noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 2

Ch. 3 / 29 Feb 05, 2022

"I'M telling you, I will marry you someday," maangas na sabi ni Maddy sa anak ni Zeke.

Naaaliw si Red sa panonood sa dalawang bata.

"Ayoko sa'yo!" mataray namang sagot dito ng batang si Samantha.

"You'll change your mind."

Nagkatawanan na lang sila. Nang makita ni Zeke na parang maiiyak na ang anak ay kaagad nito iyong binuhat.

"Don't worry, sweetheart. Magdadaan muna sa military assessment 'yang si Maddy bago ka niya makuha kay Tatay."

Nagpaalam na siya sa mga ito.

"Sa susunod na tumambay ka rito sa bahay ko dapat may dala ka na ring bata," pahabol na sigaw sa kanya ni Zeke bago siya lumulan sa kanyang kotse.

"Ha-ha," his reply in a mocking tone.

"Baka 'kamo sa dami ng palahi niyan naguguluhan kung sino ang dadalhin," dagdag namang buska ni Rafe.

"'Tado!" kung hindi lamang nakatingin ang asa-asawa ng mga ito ay bibigyan niya sana ng bad finger sign ang dalawang ungas. Pinagkaisahan pa siya!

Lumulan na siya sa kanyang kotse. Maaga pa para siya magtungo sa Club Red. Kaya nga sana siya tumambay muna sa bahay ni Zeke ay para magpalipas ng oras. Kaso parang laging sabik sa asawa itong si Zeke kaya nagpaalam na siya bago pa man umalis ang pamilya nina Rafe.

Hindi niya gustong amining nagseselos siya. Pero kapag tinitingnan niya ang kanyang mga kaibigan at ang kuntentong ngiti sa labi ng mga ito habang kasama ang kanilang mga asawa't anak, ay may umuusbong na pananaghili sa dibdib niya. Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng sariling pamilya na tulad ng mga ito?

Nah. Tigang ka lang, Redentor, saway niya sa sarili.

Sa nakalipas na isang taon ay parati niyang naaalala ang babaing nakatalik nang gabing iyon. And he couldn't believe his luck. They met more than a couple of months ago. Sa opening ng cafe na pinagsososyohan ng nakababatang kapatid ni Zeke at ng asawa nitong si Willa.

Evangeline Quirino.

The name suits her. Kung hindi siya nagkakamali, dating beauty queen ang Mommy nito. At hindi maipagkakamaling mag-ina ang dalawa. Halos kalahati ng physical features nito ay kuha sa ina. Her high cheekbones, a pair of deep-set, brown eyes, a pointed nose and a pair of kissable lips. She's taller than her mother, though. Kaya palagay niya ay namana nito ang taas sa ama. At ang kulay ng balat nito ay makinis na morena. Gandang-Filipina. Samantalang ang ina nito ay mestiza.

Alam na niya ang halos lahat ng impormasyon tungkol dito. That she's an only child, isang kilalang jewelry designer—both local and abroad at nagmamay-ari ng kilalang jewelry line na The Mujer. Noong nakaraang buwan lamang ay na-feature sa lifestyle section ang jewelry show nito na dinaluhan ng mga kilalang tao sa alta-sosyedad.

He wanted to go. But he didn't want to make her feel uncomfortable by his presence. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili. He's attracted to her. Pero natotorpe siyang gumawa ng hakbang upang mapalapit dito. At iyon ang kauna-unahang pagkakataong nangyari iyon.

Tumunog ang cellphone niya. Iniisip na niyang tumuloy sa Club Red. Ngunit nagtaka siya kung sino ang caller niya. Unregistered ang numero nito.

"Hello."

"Son..."

Tila saglit na nagbara ang paghinga ni Red nang marinig ang tinig sa kabilang linya.

"Mama."

"K-kumusta ka na, anak?"

Gaano katagal na ba mula nang huli silang magkausap ng kanyang ina? Isang taon o mahigit pa?

Napilitan siyang ihimpil sa isang tabi ang kanyang kotse.

"Ayos lang ako, 'Ma. I'm good. Napatawag kayo?"

"Hindi ba kita puwedeng kumustahin? Ina mo ako. Natural lang naman na kumustahin ng ina ang kanyang anak, hindi ba?"

"I'm alive and I'm doing well kung iyon lang ang gusto niyang malaman. Siya ba ang nag-utos sa inyo para tawagan ako?"

"Reden, anak. Tatay mo pa rin siya."

"Siya lang ang naging instrumento para ako mabuo, Mama. Pero sa totoong katuturan ng salitang ama ay hindi siya kailanman naging ganoon sa akin."

