noveltoon logo noveltoon
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 8

Ch. 8 / 29 Feb 05, 2022

NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Etheyl mula sa titig ni Calyx habang tumitingin siya sa naggagandahang bulaklak sa loob ng isang malaking green house. Ayaw niyang salubungin ang mga mata ng binata dahil kaagad na bumibilis ang tibok ng kanyang puso at ayaw niyang maramdaman iyon.

Hindi iyon makabubuti sa kanya.

“Nakatanggap ka na ba ng bulaklak?” biglang basag ni Calyx sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa.

Huminga si Etheyl nang malalim bago sumagot. “Oo,” sagot niya habang hinahawakan ang magagadang bulaklak sa paligid niya. “High school ako noon. Bigay ng boyfriend ko.”

“Boyfriend?” May talim ang boses nito na ikinakunot ng noo niya. “Hindi kaya ang bata mo pa para mag-boyfriend? High school? Really?”

Natatawang binalingan niya ang binata. “Ano naman ngayon kung bata pa ako? High school pa lang ay may boyfriend na ako. Wala namang masama roon kasi alam ko naman ang tama sa mali at pinagbutihan ko naman ang pag-aaral ko. Vincent was my first boyfriend. Nag-break kami after college graduation.”

“Oh.” He sounded relieved. “Bakit kayo naghiwalay?” tanong nito kapagkuwan.

Tumalikod siya kay Calyx bago sumagot para hindi nito makita ang lungkot sa mukha niya. “Kasi may nangyari, `tapos kasalanan ko. Kaya naghiwalay kami.”

“Kung ganoon, hindi ka niya mahal.”

Nakakunot ang noong hinarap ni Etheyl ang binata. “At sino ka para sabihin `yon?”

“I’m Calyx Vargaz and I can say whatever I want because we have freedom of speech.” Bumuntong-hininga ito, saka namulsa at matiim siyang tiningnan. “At saka nasabi ko `yon dahil kung talagang mahal ka niya, hindi ka niya iiwan kahit ano pa man ang mangyari.” Nginitian siya nito. “Anyways, what’s your favorite food?” Pag-iiba nito ng usapan na ikinahinga niya nang maluwag. “Sabi nila, malalaman mo raw ang gusto ng isang babae sa pamamagitan ng pagkain na paborito niyang kainin.”

Inungusan niya ito. “At saan mo naman nakuha `yan?”

Ngumisi ito. “Kay Mr. Suave.”

Mahinang natawa si Etheyl. “Inaasahan ko na sasabihin mong sa isang article mo `yon nabasa pero kay Mr. Suave talaga?” Umiling-iling siya habang nakangiti pa rin. “Ewan ko sa `yo, Calyx. Hindi ka matinong kausap.”

“Matino ako,” depensa nito sa sarili habang nakapamulsa pa rin at nakatingin sa kanya.

“Akala ko ba hindi ka nagsisinungaling?” usisa niya sa binata habang nakataas ang isang kilay. “Nagsinungaling ka ngayon, eh.”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Calyx. “Matino akong kausap. Pero bilang isang lalaki? No. Hindi ako matino.”

“`Buti inamin mo. Hindi ka naman kasi talaga matino.”

Mahina itong tumawa. “Guwapo naman ako.”

Napapantastikuhang napatitig si Etheyl sa binata. “Anong kinalaman n’on sa pinag-uusapan natin?”

“Because it’s a fact,” sabi ni Calyx, saka kinindatan siya na ikinabilis ng tibok ng puso niya.

Nag-iwas ng tingin si Etheyl. Ibinaling niya ang mga mata sa iba’t ibang klase ng rosas na nasa kanang bahagi ng green house. “Ang gaganda naman ng mga `yon.”

“Yeah. Agree.”

Bumaling siya sa binata. Parang tumalon ang puso niya nang mahuli itong titig na titig sa kanya. Mas bumilis pa lalo ang tibok ng kanyang puso nang maglakad ito palapit. Tumigil lang ito nang ilang dangkal na lang ang layo ng mga katawan nila.

Etheyl could feel the heat of his body and it’s affecting her rational thoughts again. This is not good! Damn it!

“Calyx…” mahina niyang sambit.

Umangat ang kamay ng binata, saka hinaplos ang pisngi niya habang matiim pa ring nakatingin sa kanya.

