noveltoon logo noveltoon
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 6

Ch. 6 / 29 Feb 05, 2022

MASAKIT ang ulo ni Calyx nang magising siya dahil sa pag-inom niya ng nagdaang gabi kasama ang mga kaibigan. Sinubukan niyang bumangon at malutong na napamura nang parang biniyak ang ulo niya sa sakit.

“Fuck! Shit! Fuck! Hindi na ako iinom.” Yeah, right.

Kahit masakit ang ulo, pinilit ni Calyx na bumangon para uminom ng gamot. Panay ang pikit niya habang naghahanap ng gamot.

Pagkatapos uminom ng gamot, naligo siya at lumabas ng penthouse. He put a dark sunglass on before stepping out of the elevator.

Pumunta siya sa pinakamalapit na Starbucks at doon nag-agahan. Paunti-unti, nawawala ang sakit ng ulo niya kaya medyo gumagaan na ang kanyang pakiramdam.

Habang iniinom ang inorder na black coffee, may umupo sa bakanteng silya ng kinauupuan niya.

“Nice seeing you here, bud,” sabi ng pamilyar na boses.

Tumingin siya sa kaharap at nakita si Shun. Kaagad siyang ngumiti. “Well, well, well,” he chanted. “If it isn’t the infamous Shun Kim. Kumusta?”

They bumped their fists and did a handshake.

“I’m cool,” nakangiting sagot ni Shun at sumandal sa upuan. “Ikaw? Kumusta? Kumusta ang impormasyong binigay ko sa `yo?”

“I have a massive headache, I feel like shit and the information you gave me is okay. Useful.”

“Siyempre naman,” pagmamalaki nito. “Ako ang nagbigay n’on sa `yo.”

“Useful but expensive,” komento niya.

Mahinang tumawa si Shun. “Calyx, that’s the thing about useful. They are very expensive. Ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga.”

Pinaikot niya ang mga mata. “Ang sabihin mo, mandurugas ka lang talaga.”

Tumawa lang si Shun, saka ininom ang kape nito. “Hindi ako mandurugas. I am a businessman and that’s what I do for a living.”

Naiiling na itinirik niya ang mga mata. “Yes, Shun, mandurugas ka. Pag-aari mo ang Royal Housing Real Estate. `Di ba, kasosyo mo do’n si Lysander Callahan, ang may-ari ng Bachelor’s Village? Sa tingin ko naman, sapat na ang kinikita mo sa mga negosyo mo. Kinokotongan mo pa kami.”

Ngumisi ito. “Come on, Calyx. Hindi ko kayo kinokotongan. I sell properties.”

“In exchange for freaking information.”

“Information that you needed, my friend. And I provided that information. Alam mo ba kung gaano kahirap maghanap ng impormasyon tungkol sa isang tao?”

“Mahirap?” napapantastikuhang tanong niya. “Anong mahirap? Ang dali mong nahanap ang impormasyong kailangan ko, eh. Ang sabihin mo, mandurugas ka lang talaga.”

Nagkibit-balikat lang si Shun. “Whatever makes you sleep better at night, Vargaz.”

Humugot siya ng malalim na hininga, saka kinagat ang labi habang nag-iisip kung tama ba ang gagawin niya. “Ahm, may ipapahanap akong address. Kaya mo?”

Shun smirked. “Piece of cake.”

“Great.” Huminga nang malalim si Calyx, saka sinabi dito kung kaninong address ang ipapahanap niya. “Magkano?”

“I have a new car—”

“Sold,” putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Baka magmahal pa ang presyo ng impormasyon na kailangan niya. “I’ll send the check later.”

Tumaas ang gilid ng mga labi ni Shun habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. “Anong nangyari sa kuripot na Calyx na kaibigan ko? Alien ka from outer space, `no?”

“Just find her,” sabi niya sa malamig na boses.

He need to see her now. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kahapon sa opisina niya, gusto niya itong makita uli para ulitin ang ginawa niya. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa dalaga na gustong-gusto niya itong angkinin nang paulit-ulit.

Itinaas ni Shun ang isang daliri. “A minute,” sabi nito at may kung anong pinindot-pindot sa cell phone.

Calyx heard a beeping and then more beeping. Pagkalipas ng isang minuto, nag-angat ng tingin si Shun. “She’s in Royal Subdivision. Pag-aari ko ang subdivsion na iyon. It’s a lot cheaper than the usual subdivisions here in Manila. Pinagawa ko `yon para sa mga taong gusto ng magandang tahanan na mura dahil may pinag-iipunang mahalaga.”

Tumaas ang isang kilay niya sa huling sinabi ni Shun. “May puso ka pala.”

Shun just chuckled quietly. “Sino ba ang wala?”

Akmang magsasalita siya nang may lumapit na lalaki sa mesa nila. Napatingin si Calyx sa bagong dating.

“Boss, nakabili na po ako,” sabi ng lalaki na nakatingin kay Shun. “Naroon na po sa loob ng building ang mga pinabili n’yo. Naroon na rin po ang mga bata, hinihintay kayo.”

