TATLONG buwan na ang nakalipas at kasal na ni Calyx at Etheyl sa makalawa. Sa tatlong buwan na `yon ay inaasikaso nila ang kanilang kasal, sa penthouse na niya pinatira ang kanyang mag-ina. Calyx pampered them. Lahat ng gusto at pangangailangan ni Etheyl at Seth ay ibinigay niya.
His parents were more than happy to know that Seth was really his son. Ang ate naman ni Etheyl ay natanggap na siya at tinulungan silang asikasuhin ang kanilang kasal ng nakababata nitong kapatid.
And now, he was sitting on his couch in his stag party. Ayaw naman talaga niyang magkaroon ng stag party pero ang mga kaibigan niyang may mga saltik, hindi daw papayag na walang ganoon kasi nga isang beses lang daw siya na ikakasal.
“Hello, people!” sigaw ni Iuhence na kakapasok lang sa penthouse niya. “The handsome men are here!”
Pumasok si Iuhence, Tyron, Lander, Train at Valerian. Nauna nang dumating sila Knight na kasama ni Shun, si Dark, si Ream at si Ymar. Hindi nakarating ang kambal na Coleman dahil nasa Caribbean ang dalawa. Si Cali naman ay hindi sinasagot ang tawag nila kaya wala rin dito ang lalaki.
Itinirik na lang ni Calyx ang mga mata ng makitang gumiling-giling si Iuhence habang naglalakad papasok at gumaya naman ang iba pa nilang kaibigan na kasama nito.
Naupo ang iba sa sofa at ang iba naman ay sa sahig na umupo. Parang sariling bahay iyon ni Lander na kumuha ito ng beer sa refrigerator niya at binigyan isa-isa ang naroon.
“Bud.” Tinapik ni Lander ang balikat niya. “Mag- preside ka na.”
Sarkastikong napatingin siya kay Lander. “Ano ako, president n’yong may mga saltik?”
Tumawa si Ymar. “Hindi, miyembro ka lang. Si Tyron ang president, eh. Pero ikaw ang ikakasal kaya tumayo ka na riyan.”
Calyx rolled his eyes. Napipilitang tumayo siya at naglakad patungo sa unahan, saka hinarap ang mga kaibigan niya.
“Hi.” Kumaway siya. “This is my stag party and no girls are allowed. Sorry. Baka kasi hindi ako siputin ng bride ko sa makalawa.”
Some of his buwesitors groaned in disapproval.
Natatawang tumayo si Tyron at itinaas ang kamay para tumahimik ang lahat.
“Guys, how about we just drink until we can’t walk anymore?” suhestiyon ni Tyron.
Itinaas ni Iuhence ang kamay. “Agree.”
Nagtaas din ng kamay si Valerian. “Okay lang sa `kin basta hindi ko makakainuman ang dalawang `yon,” sabi nito sabay turo kay Shun Kim at Knight Velazquez na magkatabing nakaupo sa sahig.
Umatake na naman pala ang pagiging history freak ni Valerian.
Sa halip na mainsulto ang dalawa na tinuro ni Valerian, tinawanan lang ng mga ito ang binata. Alam nilang lahat kung gaano kaapektado si Valerian pagdating sa mga singkit at espanyol.
“Suck it up, Volkzki,” sabi ni Shun na nakipag-cheers pa kay Knight. “Wala ka nang choice dahil narito kami.”
“Yeah.” Tumango-tango si Knight. “Suck it up, best friend.”
Itinaas ni Shun ang beer kay Valerian. “My best friend.”
Valerian glared at Shun and Knight. “Don’t call me that.”
Napabuntong-hininga na lang si Calyx. Heto na naman po sila. Kaya hindi nila pinagsasama si Valerian, Knight at Shun, eh. Kasi palaging nagkakasagutan ang dalawa at masakit sa tainga na makinig.
“Shut up, you three!” sigaw ni Train at itinuro ang sampong vodka na dala nito na nasa gitna ng mesa. “Ubusin na lang natin `yan at uuwi ako kaagad dahil buntis ang asawa ko.”
