noveltoon logo noveltoon
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 5

Ch. 5 / 29 Feb 05, 2022

“ETHEYL, ipapaalala ko lang sa `yo, ngayon ang next appointment mo kay Mr. Ventura,” paalala sa kanya ni Beth nang makapasok siya sa maliit na opisina sa studio. “Sayang din ang bayad niya, malaki ang kinikita natin sa kanya kaya dapat alagaan.”

Tinuyo ni Etheyl ang pawis gamit ang face towel na dala, saka humarap kay Beth. “Paano kung ayokong pumunta?”

Puwede bang hindi? Sa isang linggong nakalipas, hindi alam ni Etheyl kung bakit palaging laman ng kanyang isip si Calyx. Kung tutuusin, hindi siya kailangang paalalahanan ni Beth, alam na alam niyang ngayon ang sunod na session nila ni Calyx.

She was counting the days, for Pete’s sake!

“Kailangan mong pumunta,” sabi ni Beth, saka ipinakita ang mga bills para sa studio. “Heto ang dahilan kung bakit.” Isa-isa nitong inilapag ang mga papel sa harap niya. “Ilaw, tubig, renta sa studio natin na pagkamahal-mahal dahil napakaganda naman talaga kahit maliit lang at pandagdag ipon para sa educational plan ng pinakamahalagang tao sa buhay mo, si Seth.”

Napabuntong-hininga na lang siya, saka tumango. “Oo na, oo na, pupunta na ako.”

Naligo si Etheyl at nagpalit ng damit sa banyo ng studio, siniguro niyang disente ang damit na suot bilang isang etiquette and personality development teacher. She always had to be glamorous in looks and the way she spoke to her clients and other people. Isang simple pero eleganteng bestida ang isinuot niya na ang haba ay nangangalahati sa kanyang hita at pinaresan iyon ng stiletto.

Pagkatapos magbihis, umalis kaagad siya sa studio para pumunta sa bahay ni Calyx.

Hindi man niya aminin sa sarili, excited siyang makita ang binata. At parte ng kanyang pag-aayos ay dahil na rin dito. Gusto niyang maging maganda sa paningin nito.

Nang makarating sa penthouse ni Calyx, panay ang pindot niya ng doorbell pero walang nagbubukas. Kunot-noong sinubukan niyang buksan ang doorknob, naka-lock iyon. Napabuntong-hininga siya at napailing-iling, saka tinawagan si Beth.

“O, bes, bakit ka napatawag?” tanong ni Beth nang sagutin ang tawag.

“Pakitawagan nga si Mr. Var—Ventura,” sabi niya. “Pakitanong kung nasa bahay ba siya. Kanina pa ako doorbell nang doorbell, wala namang nagbubukas.”

“Ibigay ko na lang sa `yo ang number at ikaw ang tumawag?” suhestiyon nito.

“Mabuti pa nga,” sabi niya saka tinapos ang tawag at hinintay ang text ni Beth.

Nang matanggap ang mensahe ng kaibigan na ang laman ay numero ni Calyx, kaagad niyang s-in-ave iyon at tinawagan ang binata.

Lumipas ang apat na ring bago sumagot ang nasa kabilang linya.

“Calyx Vargaz speaking, who’s this?”

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Etheyl nang marinig ang boses ng binata. That baritone voice… Oh, God.

Marahas niyang ipinilig ang ulo, saka kinalma ang sarili bago sumagot sa pormal na boses. “This is Etheyl Vallega.”

Napangiwi siya nang makarinig ng malakas na kalabog sa kabilang linya.

“Ano `yon?” kunot ang noong tanong niya pero walang sumagot sa kanya. Akmang papatayin niya ang tawag nang marinig ang malakas na pagmumura ni Calyx sa kabilang linya.

“Etheyl, nandiyan ka pa?”

“Oo, nandito pa ako.” Ano ba ang nangyayari kay Calyx? “Ano `yong malakas na tunog na narinig ko. Are you busy? Wrong timing ba ako?”

“No, no, no,” mabilis nitong sagot. “I dropped my phone.”

