DALAWANG araw ang lumipas na walang natanggap na return call o kahit text si Evangeline mula sa nobyo. Ang usapan nilang pag-uusap kinabukasan pagkatapos nilang manggaling sa bahay-bakasyunan nito ay hindi rin natuloy. Nag-aalala na siya. Masyado ba nitong dinamdam ang pagtanggi niya?
Hindi naman ito eksakto ang tinatanggihan niya. Ang gusto lang naman niya ay magkaroon pa sila ng kaunting panahon para kilalanin ang isa't isa. Hindi ba't iyon ang ginagawa ng mga modern couple? Kung ibang lalaki siguro ang nasa katayuan ni Red ay baka natuwa pa ito sa mungkahi niya.
Kahit halos minu-minutong sumasagi sa isip ang nobyo ay pinilit ituon ni Evangeline ang pansin sa trabaho. Mayroon siyang bigating clientelle. At kahit subok na ang husay niya sa paggawa ng mga private collection design, mas lalo pa niyang pinagbutihan ang trabaho. Sa isip ng dalaga, bukod sa malaking kita na idadagdag niyon sa kanyang savings ay makadaragdag pa sa lawak ng market niya ang word of the mouth marketing. Tutal ay sa ganoon naman nag-umpisa ang kanyang negosyo. Hindi pa ganoon kapalasak ang social media nang simulan niya ang pagdi-disenyo ng mga fashion accessories. Kaya naman ang naging tulay niya sa pagkakaroon ng mayayamang kliyente ay thru the grapevines.
Three days later, ni ha ni ho ay wala pa ring paramdam ang nobyo. Sa tuwing tatawagan naman ito ni Evangeline ay out of reach. Hindi niya alam kung sadyang iniiwasan siya nitong kausapin o naka-off ang cellphone nito. Tatlong araw na rin siyang hindi nito sinusundo.
Gusto na niyang mainis. Ando'n na siya sa nagtatampo ito. Kaya nga siya ang tawag nang tawag para magkausap sila. Pero tama bang tikisin siya nito? Na kahit sabihing busy ito at hindi siya masusundo ay hindi man lang magawa?
Napaka-ungentleman ng dating. Ito ba ang totoong kulay ng lalaking ura-uradang nagyayaya sa kanya ng kasal?
She puts down her pen and saves the working designs she had been working on on her tablet. Hapon na naman at umaasa siyang susunduin siya ng kasintahan. Pero mukhang ni anino nito ay hindi niya masisilayan.
Matamlay na nagligpit na ng mga gamit si Evangeline at lumabas ng kanyang opisina. Mabuti na lamang at parati niyang dala ang kanyang kotse pagpasok. Kung hindi ay madalas siyang magta-taxi pauwi.
"Irog."
"Hey," tuwang nilingon ni Evangeline ang kaibigan. Seeing her bestfriend is a welcome surprise. "Sinta ko."
"Pauwi ka na?"
"Obviously," pilosopong sagot niya kay Krista.
"Suplada. Muntik na pala kitang hindi abutan."
"Oo nga. May cellphone naman kasi, paminsan-minsan gumamit ka rin ng technology," aniya rito.
"Lowbat po. Makiki-charge sana ako kaya ako dumaan sa'yo."
"Wala kang power bank?"
"Wala, eh. Poor kasi ako. Pooooor."
"Tse. Ang sabihin mo, kuripot ka lang. Daig mo pa ang may binubuhay na isang dosenang anak," panenermon niya sa kaibigan. "Hop in."
"Thank you. And correction," wika nito na naupo sa passenger seat. "Hindi isang dosena ang binubuhay ko. Dalawa."
She just rolled her eyes.
"So, kumusta naman ang buhay nang may lovelife?" usisa nito.
Inirapan niya ang kaibigan habang imina-maniobra ang sasakyan paalis ng parking.
"Heto, mukhang malapit na namang maging loveless."
Eksaheradong napasinghap si Krista. "Seryoso ka?"
Malungkot siyang napangiti bago umiling. "Ewan ko. Tama nga siguro si Mama, nasa akin ang diperensya."
"Ano ba ang sinasabi mo?"
"I lost Grayson dahil masyado kong pinahalagahan ang pagka-konserbatibo ko. And now, I think I'm losing Red dahil hindi pa ako ready na mag-settle down."