Ngumiti si Shun. “Great.” Bumaling ito sa kanya. “I have to go.” Kinuha nito ang kape at tumayo. “See yah, Vargaz.”

Naguguluhan si Calyx nang lumabas si Shun ng Starbucks. At dahil nagtaka siya, sinundan niya ito. Sa halip na sumakay sa kotse, naglakad lang ang kaibigan at ang lalaking lumapit sa table nila. Sinundan niya ang mga ito hanggang sa ikalawang kanto. Pumasok ang dalawa sa isang abandonadong gusali na mukhang maayos pa naman pero mukhang inabandona na ng may-ari.

Nagulat si Calyx sa nakita nang makapasok sa abandonadong gusali.

Nakita niya si Shun na binubuksan ang sampung malalaking karton na puno ng mga gamit sa eskuwela at maraming-maraming pack lunch. Pagkatapos ay isa-isang binigyan ni Shun ang maraming bata na naroon katulong ang lalaki na kasama nito. Pagkatapos ipamigay ang lahat ng gamit, pagkain naman ang sinunod ng dalawa. At dahil marami ang mga bata na naroon, halos hindi magkandaugaga ang mga ito sa pamimigay.

Kaya naman tumulong na siya.

Halatang nagulat si Shun nang makita siya pero nginitian siya at hinayaang tumulong.

“Lahat ba ng naritong bata, mga palaboy?” tanong niya kay Shun nang matapos sila.

“Some of them. `Yong iba naman ay mahihirap na walang pambili ng mga gamit sa eskuwela pero gusto pa ring mag-aral.” Ngumiti si Shun at ginulo ang buhok ng isang bata na umiiyak sa sobrang saya. “I talked to some politicians to help these kids, pero wala naman silang ginawa. They told me that they were already working on it pero lumipas na ang isang taon, wala namang nangyari. This is my building actually. Patatayuan ko dapat ito ng hotel, pero bago matapos, may mga batang palaboy na dito na natutulog kapag gabi. Nakakaawa sila. Hindi ko sila kayang ipagtabuyan at tanggalan ng tahanan. So, hindi ko itinuloy ang hotel at hinayaan na lang ang building na ganito. Para kahit naman papaano ay may maitulong ako sa mga batang `to. Parami sila nang parami kaya kailangan kong mangotong nang mangotong sa inyo. Mayayaman naman kayo, eh. Iyong isang milyon, barya lang iyon sa inyo. Gusto ko silang bigyan ng permanenteng tahanan at scholarship, pero hindi ko pa kaya sa ngayon. I need more money to do those things.”

Calyx was stunned. Akala niya, talagang mukhang pera at mandurugas lang si Shun. Iyon pala ay may pinaggagamitan ito sa pera na nakokotong sa kanila.

“Magkano ba ang kailangan mo para mabigyan sila ng permanenteng tahanan?” tanong niya.

Bumaling si Shun sa kanya. “Are you willing to help?”

“Yeah.” Tiningnan niya ang masasayang bata. “Kalilimutan ko pansamantala ang pagiging kuripot ko.”

Mahinang natawa si Shun. “Thanks, man.”

“Humingi ka rin ng tulong sa iba pa nating kaibigan. I’m sure tutulong ang mga iyon.”

“Alam ko. Pero under renovation pa ang foundation na tinatayo ko. Baka kapag naayos na iyon, saka ako hihingi ng tulong.”

Napangiti si Calyx. Natutuwa siya at may napuntahan naman palang maganda ang pera na kinokotong nito sa kanila. Who would have thought that Shun Kim actually helped homeless and poor kids? Ni sa hinagap ay hindi niya naisip iyon.

NAGGO-GROCERY si Etheyl nang mag-isa nang araw na iyon. Usually, kasama niya si Beth pero may ka-date ito kaya naman kinalimutan siya. Ayos lang naman iyon sa kanya. Natutuwa nga siya at may ka-date ang kaibigan.

Akmang itutulak niya ang cart patungo sa meat section nang may mahagip ang mga mata niya.

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya nang makilala kung sino iyon. Calyx?

Nang masigurong si Calyx nga ang nakita, mabilis niyang iniliko ang cart at itinulak sa ibang direksiyon. Ayaw niyang makita ito dahil hindi niya gusto ang reaksiyon ng katawan. She lost her focus… her mind and her body had a mind of its own. It’s scaring her. At lalong wala siyang mukhang maihaharap dito pagkatapos ng nangyari sa kanila kahapon.

Bakit ba kasi palagi silang pinagtatagpo ng binata? Dapat iwasan niya ito. She didn’t like being close to him. It’s making her knees turn to jell-o and it’s making her lose her mind. Tulad na lang ng nangyari kahapon. Hinalikan lang siya nito at kaagad siyang bumigay.

Pero mapaglaro talaga ang tadhana, nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig niya ang baritonong boses ni Calyx na tumawag sa pangalan niya.