"Huwag ka sanang magsasalita ng ganyan. May sakit siya. Ang kapatid mo..."

"May ginawa na namang kalokohan si Juancho, ganoon ba, Mama? At dahil siya ang lehitimong anak, kailangan niya na naman ba ng double para saluhin ang mga kapalpakan niya?"

"Redentor!" Tumaas ang tinig ng kanyang ina sa kabilang linya.

Hindi niya sana gustong pasamain ang loob nito. Pero paano naman siya? Siya na tanging ito na lamang ang maituturing na pamilya ay nagawa nitong talikuran at patuloy na nakisama sa lalaking kailanman ay hindi ito maaaring maging asawa dahil sa mataas na estado sa lipunan.

His father is a Baron. At ang kanyang ina ay isa sa mga tagapagsilbi sa tahanan nito. Natipuhan nito ang kanyang ina at nabuntis. Isinilang at nagkaisip siya sa tahanan ng kanyang ama na kinukutya sa pagiging isang bastardo. Meron siyang isang kapatid, si Juancho. The Honorable Juancho Delgado. Ang lehitimong anak at tagapagmana ng titulo ng kanyang ama.

Mas matanda ito sa kanya ng isang taon. At kung sumpa mang maituturing, para silang kambal. Magkaparehong-magkapareho ang kanilang mga physical features. Kaya naman sa tuwing masasangkot ito sa gulo, siya ang nagiging tagasalo.

Wala siyang karapatang magrebelde o ang magreklamo sa naging buhay niya. Dahil tuwi na ay parating ipinapamukha sa kanya ng ama na utang niya ang lahat dito. Akala niya ay hindi na siya makakaalis sa impiyernong kinalalagyan noon. Ngunit dumating ang nakatatandang kapatid ng kanyang ina. Si Piero Madrid. Kinuha siya nito at iniuwi sa Pilipinas. Ito ang nagpalaki at nag-aruga sa kanya. At sa paglaon, ito na rin ang kinilala niyang ama.

"Reden, anak. Malubha ang lagay ng iyong ama. Gusto ka niyang makita."

"Pakisabi na lang na hindi ako interesadong makita siya."

"Anak, alam kong malaki ang kasalanan niya sa'yo. At alam kong ako man ay malaki rin ang naging pagkukulang. Pero sana ay mapatawad mo siya. Hindi para sa kanya kundi para sa iyo. Ayaw kong patuloy kang magkimkim ng galit d'yan sa puso mo."

"Ang galit na 'yon ang naging pasaporte ko para magsikap at makarating sa itaas, Mama. Huwag niyo na sanang tangkain pang alisin ang tanging makinarya ko para makarating sa kinalalagyan ko ngayon."

"Anak..."

"I wish you well, Mama. Alagaan niyong mabuti ang sarili niyo," iyon lang at pinatay na niya ang tawag.

Sandali niyang isinandal ang sarili sa upuan. Nang hindi makatiis ay bumaba siya ng kotse. Para siyang biglang na-suffocate sa loob ng kanyang sasakyan. Ilang malalalim na paghinga ang hinigit niya bago nagluwag ang kanyang paghinga. Pagkuwa'y muli siyang sumakay ng kotse at tumuloy na sa Club Red.

"MAY nagpapabigay, Boss."

Walang interes na sinulyapan ni Red ang maliit na note na may lipstick mark. Hindi na bago iyon sa kanya. Nasa bar siya at kasaluluyang nagsi-serve ng drinks sa kanilang mga parukyano.

"Which one?" aniya sa tauhang nag-abot sa kanya ng papel.

"Actually, dalawa sila, Boss. Table four."

Dumako ang tingin ni Red sa mesang tinukoy ng kausap. Dalawang babae nga ang nakaupo roon. At sa nakikita niya, parehong maganda ang mga ito. Parang mga modelo... o artista?

"Sasabihin ko bang hindi ka interesado?"

"Nabubulag daw ang tumatanggi sa grasya."

"Kaya nga, Boss. Bawal ang tumanggi sa grasya."

Narinig ni Red ang mahinang pagtawa ng tauhan. He took off his apron and went to table four.

"Hello, ladies," bati niya sa dalawang babae.

"Hello, handsome. Wanna have some fun with us tonight?" wika ng babaing blond. Mukhang may dugong foreigner ito base sa twang ng pagsasalita.

"What do you have in mind?"

"How about a threesome—are you game?"

"Your place or mine?" game niyang tugon.

"Anywhere will do, lover boy. Anywhere will do..."