noveltoon logo noveltoon
Wild Passion (Kristine Series 22)

Chapter 11

Ch. 12 / 21 Feb 16, 2022

Chapter Eleven

N APABUNTONG-HININGA si Julianne. Mula sa paghaplos sa paa nito ay nag-angat siya ng tingin. Nakatitig ito sa kanya. Naaaninag niya iyon sa suot nitong shades. Perhaps he had been watching her for a while.

“Napakalalim ng buntong-hiningang pinakawalan mo,” he said. “What were you thinking just now?”

She tried to smile. “A lot.”

Ibinaba ni Benedict ang mga paa mula sa bench niya. Itinukod nito ang mga braso sa tuhod at inilapit ang mukha sa kanya. “You have a very expressive face, alam mo ba iyon?” wika nito. “I was referring to last night. Nang lumabas ng bahay si Stan kasama si Milet ay may ilang sandali kitang pinagmasdan. You were so cool and poised and so elegant despite the anger that was boiling inside you. Mixed emotions played in your face and you were not even aware how lovely you looked.”

“That was when you decided to seduce me?” she teased.

“Kung nagkataong hindi ako nagmamadaling umuwi nang hapong magtagpo tayo sa parang four months ago, natitiyak kong sa ganito rin tayo mauuwi.”

“Goodness, ganoon kalaki ang tiwala mo sa sarili mo!”

He gave her a lopsided grin. “Tell you a secret...” Inilapit nito ang bibig malapit sa tainga niya at may ibinulong na ikinapanlaki ng mga mata ni Julianne kasabay ng pamumula ng pisngi at ng pananayo ng mumunting balahibo sa katawan niya.

“That can’t be possible! You were rude!”

“Precisely,” wika nito, lumapad ang ngiti. “Maaaring bibilang ng maraming oras bago mangyari ang nangyari sa atin kagabi. All the same, we were bound to end up in bed, darling. At hindi mo pag-uukulan ng kahit isang sulyap si Stan.”

“How arrogant!”

Ngumisi ito. Inabot ang kamay niya at hinila siyang patayo at lumakad patungo sa barandilya at tinanaw ang mga isla. “When do I get to meet your parents?” he asked out of the blue.

Sandali siyang natilihan. “H-hindi siguro magandang ideya iyan, Benedict.”

Nagsalubong ang mga kilay nito. “And why so?”

“Hindi nila sasang-ayunan ang ganitong uring relasyon ko sa iyo. Ano man ang sabihin mo, you’re still married.”

“Darling,” he said, his arms snaked around her waist and pulled her close against him, “all I want is to meet your parents. Kailangan bang sabihin sa kanila kung ano ang namamagitan sa atin?”

Tumingala siya rito. “Sa palagay mo ba ay maipagkakaila ko sa kanila ang tungkol sa atin?” She shook her head. “Look at you, Benedict. You couldn’t even keep your hands off me...”

He grinned. “You’re embarrassing me, darling.” Pinakawalan siya nito, itinukod ang mga kamay sa barandilya at nakulong siya sa pagitan ng mga bisig nito. “Ibig mo bang sabihin ay kumikilos ako na tila teenager sa unang girlfriend?”

“No.” She wrinkled her nose. “You’ve got more finesse than that. But you’re as horny.”

Benedict threw his head back and laughed. Tinitigan ito ni Julianne. At mula sa kung saan ay may umahong damdamin sa dibdib niya. It was poignant, warm and tender. Naroon na iyon kanina nang titigan niya ito habang nakapikit. Lamang ay sinikap niyang huwag mangibabaw.

Kinatatakutan niya ang banyagang damdaming iyon. It was as if she loved this man already. But it couldn’t be. Wala pang dalawampu’t apat na oras mula nang magkakilala sila.

Nang huminto ito sa pagtawa ay dagli niyang pinawi ang ekspresyong iyon sa mukha niya. Pinilit niyang ngumiti. “I’m guilty, too. Gusto ko ang ginagawa mo sa akin,” mahinang pag-amin niya. Nilinga niya ang kakaunting taong nasa paligid na ang ilan ay tinatapunan sila ng tingin. “Nakakahiya sa mga tao.”

