noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 20

Ch. 21 / 29 Feb 05, 2022

"I KNOW that you're boyfriend is rich and all, but I didn't know that he owns a freakin' humongous luxury yacht."

Pasimpleng siniko ni Evangeline ang kaibigang si Krista. Ang ingay kasi nito. Pinagtitinginan tuloy sila ng ibang guests. By social status, hindi sila matatawag na middle class. Ang mga magulang niya ay maituturing na silent millionaires since they both came from old money. Ngunit hindi sila tulad ng mga tipikal na mayayaman na magarbo sa lahat ng bagay. Her parents were very modest when it comes to spending. Kuntento na ang mga itong magbakasyon sa Europa o kung saang parte man ng mundo na magustuhan ng kanyang ina. Pero iyong gumastos pa ang mga ito sa mga materyal na bagay, ay hindi nila ginagawa. Katwiran ng mga ito ay malapit na sila sa kanilang golden years at mas gusto nilang mag-enjoy sa pagliliwaliw.

Si Red, sa kabilang banda ay parte ng pag-entertain nito sa mga kliyente ang pagbili ng ganoon kalaking sasakyang-pandagat. He owns several properties but he doesn't entertain his business colleagues and clientelles in his own home. Para rito ay off-limits ang pribado nitong buhay sa kinaaaniban nitong business circle. Kapag may kailangan itong i-host na pagtitipon ay sa yate nito iyon ginagawa o di kaya ay magpapareserba ito ng isang malaking venue.

Sa kasalukuyan ang party na iyon ay para sa tatlong island resort na sabay-sabay nitong bubuksan dalawang buwan mula sa gabing iyon. Dapat ay kasama niya ang mga magulang para sa okasyong iyon. Pero dahil may kompromisong natanguan ang mga ito bago ang gabing iyon, hindi sila nakasama. Two days ng wala sa bansa ang mga magulang niya. Dumalo ang mga ito sa kasal ng inaanak sa binyag sa Portugal. And knowing her parents, kapag umaalis ang mga ito ng bansa, mabilis na ang isang linggo bago sila umuwi.

"Irog, iwanan muna kita sandali," pasintabi ni Krista.

Lihim na napangiti si Evangeline nang masulyapan sa screen ng cellphone ng kaibigan ang pangalan ng tumatawag dito.

Fuckboy is calling.

"By all means, sinta. I'm sure Fuckboy is worried sick since you've been rejecting his calls for the last couple of hours."

"Nabilang mo 'yong oras?"

"Uh-hmm. Ako pa ba?"

"Psh. Sige, maiwan na muna kita at mukhang papalapit na rito ang Prince Charming mo."

Hindi na nasundan ng tingin ni Evangeline ang direksyong pinuntahan ng kaibigan dahil napokus na kaagad ang mga mata niya sa simpatikong lalaki na papalapit sa kanya.

"Bored?" masuyong tanong ni Red na hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalas sa pagkakapusod ng kanyang buhok.

"No. I love watching you talk in front of your guests. How you mesmerized them with your voice and your charismatic personality."

"I think I'm blushing."

Nginitian niya lang ito.

"I have a feeling that you captured a lot of adoring females tonight."

"I didn't notice since I only have eyes for one female. You."

Parang nalusaw ang puso niya sa kilig. Nang pagsalikupin ni Red ang kanilang mga kamay ay napasunod na lamang si Evangeline dito nang hatakin siya ng nobyo. Nagtungo sila sa pinaka-upper deck ng yate.

Walang ibang tao roon kaya solo nila ang deck. At tila sadyang inireserba ni Red ang lugar para sa kanilang dalawa. There was a table setting for two. At kaagad siya nitong ipinaghila ng mauupuan.

"Thank you."

"Alam kong hindi ka masyadong nakakain sa buffet kaya ipinahanda ko ito," inalis nito ang takip sa mga pagkaing naroroon.

"Wow, thank you," pero bigla siyang na-guilty dahil kasama niya si Krista.

"Don't worry about your friend. She's busy at the moment. I also asked one of my crew to look after her."

Touched talaga siya sa pagkamaalalahanin nito.

"Thanks."

They drink some wine and eat beef tenderloin steak.

"Tama nga si Krista," aniya habang inililigid ang mga mata sa kanilang paligid. "This ship is humongous."

Natawa ito sa sinabi niya.

"This probably worth a hundred million dollar."

Ikiniling lang nito ang ulo.

"Or more?"

"I only told Mr. Giuseppe Galliardi my specifications. The price was negotiable."

"How much is the negotiable?"

"About two-fifty."

"Two hundred fifty thousand?"

"Uh, two hundred fifty million."

Bigla siyang nasamid. Kaagad siyang inabutan nito ng isang basong tubig.

"Geez," bahagya niyang hinigit ang paghinga nang makainom.

"This is sort of an investment as well. Nirerentahan ito ng ilang foreign businessmen at mayayamang turista."

Napatango siya. Naisip na hindi naman pala ito ganoon kasimpleng mag-isip sa pagbili ng mga materyal na bagay. Lagi pa ring kakambal ang investment.

"But I bet, Mr. Galliardi is two hundred and fifty million dollars richer than you now."

He chuckled. "He is. He is a ship designer and a shipbuilder."

"Oh."

Tumayo ito mula sa kinauupuan at inilahad ang isang kamay sa kanya.

"Can I have this dance?"

