noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 14

Ch. 15 / 29 Feb 05, 2022

"GOOD NIGHT."

"Good night." Nang tangkaing hagkan ni Evangeline ang nobyo ay umiwas lang ito kaya sa pisngi dumapo ang kanyang halik. "Red."

"Pumasok ka na sa loob. It's late," sabi nito.

"Mag-usap tayo bukas," aniya bago ito hinayaang lumulan ng sasakyan.

"Sure."

Mabigat ang loob ni Evangeline nang ihatid ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Red. Alam niyang masama ang loob nito. Kahit nakikipag-usap ito sa kanya ay ramdam niya ang invisible barrier na inilagay nito sa kanilang pagitan. Sinubukan niyang ipaliwanag dito ang punto niya. Hindi pa siya handa. Iyon ngang tatlong taong relasyon nila ni Grayson ay nauwi sa wala, paano pa kaya ang sa kanila ni Red na hindi pa bumibilang ng ilang buwan?

Mali ba siya kung gustuhin niya munang kilalanin nila ang isa't isa bago mag-commit sa isang panghabambuhay na relasyon?

Nahagod niya ang buhok sa kawalang-magawa.

"Evangeline, baby. Are you just gonna stand there all night?" sumungaw mula sa balcony ng silid ng kanyang mga magulang ang Mama niyang si Evelyn.

"'Be right there, Mama."

Matamlay na pumasok na siya ng bahay. Maaga pa nang dumating sila mula sa bahay-bakasyunan ni Red. Tamang-tama lamang na oras na ng hapunan kaya bago ito umalis ay niyaya muna ito ng mga magulang niya na kumain. After dinner ay magalang itong nagpaalam sa parents niya dahil dadaan pa raw ito sa bar. Pero alam niyang mababaw na rason lamang iyon.

Didiretso na sana si Evangeline sa sariling silid nang makasalubong niya ang ina. May nanunudyong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa leeg niya.

"Oh, dear. Is that a hickey?"

"Mama?!" isang impit na singhap ang umalpas ang mga labi niya bago mabilis na natakpan ang leeg.

Napabungisngis ang kanyang ina. "I was just kidding."

"Geez, Mom."

"Lighten up, will you? Although I'm well aware that you already did the tango."

Namula ang magkabilang pisngi ni Evangeline sa sinabi ng ina.

"So, how was it?"

"Really? I can't believe you, Mom. You want me to discuss my sex life with you? That's so gross." Pumasok na siya sa kanyang silid.

Sumunod si Evelyn bago pa man niya maisarado ang pinto.

"What's so gross about it? I just want to know if he treated you the way a man should treat a special woman."

Naitirik ni Evangeline ang mga mata saka exasperated na napabuga ng hangin.

"H-he popped my cherry a year ago, Mama."

Napasinghap ang kanyang ina sa sinabi niya.

"I-iyon ba ang dahilan kaya kayo naghiwalay ni Grayson? Pinagtaksilan mo siya?"

"No, Mama. That was after I caught him in bed with his cousin."

"Oh, dear. Dapat pala ay nagdala ako ng pop corn."

Napailing na lang si Evangeline.

"Wait. Ibig bang sabihin, noong araw na makita natin siya sa opening ng cafe ng anak ni Sandra ay dati na kayong magkakilala?"

"I-I don't know his name then. The night we, um, did it we barely knew each other."

"You had a one night stand with a stranger?" namimilog ang mga matang tanong ng kanyang ina.

"Apparently, yes," naupo siya sa kama at nagsimulang magtanggal ng kanyang sapatos.

Hindi siya makapaniwalang sinasabi niya ang lahat ng iyon sa kanyang ina. Of all people. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha sabay hagod ng mga daliri sa buhok.

"Nahirapan ka ba?"

"What?"

"Well, you know."

"H-he's a very skilled lover, Mama. I have no complained in that department."

"And I bet he's gifted."

"Gif—oh." Nag-init nang husto ang mukha ni Evangeline nang maunawaan ang ibig tukuyin ng ina. "Forgive me, Mother. But that is something I would like to keep to myself for as long as I live. Now, please. If you'll excuse me, gusto ko ng magpahinga at matulog."

"Okay, okay. I know you're tired," makahulugang sabi nito saka tinungo ang pinto.

Nang makaalis ang ina ay nagpatibuwal siya ng higa sa kama. Pagod siya. Ngunit okupado ni Red ang isip niya sa mga oras na iyon kaya imposible rin siyang makatulog.

Kinuha niya ang kanyang bag at dinukot mula roon ang cellphone. Tinawagan niya ang nobyo. Ilang beses nag-ring ang cellphone nito ngunit walang sumasagot. Ilang ulit pa niyang sinubukang kontakin ito ngunit hanggang sa ma-lowbat na lang ang cellphone niya ay hindi pa rin ito sumasagot.

Napapabuntong-hininga na lang siyang tumitig sa ceiling.

NAKITA ni Red ang pag-ilaw ng kanyang cellphone. Naka-silent mode kasi ito. Nang makita niya ang pangalan sa caller ID ay agad niya sanang dadamputin iyon. Pero sa huli ay nagbago ang kanyang isip. Hanggang sa mga oras na iyon ay parang may nakadagan pa rin sa kanyang dibdib.