“Etheyl?”

Napalunok siya. Shit! Huminga siya nang malalim at nag-iinit ang mga pisnging nilingon ang binata. “Hi.” Pilit siyang ngumiti habang hindi makatingin nang deretso sa binata.

Mula sa sulok ng mga mata, nakita niyang namulsa ito habang matiim na nakatingin sa kanya. “Kumusta ka?”

“Ayos lang.” Panay ang iwas niya ng tingin dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito. Naaalala niya ang mainit na pagtatalik nila. “S-sige, mauna na ako—”

“Wait.” Pinigilan siya ni Calyx sa kamay.

Mabilis na bumaba ang tingin ni Etheyl sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Napakabilis ng tibok ng puso niya!

“B-bitawan mo ako,” nauutal niyang sabi.

“`Yong tungkol do’n sa sinabi ko sa opisina…” His gaze held hers. “Do you believe—”

“Hindi,” putol ni Etheyl sa iba pa nitong sasabihin. “Hindi ako naniniwala.”

“Bakit hindi ka naniniwala?” walang emosyong tanong ng binata.

Tipid siyang ngumiti. “Kasi babaero at sinungaling ka. At ayoko sa mga lalaking katulad mo.”

A man with blue eyes behind Calyx chuckled. “Burn, Calyx. You just got burned.”

Pinukol ng masamang tingin ni Calyx ang lalaking may asul na mata na nasa tabi nito. “Shut up, Storm.”

Ngumiti lang ang lalaki, saka bahagyang yumukod sa kanya. “Hi, I’m Lander Storm.” Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan iyon. “Ikinagagalak kitang makilala, magandang binibini.”

Madilim ang mukhang nakatitig lang si Calyx sa kamay niyang hawak ng kasama nitong si Lander. Hanggang sa bitawan ni Lander ang kamay niya, madilim pa rin ang mukha ni Calyx at nagtatagis ang mga bagang.

“Anong problema mo?” hindi niya napigilang itanong kay Calyx na masama ang tingin sa kasama.

Gumalaw ang panga nito. “He touched you.”

Tumaas ang isang kilay niya. “So?”

“I don’t like it.”

Pinaikot ni Etheyl ang mga mata. “Ano naman ngayon?” Inirapan niya si Calyx para itago ang tunay na nararamdaman. “Sige, aalis na ako.”

Iiwan na sana niya ang dalawa nang pigilan siya ni Calyx sa kamay. “Etheyl, puwede ba tayong mag-usap?”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. Kailangan niyang labanan ang nararamdamang kagustuhang kausapin pa ito nang matagal. She needed to get rid of him! Look at what happened yesterday. Palagi iyong mangyayari kung hindi niya iiwasan ang binata. Ayaw na niyang umasa at masaktang muli.

Inagaw niya ang kamay mula rito. “Wala tayong dapat pag-usapan, Calyx,” mataray niyang sabi.

Calyx took a deep breath and looked at Lander who just shrugged. Naiiling na ibinalik ni Calyx ang atensiyon sa kanya. “I think I like you.”

Pekeng tumawa si Etheyl para itago ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa sinabi ng binata. “Joke `yon?” Natatawang tanong niya, saka napailing-iling. “Mr. Vargaz, kung sex ang habol mo sa `kin kaya sinasabi mo `yan, sinasabihan na kita ngayon pa lang na hindi mo ako madadala sa ganyan. Maghanap ka na lang ng ibang babaeng mapapaniwala mo sa ‘I think I like you’ mo at mauuto mo. What happened between us the first time was good, the second time, it was a mistake I don’t want to repeat. I read magazine and tabloids, Mr. Vargaz, kaya hindi mo ako maloloko.”

Nagdilim ang mukha ni Calyx. “You don’t know me, Etheyl.” He took a threatening step closer to her. “So don’t judge me like that.”

Napalunok siya nang maramdaman ang init ng katawan ni Calyx. She could even smell his manly scent, it was invading her nostrils… Get a grip, Etheyl!

Huminga siya nang malalim, saka sinalubong ang tingin ng binata. “You, men, are all the same. Different packaging but the insides are all the same.”

Nagpapasalamat si Etheyl nang hindi siya pigilan ni Calyx nang humakbang siya palayo rito tulad ng ginawa nito kanina. Nagtuloy-tuloy siya sa counter at binayaran ang mga pinamili, pagkatapos ay lumabas siya ng grocery store.

Nang makasakay sa kotse niya, doon lang siya nakahinga nang maluwang at nagpasalamat sa Diyos na hindi siya nadarang sa gusto ng kanyang katawan.

Huminga si Etheyl nang malalim, saka niyakap ang sarili at isinandal ang katawan sa driver’s seat. Dealing with Calyx was no joke, it’s draining her. Alam niyang darating ang araw na hindi na niya kaya pang labanan ang tunay na nararamdaman ng katawan para sa binata.

It’s getting harder each day. And a day would come that she’s going to slip and what happened yesterday would happen again.