noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 6

Ch. 7 / 29 Feb 05, 2022

ANG isinuot ni Evangeline ay simpleng skinny jeans, plimsoles lace pumps at black top. Para sa dalaga ay iyon na ang pinaka-simpleng attire niya. Sanay kasi siyang naka-dress. At noong sila pa ni Grayson, gustong-gusto rin nitong kapag lumalabas sila ay naka-bestida siya.

Naipilig niya ang ulo nang maalala ang dating nobyo. Kaydaling sabihin na naka-move on na siya. Pero every once in a while ay dumarating pa rin talaga iyong pagkakataong naaalala niya ito. Hindi naman kasi iyon ganoon kadaling itapon. Three years din ang pinagsamahan nila. Idagdag pang bago sila naging magnobyo ay naging kabarkada niya ito.

And then he messed up.

Napailing siya sa naisip. He messed up kung kailan naman buo na sa loob niyang isuko ang lahat-lahat dito. Minsan tuloy ay napapaisip siya kung may matino pa bang lalaki na kumikilala sa salitang loyalty. Iyong tipong kahit hindi mo bantayan ay hindi papatol sa iba.

Wala na siguro, naisip niya.

"Evangeline, dear. Naririto na ang bisita mo."

Nagmamadaling dinampot ni Evangeline ang kanyang purse pagkarinig sa boses ng ina.

"Coming, Mom," isang huling sulyap pa ulit sa salamin ang ginawa ng dalaga bago lumabas ng kanyang silid.

Pagbaba niya ng sala ay nadatnan niyang ini-estima na ng mga magulang si Red. Kita niya sa mukha ng ina ang katuwaan habang nakikipag-usap sa binata. Samantalang ang Daddy naman niya ay kaswal lamang at patango-tango sa kung anong pinag-uusapan ng mga ito.

Nang makita siya ni Red ay mabilis itong tumayo sa kinauupuan.

"Hi," bati ng binata sa kanya.

Sa kung anong dahilan ay hindi niya napigilan sa pagtahip ang kanyang dibdib. Ang guwapo-guwapo talaga nito. No wonder, gustong-gusto itong kuning modelo ng kanyang kaibigan.

"H-hello," kahit pinigil niyang huwag mag-stammer ay nautal pa rin siya.

Binalingan na niya ang mga magulang para magpaalam sa mga ito. Kung magtatagal pa sila ay baka mapikot nang wala sa oras si Redentor Madrid sa nakikita niyang pagkagiliw rito ng kanyang ina.

"Mag-iingat kayo," anang kanyang ama.

Lumabas na sila ng bahay. Ipinagbukas siya ng pinto ng kotse ni Red. Nang maayos na siyang nakaupo ay saka ito umikot sa driver seat.

The Vines is actually a small local grape farm. It was a forty-five-minute drive outside the metropolis. Maganda ang ambience at ideal para sa couples na nagnanais ng relaxing na kapaligiran for a quality time together.

"Have you been here before?" aniya sa kasama as they were ushered to their table.

"No. Madalas lang akong mapadaan dito."

Tinanggap niya ang menu book nang abutan sila ng tig-isa niyon ng naka-unipormeng waitress.

"I'll have the usual, ancho chile shrimp tacos, blue chicken salad and tea latte."

"You're a regular here?"

"Medyo," nakangiting tugon niya.

"Turkey club and cafe Americano," anito sa waitress. "With a friend or... boyfriend?"

"Ex."

"Sorry, I didn't know. Kung alam ko lang ay hindi na sana kita niyaya rito."

"Shush," nakangiting pakli ni Evangeline sa binata. "I like it here not because I frequent this place with my ex, but because I like this place. Simple as that."

Iginala nito ang mga mata sa lugar.

"Actually mas maganda ang view nila sa taas," dagdag niyang imporma kay Red.

"Gusto mong lumipat?"

"Sure," kaagad siyang tumayo.

Pagdaan nila sa counter ay sinabi niya sa waitress na sa terrace na lamang ihatid ang kanilang order. Walang bubong ang malawak na terasa maliban sa trellis na ginagapangan ng mga grapevines. May ilang pareha rin doon na mukhang nag-i-enjoy sa view habang kumakain.

"You're right. This place is great," ani Red.

"I told you."

Tanaw ang sunset at magandang panoramic view sa ibaba ng grape farm.

"Breathtakingly beautiful."

Nakangiting nilingon ni Evangeline si Red sa pag-aakalang ang tanawin sa ibaba ang tinutukoy nito. Pero nagulat siya at kaagad na namula nang matagpuan itong titig na titig sa kanya. Nako-conscious na nagbawi siya ng tingin.

"How long has it been?"

"W-what?"

"Since you broke up with your ex."

"Oh, um... about a year now."

"Naiisip mo pa rin?"

Sa isang saglit ay nagdalawang-isip siyang sagutin iyon.

"I'm sorry. You don't have to answer if you don't want to."

