HABANG naghahapunan ay pasimpleng nagtatanong ang ama ni Evangeline tungkol kay Red. Na magalang namang tinutugon ng binata.
Lihim na napangiti si Evangeline. Kay Grayson ay hindi nagpakita ng ganoong interes ang kanyang ama. Lagi na ay pormal at distant ang pakikitungo nito sa ex-boyfriend niya. Kapag nga dumadalaw ang dati niyang nobyo noon ay suwerte ng kausapin ito ng kanyang ama. But the way he talk with Red, she can sense some fondness in his voice.
"Kain ka pa nang kain," wika ng ina niyang si Evelyn sa binatang bisita sa kanilang hapag.
"Thank you po, Tita. Na-missed ko talaga ang kumain ng lutong-bahay."
"Ganoon ba? Hayaan mo padadalhan kita ng ibang luto ko. Ilagay mo lang sa freezer at i-thaw mo kapag kakain ka."
"Baka po masanay ako."
"Walang problema. Welcome ka rito sa bahay namin anumang oras, hindi ba, Papa?"
"Basta't taong umakyat sa pamamahay ko ay tao ko ring tatanggapin."
"Makakaasa po kayo."
"O, anak. Bakit hindi ka yata masyadong kumakain?" puna ni Evelyn sa anak na dalaga.
"Ako pala 'yong anak niyo. Akala ko ako 'yong bisita," bahagyang nakatirik ang mga matang saad ng dalaga.
"Naku, umandar na naman ang pagka-selosa mo. Hayan, Red, ha? Nakikita mo na ang tunay na ugali ng anak ko. Mapagtitiyagaan mo kaya ang dalaga namin? Selosa, sumpungin, at mainitin ang ulo."
"Mama," parang makulit na batang pinanlakihan ni Evangeline ng mga mata ang ina.
"Totoo naman."
"Minsan talaga nagdududa na ako, eh. Kayo ba talaga ang nanay ko?"
"But understand this, Red. Despite her faults and imperfections, she's very precious to us," wika ng ama ng dalaga na si Pablito Quirino.
"I'm sure she is, Sir."
Nang lumingon ang binata at pahapyawan ng sulyap si Evangeline ay may kung anong kakaibang pakiramdam na biglang naglakbay sa kanyang kabuuan.
Hindi nagtagal at natapos din ang kanilang hapunan. Sa isip ng dalaga ay mas na parang interview ang nangyari sa halip na simpleng dinner. Nagpasintabi ang kanyang mga magulang matapos ang hapunan at hinayaan silang mag-usap ni Red. Niyaya niya ang binata sa hardin dahil nag-aalala siyang bigla na namang lilitaw mula kung saan ang kanyang ina. May gazebo roon at makakapag-usap pa sila nito nang may privacy bago ito umuwi.
"You have very wonderful parents," ani Red nang ayain niya itong maupo.
"I bet yours, too."
Yumuko ito. Ngunit hindi nakubli sa kanya ang pait na nagdaan sa mga mata ng binata.
"My mother is my father's mistress. Isa akong bastardo. Lumaki at nagkaisip ako sa loob ng tahanan ng aking ama. Ngunit kailanman ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang sa kanya. O kahit sa sarili kong ina. Maybe she loves me in her own little way. But all her life, sa isang tao lang umiikot ang kanyang buhay. Sa aking ama. So, you see I've been orphaned even before I was born."
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya itinikom na lang niya ang bibig. Nalulungkot siya sa naging buhay nito. At hindi man masasabing perpekto ang kanyang mga magulang, kahit na kailan ay hindi siya pinabayaan ng mga ito. Siya pa nga ang nakakarinig ng reklamo sa ina dahil masyado raw siyang independent.
"I was out of the country for the past week because of family matters. Pasensya na kung hindi ako tumawag o nakapagpaalam man lang nang personal. Sana'y huwag mong isiping hindi ako seryoso sa panliligaw sa'yo."