Gusto niyang unawain ang mga dahilan ni Evangeline. Na hindi pa ito handa, na masyado pang maaga para kaagad silang humantong sa matrimonyo. Ngunit hindi niya maiwasang mag-isip na hindi pa ito ganap na nakaka-move on sa dati nitong nobyo kaya para pa rin itong nagdadalawang isip. Na baka hanggang sa mga sandaling iyon ay may lugar pa rin ang lalaki sa puso ng kanyang nobya.

He hates himself for entertaining those thoughts. And most of all, he hates himself for feeling so insecure and possessive. Because, damn it, that wasn't him. Hindi iyon ang Redentor Madrid na hinubog at pinatatag ng panahon sa kabila ng malalim na sugat mula sa kanyang kamusmusan.

Nang muling umilaw ang cellphone ni Red ay dinampot iyon ng binata at inilagay sa drawer ng kanyang mahogany desk. Pagdating niya kanina ay nagmasid lang siya saglit sa nangyayari sa club. After a while, bitbit ang sample bottle ng brandy ay pumasok na siya sa kanyang opisina. Binuksan niya ang bote ng brandy at nagsalin sa rock glass.

Saglit niyang pinagmasdan ang likidong apoy sa rock glass bago tinungga. Muntik na siyang masamid nang gumuhit ang init at pait sa kanyang lalamunan.

"Damn," tahimik niyang mura.

Muli siyang nagsalin. Sa pagkakataong iyon ay saglit niyang ninamnam sa bibig ang alak bago nilunok. Suwabe. Napahinga siya nang malalim. Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa picture frame na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Picture iyon ni Evangeline.

Hindi pa man niya ito nobya ay halos punuin na niya ng larawan nito ang kanyang opisina at kuwarto. Minsan ay naiisip ni Red na daig pa niya ang nagayuma sa tindi ng pagkahumaling sa nobya.

"Damn it, angel. What did you do to me?"

Ipinagpatuloy niya ang pag-inom. Nangangalahati na ang laman ng bote nang mapansin niyang parang domodoble na ang tingin niya sa hawak na larawan ng nobya.

"Mukhang kailangan ko ng matulog." Muntik pang mahulog sa mesa ang picture frame nang ibalik niya iyon sa dating puwesto. "Oops, sorry, angel. I think I'm drunk."

Iniwan niya ang nangangalahating bote ng alak at rock glass sa mesa at dumiretso na sa kanyang silid. Ni hindi na niya nakuhang magpalit ng damit at basta na lamang sinipa ang suot na sapatos.

Nang magising si Red kinabukasan ay parang may nagdi-drill sa loob ng bungo niya. Sinabayan pa ng pag-iingay ng mga katok sa labas ng kanyang opisina.

"Fuck," tutop ang ulong dahan-dahan siyang bumangon at tinungo ang pinto. "Who is it?"

"Sir Red. May bisita po kayo," tinig iyon ng guwardiyang nakatalaga sa club.

Bukod sa entrance mula sa loob ng club ay may private backdoor sa likuran ng Club Red kung saan naka-park ang kanyang kotse. May cobbled path walk doon patungo sa isang two-storey loft na na-acquire niya nito lamang nakaraang buwan. Sa kalasingan ay hindi na niya nagawang lumipat doon.

"Sino raw?"

"Sir, Juancho raw ho."

"Juancho?" dahil sa matinding pananakit ng ulo ay hindi kaagad na-proseso ng utak ni Red kung sino ang taong nagngangalang Juancho sa labas.

"Redentor, it's me. Tu hermano."

Parang nasemento ang mga paa ni Red sa kinatatayuan pagkarinig sa boses ng tao sa labas.

Juancho? Noon lamang ganap na pumasok sa utak niya kung sino ang bisitang nasa labas ng pinto.

Wala sa loob na inabot niya ang seradura at binuksan ang pinto.

"Hola, como estas, hermano?"

"Juancho."

"Aren't you gonna let me in?"

Tiim ang mga labing niluwangan ni Red ang pagkakabukas ng pinto.

"Come in."

Bahagya ng napansin ni Red ang pagpapaalam ng guard upang bumalik sa post nito.

"Wait here. I'll just get my keys."

"Can I get myself a drink?"

Itinuro niya rito ang personal fridge na nasa isang bahagi ng opisina. Pagkatapos ay bumalik siya sa silid at kinuha ang kanyang susi at nagsuot na rin ng sapatos. Paglabas niya ay dagling naningkit ang kanyang mga mata nang makita itong hawak ang picture frame na nasa ibabaw ng kanyang mesa.

"Put it down."

"She's beautiful. Es tu novia?"

"None of your fucking business," hinablot niya mula rito ang picture frame atsaka ipinasok sa desk drawer.

Juancho chuckled and raised his two hands as if he's backing off.

"This way," itinuro niya sa half-brother ang back door upang dalhin ito sa newly acquired loft.

"Looks like you're really doing well, huh?"

Walang imik lamang na nagpatiuna si Red sa paglalakad. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam kung pagsisisihan niya ang desisyong pumayag siyang pansamantalang manirahan sa Pilipinas ang nakatatandang kapatid, The Honorable Juancho Delgado.