noveltoon logo noveltoon
The Billionaire's Mysterious Lover

Chapter 27

Ch. 28 / 29 Feb 05, 2022

MALALAKAS na katok sa pinto ang bumulahaw sa tulog ni Evangeline. Nang tingnan niya ang oras sa kanyang cellphone ay mag-a-alas onse na ng gabi.

Shit naman.

Kung sinuman itong kumakatok sa pinto niya ay tiyak na makakatanggap ito ng bulyaw. Halos kalalapat pa lang ng likod niya sa higaan at bago pa lamang siyang naiidlip.

"Por Dios. Hindi mo ba alam kung anong oras na at nambu—" naputol ang iba pang sasabihin ni Evangeline at may ilang sandaling napaawang ang kanyang bibig nang mapagbuksan ang taong kumakatok sa labas ng kanyang pinto. "R-Red."

"I'm sorry, angel."

Ewan kung kaninong luha ang unang nahulog. Nanlabo na lang basta ang mga mata niya nang sunod-sunod na bumalong ang kanyang mga luha. Nang palisin niya iyon ng magkabilang kamay ay nakita niyang pati si Red ay basa na rin ng luha ang magkabilang pisngi.

"I'm so sorry, angel, for jumping to conclusion. I am such an idiot. Mahal na mahal lang kasi kita. Nang makita ko kayo ni... ng lalaking 'yon, ang unang pumasok sa isip ko ay pinatawad mo na siya at nakipagbalikan ka na sa kanya. Ever since I was a child ay wala na akong hinangad kundi ang makuha ang pagmamahal ng mga magulang ko, ng mga taong dapat ay siyang nag-aruga at nagpalaki sa akin. At nang akala ko ay nagkabalikan na kayo, isa lang ang naisip ko. Putang ina, mamamalimos na naman ba ako ng pagmamahal? Wala namang kaso sa akin 'yon, eh. Ang lumuhod at magmakaawa sa'yo para mahalin mo ako. Kaso ano ang magiging silbi ng pagmamakaawa ko kung siya talaga ang mahal mo?"

Tutop niya ang bibig habang nagsasalita ito. Damang-dama niya ang sakit sa bawat salitang binitiwan nito.

"I-I don't love him," napahikbi siya. Barado ang kanyang ilong at nananakit ang kanyang lalamunan sa labis na emosyon. "I... I guess I never r-really loved him at all. Just you, o-only you, Red."

Iyon lang at halos makalas ang mga buto niya nang kabigin siya nito. Ang higpit-higpit ng yakap sa kanya ni Red na tila ayaw na siyang pakawalan. Pero teka, may kasalanan pa ito sa kanya.

"I-I saw you. Alam kong sumama ang l-loob mo sa akin, pero... p-pero dapat bang harapan mo 'yong i-ipamukha sa akin at makipag-sex ka sa i-iba?" masama ang loob niyang sabi rito. Tinangka pa nga niyang kumalas sa yakap nito pero hindi siya pinawalan.

"I think someone here owes you an explanation," marahan siyang inilayo ni Red bagaman ang isang braso nito ay nanatiling mahigpit na nakapulupot sa beywang niya na para bang naniniguro na hindi siya basta-bastang makakalayo.

Mula sa likuran ni Red ay lumabas ang isang lalaki na parang xerox copy nito. Napakurap-kurap si Evangeline bago nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki.

"M-may kakambal ka?"

"No, he's my older brother. We're half-brothers, actually."

"Hola, buenas noches. My name is Juancho Delgado. And in behalf of my brother, I would like to ask your forgiveness for whatever happened that night."

Ipinaliwanag nito na alam naman daw nito kung sino talaga siya nang gabing magkita sila sa Club Red. Pero nang malaman nito mula kay Red na tapos na sa kanila ang lahat dahil sa inakala nitong pakikipagbalikan niya kay Grayson, naisip nitong itabla ang kapatid sa sakit ng loob na ibinigay niya.

"That was a very stupid thing to do, not to mention—very ungentlemanly—but you know what they say, blood is always thicker than water. I only did what an older brother would do to defend his younger sibling." Idinugtong pa nito na marami na raw itong atraso sa kapatid. Maiganti man lang daw nito kahit na kaunti ang kapatid sa sakit na idinulot niya ay masaya na ito. "I'm sorry. Had I known that it was just a simple misunderstanding, I would've done something to fixed the rift between the two of you."

Muli niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki. Medyo dim ang ilaw sa bar ng gabing iyon. Idagdag pang masyado siyang desperada noon na makausap si Red kaya hindi niya napagmasdang mabuti ang kaharap. But on close inspection pala, maraming kaibahan ang hitsura ng mga ito. For one, mas guwapo at super hot ang boyfriend niya.

"Ah, I think it's okay now, hermano. You can leave us," ani Red.