"I-it's okay. Pasensya ka na rin sa outburst ko kanina. Katulad nga ng sinabi ng Mama ko, medyo sumpungin talaga ako. At least ngayon alam mo na kung ano ang ugali ko."
"It's okay. Mahaba naman ang pasensya ko."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Kahit pa siguro ikaw ang pinakamahirap intindihing babae sa balat ng lupa ay susuyuin pa rin kita."
Susuyuin? Lihim na kinilig si Evangeline. Kung iisipin parang bihira na ang mga lalaking nag-i-effort talaga para manligaw. Lalo na sa kasalukuyang panahon na halos lahat ng bagay ay instant. Idagdag pang nakuha na nito ang lahat ng puwedeng makuha sa kanya. Kung ibang lalaki lang ay hindi na magpapaka-abalang ligawan pa siya.
Ng mga sumunod na araw ay naging masigasig na si Red sa panliligaw. Pinatunayan nito kay Evangeline na sinsero itong mapasagot siya.
"Ma'am, naririto na po ang sundo niyo," parang kinikilig na anunsyo ng isang empleyado ni Evangeline nang katukin nito ang dalaga sa opisina.
"I'll be out in a sec," aniya na mabilis nag-retouch ng mukha.
Hindi siya talaga mahilig sa makeup. Pero lately ay conscious siya sa kanyang hitsura na daig pa niya ang nagdadalaga. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang mukha sa salamin. Nang makuntento ay hinagip niya ang LV bag at lumabas na ng opisina.
"Hi!" Her heart skips a beat upon seeing her beau.
"Hello."
Her knees went weak. Napaka-simpatiko ng ngiti nito. And his eyes, literal na makalaglag-puso kapag ito'y ngumingiti. Nangingislap ang mga iyon kasabay ng matamis na ngiti sa mga labi.
At hindi niya kailangang lumingon para makita ang humahangang tingin ng mga empleyada sa jewelry store. And she can't blame them. He looks so handsome in his blue sports shirt. Barakong-barako itong tingnan.
"Shall we?"
"Yes." Boluntaryo niyang inihawak ang kamay sa matipuno nitong braso nang lumapit ito sa kanya. "Bye, girls."
"Bye, Ma'am, Sir. Ingat po kayo."
Nakangiting kinawayan ni Red ang mga tauhan niya.
"Do you want to go somewhere else before we head home?" tanong ni Red nang ipagbukas siya nito ng pinto.
"Hmm, puwede ba tayong dumaan sa bar mo?"
"Sa Club Red?"
"Yup. Unless, may iba ka pang bar?"
Bahagyang kumiling lang ito.
"Sure, your wish is my command."
EKSAKTO lang ang daan nila sa Club Red dahil kabubukas pa lamang ng bar, hindi pa masyadong matao. For some reason, ayaw ni Red na isama roon ang dalaga. Lalo pa nga at kapag ganoong oras, karamihan ng mga kustomer nila ay lalaki.
Maginoo niyang iginiya si Evangeline sa mesang malapit sa bar. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito sa pagyayaya roon. She doesn't strike him as someone who enjoys barhopping or a night life. Pero kung balak nitong uminom ay walang kaso sa kanya. Babantayan na lamang niya ito at titiyaking hindi malalasing. Ayaw niya itong iuwi sa bahay ng mga magulang nang lango sa alak. Mabuti at good shot siya sa mga magulang nito, ayaw niyang masira iyon.
"I'm hungry. Hindi mo ba ako pakakainin?"
"You're hungry?" Nataranta siya. Pagdating dito ay aminado siyang nagkukumahog ang puso niya kapag may hiniling ito. "Teka lang, magpapaluto ako sa chef. Ano ba ang gusto mo?"
"Anything," matamis ang ngiting tugon nito.
Napatitig siya sa dalaga. Sa tuwing ngingitian siya nito ng ganoon ay pumipitlag ang lahat ng puwedeng pumitlag sa kanya mula ulo hanggang paa.
