"MUKHANG nabigla ka lang," ani Red sa karakang pagpayag ni Evangeline sa suhestyong makipag-date ito sa kanya.
"Actually, I want to ask you something."
Inilahad ni Red ang dalawang kamay. "I'm all ears, fire away."
"W-was I responsive that n-night?"
"Wala kang natatandaan?" Isa ba ito roon sa mga taong kapag nalalasing ay parang may partial amnesia kinabukasan?
"I'm... I-I'm not sure kung tama ang mga natatandaan ko nang gabing 'yon."
"I see."
"You do?"
"Yes. You want to make sure if whether you're drunk or sober ay magiging ganoon ka pa rin ka-responsive sa ating pagtatalik. Tama ba ako?"
Naumid ito sa pagsasalita sabay kagat-labi. Hula niya ay namumula ito kung hindi lang medyo dim ang lighting sa kinaroroonan nila.
"Yes," mahinang pagkumpirma nito.
"I can't hear you."
"Yes! Gusto kong malaman kung nag-init ako nang husto nang gabing 'yon gaya ng pagkakaalala ko para maipamukha ko sa gago kong ex na hindi ako malamig gaya ng sinasabi niya."
Marahang pinawalan ni Red ang nanginginig na paghinga. Kung dati'y hindi pa siya kumpirmado kung gaano katindi ang pagtingin niya sa babaing ito, ngayon niya mas napatunayang mukhang nababaliw na siya rito. Ang lakas-lakas ng pintig ng puso niya!
"How about we test it now?" marahan siyang umabante palapit dito.
"H-ha?" napaatras naman ito.
"I want to kiss you," hell, kahapon pa lang ay gustong-gusto na niya itong yakapin at hagkan. Ang mahigpit itong yakapin sa kanyang mga bisig hanggang sa maghalo ang kanilang mga amoy. Pero natitiyak niyang kung ginawa niya iyon ay kakaripas ito ng takbo at hindi na siya magkakaroon ng chance na makalapit pa rito. "I want to show you the kind of chemistry we had that night."
Tila napako ito sa kinatatayuan.
He controlled his urges at marahan itong hinawakan sa magkabilang punong-braso. Medyo malayo naman sila sa karamihan at paisa-isa na lang din ang parehang nagdaraan. Kung naiinggit sila sa gagawin nila, gumaya na lang sila.
Hinagod niya ang kanang pisngi ni Evangeline. Ang ganda at ang kinis ng mukha nito kahit walang bahid ng make-up. She's all natural. Nakita niya ang tila pag-aatubili sa mga mata nito. Ngunit nang bumaba ang kanyang tingin sa mapulang labi ng dalaga, tila kabaliktaran ng nasa mga mata nito ang ipinapahiwatig ng mga iyon.
Bago pa siya tuluyang sapian ng katorpehan niya ay dahan-dahang bumaba ang kanyang ulo hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Narinig niya ang pagtakas ng isang mahinang singhap sa mga labi ng dalaga nang ganap niyang sakupin ang bibig nito. Banayad lamang at parang nananantiya. She obviously knows the mechanics of kissing per se but she doesn't know when or how to take the lead.
Ikinuwadro niya sa pagitan ng dalawang palad ang mukha nito habang salitang sinisimsim ang upper lip at lower lip ng dalaga. He took his time as if they had all the time in the world to savor that moment. When she opened her mouth, he brushed his tongue inside the sweet crevice of her pearly whites and tasted her sweetness within. Their tongues met and danced in a rhythm of fire. Ramdam niya, pareho silang nadala ng halik na pinagsaluhan. At kung hindi pa sila kapwa nangailangan ng hangin ay hindi pa maghihiwalay.
Nang tunghayan ni Red ang dalaga ay hindi siya puwedeng magkamali. He saw the fire of longing in her eyes. At kung hindi lamang sa pagsasaalang-alang dito, hinila na niya ito sa pinakatagong sulok at mabilis na inangkin. Ganoon katindi ang pangangailangan niya kay Evangeline. Para itong apoy na pinaglalagablab ang bawat himaymay ng laman niya. Isang tingin lang ng magaganda nitong mga mata ay sapat na para bumaba ang kanyang depensa. Ngunit hindi lang naman tawag ng laman ang nararamdaman niya para sa dalaga. Mas matimbang pa rin ang pintig ng kanyang puso.
Hinawakan niya ang kamay nito at isinalikop sa kanyang palad saka sila nagpatuloy sa kanilang paglalakad.
"Now, how's that for a prelude?" kaswal niyang tanong dito na para bang hindi binabayo ng kung ano ang dibdib niya. Ang lakas-lakas ng pintig ng kanyang puso!
"P-prelude?"
"Prelude for the upcoming chapter in our lives."
BUMILIS ang pintig ng puso ni Evangeline. Nang magpasya siyang pumayag na makipag-date kay Red, ang nasa isip niya ay itapon ang lahat ng inhibisyong ibinalot sa sarili sa napakatagal na panahon. Masyado niyang ikinulong ang sarili sa isang traditional at makalumang paniniwala na ang isang matinong babae ay dapat na sa lalaking mapapangasawa lamang nito ipagkaloob ang sarili sa unang gabi ng kanilang kasal. But look where it got her. Kung sino pa iyong mga babaing buka lang nang buka sa kung kani-kaninong lalaki ang siya pang nakakatagpo ng kanilang ka-poreber.
Mukhang sa kasalukuyang panahon ay one in a million na lamang ang naniniwala sa patakarang marriage before sex. Hindi siguro masama kung babaliktarin na niya ang dating pinaniniwalaan. Sex nang sex before marriage. Trial and error, kumbaga. Kapag hindi umubra sa una, next! At kapag hindi pa rin, humanap ulit ng iba.
