noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 28

Ch. 29 / 29 Feb 05, 2022
Prev Next

THREE months later, matapos ang biglaang pamamanhikan ng kapatid ni Red kasama ang dalawang kaibigan ng kanyang nobyo na sina Rafe at Zeke, idinaos ang isang napakagarbong kasal nina Evangeline at Red sa bagong isla na nabili nito. Si Juancho ang tumayong bestman ng groom at si Krista naman ang maid of honor. Kasama rin sa entourage ang dalawang kaibigan nito kapareha ang kani-kanilang asawa.

Bago ang araw ng kanilang kasal ay kinumbinsi ni Evangeline si Red na personal na kausapin ng nobyo ang mga magulang nito. Alam niyang malalim ang hinanakit nito sa mga magulang. Pero magiging mga magulang na rin sila kung kaya't masinsinan niya itong kinausap na sana ay matuto itong magpatawad. Gusto niyang kapag nagsimula sila ng buhay bilang mag-asawa ay wala ng excess baggage sa dibdib si Red.

At nakumbinsi niya naman ito. Pormal ang unang paghaharap ni Red at ng ama nito na si Baron Juan Pablo. Pero ayon sa Mama nito na si Alma, masaya raw ang baron sa pagdating ng bunsong anak. Hindi raw talaga sanay magpakita ng emosyon ang baron kung kaya't madalas itong ma-misinterpret ng mga tao sa paligid nito. Lalo na ni Red.

May isang linggo rin silang namalagi sa Elsree, isang maliit na estado sa labas ng Spain. Maraming ari-arian ang ama ni Red sa lugar na iyon. Sa katunayan ang bahay na tinuluyan nila ay isang magandang villa na napaliligiran ng napakalawak na vineyard. Sa huling araw nila sa Elsree ay kaytagal ng naging pag-uusap ni Red at ng baron kasama ang Mama nito. Nang lumabas si Red matapos ang mahaba-habang pag-uusap ay bakas ang luha sa mga mata nito. He didn't say anything. Pero nang basta na lang siya nito yakapin nang mahigpit habang tahimik na umiiyak, naunawaan na niya ang nangyayari rito. Nakapagpatawad na ito.

Iba ang upbringing ng mga nobility. Karamihan din sa kanila ay kontrolado ang pagpapakita ng emosyon. Walang ibinigay na excuse ang Papa nito sa nangyari kay Red. Malibang humingi ito ng tawad sa kung anumang mga pagkukulang at pagkakamaling nagawa sa anak. At ganoon din ang ina ni Red. Pinili nitong manatili sa tabi ng baron sa kabila ng pagtataboy ng huli na alagaan na lamang ang kanilang anak. Naging sakitin kasi ang baron. Nang maka-recover naman ito, pakiramdam daw ni Alma ay hindi na ito kailangan pa ni Red kaya pinili na lamang nitong pumirmi sa Elsree.

Hindi na nila mababago pa ang mga nangyari sa nakaraan. Pero hawak nila ang kasalukuyan at nasa kanila ang pagpapasya kung patuloy silang magpapakulong sa masakit na mga pangyayari sa nakalipas o kalilimutan na lamang ito at matutong magpatawad. Red chose the latter.

Napaka-elegante ng wedding gown ni Evangeline. It was an empire-cut embellished with Swarovski crystals. At bagaman nasa apat na buwan na ang ipinagbubuntis niya ay hindi iyon masyadong kapansin-pansin dahil sa tabas ng gown.

Gusto pa nga sana ni Evangeline na sa huwes na lang muna sila magpakasal para hindi siya magmartsang lobo ang tiyan, pero sabay pa halos na komontra ang Mama niya at si Red.

"Hindi lang ikaw ang unang bride na magmamartsang malaki ang tiyan. Anuman ang sabihin nila, I will still be the proudest mother and grandmother-to-be on your wedding day," madamdaming sabi ng kanyang ina.