"Nag-propose na siya?"
"Sort of."
"Sort of?"
"It's a long story."
"I love long story."
Napailing na lang siya. "Let's have coffee."
They end up in El Barako, a local coffee shop that could rival Starbucks with it's finest kapeng barako from Batangas.
"Kuwento na, irog," ani Krista matapos ilapag ng waiter ang order nilang pan de leche at kape.
"We went to his vacation house and spent the whole day there."
"Ooh," nangislap ang mga mata ni Krista sa malisyang kaagad na lumarawan doon. "Kailangan ko pa bang itanong kung isinuko mo na ang Bataan at Bulkang Mayon?"
"Oo. Matagal na."
"Haa? Gaano katagal na."
"More than a year ago. After I broke up with Grayson."
"Oh, shocks. Kaya pala parang simula pa lang ay may something na sa inyong dalawa. 'Yon pala 'yon."
"Y-you noticed?"
"Oo, 'no? Kaya nga kunwari susunduin ko si Mama para magkasama kayong dalawa. Pero siyempre, akala ko haka-haka lang ng malikot kong isipan 'yong something," kumuwit pa ito ng panipi sa hangin. "'Yon pala ay totoong may something nga."
Her friend giggled. Nahawa na lang siya sa pagbungisngis ng kaibigan.
"O, eh, bakit naman nasabi mo kaagad na malapit ka ng maging loveless? Sa nakikita ko, mukhang masaya ka naman sa kanya. Sa totoo lang iba ang glow mo kay Red, bagay kayo."
"Y-you think?"
"Oo. Isang sexy at isang muy guapito."
Malungkot siyang napabuntong-hininga. "We haven't spoken for the past three days."
"Aba'y bakit? Ano ang nangyari?"
"Iyon nga. He told me that he wants to marry me and I said I'm not yet ready. It's too soon. And to be honest, I feel like my head is spinning."
"Wala naman 'yan sa tagal ng pagsasama, eh. Tingnan mo nga ang nangyari sa inyo ni Grayson—oops, excuse me. Baka my fresh wounds pa."
"Do you think I'm still hung up on my ex?"
"Are you?"
Maang na napatingin si Evangeline sa kaibigan.
"Ikaw lang ang makakasagot d'yan, irog. Kasi minsan, iba ang ipinakikita natin sa labas kaysa sa totoo nating niloloob. Mahal mo pa ba si Grayson?"
"I—um, well paminsan-minsan ay naiisip ko pa rin siya. And I guess it's just normal, right? After all, three years din 'yong pinagsamahan namin. Pero hindi ibig sabihin no'n ay gusto ko pa rin siya."
"Sigurado ka?"
"Krista?"
"What? If I were you, mas maganda siguro kung makikita mo ulit si Grayson para mas makasiguro ka."
Umiling siya. "No."
Dahil kung may isang tao man siyang gustong makita sa mga oras na iyon, iyon ay walang iba kundi si Red. She missed him. Hindi na siya makapaghihintay na dumating ito kung kelan man nito maisipang magpakita sa kanya. Kung talagang katapusan na ng relasyon nila—naipilig niya ang ulo. No, ayaw niyang isipin ang bagay na iyon.
"Let's go," mabilis niyang hinila sa kamay ang kaibigang si Krista.
"Aba'y saan tayo pupunta?"
"Sa Club Red."
"Oh, me likey. Marami bang kapapahan doon?"
"The chef there is cute."
"Interesting. Ipakilala mo ako."
"No problem."
Forty-five minutes din ang inubos nila sa biyahe. Fifteen minutes ang layo, at thirty minutes and traffic. At dahil kilala na siya ng guwardiya sa Club Red, kaagad silang pinapasok nito ng kaibigang si Krista.
"Hello, I'm looking for your boss. Is he here?"
Bagama't medyo dim ang lighting sa loob ng bar ay umaasa si Evangeline na natatandaan siya ng bartender na napagtanungan niya.
"Si Sir Red ho?"
"Yes," saisip-isip ng dalaga, may iba pa bang boss sa Club Red?
"Miss E."
Paglingon ni Evangeline ay ang nakangiting si Eric ang nalingunan niya. Mukhang kadarating lang din nito dahil hindi pa ito nakasuot ng uniporme gaya noong una niya itong makilala.