Tyron rolled his eyes at Train. “May anak din ako na dapat ay binabantayan ko ngayon kaya huwag kang magreklamo riyan.”
“So? Buntis ang asawa ko,” sabi ni Train.
“Oo nga pala. Kailangan ko na ring umuwi maya-maya,” sabi ni Lander.
“Yes. Pinapauwi ako kaagad ni Misis,” sabi ni Iuhence.
“Hep-hep!” Awat niya sa mga ito na sabay-sabay na nagsasalita.
“Should we say hooray?” inosenteng tanong ni Dark.
“Yeah. Should we?” sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan niyang may mga saltik sa utak.
Bumuga ng hangin si Calyx at napailing-iling. “Ewan ko sa inyong lahat.” Bumalik siya sa pagkakaupo sa couch at ganoon din ang ginawa ni Tyron.
Walang imik silang uminom hanggang sa tumayo si Ream at inilagay sa gitna nila ang bote ng beer nito na wala nang laman at pinaikot iyon.
Nang tumigil ang bote, nakaturo `yon kay Train.
Train frowned. “What now?”
Ream grinned evilly. “Let’s play dare.”
Train rolled his eyes. Gawain na nila ang larong ito noong college sila sa Stanford.
“Okay,” sabi ni Train na nagkibit-balikat. “Let’s play.”
“Okay.” Pinagsiklop ni Ream ang mga palad at ngumisi. “I dare you to go outside this building and dance for five minutes without music.”
Ngumanga si Train. “What? No way!”
“Yes way.” Nakangisi pa rin si Ream. “Or else you’ll pay me one million and I’ll call you chicken for a year. How’s that sound?”
Binato ng masamang tingin ni Train si Ream at nagmamadaling lumabas ng penthouse niya. Sila naman ay tumatawang sinundan si Train.
Makadalawang beses bumalik ang elevator bago sila lahat nakababa sa lobby. Pinagtitinginan sila ng mga taong nakakasalubong nila. And when they were already outside the building, Train stood near the parking lot.
“Dance now, Wolkzbin.” Nakangising sabi ni Ream.
Huminga muna nang malalim si Train bago nag-umpisang sumayaw. Para itong may epilepsy kung magsayaw. No rhythm, no whatsoever. Basta makasayaw lang ito. Hindi na sila magtataka kung ang tingin ng mga taong nakakakita kay Train ay sinasapian ng masamang espiritu.
Lahat silang magkakaibigan ay sapo-sapo ang mga tiyan sa sobrang katatawa sa sayaw ni Train. Hindi talaga tumigil si Train sa pagsasayaw hangga’t hindi nauubos ang five minutes. Halos gumulong na sila sa semento sa katatawa. Si Train naman ay nakapikit lang dahil siguro sa hiyang nararamdaman.
Pagkalipas ng five minutes, walang sabi-sabi na inagaw ni Train and bote ng beer na hawak ni Ream at pina-form sila ng circle. Pagkatapos ay pina-ikot ni Train ang bote at siya ang tinuro niyon!
“Fuck! No!” Hiyaw niya sabay takbo papasok sa loob ng gusali pero napigilan siya ni Shun at Ymar.
“No way, Calyx! You’re doing this shit!” sigaw ni Train na namumula pa ang pisngi sa hiya. “I dare you,” tinuro siya nito, “to stand in the side walk and loudly sing ‘I love You, You Love Me’ by Barney.”
Nagtawanan ang mga kaibigan niya, siya lang ang hindi natatawa.
Nakabusangot siyang naglakad patungo sa sidewalk at sapilitang kinanta ang barney song.
“I love you. Y-you love me—”
“Louder, Vargaz!” nakangising sigaw ni Train sa kanya.
Calyx gave Train a middle finger before continuing. “We’re a happy family. With a great big hug and a kiss from me to you—” Someone passed by him and gave him a funny look. Pinagsawalang bahala niya iyon at kinapalan nalang ang mukha. “—won’t you say you love me too.”
