One year after...
TUNOG ng telepono ang pumukaw ng atensyon ni Evangeline mula sa dini-disenyong alahas. Hindi na sana niya papansinin iyon dahil minamadali niyang matapos ang disensyo ng ilo-launch niyang mga alahas para sa summer collection. Pero masyadong persistent ang caller niya. At halos nahuhulaan na niya kung sino iyon.
"Hello, 'Ma," isang buntong-hininga ang tahimik na pinawalan ni Evangeline mula sa bibig nang sagutin ang pag-iingay ng cordless phone.
Ilang araw na siya nitong kinukulit na ipakilala sa anak ng amiga nitong si Sandra Lee. Kilala niya ang babae. Well, who wouldn't? Sandra Lee is the type of woman who leaves an impression even on a first meeting.
"I know you're busy, baby. But can you squeeze me in in your busy schedule this coming Sunday?" may halong pangungonsensyang sabi ng inang si Evelyn sa kabilang linya.
Naitirik na lamang ni Evangeline ang mga mata sa ceiling.
"I know you're rolling your eyes right now. Ganoon yata talaga ang mga kabataan ngayon. Pagkatapos kang pahirapang umiri at masira ang figure mo sa pagbubuntis sa loob ng siyam na buwan, kapag lumaki na ay wala ng panahon sa'yo at isasantabi ka na lang."
"Mama," kung kaharap lamang ang ina ay pinandilatan na niya ito. Parang bata. "For the record, kaya kayo nahirapang umiri dahil ang laki-laki ko. At kaya nasira ang figure niyo ay dahil hindi kayo maawat ni Papa sa pagkain ng kung anu-ano noong ipinagbubuntis niyo pa lang ako. So, will you please cut the drama? You don't need to beg for my attention. I'll see you on Sunday."
"Thank you, baby."
"Bye, 'Ma."
"I love you."
"I love you, too."
"I love you more."
Nangingiti-naiiling na inilapag na lamang niya ang receiver sa cradle matapos ang pakikipag-usap sa ina. Kung mag-usap sila nito ay parang ang layo-layo nila sa isa't isa. Gayong ang naghihiwalay lang naman sa kanila ay bakod. Ang malaki nilang bahay sa Antipolo ay pinagawan ng extension ng kanyang ama sa likuran nang sabihin niya ritong ibig niyang magkaroon ng malawak at pribadong working space. Mayroon siyang sleeping quarters, pick-up kitchen at dalawang ekstrang working table para sa dalawa niyang artisan. Kapag may minamadali siyang trabaho ay bihira siyang makita ng kanyang mga magulang kahit halos nasa isang bahay lamang sila.
She owns the famous jewelry line La Mujer. She designs and handcrafted her jewelry. And her works are already well-known both local and international. She started her business as early as eighteen years old. She has a knack for handcrafting fashion accessories. Mula roon ay na-develop ang husay niya sa paggawa ng mas intricate na designs.
Nagsimula siyang mag-market sa kanyang mga kaklase sa eskuwela, kaibigan at mga kamag-anak. At nang lumakas ang presence ng social media, she also created her own website to sell her crafts. Hindi nagtagal, nakilala through on-line ang mga creations niya na kinailangan na niyang kumuha ng storefront para sa kanyang mga produkto.
Nahagod ni Evangeline ang batok. Kung hindi pa tumawag ang kanyang ina ay hindi pa niya maaalalang hindi pa siya kumakain. Ganoon siya madalas. Lalo na no'ng mag-break sila si Grayson. Inabala niya nang husto ang kanyang sarili sa trabaho. Hindi naman kasi ganoon kadaling itapon ang tatlong taong relasyon. At least sa side niya hindi iyon naging ganoon kadali. Kahit sinasabi niyang masaya na siya sa kung ano ang meron siya, may mga pagkakataong naroroon pa rin iyong munting kurot.
Pero sa ngayon, makalipas ang isang taon ay masasabi niyang unti-unti na siyang nakaka-move on sa dating nobyo. Kung meron man siyang madalas na maalala nitong mga nakalipas na araw, iyon ay ang lalaking nakatalik niya nang gabing 'yon. At aaminin niyang may mga gabing nag-iinit siya kapag naaalala ito. Na hindi miminsang napanaginipan niya ang lalaking 'yon sa ilang maiinit na tagpo. That when she wakes up, she finds herself wet and aching. Sa tuwing mangyayari 'yon ay napapahiya siya sa kanyang sarili. Kaya naman naisip niyang dapat na niyang paglaanan ng seryosong atensyon ang personal na buhay.
Hindi na siya bumabata. At kung ang tanging solusyon upang makatagpo siya ng prospect husband ay ang inireretong anak ni Sandra Lee, hindi siguro masamang subukan. Kung hindi siya nagkakamali, balita niya ay guwapo ang anak nitong modelo. Siguro naman ay hindi pahuhuli rito ang panganay na ayon sa kanyang ina, ay siyang gustong i-match ni Sandra.
Matchmaking is no longer alien to them. Sa mga katulad niyang busy sa career at wala masyadong panahong mag-entertain ng mga manliligaw, normal na sa kanila ang kumuha ng matchmaker upang siyang humanap ng kanilang makakapareha. Mayroon siyang pinsan na nakasal sa ganoong sistema. Naisip siguro ng kanyang ina na hindi masama kung susubukan din niya. And she figured, heck, why not?