"Minsan," tipid niyang tugon. "Tatlong taon ding tumagal ang relasyon namin. I even planned on marrying him because I thought, you know. He's the one."

"Three years," wika nito na parang sa sarili lamang iyon sinasabi.

"Pathetic, right?"

"Why did you break up?" sa halip na sang-ayunan siya ay muli itong nagtanong.

"Because he thinks I'm cold."

"Cold?"

"Frigid."

Saglit itong napamaang sa kanya. Pagkatapos ay mahina itong napamura.

"That asshole ought to be hung."

"In fairness, that's not how he said it. He said, I should see a shrink dahil hindi normal ang pagiging malamig ko sa sex."

"Maybe he's the one with a problem in that department."

Napangiti na lang siya sa sinabi nito.

Nang mai-serve ang kanilang order at magsimula silang kumain ay hindi pa halos makapaniwala si Evangeline na masasabi niya rito ang lahat ng mga sinabi niya. Pero sa huli ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Hindi niya rin maunawaan ang sarili kung bakit kaydali niyang binuksan dito ang parteng iyon ng kanyang personal na buhay. Bagay na hindi pa niya ginawa sa ibang bagong kakilala. Dito pa lang.

"Why don't you date me, then?"

Muntik na niyang maibuga ang kinakain sa sinabi ng kausap. Na para bang nag-alok lang ito sa kanya ng isang chocolate bar.

"Y-you're joking, right?" aniyang mabilis na inabot ang baso ng tubig.

"No. I'm serious."

Naghabulan ang pintig ng puso ni Evangeline nang matiim siyang titigan ng kaharap.

"Why?"

"Why not? I'm single, you're single."

"I told you, I don't want to mingle."

"So, you're just gonna keep on pinning for your ex?" tila may panghahamong tanong nito.

Napaawang ang mga labi ng dalaga. Nang ma-realized na nakanganga siya ay mabilis niyang itinikom ang bibig at napahalukipkip sa kaharap.

"What is it to you?"

"I want to help you forget your ex."

"Why?"

"Because you're still hung up about him. And I hate to see a beautiful woman wasting her life pinning for some asshole who obviously moved on with another woman."

"Ouch."

He smiled, amused.

"You just want to have sex with me," prangkang sabi niya.

His smile vanished. Ang amusement na nakalarawan sa mga mata nito ay napalitan ng pagnanasa.

"Among other things, yes. I want to have sex with you. Again."

Para siyang biglang na-freeze sa kinauupuan.

So, he knew! All along ay natatandaan nito ang namagitan sa kanila!

"I remember everything that happened about that night, angel. Every single detail was etched in here," itinuro nito ang sentido.

"Then why did you pretend like you don't know me at all?"

"Because you seem not comfortable to talk about it."

"I-it was a mistake."

"Was it?"

"I was drunk," lame, sa isip ay sinasabi niya iyon sa sarili.

"And I took advantage of you, right?"

Napatingin siya rito. Hindi naman ito mukhang galit. Bagaman mahirap iyong sabihin dahil wala siyang mabakas na emosyon sa mukha nito.

"No, you didn't. Don't put words in my mouth," inirapan niya ito at dinampot ang kanyang tinidor.

Ipinagpatuloy na nila ang pagkain.

Akala niya ay mawawalan na siya ng gana. Pero hindi, naubos niya ang kanyang in-order na pagkain. Nagutom yata siya sa pinag-usapan nila. And now that she thought about it, did he just call her angel?

Napatingin siya sa kaharap. Tulad niya ay tapos na rin itong kumain at sumisimsim na lamang ng kape nito.

"...I hate to see a beautiful woman wasting her life pinning for some asshole who obviously moved on with another woman."

Kung hitsura at yaman ang pagbabasehan, lamang na lamang ito ng sampung paligo kay Grayson. Pero hindi naman kaya sampung doble ng sakit na pinagdaanan niya kay Grayson ang maranasan niya sa lalaking ito? Sa hitsura pa lang ay mukhang lapitin na ito ng mga babae.

"I'll think about it."

Bahagyang kumiling ang ulo nito. "Fair enough."

Napangiti siya.

Matapos nilang kumain ay naglakad-lakad sila sa farm. Isa iyon sa main attraction ng The Vines, ang hayaan ang mga customer na maglakad-lakad sa paligid ng farm at sumagap ng sariwang hangin. Kahit ganoong latag na ang dilim ay walang problema dahil may poste ng ilaw sa paligid ng taniman. Ilang pareha ang nakasalubong nila. Kung hindi magkaakbay ay magkasalikop ang mga kamay.

Mapakla siyang napangiti nang maisip na dati ay ganoon din sila ka-sweet ni Grayson sa isa't isa. Pero dahil sa reserbasyon niya na makipag-sex dito, pumatol ito sa iba.

"Naiisip mo na naman siya."

Nilingon niya si Red. Magkaagapay sila nitong naglalakad.

"Pumapayag na ako."

"Be specific."

"Pumapayag na akong makipag-date sa'yo."