noveltoon logo noveltoon
Wild Passion (Kristine Series 22)

Chapter 6

Ch. 7 / 21 Feb 16, 2022

Chapter Six

N APUYAT si Julianne sa paghihintay rito subalit hindi dumating nang gabing iyon si Stan tulad ng sinabi nito. Kinabukasan na ng hapon ito dumating sa cottage.

“Ginabi na ako sa pakikipag-usap sa mga de Castro,” wika nito nang makaupo.

She smiled. Iniisip niyang marahil ay sinuyo nito ang mga de Castro upang suportahan ang kandidatura nito sa darating na eleksiyon. Magugulat pa ito kapag sinabi niyang hindi nito kailangan ang suporta mula sa dati niyang employer. Her father had supported two presidents, the mayoralty post was a piece of cake.

Kung bibiyahe sila patungong Maynila ay magkakaroon siya ng pagkakataong sabihin dito ang tungkol sa pagkatao niya. Sa ferry boat mismo. At kung dati ay nag-aalala siyang baka ikasama ni Stan ang paglilihim niya ay hindi na ngayon. Lalo at alam niyang kailangang-kailangan nito ng pinansiyal na suporta para sa kandidatura.

“Naiintindihan ko. So...” Inilahad niya ang dalawang kamay. “Ano ang plano mo? Kailan mo gustong bumiyahe tayo patungong Maynila?”

May ilang beses na humugot ng hininga si Stan bago nagsalita. “Actually, iyan mismo ang dahilan ng ipakikipag-usap ko sa iyo ngayon, Julianne.” Tumayo ito at lumakad patungo sa balkon. “Magiging napakaabala ko sa susunod na mga araw dahil sa nalalapit na pangangampanya,” patuloy nito, his back on her.

Sumunod siya at sumandal sa hamba ng pinto. “N-nasabi mo na sa akin iyan, `di ba? Kaya naman naiintindihan ko kung bakit hindi tayo nagkikita nitong mga huling araw.”

Humarap ito sa kanya. “I’m glad you understand, bagaman nahihiya ako sa iyo. Alam kong gustong-gusto mong maipakilala ako sa mga magulang mo. Iyon din ang gusto ko. Pero napakahalaga para sa akin ang magiging resulta ng eleksiyong ito, honey. At malakas ang kalaban ko...”

“Get straight to the point, Stan,” she said a little bit impatiently.

“I can’t leave town at this point in time, Julianne. I mean, I will be too busy...” He paused, then, “Bakit hindi na muna natin ipagpaliban ang pagharap ko sa mga magulang mo?”

Yumuko si Julianne upang itago ang pagkadismayang gumuhit sa mukha niya. Nangako siya sa ama na luluwas sila ni Stan sa susunod na linggo upang makilala nito ang nobyo. Hindi niya magagawang siraing muli ang pangakong iyon. Lalo at hindi nagustuhan ni Bernard ang ginawa niyang pakikipagnobyo gayong nangako siyang pagkatapos ng bakasyon at kasal ni Nadine ay haharapin niya si William.

Bernard accused her of betraying his trust. At totoong nakadama siya ng guilt doon. She knew that the only thing that was keeping his father’s anger at bay was her assurance that Stan loved her for what she was.

May ilang sandali ang pinalipas niya bago sumagot. “M-malaking bagay ba ang isa hanggang dalawang araw na mawawala sa iyo? My father’s expecting us next week, Stan. I hate to disappoint him. Nasabi ko na sa kanyang darating tayo.”

Tumiim ang mukha nito. Subalit sandali lang iyon, agad na muling lumambot ang anyo. Ngumiti. Itinaas ang dalawang kamay sa ere. “Two days isn’t enough, honey. I would like to spend, at least, a few days with you, to get to know my future father-in-law better...” Akmang magpoprotesta si Julianne subalit inunahan siya ni Stan. “May maganda akong ideya! Bakit hindi ka maunang umuwi at susunod ako? Yes, that’s it!”

She frowned. “Bakit ako mauuna? Bakit hindi tayo magsabay?”