Dahil sa pinaghalong inis at hiya na nararamdaman, nilapitan niya ang mga kaibigan niya habang patuloy na kumakanta. “I love you. You love me. We are friends like friends should be—” hinawakan niya ang kamay ni Tyron at ginawang microphone.
“Hey! Stop it, Vargaz!” saway ni Tyron pero hindi siya nakinig.
“—with a great big hug—” bigla niyang niyakap si Train na mabilis siyang itinulak.
“Fuck, man! Stop that!” Train shouted, so horrified.
Calyx gave Train a flying kiss. “—and a kiss from me to you—”
“Fuck you, man!” sigaw na naman ni Train.
“—won’t you say you love me too.” Nang matapos niya ang kanta nginisihan niya si Train. “That’s what you get for daring me.”
Halos gumulong na sa kakatawa ang iba nilang kaibigan samantalang hindi maipinta ang mukha ni Train at talagang masama ang tingin sa kanya.
Siya naman ang umagaw sa bote ng beer at pina-circle ang mga kaibigan niya. Pinaikot niya ang bote at tumigil iyon na nakaturo kay Valerian.
Napangisi siya. Kanina pa niya iniisip ang dare na `to.
Tinuro ni Calyx ang grocery store na nasa harap ng Building kung nasaan ang penthouse niya.
“See that store?”
Napapantastikuhang tumango si Valerian. “Yeah?”
“Pumasok ka roon at bumili ka ng sanitary napkin and in the counter, tell the cashier lady that you have a menstruation today.”
Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa siya nakabulagta sa sahig sa uri ng pagkakatingin sa kanya ni Valerian. “Gago ka talaga, Vargaz! Gago!” sigaw nito habang naglalakad patungo sa grocery store.
Pare-pareho silang mapa-pride na magka-kaibigan kaya naman walang magpapatalo sa dare na `to.
Pasimple silang pumasok na magkakaibigan sa grocery para tingnan ang gagawin ni Valerian.
They were already chuckling as Valerian confidently strode towards the rack where the sanitary napkins were. Nang makita nilang kumuha si Valerian ng sanitary napkin at naglakad patungo sa counter, sapo na nila ang kanilang mga tiyan. Masakit na masakit na.
Valerian’s irritated face could not be drawn even by a famous painter.
“Here.” Inilapag ni Valerian ang sanitary napkin at tumingin sa babaeng cashier na nagpapa-cute yata para kay Valerian. “One sanitary napkin.”
The cashier checked it and Valerian paid it. Akmang aalis na si Valerian nang magtama ang mga mata nilang dalawa.
Calyx wiggled his eyebrow at Valerian making Valerian cursed.
Nilingon ni Valerian ang cashier at nakatiim-bagang na sinabing, “I have a menstruation today.”
Humagalpak siya ng tawa nang makitang nawalan ng kulay ang mukha ng cashier. It was epic. Masakit na ang tiyan nila sa kakatawa.
Nang makalabas si Valerian, tinapon nito sa basurahan ang sanitary napkin habang paulit-ulit na nagmumura. “Fuck! Fuck! Fuck! Fuck! Fuck you Vargaz!”
Nang kumalma na si Valerian, magsalubong ang kilay nito na inagaw sa kanya ang bote at pinaikot. When the bottle pointed at Knight, lahat sila natigilan.
“Holy shit.” Sambit ni Shun na parang kinakabahan sa ipapagawa ni Valerian kay Knight.
Valerian smirked evilly. “I dare you.” Itinuro nito si Knight, “to went back to that building,” Itinuro nito ang building kung nasaan ang penthouse niya. “Pick a random unit, knock on the door, at kahit sino pa ang may-ari ng room na iyon, you will dance for him/her like a stripper.”
Hindi na sila magtataka kung aayawan ni Knight ang dare na iyon ni Valerian. He was a freaking royalty after all. But Knight shocked them by grinning happily and shouting, “hell, yeah!”
Patakbo silang lahat na bumalik sa building at nagtungo sa fifth floor. Knight was looking for a random room when he stopped on room 510. Lahat sila naghihintay sa sunod na gagawin ng Spaniard count.