"Are you sure?" Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa reunited couple.

"I believed everything you said. Besides, Red doesn't have a tattoo," itinuro ni Evangeline ang tattoo sa kaliwang braso ni Juancho. Nakita niya iyon noong gabing nililingkis ito ng babae sa bar. Akala niya ay nagpa-tattoo ang nobyo dahil sa sama ng loob sa kanya. Pero hayun at kitang-kita niya, malinis na malinis pa rin ang braso ni Red.

"You noticed, huh? You're sharp, lady."

"Leave," pagtataboy ni Red. Kulang na lang ay hilahin ang kapatid para mawala na ito sa harapan nila.

"Okay, okay. Muy celoso," napailing-iling na lang ito. "It's an honor to finally meet you, Evangeline. I'll go back to your parents now and talk to them on behalf of my hermano."

"Talk to my parents?"

"Leave. Now." Pinandilatan na ni Red ang kapatid.

Tatawa-tawang umalis na nga si Juancho.

"Red?"

"Let's talk some more, angel. I miss you so much."

"Ako rin," mahigpit na naiyapos ni Evangeline ang mga braso sa leeg ng nobyo nang pangkuhin siya nito. Ang totoo ay kanina pa nanginginig ang mga tuhod niya dahil sa magkakasunod na sorpresa.

Naupo ito sa sofa at kinalong siya.

"Who told you?" aniyang isiniksik ang ilong sa leeg nito. Parang ang bango-bango nito ngayon. At mukha ring napaka-yummy kahit hindi nag-ahit ng balbas at bigote.

"Si Krista. Birthday ngayon ni Zeke at nagkita kami, magkasama sila ni Vincent."

"N-nagkausap kayo?" Bigla siyang kinabahan na baka nasabi na ni Krista ang tungkol sa dinadala niya.

"Parang ayaw pa nga akong kausapin. Hindi lang ako nakatiis na lumapit para kumustahin ka."

MANGUNGUMUSTA lang ako, iyon ang nasa isip ni Red nang lapitan si Krista habang kausap ni Vincent si Zeke. Pero kung may kaunting indikasyon na puwede pa niyang maagaw si Evangeline sa lalaking iyon ay itatakas niya ito at magpapakalayu-layo sila. Kahit tumira pa sila nito sa North Pole basta magkasama lang sila at malayo sa ex nito ay ayos lang.

Iyon ang naiisip niya bago bumuka ang bibig ni Krista at magsimula itong ratratin siya.

"You disappointed me, Mr. Madrid. Akala ko pa naman iba ka sa mga lalaking nakilala ko. Akala ko ikaw na nga ang karapat-dapat na lalaki para sa kaibigan ko. Pero wala ka rin palang ipinagkaiba sa karamihan. Mahina ka rin pala at walang paninindigan."

"Wait a minute, wait a minute. Ako ang ginago rito, bakit parang ako pa ang naka-agrabyado sa kaibigan mo?"

"Dahil iyon naman talaga ang totoo. And FYI, hindi ka ginago ng kaibigan ko. Ikaw ang nanggago sa kanya."

"Come again?" Nagsalubong ang malalagong kilay ni Red. Kulang na lang ay magpatiwakal siya sa sama ng loob dahil sa napakagandang eksena ng girlfriend niya at ng ex nito tapos siya pa raw itong nanggago.

"Totoo naman, eh. Hindi mo muna hinintay na makapagpaliwanag ang kaibigan ko. At wow lang, ha? Wala ka man lang delicadeza, harapan ka pa talagang nakipag-threesome sa mismong harapan ng best friend ko."

Parang umiikot ang ulo niya sa lahat ng lumalabas na salita sa bibig ni Krista.

"Hindi pa kami nagkikita ni Evangeline maliban ng araw na 'yon na makita ko ang napaka-sweet na eksena nila ng kanyang... boyfriend."

"Boyfriend? The last time I checked, ikaw ang boyfriend niya. Pero pagkatapos ka niyang makitang nakikipaglampungan sa iba, sa palagay ko ay hindi na bagay sa'yo ang titulong 'yon."

"I never had sex with anyone ever since we became official. I swear to God."

"Huwag mong gamitin ang pangalan ng Dios sa kasinungalingan mo. Sinundan kayo ni Evangeline doon sa bahay mo na malapit sa Club Red. Ano 'yon, gawa-gawa lang ng bestfriend ko? And FYI, kahit si Grayson na lang ang natitirang lalaki sa mundo ay hinding-hindi na makikipagbalikan pa si Vanj sa gunggong na 'yon. Nakipagkita lang naman sa kanya ang lalaking 'yon dahil may malaking pabor na hinihingi sa kaibigan ko. Likas lang na malambot ang puso nitong isa kaya kaagad na umoo. Pero inuulit ko, hindi siya nakipagbalikan kay Grayson. Naiintindihan mo?"

