NAGISING si Evangeline sa hindi komportableng pakiramdam sa pagitan ng kanyang mga hita. Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi maistorbo ang nahihimbing pang nobyo sa kanyang tabi. Maingat niyang inalis ang braso nitong nakayapos sa kanyang beywang at inabot ang robang hinubad niya bago natulog.
It's so itchy. Nakipit niya ang mga hita bago dali-daling nagtungo sa banyo.
Maalaga siya sa kanyang private area kaya naman takang-taka siya na parang ang kati-kati nito ngayon. Mabilis niyang hinubad ang suot na robe at pumasok ng shower cubicle. Tinimpla niya ang temperature ng tubig sa shower. Nang makuha ang tamang temperature ay itinutok niya iyon sa nangangating harapan at hinugasan ang sarili. Nakailang hugas siya bago naisip na tumuloy na sa paliligo.
"Angel, are you there?" narinig niyang kumatok si Red sa labas ng pinto.
"Oo, I'm almost done," tugon niya.
"Nasa baba lang ako. Magluluto ako ng breakfast."
"'Kay."
"I love you."
Napangiti siya. "I love you, too."
Saglit pa at narinig na niya ang yabag nitong pababa ng hagdan. Nagbanlaw na siya at tinuyong mabuti ang katawan partikular ang kanyang feminine area. Medyo makati pa rin, especially sa bandang loob. Nagsisimula na siyang mag-alala ngunit pilit niyang itinataboy ang takot. Mahigpit niyang ibinuhol ang sash sa beywang at lumabas na ng banyo. Hinanap niya ang kanyang mga pinaghubarang damit. Nang hindi ito makita ay bumaba na siya ng hagdan.
Noon niya lang napagmasdang mabuti ang kabuuan ng bahay. Mukha iyong lumang industrial building na ginawang loft.
Kaagad niyang nakita ang nobyo sa kitchen.
"Red, where are my clothes?"
"Nasa laundry machine. Mayamaya lang ay matutuyo na 'yon. Coffee?" Ipinihit nito ang mataas na upuang nakapuwesto sa breakfast nook.
"Yes, please." Naupo na siya at hinintay itong isilbi ang kape sa kanyang harapan.
Nakipit niya ang mga hita nang makaramdam na naman siya ng kati.
"What's wrong?"
Nagdalawang-isip si Evangeline kung sasabihin kay Red ang pinagdadaanang discomfort o sasarilinin na lamang iyon at resolbahing mag-isa at pumunta sa kanilang family doctor.
"Angel," hinawakan ni Red ang isa niyang kamay at hinuli ang kanyang tingin. "What is it?"
"M-makati."
"Makati?"
Nahihiyang ibinaba niya ang kamay sa kandungan.
Kaagad na umikot si Red sa nakapagitan sa kanilang breakfast nook.
"Makating-makati?"
"It's unbearably itchy," naiiyak na niyang sabi. Hindi kasi niya malaman kung ibubuka o ikikipot ang mga hita para maibsan ang pangangati.
"Let me see."
"N-no," kahit nobyo niya ito at ilang maiinit na sandali na rin ang pinagsaluhan nila ay nakaramdam pa rin siya ng hiya. Paano kung meron siyang yeast infection? Nakakahiya.
He took her hand and kissed each finger. "Let me see."
Wala siyang nagawa nang marahan nitong ipihit paharap atsaka ito lumuhod sa kanyang harapan. Hinawi nito ang suot niyang robe at marahang ibinuka ang kanyang mga hita. Kaso ay medyo madilim. Tumayo ito at may hinanap sa kitchen drawers. Pagbalik ay may dala na itong maliit na flashlight.
Napangiwi na lang siya nang itutok nito ang flashlight sa kanyang kaselanan. Isinampay nito sa balikat ang isa niyang binti habang nakaluhod sa kanyang harapan. Banayad na humagod sa labi ng kanyang pagkababae ang thumb finger nito at sinuring mabuti ang kanyang feminine area. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng nobyo nang mag-angat ito ng tingin sa kanya.
"You have some rashes."
"Oh. P-pati ba sa loob?"
"Pati 'yong loob makati?"
"Yes," naging alumpihit na naman ang puwetan niya. Gustong-gusto na niyang kamutin iyon kaya lamang ay nag-aalala siya na baka magsugat. Sensitibo pa naman ang balat ng mga babae sa feminine area.
"I think we need to see a doctor."
"Haa?"
"First time mong gumamit ng condom kagabi. Baka may allergy ka sa latex. Fuck, bakit ba hindi ko man lang naisip 'yon?" bumakas ang labis na pag-aalala sa mukha ni Red. "Kukunin ko ang damit mo, dadalhin kita sa ospital."
"Red."
Hindi nito pinansin ang pagtawag niya at nagtungo na sa laundry room. Pagbalik ay dala na nito ang damit niya at mga underwear. Ilang beses nitong pinagpagan ang mga iyon saka isinuot sa kanya.
"K-kaya ko namang magbihis, ano ka ba?" aniya.
Sinuotan siya nito ng panty, bra at panghuli ang itim niyang dress na may three-fourth sleeve.
"Inumin mo na ang kape habang ako'y nagbibihis," bilin nito bago halos patakbong umakyat sa silid.
