noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 23

Ch. 24 / 29 Feb 05, 2022

"IBA talaga ang sagana sa dilig, ano? Parating mukhang sariwa," tudyo ni Krista kay Evangeline.

"At ikaw naman ang reyna ng mga tigang dahil malayo ang iyong tagadilig," ganting tugon niya sa panunukso nito.

"Hmp!" iningusan siya ng kaibigan.

Napabungisngis siya sa reaksyon nito.

Magkasama sila nitong kumakain sa isang Chinese restaurant. May dalawang linggo na rin ang nakakaraan magmula nang magkasama sila ng kaibigan sa party na idinaos ng nobyo sa luxury ship na pag-aari nito.

"Sinta, wala ka bang ikukuwento sa akin?" malambing na ungot ni Evangeline sa kaibigan bago dinampot ang isang custard tart mula sa platong kalalapag lang ng waiter.

"A-ano naman ang ikukuwento ko sa'yo?" parang asiwang sagot nito.

"Bakit hindi mo simulan sa dahilan kung bakit Fuckboy ang pangalang naka-register sa cellphone mo instead of Vincent's name?"

Nanlaki ang mga mata nito sa tanong niya.

"How did you know?"

"Na si Vincent si F-boy?"

"Yes."

"Dahil po mukhang nag-worry lang naman siya noong gabing kasama ka namin sa party. Iniisip yatang meron kang ka-date."

"Tss," bigla itong napasimangot.

"So, may relasyon ba kayong dalawa?"

"Yes."

"Really?"

"We're sworn enemies."

"In bed?"

Parang sinilihan ang buong mukha ni Krista sa tanong niya. Hindi kaagad ito nakasagot.

"I knew it," parang kinikilig na sabi ni Evangeline. "May nangyari na sa inyo, ano?"

Kung iiling o tatango sa tanong niya ay tila hindi mapagpasyahan ni Krista.

"Vincent Lee popped your cherry? Kyaah," kinikilig na natutop ni Evangeline ang mukha.

"Yeah, Vincent Lee popped my cherry. Yippee," walang kabuhay-buhay na reaksyon ni Krista.

"Why the sarcasm? Hindi niya ba napatirik ang mga mata mo?" pabulong na sinabi ni Evangeline iyong huli at baka maka-eskandalo siya ng ibang kumakain.

"Psh. I don't have a problem with his performance. Or the size of his package. It was his character as a person that I can't stand about him. At kung may choice din lang ako, kahit hindi na kami magkita forever ay ayos lang."

"Oh, that bad, huh?" napangiwi siya sa kaseryosohang nabakas sa mukha ng kaibigan.

Balita niya ay hindi maganda ang ugali ng ina ni Vincent na si Sandra Lee. Kaya lamang ito naging kaibigan ng kanyang ina dahil ang Mama niya ay kandidata sa pagka-Miss Congeniality. Wika nga, walang masamang tinapay.

Pero ano nga kaya ang nangyari sa kaibigan niya at sa very in-demand male model na si Vincent Lee? Sa tingin niya ay mukhang malalim ang iniwang sama ng loob nito kay Krista para hindi man lang maatim magkuwento ng kaibigan niya.

"Vanj?"

Gulat na nag-angat ng tingin si Evangeline sa tumawag sa kanyang pangalan.

"G-Grayson?"

"This is a very pleasant surprise."

Hindi kaagad nakahuma ang dalaga pagkakita sa dating nobyo. She was having mixed feelings when he sat down next to her and put his arm behind her chair.

"Akala ko kamukha mo lang ang nakita ko kanina. Kaya naman lumapit ako para makita kita nang malapitan. At hindi nga ako nagkamali, it's you."

"Ah," nagpapasaklolong tumingin siya sa kaibigang si Krista.

Nakuha naman nito ang predikamento niya at ilang ulit na tumikhim.

Napatingin dito si Grayson.

"By the way, this is my friend, Krista," aniya upang putulin ang nararamdaman niyang awkwardness.

Biglang-bigla talaga siya sa pagsulpot nito. Pero ang higit na ikinagulat niya ay iyong pag-akto nito na parang wala itong ginawang malaking atraso sa kanya.

Nagkamay ang mga ito ngunit obvious na hindi maganda ang vibe sa isa't isa.

"By the way, I've been trying to call you for the last couple of weeks but I can't reach you. Did you change your number?"

Sa kanya nakatingin si Grayson kaya hindi nito nakita ang pag-ikot ng mga mata ng kaibigan niya.

"Uh, oo."

"Can I have your new number?"

Nang lihim siyang pandilatan ng mga mata ni Krista ay alam niyang kontra ito.

"I'm sorry, Grayson. Pero sa totoo lang ay wala ng dahilan para kausapin pa natin ang isa't isa," there, finally ay nasabi rin niya ang kanina pa gustong sabihin dito.

"I know I messed up. And you're probably in a new relationship by now. Pero gusto sana kitang makausap nang tayong dalawa lang."

Napailing-iling si Krista. Nang mapatingin dito si Grayson ay huling-huli nito ang iginawi ng kaibigan niya.

"Look, Miss. This is a matter between me and Vanj. Kaya puwede bang huwag kang makialam?"

"Grayson," pormal niyang tinawag ang dating nobyo. "Huwag mo sanang bastusin ang kaibigan ko. Dahil una sa lahat, kaibigan ko na siya bago pa man tayo naging magnobyo. Sa kabila ng panggagago mo sa akin more than a year ago, kinakausap pa rin kita bilang isang sibilisadong tao. Kaya pakiusap lang, ayusin mo ang pananalita mo."

"I'm sorry," mistulang maamong tupa na sabi nito. "I really want to talk to you, Vanj. Alam kong malaki ang atraso ko sa'yo. Pero sana, kahit kaunting awa na lang ay pagbigyan mo ako na makausap ka nang pribado. I won't do anything to you, I swear. Masyado lang pribado ang ipapakiusap ko. At sana ay maintindihan 'yan ng kaibigan mo."

Napahinga nang malalim si Evangeline.

"Okay. Puntahan mo ako sa opisina bukas, doon na lang tayo mag-usap."

"Thank you." Mahigpit pa nitong inabot ang kamay niya.

Na kaagad naman niyang binawi na parang napapaso. Bigla tuloy siyang natigilan. Paano niya naisip na ipagkaloob ang sarili rito kung ganoong ang hawak nito ngayon ay halos ipangurong ng balat niya?

"I CAN'T believe you," napapailing na reaksyon ni Krista habang bumibiyahe sila lulan ng sasakyan nito pabalik ng jewelry store.

She didn't bring her car dahil susunduin din naman siya ni Red pagdating ng hapon. Aksaya lang sa gasolina.

"To be honest, wala akong tiwala riyan sa ex mo," pagpapatuloy pa ni Krista.

"Relax, sinta ko. I can handle him."

"I hope so. At sana hindi niya mabilog ang ulo mo kung anuman ang binabalak ng lalaking 'yon."

"Hindi po. Ano ka ba? Don't worry your pretty head at baka maaga kang magka-wrinkles. Ikaw rin, ang mahal ng mga anti-wrinkles ngayon. Smile ka lang. Gaganda ka na, babata ka pa."

Masunurin naman ito at kaagad ngang ngumiti.

"Dapat kapag kinausap mo siya ay hayaan mo lang na nakabukas ang pinto," dagdag-reminder pa nito. "Para kapag may masama man siyang tangka sa'yo ay madaluhan ka kaagad ng mga employees mo."

"Yes, boss."

Curious din siya kung ano ba ang ipakikipag-usap sa kanya ni Grayson at mukhang desperadong-desperado ito.