noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 19

Ch. 20 / 29 Feb 05, 2022

"KUMAIN ka na ba?"

Isang matamis na ngiti ang nagkahugis sa mga labi ni Evangeline nang marinig ang boses ng nobyo sa kabilang linya.

"Hindi pa. I'm still in bed," wala siya sa main house nila. Nasa working area siya dahil may iginuguhit siyang disenyo. Isa pa ay umiiwas siya sa Mama niya na parati na lamang nangungulit.

"Why? May masakit ba sa'yo?" nahimigan niya ang pag-aalala sa boses ng nobyo.

"Wala naman. Tinatamad lang akong bumangon. It's raining outside and the weather is a little gloomy."

"Do you want me to come over?"

"I know you're busy."

"Not for you. I will always have time for you, angel."

"Aw, you're spoiling me."

He just chuckled.

"How is your allergy? May masakit ba, makati?"

"The blisters are fading and it's not that itchy anymore."

"Good, good. I'm relieved to hear that. May gusto ka bang kainin?"

"Hm, spicy ramen." Mahalumigmig kasi ang panahon kaya naisip niyang tamang-tama ang mainit at maanghang na ramen.

"Okay. Sit tight and wait."

"Thanks, babe."

"Ulitin mo nga."

"Ang alin?"

"'Yong itinawag mo sa akin."

"Babe?"

"Ang sarap pakinggan."

Parang dalagitang bigla siyang kinilig. Hindi na niya maalala kung naging ganito rin siya ka-sweet noon kay Grayson. But with Red, unti-unti niyang nare-realize na may lambing din pala siya sa katawan.

"'Got to go, angel."

"Bye."

Matapos ang pakikipag-usap sa nobyo ay tinawagan niya ang ina para ibilin dito na sakaling may dumating na food delivery ay ituro na lamang ang daan papunta sa bahay niya. Sanay na ito na sa sobrang kaabalahan niya kung minsan ay nagpapa-deliver na lamang siya ng pagkain. At siguro kung wala lamang siyang mga magulang na nag-aalala sa eating habits niya, panay takeout food lamang ang kakainin niya.

Lumaking independent si Evangeline ngunit ang pangungusina ang isa sa mga gawaing hindi niya natutunan. Katwiran niya para que pa at may food delivery. Isang tawag niya lang ay may pagkain na siya. Kaya madalas sabihin ng Papa niya, dapat daw ang makukuha niyang asawa ay marunong magluto. O di kaya ay hindi marunong kumain.

Tinawanan niya lang iyon. Naisip niya, kung talagang mahal siya ng lalaking pakakasalan niya, hindi importante rito kung marunong man siyang mangusina o hindi.

Bumangon na siya mula sa higaan at nagsuot ng damit na may mahabang manggas. Pagkuwa'y ipinusod niya ang buhok at naupo sa harapan ng kanyang working table. Ipinagpatuloy niya ang ginagawang disensyo sa kanyang drawing tablet. Medyo kumplikado ang disenyong ginagawa niya. Bagama't galanteng kliyente si Mrs.Tabitha Lopez, ito rin ang pinaka-metikulosa niyang clientelle by far. Idolo raw kasi nito si Elizabeth Taylor. Gusto nitong sa bawat gathering na pupuntahan ay maging kapansin-pansin ang disenyo ng mga isinusuot nitong alahas.

Buhos na buhos na ang atensyon ni Evangeline sa ginagawa nang may kumatok sa kanyang front door. Dali-dali niyang kinuha ang pitaka sa drawer. Dumating na siguro ang pagkain niya. Ang lakas pa naman ng buhos ng ulan sa labas.

"Coming," aniya na hindi na pinagkaabalahang silipin sa peephole ang kumakatok. "How much do I—babe? Oh, my God. Come in, come in."

Natatarantang nagbigay-daan si Evangeline sa hindi inaasahang delivery boy. Si Red.

"Bakit ka naman sumagasa sa napakalakas na ulan?" aniya rito na kaagad naghagilap ng tuwalya.

Agad namang idiniretso ni Red sa pick-up kitchen ang dala-dalang pagkain.

"Sabi mo kasi gusto mo ng spicy ramen."

"Aw, babe. Hindi mo naman kailangang sagasain ang ulan. Sana nagpatila ka muna." Ikinuskos ni Evangeline ang kinuhang tuwalya sa buhok ng nobyo. He's soaking wet.

"Baka kasi nagugutom ka na."

"Makakapaghintay naman ako. Remove your clothes."

"Don't I get a kiss first?" parang batang ungot nito.

Mabilis namang nagpaunlak ang dalaga. Pagkuwa'y itinulak na niya ito patungo sa banyo.

"Take a quick shower. May extra towel pa ako riyan at robe. Malaki 'yon, so I'm sure kakasya 'yon sa'yo."

"Aren't you gonna join me?" pilyong pang-aakit nito.

"Nah, I'll pass. Nilalamig ako."

"I'll keep you warm."

"I don't think that's a good idea."

"I'll take a shower now."

"Ihagis mo ang mga hinubad mo sa labas ng pinto, okay? Para malabhan at mapatuyo ko sa machine."

"Copy that."

