noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 5

Ch. 6 / 29 Feb 05, 2022

"DO you also own Club Red?"

"Yes."

Muntik ng matampal ni Evangeline ang bibig. Ang tanong na inakala niyang sa isip lamang ay hindi sinasadyang naisatinig niya na pala.

"That's where I usually hang out with Zeke and Rafe. I never intended to turn it into a commercial place but in the long run, nagkaroon ng mga regulars. From an ordinary bar, it became a club."

"A club for the elites."

"That's the general idea of the public, but really, it's not."

"In short, it's your hang out place with your friends and a hunting ground."

"Excuse me?"

Natutop ni Evangeline ang bibig.

"Did I say that out loud?" nakangiwing tanong niya.

He chuckled. Isang maliit na ngiti ang nagkahugis sa isang sulok ng sexy lips nito.

Sexy lips? Where the heck did that idea come from?

"I'm not sure, but..." sadyang ibinitin ni Red ang sinasabi. Ang isang kamay nito ay nasa manibela habang ang isang kamay ay nilalaro ng hintuturo ang ilalim ng lower lip nito. "Have I done somethin' wrong to annoy you, perhaps?"

Evangeline was taken aback. Hindi niya inaasahan na magiging prangka ito sa kanya. At sa totoo lang ay hindi siya kaagad makapaghagilap ng isasagot dito.

"I—uh, I didn't mean to give you a negative vibe. I'm just a—" half-annoyed that you seem to have forgotten about that night. And yet more than anything, I'm more annoyed at myself for feeling annoyed with you. When in fact, all I'm feeling right now is not annoyance but awkwardness.

Pero siyempre ay hindi niya iyon sinabi rito at sa halip ay mahigpit na pinaglapat ang mga labi at baka aksidente na naman iyong umalpas sa kanyang bibig.

"Can we start from the beginning and be friends?"

"O-of course. Sure."

"My name is Redentor Madrid but I prefer to be called Red," inabot nito sa kanya ang libreng kamay mula sa manibela.

"Evangeline Quirino. My friend Krista calls me Vanj," aniya na tinanggap ang pakikipagkamay nito. Pinilit niyang balewalain ang tila mainit na sensasyong gumuhit sa kanyang kamay sa pagdadaop ng kanilang mga palad.

"Can I call you angel?"

"H-ha?"

"Your face is very angelic. Kaya sa palagay ko ay mas bagay sa'yo ang tawaging angel."

"Oh," ramdam niya ang biglang pamumula ng mukha. Kahit morena ay natitiyak niyang mahahalata nito na nagba-blush siya. "It's up to you."

Ngumiti ito. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Parang nawala sa tamang posisyon ang puso niya sa ngiti nito. Hindi niya matandaang nagkaganoon man lang siya kay Grayson. Dahil kaya higit na magandang lalaki si Red kaysa rito?

Sa naisip ay lihim na pinagalitan ni Evangeline ang sarili. Kailan pa siya naging shallow?

"By the way, do you also accept commission works for personal collection?"

"Yes. Balak mo ba akong i-commission para magpagawa ng personal jewelry collection para sa iyong girlfriend?" fishing, fishing, tudyo ng pilyang bahagi ng utak niya.

"I don't have one."

"Ah, for your wife?"

"Neither," naiiling na sagot nito habang may malawak na ngiti sa mga labi.

"Your friends are both married, so I thought..." she let her words trailed off. Saka nagkibit ng dalawang balikat.

"Next time, don't assume, okay? Di ba, kasabihan nga, marami ang namamatay sa maling akala."

She just rolled her eyes.

"How about you? Are you... um, are you in a relationship right now?"

"Kung may girlfriend din ako?" biro niya.

"Do you?" seryosong tanong nito.

Napahalakhak siya.

"Do you think I'm gay?"

"Are you?"

Hindi makapaniwalang natitigan niya ito.

"Seriously? You can't tell whether I'm straight or not?"

Nag-side glance ito sa kanya. Pagkuwa'y napakamot ito sa batok habang may alanganing ngiti sa mga labi.

"I am not. Gosh, you're completely clueless," matawa-tawang sagot niya rito. Parang gusto niyang dukwangin ito at kurutin sa ilong.

Bahagya itong napangiwi. Natawa na lang siya.

RED likes the sound of her laughter. Sweet, crispy, and contagious. Not flirty. Of course, he knows that Evangeline is not gay. Sinakyan niya lamang ang biro ng dalaga upang mapawi ang nararamdaman niyang pagkailang nito. Umakto siyang kaswal o hindi iyon big deal dahil natitiyak niyang lalo itong maaasiwa. At hindi na niya ito malalapitan.

He really wants to get to know her more. And he to her. He doesn't want to rush things between them that is why he's taking it slow. Bagaman kung puwede niya lamang sabihin dito ang lahat ng mga iniisip niya ay sasabihin niya ritong kailanman ay hindi ito nawala sa isip niya. Na hindi niya nakalimutan ang gabing iyon na may namagitan sa kanila. Kaso ay nadudungo siyang diskartehan ito. Sa edad niyang tatlumpu at apat ay hindi siya marunong manligaw.