“Tulad ng sinabi ko, may mga appointment ako sa partido sa susunod na mga araw na hindi maaaring ipagpaliban. Kung hihintayin mo ako, you will make me feel guilty by neglecting you. Another thing, hindi natin gustong mag-alala nang husto ang papa mo, `di ba?”

Her heart sank. “Inaasahan kong magkasabay tayong bibiyahe, Stan. May mahalagang bagay akong gustong ipakipag-usap sa iyo habang nasa dagat tayo.”

Nilapitan siya ni Stan, hinagkan sa mga labi. “We have all the time in the world, honey. Pagdating ko roon sa susunod na linggo—to be specific, Thursday next week. I’ll stay in Manila for five days. At atin ang lahat ng panahong mag-usap, okay?”

Wala sa loob siyang napatango. “Iyon ba ang inaakala mong... mabuti?”

Isang maluwag na hininga ang pinakawalan nito bago mahinang tumawa. “Trust me, honey. Iyon ang pinakamabuti, lalo at wala ka na namang trabaho. Sa makalawa ng tanghali ay bumiyahe ka na—”

“Sa makalawa na?” putol niya sa sinasabi nito. “Pero birthday mo sa Sabado. And you were planning a party, weren’t you?”

“I changed my mind about the party,” wika nito. “Kaya nga wala namang dahilan para magtagal ka pa rito. Sayang ang iuupa mo, lalo at wala ka nang trabaho.” Inikot nito ang tingin sa loob ng cottage. Nahagip ni Julianne ang disgusto sa mga mata nito na bigla ring nahalinhan ng ngiti.

Gusto niyang sabihing ilang doble man ang renta ng cottage na iyon ay kaya niyang bayaran. Pero dahil hindi naman alam ni Stan ang totoong katayuan niya sa buhay ay may katwiran itong manghinayang na manatili pa siya roon.

“You’re, beautiful, Julianne,” bulong nito, umahon ang pagnanasa sa mga mata. “Too poised and too classy. I might be a fool to let you...” His voice trailed off, then, “out of my sight.” Itinaas nito ang mukha niya. Tinitigan siya at pagkuwa’y yumuko at hinagkan siya sa mga labi.

Tumaas ang mga kamay niya sa leeg nito at tumugon. Bigla siyang nagmulat ng mga mata nang maulinigan ang pagdating ng tricycle. Pumara ito malapit sa likod ng kotse ni Stan. Mula roon ay bumaba si Weng na galing ng paaralan.

Stan was breathing heavily. Hindi nito namalayan ang biglang pagbaba ng mga kamay niya mula sa leeg nito. Habang hinahagkan siya ay inilalakad siya papasok sa loob ng cottage.

“N-nariyan na si Weng...” bulong niya. Subalit tila walang narinig si Stan at pilit siyang ipinapasok sa loob ng cottage. Nang tumingala si Weng ay mabilis niya itong itinulak.

“Anak ng—!” naiiritang sabi nito kasabay ng paglingon sa ibaba. Naroon si Weng at nag-aalangang pumanhik. Ibinalik nito ang mga mata sa kanya. “To the bitter end, Julianne, mailap ka pa sa usa ng Mindoro. Gusto kong manghinayang...”

“Stan, ano ba ang sinasabi mo? Hindi kita naiintindihan,” naguguluhang sabi niya. Inilipat ang mga mata kay Weng na tumingala at nagmagandang hapon kay Stan. But Stan ignored the girl. “We couldn’t just kiss in front of a kid, could we?”

“Pero may chaperone kang lagi, `di ba? Kung hindi si Nadine, alin na lang sa mga kapatid niya,” wika nito sa halos pagalit na tono. Pagkuwa’y nagkibit ito ng mga balikat. “Marahil naman sa Maynila ay wala ka nang maidadahilan. Anong oras nga pala kita susunduin dito bukas para ihatid sa pier?” He groaned. “Matapos sanang maaga ang meeting namin ni Mayor bukas.”

“It’s all right, Stan. Maipahahatid akong tiyak ni Nadine kay Miguel.”

