noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 4

Ch. 5 / 29 Feb 05, 2022

"MY, that guy is hot. He's oozing with testosterone."

Sinundan ng tingin ni Evangeline ang direksyong tinitingnan ng kaibigang si Krista. Muntik na siyang mahirinan nang mapagsino ang lalaking tinutukoy nito. The man is no other than Redentor Madrid!

Napayuko siya at kulang na lang ay magtago sa ilalim ng mesa. Of all places ay kung bakit naman doon pa sa hotel na iyon nagyaya ang kaibigan niyang mag-lunch. Mukhang may importante ring luncheon meeting si Mr. Madrid sa mga naka-coat and tie na tatlong lalaki sa mesang ino-okupa ng mga ito. Malayo kaysa karamihan ang mesa ng grupo nito. Gayunma'y hindi pa rin ito nakaligtas sa mapagmasid na mga mata ng kanyang kaibigan. Kunsabagay ay parte iyon ng trabaho ni Krista bilang isang talent scout.

At kahit mukhang balewala na sa lalaki ang namagitan sa kanila ng gabing iyon ay hindi niya pa rin maalis sa sarili ang makaramdam ng pagkailang kapag nakikita ito.

It was her first time, after all. She let a total stranger popped her cherry. What could he possibly be thinking of her after that night? Binigyan siya ng tapang ng alkohol ng gabing iyon. Ngunit pagkatapos na maghulas ang tama ng alak ay lumipad na rin ang tapang niya na harapin ang kunsekuwensya ng kanyang kapusukan.

Mabuti na lamang at hindi siya fertile ng gabing iyon. At wala ring sakit ang lalaking nakatalik niya kaya walang naging mabigat na repercussions ang namagitan sa kanila.

"Do you think papayag siya kung aalukin ko siyang maging modelo? I think puwedeng-puwede siya sa men's underwear. With a face like that, I bet he's got a gorgeous bod. I could almost picture him in a Calvin Klein underwear. Or better yet, without anything at all."

Tukso namang malinaw na gumuhit sa imagination ni Evangeline ang larawang iginuhit ng kaibigan. Ipinilig niya ang ulo at dagling itinaboy ang kaakit-akit na imahe.

Expel!

Tila iyon masamang espiritu na pinilit niyang itaboy sa isipan.

"He's rich, I don't think he'll need an extra cash to fatten his already fat bank account," aniya na lang sa kaibigan.

"You know him?"

"He's friends with Zechariah Lee Sandejas. Vincent's older brother? Does it ring a bell?"

Parang nakatikim ng apdo ang kaibigan niya. Biglang pumait ang ekspresyon ng mukha nito. She had a feeling na may history ito at ang kilalang international model na si Vincent. Hindi lang ito palakuwento kaya hindi niya alam kung ano ang pinag-ugatan ng galit nito sa naturang modelo.

Mag-ex kaya ang mga ito? Bahagya niyang sinipat ng tingin ang kabuuan ni Krista. Mula sa black rimmed eyeglasses nito, gypsy skirt na hanggang sakong, ankle-length boots at loose top. Sa isip ay lihim na napangiwi ang dalaga. Malabo siguro.

Vincent is too glamorous para magkagusto ito sa kaibigan niya. Not that she's not pretty or anything. But her best friend is on the nerdy side. But what are the odds, right?

Napasinghap siya. Natutop niya ang bibig habang nakatingin kay Krista.

"Ano ang problema mo? May tinga ba ako?"

"Wala. Sige, kain nang kain para makaalis na tayo."

"What's the rush? I want to meet him. Ipakilala mo ako sa kanya."

Namilog ang mga mata ni Evangeline sa sinabi ng kausap. No. Absolutely not!

"Hindi kami close," biglang sabi niya.

"You're not strangers, either."

Kung alam mo lang, saloob-loob ng dalaga. We already shared the most intimate act only lovers would do.

"I really want to meet him—and I mean, up close and personal. Ano ang malay natin, mapapayag ko siyang mag-modelo."

Umiling siya. No way!