“You’re really beautiful, Etheyl,” pabulong nitong sabi habang paunti-unting lumalapit ang mukha sa mukha niya. “The most beautiful woman I have ever seen.”

Parang nagkabuhol-buhol ang paghinga ni Etheyl nang maramdamang humaplos ang mga labi nito sa mga labi niya. Oh, God…

“Calyx…”

“Can I kiss you?” he asked in a whisper.

Napalunok siya. “N-no?”

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “I’ll take that as a yes.”

Nahigit ni Etheyl ang hininga nang sakupin ni Calyx ang mga labi niya at ipinasok ang dila sa kanyang bibig. Mahina siyang napadaing nang mas diniinan pa nito ang paghalik sa kanya at mas naging mapusok ang bawat dampi ng mga labi. Parang may sariling isip ang mga braso niya na pumulupot sa leeg ng binata at tinugon ang mapusok nitong halik.

Parehas silang napadaing dala ng pagtugon niya sa halik nito. Mariin siyang napapikit nang mag-espadahan ang mga labi nila. Mas napapadaing pa siya dahil sa masarap na sensasyong nararamdaman.

Parang nakuryente ang balat ni Etheyl nang maramdamang lumapat ang kamay ni Calyx sa mga hita niya, saka dahan-dahan iyong gumapang pataas, tinatahak ang daan patungo sa kaselanan niya.

Pero bago pa makarating ang kamay nito sa destinasyon, nakarinig siya ng malakas na tikhim dahilan para mabilis na bumitaw siya kay Calyx at nag-iinit ang mga pisnging nagbaba ng tingin sa lupa.

Nakakahiya! Her cheeks burned even more when Calyx spoke.

“Sorry. Can’t help ourselves.”

“Pasensiya na, naistorbo ko kayo, Mr. Vargaz,” sabi ng boses ng isang lalaki na medyo may-katandaan na. “Pumunta lang po ako rito para sabihing nakahanda na ang lahat.”

“And my requests?” Calyx asked.

“All were approved and granted,” sagot ng lalaki.

“Thank you.”

“You’re very much welcome, Sir.”

Nang maramdaman ni Etheyl na wala na ang lalaki, kaagad siyang nagtaas ng tingin, saka nakakunot ang noong tumingin kay Calyx. “Sino `yon?”

“Ang namamahala sa flower farm na `to.” Lumapit ito sa kanya, saka inabot ang kamay niya at pinagsiklop ang kamay nila. “Let’s go?”

“Saan?” naguguluhang tanong niya. “Hindi ko pa nakikita `yong mga orchids sa kabila. Nandito na lang din naman tayo, puntahan na natin.”

“Mamaya na `yan.”

Kunot ang noong nagpatianod siya kay Calyx nang hilahin siya nito palabas ng greenhouse at naglakad sila sa isang maliit na pathway na napapalibutan ng kulandong na gawa sa pinaghalong bulalak at dahon.

“Saan ba tayo pupunta?” naguguluhang tanong ni Etheyl nang makalabas sila sa pathway at tinahak naman ang daan patungo sa isa pang pathway na may nakakulandong din na mga bulaklak at dahon.

“It’s a surprise,” sabi ni Calyx, saka hinawi ang makapal at maraming mahahabang kulandong ng dahon at bulaklak. Iginiya siya nito papasok sa loob.

And all Etheyl could do was gape at the sight inside the thick canopy of leaves and flowers.

Hugis pabilog ang loob niyon at napapalibutan ng magagandang orchid na lalong gumanda sa paningin niya dahil sa mga maliit na ilaw na nakapalibot sa puno ng orchid na nagbibigay liwanag sa buong paligid. At sa gitna niyon ay may nakalatag na picnic blanket at dalawang picnic basket na sumisilip pa ang champagne mula sa loob.

“Is this…” Ang naguguluhan niyang mga mata ay tumuon kay Calyx na nakatingin sa kanya. “A-anong… a-ano ba ang…” Hindi siya makapagsalita nang deretso dahil sa mabilis na tibok ng puso niya.

A sexy irresistible smile stretched on Calyx’s lips. “This is for you.” Iminuwestra nito ang kamay sa picnic blanket. “Our date.”

Umawang ang mga labi ni Etheyl. “Akala ko `yong… `yong sa greenhouse…`yon na `yon.”