"Hinahanap mo si Boss Red?"
"Oo, eh. Nasa office ba siya?"
"May tatlong araw ng wala rito si Boss Red."
"Three days?"
"Yup. May problema yatang inaasikaso sa isa sa mga nabili niyang isla."
"Oh."
Wala siyang kamalay-malay. Kaya siguro hindi niya ito makontak.
"Um, by the way, Eric, this is my bestfriend, Krista. Krista, meet Eric."
Hinayaan na niyang ang dalawa ang magpalitan ng pleasantries. Hindi niya alam kung lalong sasama ang loob sa kasintahan o uunawain na lang ito dahil sa pinagdadaanang problema. Pinili niya iyong huli. Nang um-order si Eric ng maiinom para sa kanilang magkaibigan ay hindi na lang sila tumanggi. Day off daw iyon ng lalaki kaya naman libre ito para samahan sila kung wala silang mga date. Bagay na pinaunlakan naman nilang magkaibigan.
Masama ang loob ni Evangeline. Naka-apat na shot kaagad siya ng tequila. Kahit sinabi niya sa sarili na nauunawaan niya ang sitwasyon ng nobyo ay nasasaktan pa rin siya sa isiping parang binalewala siya nito. Kung may problema ito at kailangang umalis pansamantala, hindi kaya tama lang naman na magpaalam ito sa kanya? Pero sa ginawa nitong pag-alis nang walang paalam ay malinaw na hindi siya ganoon ka-importante rito katulad ng iniisip niya.
Napahikbi siya.
"Miss E, ayos ka lang?"
"Oo naman," mabilis na pinalis ni Evangeline ang luha at suminghot. "I'm fine. Hinom pah tayo."
"Kung may problema ka, Miss E, huwag na tayong uminom. Kain na lang tayo," ani Eric.
"Why not? Hindi ba't gawain niyong mga lalakeh 'yon? Kapag may problema, halak ang ginagawang solusyon."
"Well, madalas ay ganoon. Pero sabi nila, kapag uminom ka raw nang may problema, mas lalo kang malalasing."
"Isn't it the idea, though? Ang malasing para sandaling makalimot sha problema. One scotch on the rock, plesh," aniya sa bartender.
"Vanj, that's enough," awat ni Krista.
Kumpara kay Evangeline ay wala pa itong tama ng alak. Alalay lamang ang pag-inom nito.
"Let me, sinta. Sa bahay lang naman akoh bukash kaya hayos lang."
"Garil ka ng magsalita. Tama na, uuwi na tayo."
"No. Bartender, my order, please."
"Miss E—"
"Enough."
Parehong natigilan ang bartender at si Eric sa tinig na nagsalita mula sa likuran ni Evangeline. Binalewala naman ng dalaga iyon. Sa isip ay inakalang dala lamang ng kalasingan kaya kung anu-ano ang nai-imagine niya.
"Hey, didn't you hear me?" itinuro niya ang hintuturo sa kaharap na bartender. "I'm a paying customer. Kapag hindi mo ako binigyan ng order koh, ipapashara koh 'tong club niyo, understand?"
"Ah, Ma'am—"
"It's okay. I'll handle this," anang tinig mula sa likuran niya.
"And who the hell do you think you are?" galit na nilingon ni Evangeline ang pakialamerong lalaki. "Oh, lookie here. Ang AWOL kong boyfriend."
Hindi niya alam kung lasing lang siya o totoo ngang nakatayo sa harapan niya ang guwapong nobyo. Madilim ang anyo at parang nagtitimpi ng galit base sa paggagalawan ng facial muscles.
"Let's go," walang sabi-sabing binuhat siya nito sa gitna ng maraming kustomer sa bar.
"Hey, put me down. Hihinom pah akoh."
"Krista, will you be okay kung ipahahatid na lang kita?" ani Red.
"No problem. Ayos lang naman ako."
"Eric, puwede bang pakihatid mo si Krista?"
"Sure, Boss."
Iyon lang at buhat-buhat ang kasintahang tinungo ni Red ang back door ng club.
"Where the hell are you taking me?" galit na piksi ni Evangeline.
"I'm taking you to my dungeon."
"Really? Are you planning to do something kinky and naughty, perhaps?"
"Yes. I'm going to tie you on my bed."
"Hm, that sounds fun."