Stan grimaced. “I’m guilty already, honey. Ako dapat ang maghatid sa iyo sa pier. Bakit hindi ka na lang maghintay na matapos ang meeting?”

“It’s okay, Stan. Naiintindihan ko. Walang dahilan para magmadali kang matapos ang meeting gayong maihahatid naman ako ni Miguel at Nadine.”

“Tatawagan kita sa CP mo kapag paalis na ako rito sa Huwebes sa susunod na linggo.”

ARAW ng pagbibiyahe ni Julianne at patapos na siyang mag-empake nang malingunan si Nadine sa pintuan ng silid niya. Naka-office uniform pa ito. Nginitian niya ang kaibigan.

“Akala ko ba’y magha-half day ka lang? Bakit ang aga mo? Alas-diyes pa lang, ah.” Kinagabihan din nang araw na maghiwalay sila ni Stan ay niyaya niya si Weng na magtungo sa bahay ng tatay nito at hinintay roon sina Nadine.

Ipinaalam ang plano niyang pag-uwi ngayong araw. Bagaman nabigla ay hindi naman tumutol na si Nadine. Nag-alok ang mag-asawang ihahatid siya sa pier.

“What’s wrong?” tanong niya nang manatiling hindi kumikibo si Nadine. “Bakit tila ka natutulala? Natanggal ka rin ba sa trabaho?” pabirong sabi niya, isinara ang zipper ng maleta. “`Yon nga palang bike sa ibaba, ibigay mo sa mga bata.”

Nadine sighed. “I wish there’s a better way to tell you this, Julianne,” mahinang sabi nito.

Nilingon niya ang kaibigan, nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Kumunot ang noo niya. “What is it, Nadine?”

“Sana’y hindi na lang sa akin manggaling ang sasabihin ko sa iyo. Hindi ko gustong makitang nasasaktan ka. Pero mas mabuting malaman mo kaysa manatili kang umaasa...”

“Hey, ano ba talaga ang problema?” Tuluyan nang nakuha nito ang buong atensiyon niya. “Bakit parang napakaseryoso naman ng dating mo?”

Naupo ito sa dulo ng kama. “Kanina kasi...” she paused, “napaaga ng pasok si Tatay sa munisipyo. Nauna pa ngang umalis sa amin ni Miguel dahil may iniwan daw siyang trabaho kahapon at kailangan niyang matapos. Kasalukuyan siyang nasa isang bahagi ng opisina nang maagang dumating sina Mayor at Stan.

“Alam mo na, maaga kasi ang meeting sa headquarters ng partido nina Mayor at may dinaanan yata sa munisipyo. Hindi raw siya napuna ng mga ito dahil natatakpan siya ng mga filing cabinet kaya malaya niyang naririnig ang usapan ng dalawa.”

“And?”

“Narinig ni Tatay na iniimbitahan ni Stan si Mayor sa Sabado ng gabi sa birthday party nito sa Villa Manuela.”

“A-are you sure there would be a party? Sinabi ni Stan na hindi na niya itutuloy ang birthday party niya.”

“Sana nga’y nakaringgan lang ni Itay iyon. Pero kahit nang pumasok sila sa loob ng opisina ni Mayor ay patuloy sa pag-uusap ang dalawa at dahil hindi naman nakalapat ang pinto ay naririnig sila sa labas. Sabi ni Stan ay ihahayag niya sa gabing iyon ang... ang engagement nila ni Milet.”

“Oh.”

“At nang banggitin daw ni Mayor ang pangalan mo, ang sabi ni Stan ay hindi mo naman daw malalaman dahil pauwi ka na ngayon.”

Wala sa loob na napaupo sa gilid ng kama si Julianne. May pakiramdam siyang namamanhid ang buong katawan niya.

“Sinisisi nga ni Tatay ang sarili kung bakit kayo nagkakilala ni Stan,” patuloy ni Nadine. “Noong kasal namin ni Miguel ay si Mayor lang ang dapat na imbitado pero biglang dumating si Stan nang kasalukuyang iniimbita ni Tatay si Mayor. Out of politeness, napilitan si Tatay na kumbidahin siya.