Nginitian siya ni Calyx, saka nauna nang umupo sa picnic blanket. Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito habang nakatingala sa kanya. “Come here. Sit.” Calyx tapped the space beside him again when she didn’t move. “Upo ka na rito. Pinahanda ko `to para sa `yo kaya upo na.”

Dahan-dahang umupo si Etheyl habang nakatanga pa rin sa binata. Ang akala niya, sa restaurant sila kakain pero nagpahanda pala ito ng picnic para sa kanila... para sa kanya. She could feel her heart melting.

Nakamasid lang siya kay Calyx nang buksan nito ang isang basket at kumuha roon ng dalawang pinggan, dalawang set ng utensil, dalawang bote ng mineral water, dalawang baso, saka inilabas na din ang champagne. Sunod nitong binuksan ang isa pang basket na puno naman ng pagkain.

“Pinaghandaan mo talaga `tong date natin?” tanong niya na lihim na napapangiti.

Naglagay ng pagkain si Calyx sa pinggan, saka ibinigay sa kanya. “Oo naman. Sa tingin mo basta-basta kitang dadalhin sa isang date na hindi ako handa? No freaking way, beautiful.”

Ang gulat na naramdaman ni Etheyl ay napalitan ng kilig at kasiyahan. It’s nice to be treated like this. Mula nang ipinanganak niya si Seth, wala nang trumato sa kanya ng ganito. Tuwing nalalaman ng kalalakihan na nakaka-date niya na may anak na siya, mas mabilis pa sa alas-kuwatro na kumakaripas ang mga ito ng takbo palayo o kaya naman iba ang gusto sa kanya kaya nagtatagal.

And then Cole Paller came. Ang akala ni Etheyl, iba ito sa lahat ng lalaki na nakilala niya. He made her feel loved and he bonded with Seth like what a father would do to his son. Hinayaan niya na mahulog ang loob niya rito pero nalaman niyang sex lang pala ang habol nito sa kanya. Mas masakit ang nangyari kasi kahit papaano ay naging mahalaga ito sa kanya.

Bakit ba niya nakalimutan na sex naman talaga palagi ang habol ng mga kalalakihan sa mga single parent na katulad niya.

Ang akala siguro ni Cole ay basta-basta siyang makikipag-sex dahil may anak na siya. No way! Gusto niyang ipagmalaki siya ng anak. Pero nabali ang paniniwala niyang iyon nang dahil sa binatang kaharap ngayon.

Calyx Vargaz…

Sa lahat ng lalaki na naka-date ni Etheyl, kay Calyx lang siya nakipagtalik. Hindi niya alam kung sex lang ang habol ng binata sa kanya o ano. They already had sex. Ano pa ba ang kailangan nito sa kanya? Wala na siyang maibibigay pa rito na kahit na ano.

“Ang layo ng tingin mo,” sabi ni Calyx sa kanya.

Napakurap-kurap siya. “May naisip lang ako.” Wala sa sariling iniawang niya ang mga labi nang iumang nito ang kutsara na may lamang kanin at ulam sa bibig niya. “Thanks.”

“Welcome.” Nginitian siya nito at kumuha uli ng pagkain at isinubo naman iyon sa sarili. “Ang sarap talaga magluto ni Melody.”

Nagsalubong ang kilay ni Etheyl nang marinig ang pambabaeng pangalan na iyon. Hindi niya napaghandaan ang selos na naramdaman. Nagulat siya nang maramdaman ang selos na namahay sa puso niya.

“Sino siya?” mataray niyang tanong. Nagpapasalamat siya na hindi napansin ni Calyx ang matalim niyang boses.

“Melody Cortez. She’s my cousin. Magaling siyang magluto.” He chuckled liked he remembered something. Halata sa mukha nito na close ito sa pinsan. “Kumakain iyon ng death threat sa umaga. Sina Tita Mikee na kapatid ng mommy ko na mommy ni Melody, palaging nag-aalala. Well, Melody is a criminal lawyer. Hindi maiiwasang makatanggap siya ng death threats.”

Parang gumaan bigla ang pakiramdam ni Etheyl nang malaman na pinsan naman pala ng binata ang babaeng binanggit.

“Ah…” Tumango-tango siya. “Mabuti ipinagluto ka. Hindi ba siya busy sa trabaho?”

“We’re tight,” may munting ngiti sa mga labi na sagot ni Calyx. “Nang malaman niyang para sa date ko `to, ipinagluto kaagad niya ako.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “So, palaging siya ang nagluluto kapag may picnic date ka?”