"Gusto mo bang lumipat ng ibang lugar, angel?"
Kumalabog ang dibdib niya. Tama ba siya ng iniisip sa ini-imply ng tanong nito?
"Ngayong alam kong naging bahagi ng nakaraan niyo ng ex mo ang lugar na ito, gusto kong dalhin ka sa ibang lugar kung saan hindi mo siya maaalala."
Masyado pang maaga at ayaw niyang masabihang assumera. Pero sa himig ng pagsasalita ni Red ay parang nagseselos ito sa ex niya.
"S-sige."
"I'm hungry. Let's have dinner. What do you want to eat?"
"I love Japanese food."
"Sushi?"
"Ramen."
"Okay. You pick the place, doon sa hindi niyo pa napuntahan ng ex mo."
She chuckled. "You sound like a jealous lover."
"I am jealous."
Napakagat-labi na naman siya. Bakit ba kasi napakabilis gumana ng bibig niya? Pinoproseso pa lamang ng utak niya ay nasabi na kaagad ng matabil niyang dila.
"Although I know, wala pa akong karapatang magselos."
"D-don't worry. He's not very fond of Japanese food. Once or twice ko pa lang yata siyang naisamang kumain sa isang Japanese restaurant."
"And where is that?"
"Okinawa Traditional Restaurant."
"Okay. We'll scratch that from our dating places."
Pinigilan niya sa paglawak ang naaaliw na ngiti sa mga labi. Mukhang hindi pa man ay magkakaroon siya ng possessive na boyfriend.
Nagtungo sila sa isang Japanese restaurant gaya ng nais ni Evangeline. Lihim na natuwa ang dalaga dahil tulad niya ay mukhang gusto rin ni Red ang Japanese food. He particularly likes sushi and tempura. Siya naman ay gusto niya talaga ang ramen kaya iyon kaagad ang inorder niya. Isang bowl lang niyon ay sulit na sulit na siya.
Habang sarap na sarap siya sa pagkain ay napansin niyang titig na titig sa kanya si Red. Nako-conscious tuloy na ibinaba niya ang gamit na chopsticks.
"Sorry, I can't help it," nakangiting paghingi nito ng dispensa.
"Mukha siguro akong patay-gutom. Na-missed ko kasi 'to, kaya pasensya ka na kung mukha akong isang linggong hindi pinakain."
Nagkatunog ang maikli nitong tawa.
"You're being silly. Ang ganda mo kasing panooring kumain. Walang arte. And you are genuinely enjoying your food."
"Dapat lang naman kasi grasya 'to. Kumain ka na rin. Hindi ka mabubusog kung panonoorin mo lang ako."
Parang may gusto pa itong sabihin pero ngumiti na lang ito at itinikom ang bibig saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ay uminom sila ng green tea. Doon na halos naubos ang oras nila hanggang sa ihatid siya ng binata sa kanilang bahay.
"I enjoyed our time together," aniya sa binata nang ihatid siya nito sa front door ng kanilang bahay.
"Me, too."
"Thank you for the dinner."
"Next time I'll fly you to Japan since you like Japanese food so much."
"I like Italian food, too."
"Then we'll fly to Italy next."
"Sira," pigil ang kilig na wika ni Evangeline. Pakiramdam niya ay nabalik siya sa kanyang kabataan na kinikilig sa unang crush. "Good night. Hindi na kita iimbitahin sa loob dahil late na and I'm sure—"
Hindi natapos ng dalaga ang sasabihin nang banayad siyang higitin ni Red at ilapat ang mga labi nito sa bibig niya. Isang ungol ng pagpapaubaya ang tanging umalpas sa mga labi ni Evangeline nang mainit siya nitong hagkan.
"Good night," pagkatapos ay sabi nito.
Nakangiting kinawayan na lang niya ito nang tunguhin ni Red ang sasakyan at ihatid niya ito ng tingin.
Pagpasok ng bahay ay kamuntik ng mapasigaw sa gulat si Evangeline nang mapasukan ang ngiting-ngiti niyang ina.
"Mama! You almost gave me a heart attack," sita niya sa ina.
"Naku, kunwari pa ang baby ko. Iyon ba talaga ang dahilan o dahil nakita ko ang torrid kissing niyo? Masarap ba, 'nak?"
"Mama?!" pinandilatan ni Evangeline ang ina.
"Huwag mag-deny, hindi ka artista. And come to think of it, malapit ka na nga rin palang mawala sa kalendaryo, kaya go lang anak. You have my blessing. In fairness, mukha siyang masarap."
Naiwang nakanganga si Evangeline sa mga pinagsasabi ng kanyang ina nang talikuran nito at umakyat na sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
"My God, sinapian ba ni Annabelle ang Mama ko?"
Sa halip na dumiretso sa sariling kuwarto ay dumiretso na siya sa kanyang working area slash bahay. Kumpleto rin naman ang mga personal niyang gamit doon. Tuloy half-bath na siya at pahinga. Alam niya kasing paggising niya kinabukasan ay kukulitin siya ng ina sa naging date niya. Sapul nang mag-menopause ang Mama niya ay para siyang nagkaroon ng barkada sa katauhan ng ina. Barkadang nanay. Bagaman maganda naman ang ganoong relasyon sa pagitan ng mag-ina, minsan ay over na ito. Katulad na lamang kanina. Mukha raw masarap si Red.
Sa naisip ay biglang nag-init ang kanyang mukha.
Masarap naman talaga ito. Pero siyempre ay hindi niya iyon masasabi nang hayagan sa kanyang ina.
Ugh.
Napatalukbong siya ng kumot nang muli na namang mag-init ang kanyang mukha.