benedict o hindi!” she hurled furiously.

“Sorry to disappoint you,” wika nito. “Sa sandaling maupo ako sa puwesto—”

“Gagawin ko ang lahat upang hindi ka manalo sa eleksiyong ito!” Lihim siyang napangiwi matapos lumabas ang mga salita.

Totoong nangako siya sa sarili noong gabing matuklasan ang panloloko nito na gagawin niya ang lahat huwag lamang itong manalo. But in the end, she dismissed the thought from her head. She wasn’t the vindictive type. Bahala ang mga taga-Capistrano na kilalanin kung anong uri ng mayor ang ihahalal nila.

Ni hindi pumasok sa isip ni Julianne ang kandidatura nito hanggang sa sandaling iyon. The man’s vileness triggered the threat she issued. Bagaman wala siyang intensiyong totohanin iyon, hindi na niya mababawi ang sinabi.

Stan’s face turned ugly in anger. Malakas at masagwa ang mga salitang lumabas sa bibig nito at napapakislot si Julianne. Kung wala ang presensiya ni Abel sa paligid ay matatakot siya rito.

He stared at her in a mixture of hate and mockery. “Gagamitin mo ang salapi mo para hindi ko maipanalo ang eleksiyong ito, Julianne? Cheap shot. You wouldn’t stoop to that level. I’ve checked about your father. Not the vindictive type. Incorruptible.”

“But I am not my father, Stan,” she taunted back. “And you are a corrupt and vile man. Hindi masamang gamitin ko sa iyo ang sarili mong pamamaraan. At lalong hindi masamang iligtas ko ang buong Capistrano sa isang tulad mo.”

His face contoured in anger. “I would win in this election, Julianne. Your filthy money couldn’t stop me. Too late for that. At hindi mababawi ni Benedict ang mga ari-arian niya. Mananatili niya akong kahati sa villa. At walang mangyayari sa pagkokontesta niya sa korte dahil titiyakin kong aabutin ito ng maraming taon, at walang katiyakan. Wala siyang maipagmamalaki sa iyo at sa magiging mga anak niya!”

“Unlike you, Stan, Benedict had a lot to be proud of,” wika niya, tumaas ang mukha. “While you’re the scum of the earth!”

“Masasabi mo sa akin ang lahat ng gusto mong sabihin, pero mananatili kang babae niya. Mahalaga kay Benedict ang lupaing ito ng kanyang ninuno. Maaaring lunukin ni Benedict ang amor-propio niya at payagan kang bilhing muli ang buong Aragon property. But the villa could be lost to him forever, Julianne. This would be his battle of a lifetime!”

Nakaalis na ito at ang abogado ay nanatiling nakatayo roon si Julianne. Hindi niya mapaniwalaang gayon na lamang ang obsession nito sa ari-arian ng Santa de Leones. And somehow, hindi niya mapigil ang sakit na gumuhit sa dibdib. Hindi siya mapapakasalan ni Benedict ano man ang mangyari. Mas mahalaga rito ang Villa Manuela kaysa sa pagiging legal ng pagsasama nila.

And yet, she couldn’t blame him. Wala naman itong ipinangako na pakakasalan siya sa sandaling mapawalang-bisa ang kasal nito kay Raquel. And he had been honest about it from the very beginning.

I have nothing to offer you, Julianne ...

Dinama niya ang sinapupunan, ang buhay na pumipintig doon, ang anak nila ni Benedict na hanggang ngayon ay hindi niya magawang ipagtapat. She loved him so much and didn’t mind living with him for the rest of her days. Maaari niyang hilingin kay Benedict na basbasan ng marriage celebrant ang kanilang pagsasama nang hindi kinakailangan ng lisensiya. If only to make it legal in the eyes of God.

Subalit paano sa batas ng tao? Sa paningin ng mga magulang at pamilya niya? Paano niya magagawang bigyan ng kahihiyan ang kanyang angkan? At paano ang anak niya at ang magiging anak pa? Paano niya nagawang ulitin sa sariling anak ang buhay ng ama at ng Uncle Zandro niya?

Sa kasalukuyang batas ay hindi maaaring taglayin ng anak niya ang pangalan ni Benedict. Though his father’s power and money could make a lot of difference—naroon pa rin ang katotohanang magiging bastardo ang nasa sinapupunan niya.

Napahikbi si Julianne at nanlulumong napasandal sa dingding.

Isang banayad na tapik sa balikat ang nagpaangat ng mukha niya. “Baka makaapekto sa dinadala mo ang sama ng loob, Julianne.”

Nag-angat siya ng tingin dito. Pinahid ng likod ng palad ang mga luha. “A-alam mo, Abel?”

“Hindi mo naitatago sa akin ang bawat umagang sinasamaan ka ng pakiramdam,” banayad nitong sabi. “Alam ba ni Benedict?”