"As you can see, they're still talking. At mukhang napaka-importante ng pinag-uusapan nila na maaaring tumagal pa ng ilang oras. I don't think I can wait that long since I'm also meeting a very important client after lunch."

"This is our bonding time. Anong meeting ang sinasabi mo riyan? We made it our number one rule that no work should interfere with our girl time together."

"And yet here you are. You want to meet Mr. Madrid up close and personal—quote and unquote—so you could offer him a modeling stint."

"Coincidentally, girlfriend. He's an eye candy. Fifty-fifty tayo kapag napapayag ko siya."

"You're already counting your chickens when they're not even hatch yet." Napailing-iling si Evangeline sa kaibigan.

"You know me, I'm very optimistic."

Naitirik ni Evangeline ang mga mata.

"Oh, my God. Tumingin siya."

Pakiramdam niya ay bigla siyang nanigas sa kanyang kinauupuan.

"I think his meeting is already finished."

Shoot!

"Gosh, I think he recognized you, Vanj."

Malapit ng mag-palpitate si Evangeline sa kinauupuan habang ang kaibigan naman niya ay parang sinisilihang bulate ang puwetan. She tried to relax. Kunwari'y wala siyang narinig na ipinagpatuloy lang ang pagkain. Pero ang totoo ay para siyang kumakain ng kusot.

"Oh, my God, oh, my God! I think he's heading this way," impit na tili ni Krista.

Anhin na lamang ni Evangeline ay kurutin ito sa singit. Pahamak na babae. Tingin kasi ito nang tingin sa direksyon ni Mr. Madrid kaya siguro akala ay pinag-uusapan nila ito. At hindi niya gustong i-entertain sa utak niya na iniisip ng lalaking iyon na ikinukuwento niya sa kaibigan ang intimate moment na pinagsaluhan nila ng gabing iyon!

Que horror! Kung puwede lamang hilinging maglaho ng mga sandaling iyon ay hiniling niya na.

"Hello."

Parang tumigil saglit ang pintig ng puso niya. At kahit mabigat ang loob ay napilitan siyang mag-angat ng tingin.

"Uhm, hi. Mr. Madrid, right?"

She saw something flashed in his eyes after she said that. Kung nagulat ito, nainis o naguluhan sa inasal niya ay hindi siya sigurado. Mukhang mahusay itong magkubli ng iniisip nito.

"And you're Evangeline, right?" tugon nito sa halos kapareho niyang tono. "I thought I knew you from somewhere."

He knew me from somewhere, huh? sa isip ay lihim na napangiwi ang dalaga.

Posible nga kayang hindi na rin siya nito matandaan pagkatapos ng gabing iyon? O tulad niya ay nagkukunwari lamang ito? Binalewala na lang niya iyon at sinulyapan ang alumpihit na kaibigan.

"By the way, this is my friend, Krista Borromeo. She's a talent scout."

Mabilis na naglahad ng kamay ang kaibigan niya.

"Red Madrid," nakangiting sabi nito sa kaibigan niya nang tanggapin ang pakikipagkamay ni Krista.

"Goodness. Even your teeth are perfect."

Red chuckled while Evangeline rolled her eyes heavenward. Kung hindi niya kilala ang kaibigan, iisipin niyang nakikipag-flirt ito kay Red.

"Care to join us?" paanyaya pa ng magaling niyang kaibigan.

Tumingin muna ito sa kanya na tila humihingi ng pahintulot bago sumagot.

"Oh, please. Have a seat," she used her most saccharine smile as she gestured her hand in the vacant seat next to her.

"Thanks."

Ipinagpatuloy niya ang pagkain kahit sa totoo lang ay hindi niya na halos malasahan iyon.

"Would you like to order something else?" offer ni Red.

"No, we're good. I'm about to finish, anyway," tanggi niya.

"How about dessert?"

"I'm on a diet," ani Evangeline.

"Ay, ako hindi tatanggi," wika naman ng kaibigan niya.

No comment na lang si Evangeline. At dahil wala naman talaga siyang appointment sa araw na iyon, hindi na lang niya itinuloy ang pag-alis gaya ng nauna niyang plano. Ayaw rin naman niyang isipin ni Red na iniiwasan niya ito kahit pa nga iyon naman talaga ang totoo.