Knight knocked on the door and seconds later, the door opened showing a woman in her simple pajamas.
“What is—” hindi na natuloy pa ng babae ang sasabihin ng mag-umpisang gumiling-giling pababa si Knight.
Napasinghap ang babae habang titig na titig kay Knight na sumasayaw.
“Oh yeah…” daing ni Knight habang unti-unting hinuhubad nito ang pang-itaas na damit.
“Oh, God!” Napatili ang babae nang dumako ang kamay ni Knight sa butones ng pantalon nito.
Ibababa na sana nito ang pantalon pero pinalibot ni Valerian ang braso sa leeg ni Knight at hinatak patungo sa elevator ang Spaniard count.
Nagtawanan na lang silang magkakaibigan. Valerian and Knight were so weird.
Pinapagalitan ni Valerian si Knight sa pagboborles nito. Sinaysayan na naman nito si Knight ng kung ano-anong batas at sinabi pang Exhibitionist daw ang lalaki.
Knight just rolled his eyes. “Whatever, Val.”
“Don’t call me that.”
Bumaba sila sa lobby. Lahat ng empleyadong nakakasalubong nila sa lobby ay napapatingin sa kanila na parang ang wi-weird nila. Lalo na kay Knight na walang suot na pang-itaas. Girls ogled Knight’s body while men snorted.
They formed a circle again. Natatawang inagaw ni Knight ang bote ng beer kay Valerian at pinaikot iyon. It pointed to Shun.
“Hell, no,” sambit ni Shun at umiiling-iling pa.
Knight grinned. “Hell, yeah.”
Shun blew a breath. “What, now?”
“Easy, buddy.” Natatawang sabi ni Knight at tinuro ang Philippine Flag na hindi kalayuan sa kanya. “I’ll just dare you to sing Lupang Hinirang in front of that flag in the information desk. That’s all.”
Shun sighed heavily. Naglakad ito palapit sa information desk at natawa siya nang inilagay nito ang kamay sa dibdib at kumanta ng Lupang Hinirang. Lahat ng tao roon ay napatigil at tumingin kay Shun, pagkatapos ay ginaya din ng mga ito ang ginagawa ni Shun. Pero ang nakakatawa, nag-walk out si Valerian. Lumabas ito ng building.
“This is absurd!” mariing sabi ni Shun nang matapos kumanta ng Lupang Hinirang, sabay walk-out.
Nagtatawanang sinundan nila si Shun na kanina pa hawak ang bote. They formed a circle again and Shun spun the bottle.
“No,” sabi ni Lander nang tumigil ang bote at nakaturo dito.
Ngumisi si Shun. “Yes.” Tinuro nito ang parking lot na walang masyadong naka-park na sasakyan. “Dance erotically there.”
“Whatever.” Lander grumbled.
Naiiling na nagtungo silang lahat sa parking lot. And then Lander started dancing like a stripper. Hinubad nito ang pang-itaas at pinaikot-ikot iyon sa ere. Ang nakakatawa pa, may dumating na sasakyan at binusinahan si Lander. Pero si Lander, hindi tumigil sa pagsasayaw. He danced like it’s nobody’s fucking business!
“Oh, yeah!” sigaw ni Lander nang patigilin na ito ni Knight sa pagsasayaw.
Lander grabbed the bottle and spun it. And when it stopped, the bottle was pointing at Dark.
Lander smirked at Dark. “Ang dare ko sa `yo?”
Idinipa ni Dark ang mga braso. “Bring it on, Storm.”
Lander’s amirk widened. “I dare you to go to ZaiRed Restaurant and kiss that waitress you’ve kissed before.”
Nakita nilang natigilan si Dark mayamaya ay ngumiti. “Dare accepted.”
Nagmamadali itong sumakay sa kotse na nakaparada sa parking lot at pinaharurot iyon. Sila naman dahil mga walang magawa sa gabi iyon, kanya-kanya silang sakay sa kanilang mga kotse at sinundan si Dark.
This was the weirdest stag party ever. But it was the best and really an unforgettable one.