Tatanungin niya sana ito kung nasaan ang tugtog nang marinig niya ang banayad na musika sa lower deck. May live orchestra na nag-e-entertain sa mga guests. At may assistant din si Red na siyang nag-i-intindi ng mga pangangailangan ng mga panauhin.

Kaagad na pumaloob si Evangeline sa mga bisig ng nobyo nang hapitin siya nito sa beywang.

"Do you want to spend the night here?"

"Do you have your own cabin?"

"I own the biggest cabin in this ship, angel."

"Then my answer is yes."

Kaagad na yumuko ito at pinaglapat ang kanilang mga labi. Mabilis na umakyat ang mga kamay niya sa batok nito. She opened her mouth and welcomed his questing tongue. Sabik na nagtagpo ang kanilang mga dila at magaslaw na naglaro. Napaungol siya nang marahang magtaas-baba ang kamay nito sa bare niyang likuran.

She's wearing a bareback black dress na ang haba ay sumasayad sa sahig. Nagdadalawang-isip pa siyang isuot iyon kanina. Ngunit sa pangungumbinsi ni Krista, isinuot na rin niya. At natuwa naman siya sa reaksyon ng nobyo nang sipatin siya nito ng humahangang tingin. Ang kaso nang matuklasan nitong masyadong bare ang likuran niya ay kaagad nitong hinubad ang suot na dinner suit at isinuot sa kanya.

Sa buong sandaling nagsasalita ito sa pagtitipon ay mahigpit siya nitong binilinan na manatili lamang sa isang tabi kung saan makukubli ang hubad niyang likuran. At mahigpit pa siya nitong pinabantayan sa kaibigan niya. Nakakaaliw minsan ang pagka-possessive ni Red. Samantalang si Grayson noon ay halos ipangalandakan siya sa lahat ng lalaki lalo at sexy ang kanyang suot. Parang siyang-siya ito na ipakita sa mga kabaro na meron itong sexy at kaakit-akit na nobya. Unfortunately, she was just a display girlfriend, iba ang pangkama nito.

"What's wrong?" mataman siyang pinagmasdan ng nobyo nang ikuwadro nito sa pagitan ng dalawang palad ang kanyang mukha.

May guilt na nagdaan sa mga mata ni Evangeline. Here she was, kissing her boyfriend and yet her mind was with her ex.

"If you're not comfortable spending the night here, ihahatid na lang kita pauwi," ani Red.

Mabilis siyang nagpakailing-iling.

"No. I want to be with you."

"Are you sure?"

"Very sure," tumiyad siya at hinagkan ito sa labi.

It's been a month since the last time they made love. Bagaman may ilang pagkakataon na rin silang nagkaroon ng heavy make-out ay parating bitin. Bukod sa naging busy sila pareho ay ramdam niya ang tila pagpipigil madalas ni Red. Ayaw kasi nitong mag-take siya ng contraceptive pill. Bagaman ayon sa pagbabasa-basa niya tungkol sa pills ay wala namang side effect iyon sa kalusugan ng babae.

Pababa na sila sa lower deck nang tumunog ang cellphone nito.

"Hey, Vince. Yeah, she's here. I invited her with my girlfriend. A date? No, she's not with someone. You want me to what? Tsk, as far as I remember I am not your errand boy. Fine. You owe me."

Nagtatakang nakamata lamang si Evangeline sa nobyo nang isilid nito sa bulsa ang cellphone.

"Who was that?"

"Your best friend's secret admirer."

"Secret admirer?" bigla siyang na-excite. "Sino?"

"Si Vincent."

"Si Vincent? As in Zeke's younger brother?"

"Yup."

"Oh, my."

"You look so thrilled," amused na puna ng nobyo at muling hinubad ang suit nito upang isuot sa kanya bago sila bumaba ng lower deck.

"I am. Simula kasi ng maging kaibigan ko si Krista, nasa pamilya na ang pokus niya. Wala siyang ibang bukambibig kundi ang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya. Kung isa akong fairy godmother, bibigyan ko siya ng isang perpektong Prince Charming. Someone who will swept her off of her feet and take her to his castle."

"Looks like your wish is finally granted."

Pagbaba nila ay magkasama na silang nakihalubilo sa mga bisita. Ipinakilala siya ni Red bilang kasintahan nito. At natuwa siya nang tila may pagmamalaki nitong sinabi na isa siyang mahusay na jewelry designer. Nang mabanggit ang jewelry line niya ay may ilang nakakilala at nagpahayag ng interes na i-commission siya. Tuwang-tuwa siya. Bago natapos ang pagtitipong iyon ay naubos niyang naipamudmod ang calling card na dala-dala niya.

"Someone looks so happy?" tudyo ng nobyo nang isandal siya nito sa pinto ng cabin pagkapasok na pagkapasok nila.

Si Krista ay ipinahatid ni Red sa personal driver nito kaya kampante na si Evangeline na maayos na makakauwi ang matalik na kaibigan.

"I am," ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok nito. "Bukod sa natitiyak kong dudumugin ng mga guests ang island resorts na bubuksan mo, natutuwa rin ako na mas lumawak pa ang market ng jewelry line ko. All thanks to you."

"Nothing comes for free, angel," makahulugang sabi nito nang hawiin ang business coat nitong nakasampay sa magkabila niyang balikat.

Nalaglag iyon sa sahig. Naramdaman niya ang paglalandas ng mainit nitong mga palad sa hubad niyang likuran. Magkasamang kilabot at kiliti ang sabay na naglakbay sa kanyang mga gulugod.

"What do you have in mind?" mapang-akit na tanong niya habang nakakagat-labi.

"Lick me."