“Oh, don’t be embarrassed, darling,” Benedict said gently. “People think we’re honeymooners.” Bago pa niya masagot iyon ay mabilis nitong ibinalik sa topic ang usapan. “So,” he said, “ibababa lang ba kita sa inyo pagdating natin sa Maynila?”

“I... I...” she stammered. “Y-yes, of course.”

“Hey, ihahatid lang kita sa tapat ng bahay n’yo, hindi kailangang mabahala ka nang husto.”

“Ang... a ng alam ng mga magulang ko’y si Stan ang ipakikilala kong boyfriend sa kanila, Benedict,” paliwanag niya, dahan-dahang pinakawalan ang hiningang pinipigil. “I would have a lot of explaining to do.”

“I can understand that.”

Madaling sabihin sa mga magulang niya ang tungkol kay Stan. Nakahanda siyang tanggapin ang litanya ng sermon ni Bernard at ang, “I told you so” na sasabihin nito. At sa susunod na mga araw ay wala siyang gagawin kundi ang sumunod sa lahat ng gusto nito. Lalo na sa bahaging kailangan niyang pakiharapan si William.

Subalit hindi siya handang ipakilala si Benedict sa mga magulang. Her father wouldn’t take it lightly. From Stan to his stepbrother. Sa pagitan lamang ng ilang araw mula nang huli silang mag-usap ni Bernard. Higit pa roon, paiimbestigahan ito ng ama. Natitiyak niya iyon kung paanong iyon din ang gagawin ni Bernard kung naipakilala niya si Stan dito.

Malalaman ng papa niya sa pagitan lamang ng ilang araw ang status ni Benedict. Technically or otherwise, he was still married. Paano niya iyon ipaliliwanag sa mga magulang? Sa mga kapatid niya?

Paano kung makarating kina Lenny at Aidan ang tungkol dito? Kung mangyari iyon, all hell would break loose. His family could destroy Benedict. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakadama ng takot si Julianne sa kinasuungan, hindi para sa sarili kundi para kay Benedict.

Length of time hadn’t matter for what they felt for each other. Para iyong buhawi, tulad ng sinabi ni Nadine. Umaasa na lamang siya na hindi mag-iiwan ng pinsala ang relasyon nila sa bandang huli.

“RELAX. You look so tense,” ani Benedict nang muli itong sumakay sa jeep matapos maibaba ang mga bagahe niya. Sinulyapan ang bahay sa likod niya.

Julianne forced a smile. “Bye.”

Kinindatan siya nito at pagkatapos ay pinatakbo na ang sasakyan paalis. Sinundan niya ito ng tingin.

“Julie?” wika ng tinig mula sa loob ng bakuran. “Ikaw ba iyan, Julie?”

Hinintay muna niya ang pagliko ng four-wheel drive ni Benedict sa kabilang kalye bago siya lumingon.

“Lola Andrea!” bati niya sa matandang babae. “B-bakit kayo nandiyan?” Sa paupahang duplex ng retiradong sekretarya ng Kristine Corporation nagpahatid si Julianne. Hindi niya inaasahang makita sa loob ng solar si Andrea. Ang plano niya ay tumawag ng taxi pagkaalis ni Benedict at umuwi sa kanila.

Itinaas nito ang hawak na karatulang “For Rent” na sa wari ay isasabit nito sa gate. “Umalis na noong isang araw `yong dating umuupa rito. Ikaw, bakit ka narito?” Sinulyapan nito ang bagahe niya sa nakakunot na noo.

“M-maaari ba akong tumuloy sa inyo?”

“Of course,” sagot nito at isinabit sa gate ang karatula. At nang akma nitong isasara ang gate ay inawat niya at ipinasok ang malaking maletang de-gulong.

“KAYONG mga kabataan ay lagi nang padalos- dalos,” ani Andrea matapos pakinggan ang kuwento niya tungkol kay Stan. Pahapyaw rin niyang ipinagtapat si Benedict dito maliban sa naganap na pagtatalik nilang dalawa.

“You turned to this man... what’s his name? Yes, Benedict, on the rebound, Julie.”

On the rebound. Iyon ba ang nangyari? Isa iyon sa mga aspetong hindi niya napag-ukulan ng pansin. Biglang nagkaguhit sa isip ang kalituhan.