Mukhang pinag-alala niya ito nang husto. And despite the situation, tila nalulunod ang puso niya sa tuwa sa pagwo-worry nito. Dinahan-dahan niya ang pag-inom ng kape. 'Yong takot niya kanina ay unti-unti ng nabura. Ang isiping may kahati siya sa pag-aalala sa sarili ay nakapawi ng pangambang nagsasalimbayan sa isip niya kanina.
Saglit pa at nakita na ni Evangeline na pababa ng hagdan si Red. He's wearing a white tee and a pair of faded jeans. Naka-thong slippers lamang ito. At gustong mahiya ng kanyang mga paa. Ang ganda ng mga paa nito at malinis na malinis ang mga kuko.
"Ready, angel?"
"Yes. Hindi ka na ba magkakape?"
"Mas importante ang kalusugan mo," he grabbed her hand at lumabas na sila ng bahay. Ikinandado nito ang pinto atsaka binaybay nila ang cobbled path walk leading to the back entrance of Club Red.
Noon niya lang nalamang malapit lamang pala iyon sa club. Nagtungo sila sa exclusive parking slot ng sasakyan ni Red kung saan may nakatalaga itong security guard.
"Good morning, Sir, Ma'am."
"Good morning po," nakangiting tugon ni Evangeline.
Tinanguan lang ni Red ang tauhan saka ipinagbukas ng pinto sa passenger side ang kasintahan. Bago lumabas ng parking area ay tumunog ang cellphone nito. He put on his bluetooth ear piece.
"Hi, Anja. Thank you for returning my call. Yes, about what I asked earlier. Uh, come again? Dr. Clarita Coronel. Okay, got it. Thanks. We'll be there in thirty minutes."
Nagtatakang nilingon ni Evangeline ang nobyo.
"Who was that?"
"Asawa ng kaibigan ko. I think you two already met, noong opening day ng Samantha's."
"Oh, right. No wonder her name sounds familiar. Why did you call her?"
"I asked for a referral. Good thing at kagagaling niya lamang sa doctor, ipinag-set niya na tayo ng appointment sa kanyang gynecologist."
"Y-you told her about my condition?"
"No, of course not. Tinanong ko lamang kung may kakilala siyang gynecologist, and that's it."
Mukhang duda pa rin siyang tiningnan ang nobyo.
Nakangiting inabot nito ang kanyang kamay at pinagsalikop ang kanilang mga palad. Hindi na siya nagsalita pa.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay sinapit nila ang pakay na pribadong ospital. Sa huling sandali ay naisip niya sanang magpasuri na lamang sa kanilang family doctor. Pero sa alalahaning makarating sa mga magulang ang ikokonsulta niya sa manggagamot ay kaagad na nagbago ang kanyang isip.
Magkahawak-kamay na pumasok na sila ng pagamutan. Naging sunud-sunuran na lamang siya sa nobyo nang ipagtanong nito ang pakay nilang doktor. Lumulan sila ng lift at umakyat sa ikatlong palapag ng pribadong ospital. Hindi nagtagal at nakaharap na nila ang manggagamot. At wala ng marami pang pasakalye, nagsimula ang kanilang konsultasyon. Sa buong sandaling kausap niya ang middle aged na doktora ay kasama niya si Red. Hindi ito pumayag na iwanan siya dahil gusto talaga nitong malaman kung ano ang puno't dulo ng problema niya.
Matapos ang pagsusuri, tama ang naging ang konklusyon ni Red. Nagkaroon siya ng allergy sa ginamit nitong condom. Binigyan sila ng ilang alternatibong contraceptives ng doktora para hindi na maulit ang nangyari, pero ayon sa nobyo ay pag-uusapan daw muna nila.
"I'm okay with the contraceptive pill, I think," ani Evangeline nang palabas na sila ng ospital.
Pero kinunutan lang siya nito ng noo.
"What?"
"You are not taking any of those. Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa'yo."
Natatawang niyakap niya ang braso ng nobyo. "Para kang sira. Pero buti at mild irritation lang ang nangyari sa akin. Nag-panic talaga ako kanina."
"Kahit naman ako."
Kinikilig na nahagkan ni Evangeline ang braso ng nobyo. Nakakatuwa itong mag-panic.
"Kumain na muna tayo para makainom ka ng gamot at ng malagyan din natin ng cream ang rashes mo."
Namula siya. "A-ako na lang ang maglalagay."
"Ako na. Para siguradong wala akong ma-missed na area."
"Gagamit na lang ako ng salamin."
"Pahihirapan mo pa ang sarili mo. Ako na lang. After that, ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka."
Pagkagaling ng ospital ay dumaan sila sa isang fine dining restaurant. Doon sila nananghalian. Aligaga si Red sa pag-iintindi sa kanya. At dahil sa allergy niya, nabanggit din ng doktor na posibleng may allergy rin siya sa ilang klase ng pagkain. Mukhang tinandaan iyon ng nobyo at naging maingat sa pag-order ng pagkain para sa kanya.
Pagkakain ay bumalik sila sa bahay nito. She took her medicine. At tulad ng gustong mangyari ni Red, ito ang nag-apply ng cream sa rashes niya.
Hindi pa sana niya gustong umuwi. Na-missed niya ito at gusto pang makasama nang matagal. Kaya lamang ay nakapangako raw ito sa kanyang ina na iuuwi siya bago maghapunan. At tapat sa kanyang salita, pagsapit ng hapon ay inihatid siya nito sa kanilang bahay.