It's worth a try. Sinubukan niyang sundin ang puso niya noong una. But look where it led her. Heartbreak.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Sunday came. When they came to the venue, saka lamang nalaman ni Evangeline na ang pupuntahan nila ay opening ng cafe ng bunsong anak ni Sandra Lee. Naroroon daw ang panganay na anak nito. For some reason, she was having a bad feeling about the whole thing. Pero dahil naroroon na rin lang, nanatili na rin siya kasama ng ina. Tutal ay matagal-tagal na rin mula nang huli silang magkasamang lumabas.
Eksakto namang nakita ni Sandra ang anak nito na may-ari ng binuksang cafe.
"My, congratulations, darling. Mukhang successful ang opening ng business mo."
Napansin niyang napalingon sa kanila ang ibang naroroon, partikular kay Sandra na parang sadyang ini-anunsyo sa lahat ang presensya.
"It's not just mine, Mommy. Partner kami rito ni Ate Willa," sabi ng anak nitong babae na tila may pag-aalala.
"Partner? Don't make me laugh, my dear. Why make someone like her your partner when you can just pay her like any ordinary employee."
"She's my partner because she's the essence of this cafe, Mom."
"What are you doing here?"
Natawag ang pansin ni Evangeline sa tsinitong lalaki na humarap kay Sandra. Pogi ito, may dating. Ngunit base sa nakikita niya, he's already taken. Mahigpit na magkabuhol ang mga kamay nito at ng babaing kasama.
"Ganyan ba ang tamang pagbati sa iyong ina? My God, nasaan na ang manners mo? Kaya nga ba ayaw kong dumidikit ka sa mga taong galing sa squatter."
"If you came here to support Annika, you should watch what you're saying, Mom," tila pigil ang iritasyong sagot ng lalaki.
"Is that any way to treat your mother?" galit na balik dito ni Sandra Lee.
"If you are my mother, you should act like one and give us face. Because in case you didn't notice, Mother, you are already causing a scene."
Para namang biglang natauhan si Sandra. She held her chin up and composed herself like a queen.
"Moving on, kasama ko si Eve at ang napakaganda niyang anak na si Evangeline. Vangie, dear. I want you to meet my son, Zeke."
Oh, so he's the one, saisip-isip ng dalaga. Akmang maglalahad na siya ng kamay nang tanguan lang siya nito.
Muntik ng mapaawang ang mga labi niya. Hindi pa siya napahiya nang ganoon sa tanang buhay niya!
It was a very tense moment. Na binasag ng tinig ng isang lalaki.
"Hi, I'm Zeke's friend, Redentor Madrid."
Ang sabihing literal na tumigil ang pintig ng puso ni Evangeline pagkakita sa may-ari ng boses ay kulang. Dahil ang lalaking 'yon ay walang iba kundi ang estrangherong nakatalik niya sa club may isang taon na ang nakakaraan!
Kung hindi pa sa pasimpleng pagsiko ng ina mula sa kanyang tagiliran ay hindi pa mahahamig ng dalaga ang sarili.
"H-hello. I'm Evangeline," napilitan siyang tanggapin ang kamay na inilahad nito.
"Evangeline—?"
"Quirino," maagap na supply ng kanyang ina bago pa siya nakasagot.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito saka binawi ang kamay na bahagya pa nitong pinisil.
"Evangeline Quirino. Nice meeting you."
Nang tumingin ito sa kanyang ina ay napilitan siyang ipakilala ito. Ito man ay ipinakilala rin ang parehang kasama nito. Ang mag-asawang Rafael at Anja Stamos.
Hindi man nila na-achieve ang pinaka-purpose ng pagpunta nila roon, kapansin-pansing parang natuwa pa rin ang kanyang ina. Mula nang makadaupang-palad nito si Redentor Madrid ay hindi na naalis ang nakapaskil na ngiti sa mga labi nito kahit ng nakaupo na sila at kumakain sa cafe. Si Sandra ay mukhang nawalan na ng ganang manatili roon. Humingi ito ng dispensa sa inasal ng anak nito. Bagay na nakangiting dinismis lamang ng kanyang ina.
Her mother is in high spirit. Hindi man niya gusto ang tumatakbo sa isipan niya, pero mukhang iyon na nga iyon. She's infatuated with Redentor Madrid!
Que barbaridad!
Nang sabihin niya iyon dito habang papauwi na sila ay nakatikim siya ng batok sa kanyang ina.
"Crazy girl. Of course, I like him. For you."
"What?" muntik ng lumuwa ang kanyang mga mata.
"Despite our age, hindi nagbabago ang pagtingin ko sa Papa mo. At sigurado akong ganoon din siya sa akin. Kaya nga hindi ka na nagkaroon ng kapatid. Natakot siya na pagdaanan ko ulit ang hirap na pinagdaanan ko sa'yo. But you've grown up so fast. As soon as you turned seven, pakiramdam ko ay hindi mo na ako kailangan. And when you started your business, lalo ka ng nawalan ng panahon sa amin ng Papa mo. I want you to have your own family, anak. Bigyan mo na kami ng apo."
"Puwede bang apo na lang, 'Ma?"
Muli ay nakatikim siya ng batok mula sa kanyang ina.