Umiling ang binagta. “I don’t do dates, Etheyl.” Hindi ito deretsong makatingin sa kanya. “I don’t date my women. I just fuck them. I’m an asshole kind of guy.”

I know. Gusto niya iyong sabihin kay Calyx pero pinigilan niya ang sarili. Alam ni Etheyl kung anong klase itong lalaki. Alam niya kung gaano karami ang mga babaeng pinaiyak nito. Pero kahit alam niya iyon, heto pa rin siya, pinipigilan ang sariling magkagusto sa binata.

Nahiga siya sa picnic blanket at tumingin sa kalangitan na puno ng nagkikislapang mga bituin.

“Ayoko sa mga katulad mong lalaki,” sabi niya at nakita niya mula sa gilid ng mga mata na bumaling sa kanya ang binata.

“Bakit naman?”

“Kasi nananakit kayo.”

“Alam ng lahat ng mga babaeng na-involve sa akin na ayoko sa commitment. They’re okay with it, they say.”

Mapait na ngumiti si Etheyl. Iyon din kaya ang iniisip ng lalaking nakabuntis sa kanya?

“Kahit ano pa ang sabihin at idahilan mo, nanakit ka pa rin. Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman ng mga babaeng sinaktan mo at hindi mo man lang sila pinahalagahan? Did you even thank them for pleasuring you?”

Natahimik si Calyx.

Huminga siya nang malalim at tumingin kay Calyx na nahuli niyang malayo ang tingin.

“Calyx?”

Calyx slowly looked at her direction. “Yes?”

Bigla siyang nawalan ng gana. “Iuwi mo na ako.”

Nanlaki ang mga mata nito. “No. Mamaya na. Hindi pa nga nangyayari ang ipinunta natin rito.”

Kumunot ang noo ni Etheyl. “Bakit mo nga ba ako dinala dito bukod sa paborito mo itong puntahan noong bata ka pa?” Nang hindi ito magsalita, tumalim ang mga mata niya. “Kapag hindi mo sinabi sa akin—”

Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang may mahagip na liwanag ang mga mata niya. Kaagad na tumuon doon ang kanyang tingin at dahan-dahang umawang ang mga labi niya nang makita ang maraming paper lantern na may iba-ibang hugis at kulay ng bulaklak at lumulutang iyon pataas.

Ang ganda…

“I brought you here for this,” sabi ni Calyx. “Noong bata ako, palagi akong isinasama ni Mommy rito at palagi silang nagpapalipad ng mga paper lantern na hugis bulaklak. I know it’s cliché to give you flowers on our first date so I figured, why not give you floating paper lantern flower instead?”

Nawala ang pait na nararamdaman ni Etheyl kani-kanina lang. Nabalot ng kakaibang damdamin ang puso niya para kay Calyx. This man really knew how to melt a woman’s defenses and hers just half-melted. This picnic and floating flower paper lantern flower? Damn. Hindi tumigil ang mabilis na pagtibok ng puso niya mula pa kanina.

Naramdaman niyang nahiga si Calyx sa tabi niya at pinagsalikop ang mga kamay nilang dalawa.

“Sana nagustuhan mo,” bulong nito. “Happy first date, Etheyl.”

Hindi niya napigilan ang mapangiti. “May happy first date pala?”

Calyx chuckled. “Wala. Gawa-gawa ko lang `yon. Pampadagdag pogi points.”

Natawa siya sa sinabi ng binata. “Additional one point then.” She looked at Calyx and saw him staring at her. “What?”

Umiling ito. “Nothing. I just want to say thank you.”

“Thank you saan?”

“Salamat at nakipag-date ka sa `kin, kahit pa nga pinilit lang kita. Sana nag-enjoy ka na kasama ako.”

Na-touch siya sa pagpapasalamat nito. “Hindi ko sasabihing ‘you’re welcome’ kasi nag-enjoy din naman ako na kasama ka. So thank you, too.”

Tumagilid ng pagkakahiga si Calyx at dumukwang palapit sa kanya para gawaran siya ng halik sa mga labi. She should have pulled away. Pero hindi niya magawa. Kahit pa nga sinasabi ng isip niya na hindi puwede, iba naman ang idinidikta ng katawan niya.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, walang namutawing salita sa mga iyon. They just looked into each other’s eyes and smiled at each other.