Habang nasa loob ng banyo si Red ay inilabas ni Evangeline ang mga pagkaing dala nito at inihain sa mesa. Bukod sa spicy ramen na request niya ay may kasama rin iyong seafood banquet—iba't ibang klase ng seafoood na iniluto sa masarap na seasoning. Nang makapaghain ay binalikan niya ang mga hinubad ni Red na nasa labas ng pinto ng banyo at isinalang sa washing machine.

"Kaninong robe 'to?" kunot na kunot ang noong tanong ni Red habang ibinubuhol sa beywang ang sash.

"Kay Papa. Mula 'yan actually sa hotel na tinuluyan nila sa Venice. Nasama raw sa suitcase nina Mama. But knowing my mother, I bet she took it as a souvenir," naiiling na kuwento ni Evangeline. "Nagustuhan ko naman ang tela kaya hiningi ko na lang kay Papa."

Parang magic na dagling pinahid ang kunot sa noo ng kanyang nobyo.

"Akala mo kung kaninong lalaki na, 'no?"

"Wala akong sinabi."

"Pero iyon ang iniisip mo."

"Nope."

"Hm, aminin."

"Hindi nga." Pero kitang-kita ang pamumula ng mukha nito.

Napabungisngis si Evangeline. Ngunit kaagad ding natigil ang pagtawa niya nang mabilis na pumaikot ang isang braso ni Red sa kanyang beywang kasunod ang pagkabig ng isa nitong kamay sa likod ng kanyang ulo. Napaungol na lang siya nang kuyumusin nito ang mga labi niya at parang gutom na papakin ang kanyang dila. Pero sa halip na tumutol o magreklamo, ipinaikot niya ang dalawang braso sa batok nito at mainit na tinugon ang halik ng nobyo.

Nang sila'y magbaklas ay kapwa may ngiting nakaplaster sa kanilang mga labi. Pinagkiskis nito ang dulo ng kanilang mga ilong saka siya pakudlit uling hinagkan bago pinawalan.

"Let's eat," yaya niya rito patungo sa mesa kung saan nakahain na ang mga pagkaing dala nito.

"I hope you'll like it."

"I'm sure."

Ipinaghila siya nito ng upuan. Umuusok pa ang dalawang bowl ng ramen. Inilapit ni Red ang para sa kanya.

Para siyang biglang naglaway nang masamyo ang mabangong aroma ng ramen.

"Bon appetit'," ani Red.

Natawa si Evangeline.

"What?"

"We're eating Japanese food and you're talking in French."

Natawa rin ito. "So, ano ba dapat?"

"I'll ask Google later."

Napahalakhak ito. Fascinated na pinagmasdan niya ang nobyo. Napaka-guwapo talaga nito. How did she get so lucky to find someone like him? Guwapo, malambing, maalalahanin, at maasikaso. Kahit pa madalas ay ubod ng seloso at possessive.

Nagsimula na silang kumain. Paminsan-minsan ay napapa-paypay na si Evangeline sa bibig sa sobrang anghang. Ang kanina'y malamig na panahon ay hindi na niya maramdaman. Amused na nakatingin lang sa kanya ang nobyo. Ito man ay mukhang naa-anghangan din pero hindi tulad niya na halos tumulo na ang luha at sipon. Mabuti na lamang at 'yong seafood banquet ay manamis-namis. Pumapak na lang siya ng sugpo at alimango.

"I'm so full. Salamat sa napakaguwapong food delivery man."

"Anytime, angel."

Pagkatapos nilang kumain ay siya na ang nagligpit. Tsinek na rin niya kung tuyo na ang damit ni Red. Okay na, pero hindi niya muna sinabi rito. Gusto pa niya itong makasama. Binuksan niya ang telebisyon at tumabi ng upo rito. Awtomatiko namang umakbay ang braso nito sa kanya. Sumandal siya rito at itinaas ang dalawang paa sa sofa. Hinagkan nito ang tuktok ng kanyang ulo.

"Do you want to stay over for the night?"

Narinig niya ang mahinang pag-ungol ng nobyo.

"Very tempting, angel, but I can't. Alam ng parents mo na naririto ako."

"Dumaan ka pa sa kabila?" Kaya pala basang-basa ito ng ulan.

"Yup. Idinaan ko 'yong isang order ng seafood banquet at fried dumplings."

"Oh, dear. Baka taasan naman ng dugo si Papa."

"Don't worry, he said he'll eat it in moderation."

Marami ng maintenance meds ang Papa niya kaya may diet plan na itong sinusunod.

"Bummer. I want to cuddle with you pa naman."

"Me, too. Especially with this kind of weather. But maybe I could sneak in later."

Isang ngiti ang nagkahugis sa mga labi ni Evangeline.

"I'd like that."

"You do?"

"Uh-hmm," nilingon niya ito at kusang inabot ang mga labi. "I'll be waiting."

Mabuti na lamang at kinagabihan ay tumila na ang ulan. At katulad ng pangako ni Red, bumalik nga ito at parang magnanakaw na patagong pumasok sa likuran ng mansion ng mga Quirino. At gaya ng request ni Evangeline, they just cuddle and talk until they both fell asleep. And it was the loveliest evening for them both.