Muli siyang sumandal sa dingding at humikbi. “Hindi ko masabi sa kanya, Abel. Hindi ko gustong dagdagan ang maraming suliraning kinakaharap niya ngayon.”

“Itinuturing mo bang karagdagang suliranin ang bunga ng pagmamahalan ninyo, Julianne?”

Natilihan siya. Hindi pumasok sa isip niya iyon. Napatitig siya sa matandang Mangyan.

“Abala si Benedict, Julianne. Puno ng suliranin ang isipan pero hindi ko pa siya nakitang tumatawa at maligaya malibang magmula nang makilala ka niya. May karapatan siyang malaman.”

“Oh, Abel...”

“At huwag mong hahatulan si Benedict sa pagpapahalaga niya sa ari-ariang ito ng mga ninuno niya sa bahagi ng ina. Itinanim ni Doña Manuela sa isip niya mula pagkabata na pahalagahan ito... na ito lamang ang maaari niyang ipamana sa kanyang mga anak. May tawag kayong mga tagalunsod diyan, ineng.”

“Heritage, Abel. Heritage.” Lalo lamang siyang napahagulhol. Naiintindihan niya iyon sa kasulok-sulukang bahagi ng puso niya. Santa de Leones was Benedict’s birthright.

Tulad din ng mga Fortalejo. The responsibilities that were Bernard’s heritage. Minana nito mula kay Don Leon. Just as Benedict was born into it.

“At huwag mong intindihin si Stan, Julianne. Mula pagkabata’y taglay na niya sa dibdib ang poot at inggit kay Benedict. Anak si Stan ng kanyang ama mula sa isang babaeng Mangyan. Hindi iyon pinakasalan ni Clemente subalit kinuha mula rito si Stan nang makitang hindi nagmana ng anyo ang anak mula sa ina. Hindi matanggap ni Stan na sa isang katribu ko nanggaling ang lahi niya...”

“Iniisip niyang kung mapapasakanya ang ari-arian ng mga Santa de Leones ay matatakpan niyon ang nakaraan niya?”

“At kung mauupo siya sa puwesto ay kakamtin niya ang paggalang. Katunayan, maliban sa akin at sa mga katribu ko ay limot na ang bahaging iyan ng pagkatao ni Stan. Subalit hindi iyan ang nararamdaman niya, Julianne.”

“He was insane,” usal niya.

“May mga taong likas na masama, Julianne. Ang maipapayo ko ay mag-iingat ka sa kanya.”

“Kaya lang malakas ang loob kong harapin siya’y dahil alam kong nariyan ka lang, Abel.” The gentle smile she gave to the old man was apologetic. “Nalimutan kong bata si Stan at maaari kitang maisubo sa kapahamakan. Ipagpaumanhin mo.”

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ng matanda sa kanya. “Inihabilin ka sa akin ni Benedict. Pangangalagaan kita sa lahat ng sandali, Julianne.”

“TUMIGIL ka sa kalalakad, ano ba!” singhal ni Milet.

“Hindi ako papayag na matalo sa eleksiyong ito, Milet,” ani Stan. “Marami na akong puhunan dito.”

“Tatlong araw na lang at halalan na.” Nagbuga ng usok ng sigarilyo si Milet. “Sa palagay mo ba’y may magagawa si Julianne?”

“Don’t be an idiot!” singhal niya rito. “Alam mong malaking bagay ang nagagawa ng salapi.”

“Wala silang sapat na panahon, Stan. Maaaring maraming salapi si Julianne pero hindi niya kayang mag-magic. Ikalma mo ang sarili mo.”

“Nasaan ang mga magulang mo?” tanong niya at hinarap ito.

“Nasa Maynila, bakit?”

“May papupuntahin akong mga tao rito. Gusto ko silang kausapin dito sa bahay n’yo—”

“Bakit dito, Stan?” Nasa tinig nito ang pagtanggi. “Sinusuportahan ng mga magulang ko ang kandidatura mo dahil sa pangako mo sa kanilang pakakasalan ako. Pero alam mong hindi nila gustong may mga tagapulitika na nagtutungo sa bahay na ito.”

Umismid si Stan, tinitigan ang tiyan niya. “Kailangan mo ako upang iligtas ka sa kahihiyan, Milet. Magtulungan tayo.”

“Malaking halaga na ang naitulong ng mga magulang ko!” galit nitong singhal. “Hindi pa ba sapat iyon? Bakit kailangan mong sakupin pati ang privacy na gusto nila?”

“Politician ang future son-in-law nila, dapat ay maintindihan nila iyon. At higit na mahalaga sa mga magulang mo ang kahihiyan nila kaysa sa sinasabi mong invasion of privacy. So be a good girl, Milet...” He tapped her face patronizingly.

Naningkit ang mga mata ni Milet. Padabog na tumayo, alam na wala itong magagawa kundi ang sumunod.