And despite herself she couldn't help noticing how good he is in carrying a conversation. Para bang sanay na sanay itong makipag-usap sa iba't ibang klase ng tao. He's not even trying to charm her; nevertheless, she's charmed with every passing minute.

This is crazy, she thought.

"So far, ilang isla na ang pag-aari mo?" usisa ng kaibigan niya.

Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito. Kung hindi tanungin ay hindi rin siya masyadong magsasalita.

"At least twenty," kaswal na sagot nito.

"I bet you also own a yacht?"

"Yes."

"Wow. How about a private plane?"

"I own a small plane. It's a necessity whenever I need to travel abroad for a business trip."

"Tama nga ang kaibigan ko," di-kawasa'y sabi ni Krista.

Pinanlakihan ito ng mga mata ni Evangeline na parang tinatanong kung ano ang ginagawa nito at isinasabit pa siya sa usapan.

"What do you mean by that?" tanong ni Red.

"That you are filthy rich. Na imposibleng tanggapin mo ang offer ko sakali at alukin kitang maging modelo."

"Ah," parang nangislap sa amusement ang mga mata nito. "What made you think that I'm that rich?"

Nang mapatingin siya kay Red ay saka lamang niya na-realized na sa kanya pala naka-direkta ang tanong.

"Well, you're friends with Zeke and Rafe, so I figured hindi nagkakalayo ang inyong mga estado. The Stamos owns a conglomerate while Zeke is an heir to a pharmaceutical empire."

He chuckled. And ridiculously enough, she finds it sexy.

"I wasn't born with a silver spoon like my friends," wika ni Red. "I was just lucky to have an Uncle who raised me like his own son. He was a financial analyst. Itinuro niya sa akin ang lahat ng dapat kong matutunan sa tamang pag-i-invest. From the stock market, bonds, and property development."

"Wah, ang galing mo naman," puno ng paghanga ang mga matang sabi ni Krista. "Nakakabilib ang mga taong maituturing na self-made millionaire. Or in this case, I think you are already a self-made billionaire, tama ba ako?"

He just tsked. He didn't confirm it nor deny it.

"So, in short, I can't entice you to become a model, right?"

Natawa ito nang maikli saka marahang umiling.

"Nah. I'm not cut-out for it."

"I'm a little disappointed. But anyhoo, I'm pleased to meet you, Mr. Madrid."

"Likewise. But please, just call me Red. Parang masyadong nadodoble ang edad ko kapag tinatawag akong Mr. Madrid."

"Then, Red it is."

Nagpasintabi siya sa mga ito para pumunta ng restroom. Pagbalik niya ay nadatnan niyang nagpapalitan ng cellphone number sina Red at Krista. At sa hindi niya maunawaang dahilan, parang naiinis siya kay Krista.

Psh.

"Do you need a lift, ladies?"

"May dala akong sariling sasakyan," ani Krista. "Pero si Vanj wala. Nasa casa ang car niya."

"Sasabay na lang ako kay Kris," maagap na sagot ni Evangeline bago pa mag-offer sa kanya si Red.

"Actually, girlfriend, baka hindi kita maihatid. Nagpapasundo sa akin si Mama."

"Oh. I-I'll just take a cab. Maaabala ko pa si Mr. Mad—er, Red."

"No. Not at all."

Parang na-freeze ang ngiti sa mga labi ni Evageline.

Pahamak talaga itong si Krista, saloob-loob ng dalaga.

At kaysa makipagtalo pa, nagpatianod na nga lang siya. Pumayag na siyang magpahatid kay Red.

"Don't worry, I don't bite," parang nanunuksong sabi ng binata nang ipagbukas siya nito ng pinto sa passenger side ng magara nitong sasakyan.

Isang tipid na ngiti lamang ang nagawa niyang itugon dito. Nang umusad ang sasakyan ay parang nagkaroon ng ati-atihan festival sa loob ng dibdib niya.

Pasimple niyang natampal ang dibdib.

Be still, utos niya sa mabilis na pintig ng kanyang puso.