“Kung... kung sana’y ganoon nga lang ang nangyari, Lola Andrea,” aniya at umiling. “I was attracted to him the moment I laid my eyes on him.”

Andrea almost rolled his eyes. “You kids these days,” she murmured. Tumayo ito at banayad na tinapik ang balikat niya. “Attracted? Sa mismong sandaling natuklasan mo ang tunay na pagkatao ng boyfriend mo?”

Julianne winced at Andrea’s sarcasm.

“Forget all about him, Julianne. Hindi alam ng Benedict na ito kung saan ka talaga nakatira at hindi mo ibinigay ang totoo mong pangalan. That’s good. Charge everything to experience. Go home, take a good rest tonight and tomorrow set a date with William.” Lumakad ito patungo sa telepono. “Ipasu sundo kita rito sa driver pero dito ka na maghapunan.”

An hour later, dumating ang driver at sinundo si Julianne. That night, Bernard gave her the tongue- lashing of her life. At ni hindi niya makuhang pangatwiranan ang sarili. She listened to her father’s tirade meekly. At wala siyang nagawa nang ilahad ni Bernard isa-isa ang gusto nitong mangyari sa kanila ni William. Isa na roon ang madalian nilang pagpapakasal.

“Pero, Papa—”

“ ¡ No hay pero que valga, Julianne! You will marry William. Pinagbigyan kita sa gusto mo. Nang sabihin mong nobyo mo ang Stan na iyon at nakatakdang ipakikilala sa akin ay wala kang narinig maliban sa paalala. Had you found a bueno hombre, ipakakasal ko kayo. Nakahanda akong talikuran ang usapan namin ni Compadre.”

Hindi niya magawang salungatin iyon. She had made a bargain with her father. Sinira niya iyon gayunman ay pinagbigyan siya. Ngayon ay mapipilitan siyang tuparin ang ipinangako niya.

Pero paano si Benedict? Magagawa ba niyang kalimutan ito tulad ng ipinapayo ni Andrea?

With a heavy heart, Julianne raised her eyes to her father. Nakatitig si Bernard sa kanya. He was assessing her. Muli siyang umiwas ng tingin. Mabigat ang dibdib na nagpaalam siya sa ama na papanhik na sa silid niya.

Sa itaas ay inihagis niya sa kama ang clutch purse at ang cell phone at nagsimula siyang maghubad ng damit. Papasok na siya sa banyo nang mag-ring ang cell phone niya.

Nahinto siya sa paghakbang at tinitigan ang CP. Alam niyang si Benedict ang tumatawag. Kasalukuyan siyang naghahapunan kina Andrea nang unang tumawag ito. Pero binawalan siya nitong sagutin ang telepono.

“Don’t answer the phone, Julianne,” utos nito sa awtorisadong tinig. At hindi niya magawang hindi ito sundin. Andrea was almost family. Buong buhay nito ay ipinaglingkod sa Lolo Leon niya noong nabubuhay pa ito at sa papa niya hanggang sa ito ay magretiro.

Not only that, Andrea was also her cousin Drew’s grandaunt. Ito na lang ang kaisa-isang kamag-anak ni Alaina, Drew’s missing mother.

“Huwag mo nang guluhin ang sarili mo,” patuloy nito. “Hindi ka pa nakapagsisimula man lang magpaliwanag sa papa mo tungkol kay Stan ay may panibago ka na namang kakaharaping problema. Your ex-boyfriend and this man are stepbrothers, for crying out loud!”

Nagpatuloy sa pag-ring ang telepono. Nagdidigmaan ang puso at isip niya kung sasagutin iyon o hindi. But Andrea could be right. Benedict and Stan were stepbrothers. Maliban sa sinabi ni Nadine na hindi magkasundo ang dalawa ay wala na siyang alam tungkol sa relasyon ng mga ito.

At kung totoong hindi magkasundo ang dalawa, bakit nananatili sa Villa Manuela si Stan? Sa pagkakaunawa niya sa kuwento ni Nadine, pag-aari ni Benedict ang villa.