"And I will be the proudest groom because I am marrying the most beautiful woman on the planet," 'ika naman ni Red.

Akala ni Evangeline ay mahihirapan siyang sabihin sa mga magulang—especially with her father—ang tungkol sa ipinagbubuntis niya. Pero mukhang nag-alala lang siya sa wala. Parehong na-excite ang mga magulang niya sa idea na finally ay magkakaroon na ang mga ito ng apo.

Parang hangin lamang na nagdaan ang ilang sandali. Nang mamalayan ni Evangeline ay magkaharap na sila ni Red. Deretsong nakatitig ang mga mata nito sa kanya. At talaga naman, kung posible pa ay parang mas lalo itong gumuwapo sa paningin niya sa suot nitong wedding suit. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagmamahal. At nang magsimula itong bigkasin ang wedding vow na inihanda nito para sa kanya ay awtomatikong nalaglag ang kanyang mga luha.

"Angel, every time I call you 'angel' it's not just a form of endearment. Magmula ng gabing makilala kita, binago mo na ang buhay ko. Ikaw ang anghel na nagbigay ng lakas sa akin para harapin ang mga takot ko. Ang matutong magpatawad, umunawa at magmahal nang walang reserbasyon. To be honest, medyo naduwag pa akong lumapit at manligaw sa'yo. Sa palagay ko kasi, masyado kang perpekto para sa isang tulad ko. But I summoned all the courage I could muster and woo you. At hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang sagutin mo ako. You are the center of my universe, angel. You are my strength, my healer, my love. And I thanked God for sending you to me. I am marrying you today not as a perfect man, but a man who will love you incessantly for the rest of his life."

Evangeline took almost two weeks to write her wedding vows. Pero pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Red ay parang nablangko ang utak niya. His eyes were misty at bahagyang garalgal ang boses nito matapos magsalita. At hindi niya kailangang lingunin ang mga guests para kumpirmahing tulad niya ay naging emsoyonal din ang karamihan sa mga ito.

"Baby, I love you. I love you so much," basag ang tinig na sabi niya. "Dalawang linggo kong pinag-isipan ang lahat ng salitang puwedeng makapaglarawan ng nararamdaman ko para sa'yo. But I can only sum it into three words. I love you. Ikaw lang. If I am your angel, to me, you are my hero. The night I met you, you didn't just save me from a broken heart. You also saved my heart and captured it to become yours, and yours alone. And today, I am taking your name as a sign of my pledge that I will love you until my last dying breath."

Kaagad na pinahiran ni Red ang mga luha ni Evangeline saka ito mahigpit na niyakap.

"I love you, too, angel."

Nagpalakpakan ang mga bisitang sumaksi sa kasal.

Nakailang tikhim pa ang pari bago nagbaklas ang pareha at humarap dito.

"You may now kiss the bride," nakangiting wika ng pari.

Masuyong ikinulong ni Red sa pagitan ng dalawang palad ang mukha ng kabiyak at kinintalan ito ng makapigtal-hiningang halik. Mainit na tumugon si Evangeline at ipinulupot ang mga braso sa leeg ng esposo. Masigabong palakpakan ng mga bisita at ingay ng fireworks ang pumutol sa mainit na halikan ng bagong kasal. Sumunod doon ang hindi magkamayaw na pagbati at yakap ng kanilang malalapit na mga kaibigan at kamag-anak.

Masaya at napaka-memorable ng kasal. Bawat bahagi ng programang inihanda ng wedding planner ay napakasaya para sa newly wedded couple. Nang ihagis ni Evangeline ang bouquet ay medyo disappointed ang bride. Iba ang nakasalo ng bouquet, hindi si Krista na siya sanang gusto niyang sumunod na ikasal. Gayunma'y masayang binati ni Evangeline ang nakakuha ng bouquet. Biniro pa nga niya iyon na huwag kaliligtaang imbitahin siya at ang asawa kapag ito'y ikinasal.