Lapitin ng mga babae si Red. At ang binata rin ang tipong kung gusto siya ng babae at type niya rin, wala ng maraming usapan. Sa mainit na tagpo kaagad ang hantong nila. Kaya nang dumating ang isang babaing nagpagulo ng husto sa isipan niya, hindi niya ngayon maalaman kung paanong diskarte ang gagawin upang mapalapit dito.

Kahit sa mga sandaling iyon na kaswal silang nag-uusap ni Evangeline, pakiramdam niya ay naglalakad siya sa ibabaw ng egg shell. Na isang munting pagkakamali sa panig niya ay posibleng masira ang magaang na atmosphere sa kanilang pagitan.

"So, you're single," pagtatapos niya sa bagay na pinag-uusapan nila.

"Single and I'm happy about it," nakangiti namang sagot nito.

"No plan to mingle?"

Isang maikling tawa ang lumabas sa bibig nito.

"My Mom and Tita Sandra actually tried to set me up with your friend Zeke," anito.

"You're pulling my leg."

"No. It's true. And I'm sure you're well-aware when Zeke snubbed me on our first meeting."

"That was your supposed to be first set-up meeting?"

"Yes."

"On behalf of my friend, ako na ang humihingi ng dispensa. I'm sure hindi niya intensyong bastusin ka. He's just head over heels in love with Willa."

"It's okay. Anyway, you have saved me from further embarrassment. I owe you."

"Don't mention it. Although you can repay me by having a cup of coffee sometime."

Nakita niya ang pagsilay ng isang pigil na ngiti sa mga labi nito.

"Very smooth, Mr. Madrid, very smooth."

He laughed. Pilit niyang ikinubli sa pagtawa ang nerbiyos. Will she say yes or no?

"When?"

Muntik na siyang mapa-preno nang wala sa oras sa sagot nito.

"Are you free tomorrow?" Fuck, hindi kaya parang masyado namang mabilis?

"Hm, where?"

"The Vines?"

"Okay."

Nakahinga nang maluwag si Red. Ni hindi aware ang binata na nagpipigil na pala siya ng paghinga habang naghihintay ng sagot.

Hanggang sa sapitin nila ang bahay ng mga ito. Bumaba siya ng kotse at maginoong ipinagbukas ito ng pinto.

"Salamat sa paghahatid," wika nito.

"My pleasure. Dito na rin ba kita susunduin bukas?"

"Um, okay. Say, around five PM?"

"Perfect."

"Great. See you."

"See you."

Hindi pa niya gustong iwanan ito. Pero napilitan na siyang sumakay ng kanyang kotse at kumaway rito. She waved back and watched him drove off.

Hindi na natanggal ang matamis na ngiti sa mga labi ni Red hanggang sa sapitin niya ang Club Red. Masyado pang maaga. Ngunit wala siyang maisip na puntahan para magpalipas ng oras.

"Boss," nakangiting bati sa kanya ng isa sa mga bartender niya.

Abala na sa paglilinis ang mga tauhan niya sa club. Naroroon na rin ang assistant manager niyang si Angus. Kapag wala siya sa club ay ito ang kadalasang namamahala sa operation ng Club Red. Pero dahil bihirang-bihira naman iyong mangyari, assistant manager na lamang kadalasan ang papel nito.

"Good afternoon, Boss."

"Dumating na ba ang bago nating supplier?" nagpalit kasi sila ng supplier ng alak.

Natuklasan ni Red na hindi na puro ang karamihan sa mga imported drinks na isini-serve nila sa mga VIP's. At sa lahat ng ayaw niya ay 'yong niloloko siya at inaakusahan ding nanloloko. Dalawang kustomer na kasi ang nagreklamo sa assistant manager niya. Nagbabayad daw ng halos triple sa orihinal na presyo ng alak ang mga ito pero peke naman daw ang inuming isini-serve nila.

"Wala pa, Boss."

"Kapag dumating, nasa opisina lang ako."

"Yes, Boss."

He went inside his private office. Kung saan meron din siyang silid na pahingahan kapag tinatamad na siyang magmaneho pauwi. He took off his suit and tie saka pumasok sa silid. Inihagis niya sa ibabaw ng kama ang mga hinubad saka naupo sa gilid niyon.

Wala sa loob na napatingin si Red sa drawer ng bedside table. Hinila niya iyon at kinuha roon ang isang crystal box. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng binata nang buksan niya iyon at makita ang isang hikaw. Natitiyak niyang ang kapares niyon ay nasa pag-iingat ni Evangeline.

Mukhang maisasauli na niya ito sa may-ari. And there's more. Ang kulay itim na lace underwear nito na natagpuan niya kasama ng kanyang mga hinubad. That last piece though, he wants to keep as a memento.

He smiled at that thought.