And for all she knew, pinag-uusapan siya ng dalawang lalaki. Napaungol siya roon. How could she be so naive? Benedict took advantage of her vulnerability. He was a seducer, a flatterer. And to top all of it, he was married! But he couldn’t really blame him totally. Higit na nasa kanya ang pagkakamali.

She sobbed and was surprised by the pain she felt in her heart. Where had the pain came from? Hindi niya naramdaman ang ganoong damdamin kay Stan nang malaman ang masamang motibo nito. Mas nasaktan ang amor-propio niya, nagalit at napahiya siya. But she didn’t think her heart was even involved.

Until now.

And again, to the wrong man.

She strode towards the bed, grabbed the phone and threw it savagely on the wall. Nagkahiwa-hiwalay at nagkapira-piraso iyon. Tuluyan na siyang napaiyak sa magkakasamang emosyon.

JULIANNE spent the night tossing, turning, and weeping silently. She missed Benedict with all her heart. She wished she hadn’t come home. Sana ay pumayag na lang siya sa mungkahi ni Benedict na sa bahay nito sa Quezon City tumuloy.

Now, it was too late. She couldn’t defy her father. Bukod pa roon, nakikini-kinita na niya ang magiging reaksiyon ni Bernard sa sandaling malaman nitong sina Benedict at Stan ay stepbrothers. And to top all of it, her father would never condone her relationship with Benedict knowing he was still married.

Ni hindi niya namalayan kung paano siyang nakatulog. Nagising siya kinabukasan nang hawiin ng yaya niya ang blinds at pumasok ang sinag ng araw.

“Bago umalis patungong opisina ang ama mo’y ibiniling gisingin kita ng alas-nuwebe, Julie,” ani Yaya Amparo.

Umungol siya at ibinaon ang mukha sa unan. May palagay siyang wala pang kalahating oras mula nang makatulog siya.

“Tumayo ka na riyan, alas-nuwebe y media na,” patuloy nito. “Kausap ng papa mo si William kaninang umaga at susunduin ka ng alas-onse.” Pumasok ito sa banyo upang ihanda ang bathtub.

Julianne gazed at the ceiling feeling so empty. Parang may bahagi ng pagkatao niya ang nawala sa kanya. She sobbed softly. Paano niyang haharapin si William na ang laman ng puso at isip ay si Benedict?

And she didn’t think she could last another day without seeing him. “Take a chance on me, Julianne...” Nag-echo ang mga salitang iyon sa isip niya. Recalling it now, Benedict said it with almost a note of pleading in his voice.

Sukat doon ay napabalikwas siya. Hinayon ng mga mata ang lugar kung saan niya inihagis ang cell phone. Subalit malinis at makintab ang floor parquet. Ni isang piraso ng basag na housing ng telepono ay wala siyang makita.

Halos takbuhin niya ang banyo. “Yaya, ang cell phone ko! `Yong nasa sahig na—”

“Pinadampot kong isa-isa kay Celia kaninang maaga-aga pa nang una kitang silipin. Bakit ba nagkabasag-basag nang ganoon ang telepono mo?” Nilingon siya nito at nag-angat ng katawan mula sa pagpapatulo ng tubig sa bathtub.

“Yaya, ipakuha ninyong muli kung saan man niya itinapon. Kailangan ko `yong SIM!”

Pinatay nito ang gripo bago muling humarap sa kanya. “Kung ano man iyong hinahanap mo ay hindi mo na makikita, Julie. Kadadaan lang ng truck ng basura kaninang bago ako pumanhik dito.” Napaungol siya sa panlulumo at napasandal sa hamba ng pinto. Pagkatapos ay tuluyan nang napaiyak. Nabahalang nilapitan siya ni Amparo.

“Ano ba ang nangyayari sa iyong bata ka?” nag-aalalang tanong nito. Nang hindi siya sumagot at nagpatuloy siya sa pag-iyak ay nagbuntong-hininga si Yaya Amparo.

“Kalimutan mo na ang nangyari sa iyo sa Mindoro, Julie,” banayad nitong sabi. “Ipagpasalamat mong natuklasan mo nang maaga ang tunay na motibo ng lalaking iyon. Pumasok ka na sa banyo. May isang oras ka na lang para mag-ayos bago dumating si William.”