Matapos ang huling bahagi ng wedding program ay lumapit ang mag-asawa sa mesang kinaroroonan ng mga kaibigan ni Red. Parehong sweet na sweet ang pareha nina Zeke at Willa at ang mag-asawang Rafe at Anja.

"Asawa ko, pakasal na ulit tayo," malambing na pangungulit ni Zeke sa asawang si Willa.

"Kasal na tayo. Gagastos ka pa."

"Ang kuripot talaga nitong Misis ko. Huwag kang mag-alala, hindi ka gagastos maski isang sentimo."

Nagkatawanan ang kanilang grupo.

"How about you, sweetheart? Gusto mo bang magpakasal din tayo ulit?" si Rafe sa asawang si Anja.

"What's with these two today?" natatawang komento ni Anja. "Honey, two times na tayong ikinasal."

Nangingiti lang ang bagong kasal sa pakikinig sa usapan. Alam ni Evangeline na sa huwes lang ikinasal sina Zeke at Willa. As for Rafe and Anja, twice ng ikinasal ang mga ito. Una sa huwes at sumunod ay sa simbahan. Magarbo rin iyon at naging laman pa nga ng mga society pages.

"I'm just feeling romantic," ani Rafe. "Ang gandang panooring umiyak ni Red, eh. Nakakadala."

"Fuck you. Huwag kang sasakay sa yate ko. Lumangoy ka pauwi."

"Bakit naman ako lalangoy pauwi? Magpapasundo ako sa chopper namin."

Muli silang nagkatawanan sa biruan ng mga ito.

"Kidding aside, though, kinilig ako sa wedding vows niyo," ani Willa.

"Kaya nga dapat pakasal tayo ulit," giit ni Zeke. "I'm sure kapag ako na ang nagsabi ng wedding vows ko, hindi ka lang iiyak at kikiligin, asawa ko. Tiyak, bigla mo akong hihiritan ng triplets."

"Addict," namumulang kinurot ito ni Willa.

"Addict talaga ako sa'yo. Palagay ko nga malapit na akong matokhang."

"Ten years."

"What?"

"Sa tenth wedding anniversary natin. With or without your mother's blessing, let's have a church wedding."

"Promise 'yan, ha?"

"Promise."

"Guys, narinig niyo 'yon," excited na baling ni Zeke sa kanila.

"Heard and sealed, Mr. Sandejas," sang-ayon nilang apat.

"They sealed it, now let me seal it with a kiss," inabot ni Zeke ang asawa at mainit na inilapat dito ang mga labi.

Mukhang nako-conscious pa si Willa ngunit hindi ito tinantanan ni Zeke hangga't hindi tumutugon. Nangingiting nag-iwas ng tingin si Evangeline. Tulad nina Zeke at Willa, mainit na ring magkalapat ang mga labi nina Anja at Rafe. Pilyong nag-up and down ang mga kilay ni Red nang lingunin niya ito.

"Hmm," kinabig siya nito sa beywang hanggang sa mapaupo siya sa kandungan ng asawa.

"Mabigat ako," protesta niya ngunit kaagad namang ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Red.

"You weigh just fine, angel," he cupped her left cheek while his other hand wound around her body.

Banayad na naglapat ang kanilang mga labi. Kaytamis na tagpo ng tatlong pareha. At napaka-romantiko ng kanilang setting. Hapon ginanap ang kasal at ngayo'y latag na ang dilim. Maraming bituin sa langit at bahagyang nakasungaw ang bagong buwan. Muling sumabog ang makulay na fireworks sa kalangitan. Pare-parehong napatingin doon ang tatlong pareha.

"It's so beautiful," inihilig ni Evangeline ang ulo sa balikat ng asawa.

"You are more beautiful... and mine."

"Only yours."

Muling naglapat ang kanilang mga labi habang patuloy sa pagsabog ang makulay na fireworks. The wedding photographer captured that moment. Kinunan nito ng larawan ang very sweet na three couples. Sa background ay ang mabituing langit na kinulayan ng napakagandang fireworks.

The End