"Loud and clear. Gad. Where is she? How is she doing?" Shit. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Kung totoo ang lahat ng sinabi ni Krista, kailangan niyang makausap ito para makapagpaliwanag.

"Ano pa ba ang ini-expect mo? Kung ako siguro ang nakakita ro'n sa kalokohan mo, baka sinunog ko na ang bahay mo para ma-exorcise ang lahat ng masasamang elemento. At uunahin ko 'yong kama."

"Krista," hinawakan niya sa magkabilang punong-braso ang kausap at tuwid na tinagpo ang mga mata nito. "I swear to you, with everything I hold dear right now, hindi ako nakipag-sex sa iba mula nang maging girlfriend ko ang kaibigan mo. I love her, I love her so much. And it breaks my heart to think that she is hurting right now because of my stupidity. 'Yong tungkol doon sa nakita niya sa bahay ko, I can prove it to her na hindi ako ang lalaking 'yon. Trust me, okay? Kahit last na 'to, maniwala ka na hinding-hindi ko magagawang lokohin o saktan intentionally si Evangeline."

Mukhang nakumbinsi niya naman ito at kaagad na sinabi sa kanya kung nasaan si Evangeline.

"Ando'n sa working area niya, puntahan mo na bago pa bumaha. Palaging mugto ang mata, hindi na halos kumakain at laging kulang sa tulog."

"KAPAG pinaiyak mo pa ang kaibigan ko, ako na mismo ang kakatay sa'yo," pagtatapos ni Red sa kuwento nito.

Pinahid ni Evangeline ang luha sa magkabilang pisngi. Iba talaga ang kaibigan niyang 'yon.

Red cupped her face and dried her tears with his lips.

"I love you, angel. And I am so sorry for being an ass."

"Bakit ba kasi selos na selos ka kay Grayson? E, wala naman siya sa kalingkingan mo."

"Paano naman akong hindi magseselos? May picture pa nga siya rito sa working area mo."

"Meron? Nasaan?" nagpalinga-linga si Evangeline sa paligid niya.

Bihira naman kasi siyang maglinis ng working space niya. Ang maid naman niyang tagalinis doon ay sapat ng mag-vacuum lang sa lugar. Kabilin-bilinan niya kasi na huwag magtatapon ng kung ano at minsan may mga important notes siya na aksidenteng nadi-dispose.

"'Yun, o."

Pinagmasdan niyang mabuti ang sinasabi nito.

"Oh, you mean 'yong paper weight na may mukha niya? Nakita mo pa ang liit ng picture na 'yon? Eh, limot ko nga na may picture siya riyan kung hindi mo nabanggit sa akin. Believe me, babe, wala na siya sa system ko. Ikaw ang mahal ko, ikaw lang." Mainit niyang inabot ang mga labi nito.

Kaagad itong tumugon at maalab na sinipsip ang mga labi niya.

"I love you, angel, I love you so much."

"I love you, too. Will you marry me?"

Napahinto ito sa paghalik sa kanya at parang natutubigang napatitig nang matagal sa kanyang mukha.

"I'm asking you to marry me not because I'm pregnant. I'm asking you to marry me because I love you."

"Y-you're pregnant?"

Mukhang sa haba ng sinabi niya ay iyon lang ang natatak sa utak nito.

"M-magiging Daddy na ako?"

"Yes. H-hindi ba sinabi sa'yo ni Krista?"

"No. Oh, God. Magiging Daddy na ako, yee-haaa!" tuwang-tuwa itong binuhat siya at inikot.

Napangisngis na lang si Evangeline saka isiniksik ang mukha sa leeg nito. Ang bango-bango talaga nito .

"By the way, angel, yes. I will marry you. In fact, nasa bahay niyo ngayon ang kapatid ko kasama ang mga kaibigan ko para mamanhikan."

"Oh, my God. Seryoso ka?"

"Seryoso. Kapag hindi ka pa pumayag na magpakasal sa akin ngayon, magpapakamatay na talaga ako."

"Baliw!"

"Ikaw lang. Ikaw lang ang babaing may kakayahang magpabaliw sa akin nang todo."

Muli na naman sanang magdidikit ang kanilang mga labi nang abalahin sila ng mga katok sa pinto.

"Lovers, ipinapatawag na kayo ni Mr. Quirino. Pag-usapan na raw muna ang kasal bago ang honeymoon," boses iyon ni Zeke.

"Got it, man. Susunod na kami."

"You have one minute," parang nang-aasar pang sabi nito.

Napilitang tumayo ang magkasintahan. Tinulungan pa ni Red na ayusin ang buhok ni Evangeline bago hawak-kamay na lumabas ang mga ito.

"Wait, I think I need to shave first. Nakakahiya sa parents mo."

"Don't worry, you still look hot."

"Really?"

"Really."