Her face is almost bare of makeup. Hindi ito maposturang mag-ayos pero ibang-iba ang dating nito sa paningin niya. O sa kanya lamang ba? Nang pahapyawan niya ng tingin ang mga parukyano sa bar ay nakita niyang nakatingin ang mga ito sa dalagang kasama niya. O mas tamang sabihing nakatitig. Kung puwede lang takpan ang mata ng mga kalalakihang nakatitig dito ay ginawa na ni Red. Kulang na lang ay ipagsigawan niya sa mga ito na sa kanya lamang ang babaing kasama. Na bawal itong tingnan nang mahigit sa sampung segundo.
Damn. I'm acting like a jealous creep!
Mabilis siyang nagpaalam kay Evangeline upang ipagpaluto ito ng makakain. Sa dalas nilang magkasamang kumain ay pamilyar na siya sa mga pagkaing gusto nito. Matapos sabihin sa chef ang pagkaing ni-request niya ay ibinilin na lamang niyang i-serve nito sa mesa nila ang pagkain pagkatapos iluto.
Pagbalik ni Red sa mesa nila ay halos mag-umusok ang bumbunan ng binata nang makita ang dalawang lalaki na nakikipag-usap kay Evangeline. Anhin na lang ay pagbubuhatin niya ang mga bar stool at ihagis sa dalawang lalaki na nakikipag-usap sa nililigawang dalaga.
Salubong ang kilay na naupo siyang kaharap si Evangeline pagkatapos mag-evaporate ang dalawang lalaki pagkakita sa kanya.
"Gusto mo bang lumipat ng mesa? Doon na lamang tayo sa mezzanine floor," suggestion niya.
Ngayon niya lamang naisip, dapat ay sa mezzanine na lamang niya ito dinala, tutal ay pribado iyon at sadyang para lamang sa kanyang mga bisita.
"No, it's okay. I like it here," iniligid nito ang mga mata sa bar.
Lihim na napabuga ng hangin sa bibig si Red.
"Is it okay if I take a couple of pictures?"
"Pictures?"
"Yeah. May naiisip kasi akong design para sa susunod kong collections."
"Go ahead, by all means."
Habang naghihintay sila ng pagkain ay inilabas nito ang dalang digital cam. Sanay na rin siya rito. Hindi iyon ang unang pagkakataon na ginawa nito iyon kapag may naiisip itong ideas. Minsan pa nga kahit kumakain ay maglalabas ito ng tablet nito para mag-sketch.
May tatlong buwan na rin siyang nanliligaw rito. Minsan pakiramdam niya ay nobya na niya ito bagaman wala pa silang formal na usapan. Ngunit sa mga pagkakataong gaya kanina na nakikipag-usap ito sa ibang lalaki ay nakakaramdam siya ng insekyuridad. Ewan ba niya. OA na nga ang pakiramdam niya sa sarili minsan. Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng ganoon sa ibang babae. Tanging kay Evangeline lang.
"Here's your food, Ma'am, Sir," ang luwang ng ngiti ng chef niya na siyang personal na nagdala ng pagkaing niluto sa kanilang mesa.
"Wow, this looks delicious. What's this?" ani Evangeline nang ihanay ni Chef Eric ang mga pagkain.
"This one is Angel on Horseback—oyster wrapped in bacon."
"It smells yummy."
"I hope you'll like them. And these two, they're our best sellers. Jalapeño poppers and pigs in blanket."
"Hm, 'can't wait to dig in."
"Dig in."
Kinunutan ni Red ng noo ang chef. Para namang nakatunog ang lalaki at napakamot na lamang sa batok bago tila napipilitang nagpaalam.
"Enjoy your meal, Ma'am, Sir."
Isang naiiritang buntong-hininga ang pinawalan ni Red sabay dampot sa baso ng red wine na kasamang isinilbi sa kanilang pagkain. Mabilis niyang tinungga iyon sa isang lagok.