“Hindi gusto ni Tatay kahit ang namayapang ama ni Stan, Julianne. Katunayan ay hindi na ito nanalo nang sumunod na eleksiyon. Mapagmapuri kung turingan ni Tatay ang mag-ama. Subalit nang maging magnobyo kayo ay hindi siya nagkomento. Pero kanina ay galit na galit si Tatay nang sabihin sa akin ang mga narinig niya. Sabihin ko raw sa iyo.”

Humugot siya ng tissue mula sa kahon na nasa ibabaw ng kama at banayad na suminga. Matagal na katahimikan ang namagitan. Nadine broke the silence.

“Ikinagagalak kong hindi mo ipinagtapat kay Stan ang tunay mong pagkatao, Julie. You don’t deserve a bastard like him.”

“I-ipinagmalaki ko siya sa Papa’t Mama...” mahinang sabi niya na tila ba tinakasan siya ng lakas. “Tiniyak ko sa mga magulang kong isa siyang mabuting tao, na karapat-dapat siyang maging manugang nila... na mahal ako ni Stan hindi dahil sa aking katayuan sa buhay kundi bilang ako...”

Isang buntong-hiningang puno ng simpatya ang pinakawalan ni Nadine. “Kalimutan mo siya, Julie. Dapat mong ipagpasalamat na nakilala mo ang tunay niyang motibo bago pa naging huli ang lahat.”

Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatitig sa kawalan. Pilit niyang pinagagana ang isip.

Nilinga ni Nadine ang mga gamit niyang nililigpit. “Nalulungkot akong ito ang kinahinatnan ng pagtigil mo rito sa Capistrano, Julie. Gusto kitang pigiling manatili muna. Pero baka lalo ka lang masaktan kung—”

“Hindi ako uuwi ngayon, Nadine. Dadaluhan ko ang birthday party ni Stan sa Sabado.”

“Oh, Julie...” Napuno ng pag-aalala ang tinig ni Nadine. “Huwag mong gawin ito. Masasaktan ka lang. And knowing Milet, baka ipahiya ka niya.”

“I can handle her now that I am not her parents’ employee anymore,” giit niya. “Hindi ako basta maaaring tumalikod na lang, Nadine. Pagtatawanan nila ako...”

“Ganoon din ang gagawin nila kapag dumalo ka. Gusto mo bang makita pa iyon?”

Hindi siya sumagot. Lumakad siya patungo sa bintana ng cottage. Lampas-lampasan ang tingin niya sa mga puno ng niyog. Sa kanilang dalawa ni Jessica, her little sister was the most private. Jessica kept to herself and to her horses. And yet Jess was the spirited one, ang mataray sa pamilya, to the point of being bitchy. A slight provocation from a man would certainly bring her sister to retaliation.

While Julianne was the sociable and the happy-go-lucky type. Yet she was submissive and too gentle. She would cry in a drop of a hat. Ni hindi niya makuhang magtaas ng tinig sa kanino man. Kapag nagagalit siya’y tatalikod na lamang siya. Jessica used to tease her that she was the saint in the family.

At sa kanila ni Jessica, siya pa rin ang sa tuwina’y masunurin sa ama. She wouldn’t dare oppose Bernard. Kaya nga maituturing niyang himala na napapayag niya ito sa pagtungo at pagtira niya nang matagal sa Capistrano.

Apat na buwan siyang namuhay nang nag-iisa at wala ang proteksiyon ng mga bodyguard at salapi ng ama. Kinaya niya ang mabigat na trabaho sa mga de Castro, nadagdagan ang lakas ng loob niyang kakayanin niya ang lahat. Pero kaya ba niyang harapin sina Stan at Milet sa birthday party ng una?

But she couldn’t just turn tail and went home to her parents. Hindi niya gustong kahabagan ang sarili nang ganoon na lang. She had to face Stan and Milet. At pagkatapos ay saka na niya haharapin ang problema sa mga magulang.

“Dadalo ako, Nadine,” anas niya.

Nadine groaned.