"Hm, ang sarap," oblivious namang nagsimulang kumain ang kanyang kasama. Wala itong kamalay-malay sa sentimyento niya. "No wonder they're your best sellers. Ang sarap ng Jalapeño popper. And this pig in blanket—funny name—crispylicious. I bet Mama will like it."
"Magpapabalot ako para kay Tita." Kasundong-kasundo na niya ang mga magulang nito. Sagot na lang talaga ni Evangeline ang kulang.
"Thank you," ang tamis na naman ng ngiti nito.
Puwede ng ipang-kape, saloob-loob ng binata.
"Teka, bakit hindi ka kumakain? Sawa ka na ba sa mga luto rito?"
"Hindi naman. Wala lang akong gana."
"May sakit ka ba?" Tumayo ito at mabilis na lumapit sa katabi niyang upuan. Awtomatikong tumaas ang isang palad nito sa kanyang noo. "Normal naman ang temperature mo."
"I'm okay," medyo na-guilty naman si Red sa inasal. Kinuha niya ang palad nito at marahang pinisil. "Kumain ka lang at huwag mo akong alalahanin. Hindi ako gutom kaya wala pa akong ganang kumain."
"Sigurado ka?"
"Yes."
Muli nitong ipinagpatuloy ang pagkain. Ngunit kumpara kanina ay parang nabawasan na ang gana nito. Paminsan-minsan din ay nahuhuli niya itong matamang nakatingin sa kanya. Ngumingiti na lang siya upang hindi ito mag-isip ng kung ano. Nang matapos itong kumain ay nagpa-take out siya ng mga pagkaing kinain ni Evangeline upang maiuwi nito sa ina.
"Pakidala na lang sa office," aniya sa inutusan saka hawak ang sikong iginiya niya ang dalaga sa kanyang opisina.
HABANG naglalakad sila ni Red patungo sa opisina ng binata ay tila dinalaw ng deja vu si Evangeline. Pamilyar sa kanya ang lugar na pagdadalhan nito sa kanya. Bakit hindi? Sa lugar na iyon mismo may namagitan sa kanila ng gabing iyon may isang taon na ang nakakalipas!
Uminit-lumamig yata ang pakiramdam niya. Bakit siya dinala rito ni Red?
"Have a seat. May kukunin lang ako sa kuwarto."
Medyo kumalma ang mga paru-paro sa sikmura ni Evangeline nang maupo sa tila maliit na sala sa loob ng opisina. Pumasok si Red sa adjoining door papunta sa silid nito. Sa isip ay ilang malalabong alaala ang nagpa-flash sa utak niya. She could clearly picture the whole room. At ang tagpong nangyari sa kanila roon ay nagpapainit sa kanyang mga pisngi.
"Are you okay, angel?"
"R-Red."
Pinagmasdan nito ang kanyang mukha. Napaiwas siya ng tingin sa pag-aalalang makita nito ang pamumula ng mga pisngi niya.
"Ahm, kinuha ko lang ito. Naisip kong baka matagal mo ng hinahanap."
Nang makita ni Evangeline ang crystal box na hawak nito ay curious niyang inabot iyon. Pagbukas niya ay marahan siyang napasinghap. Iyon ang kapares ng nawawala niyang hikaw!
"W-where did you—?"
"On the bed after we... uh," parang asiwa rin itong napahagod ang mga daliri sa buhok.
"T-thank you." Tatanungin niya sana kung bukod doon ay may iba pa ba itong nakuha sa kama matapos ang gabing iyon. Pero natitiyak niyang bago maisatinig ang tanong ay natunaw na siya sa kinauupuan sa labis na kahihiyan. "Ah, l-let's go?"
Kaagad siyang tumayo at tutunguhin na sana ang pinto nang mabilis na hagipin ni Red ang kanyang pulsuhan at banayad siyang hinigit. The next thing she knew his lips swiftly swoop down on hers. Taking her lips for a hot and lingering kiss.