Napakurap-kurap siya. “You dropped your phone?”

“Oo. Nagulat kasi ako na tumawag ka.”

Nabitawan ni Calyx ang cell phone dahil tumawag siya? Hindi mapigilan ni Etheyl ang mapangiti at mapailing-iling. “`Yon pala ang epekto ko sa `yo?” biro niya.

Sa halip sa pansinin ang kayang biro, tumikhim ang binata, saka nagtanong. “Bakit ka napatawag?”

Sumandal si Etheyl sa nakasarang pinto ng penthouse ng binata. “Kasi nandito ako sa labas ng penthouse mo. Kanina pa ako doorbell nang doorbell pero walang nagbubukas kaya kinuha ko ang number mo sa sekretarya ko at tinawagan ka,” paliwanag niya.

“Bakit ka nandiyan?” may tono ng pagtatakang tanong nito.

Tumaas ang isang kilay niya. “For your second session.”

“Oh.”

“Yes, oh.” Napairap siyal. “Well? Are you busy? Kasi kung busy ka, puwede namang ipagpabukas na lang natin `to—”

“Pumunta ka na lang dito sa CureMed Pharmaceutical Building,” putol nito sa kanya, saka binigay ang address. “Nasa top floor ang opisina ko. I’ll tell my secretary to send you in when you arrive.”

Opisina nito? Napalunok si Etheyl. Is it a good idea?

“Okay.” Wala siyang ibang choice kundi ang pumayag. Kailangan niya ng pera ngayon. “I’ll be there in thirty minutes. Tops.” Pagkasabi niyon ay tinapos na niya ang tawag, saka tinungo ang elevator.

PAGKAPASOK ni Etheyl sa building na sinabi ni Calyx, pumunta muna siya sa reception area. Sinabi niya sa receptionist ang pakay na mabilis namang tumawag sa ‘top floor’ para kumpirmahin ang kanyang presensiya. Saka niya tinungo ang elevator at pinindot ang palapag na sinabi ng receptionist na kinaroroonan ng opisina ng binata. Nakahawak siya sa dibdib habang sakay ng elevator. Nararamdaman niya ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso. Pinilit niyang pakalmahin iyon bago pa siya humarap kay Calyx. Nandoon siya para sa lesson nila, hindi para sa kung ano pa mang bagay.

Nang makarating ang elevator sa top floor, kaagad siyang lumabas at naglakad papunta sa mesa na naroon. Alam ni Etheyl na si Calyx Vargaz ang CEO ng CureMed Pharmaceutical. Palaging may kopya si Beth ng Bachelor’s Magazine at palaging napi-feature si Calyx doon bilang isa sa mga matatawag na bilyonaryo sa bansa.

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng babae na abala sa harap ng computer. “Excuse me?”

Nag-angat naman kaagad ng tingin ang babae. “How may I help you, Ma’am?”

Ngumiti siya. “I’m here to see Mr. Calyx Vargaz.”

Tumaas ang isang kilay ng babae, mayamaya ay gumihit ang munting ngiti sa mga labi. “Etheyl Vallega?”

Nagulat siya na alam nito ang pangalan niya. “Alam mo ang pangalan ko?” Eh, `di ba, tumawag `yong receptionist?

Ngumiti ang babae, saka inilahad ang kamay sa kanya. “I’m Eliza Velasquez, Mr. Vargaz’s secretary.”

Hindi napigilan ni Etheyl na titigan ang babae. The woman was stunning. Para itong isang latina na napadpad sa Pilipinas. Napakaganda ng kulay-hazelnut nitong mga mata.

Did Calyx bang this woman too? hindi mapigilang tanong niya sa sarili.

Mapait siyang palihim na ngumiti. Of course, yes. Napakaganda ng babae kaya napaka-imposibleng hindi pa nagagalaw ng binata. Kahit mabigat ang kalooban sa babae sa hindi malamang kadahilanan, tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “Nice to meet you.”

Nang maghiwalay ang mga kamay nila, iminuwestra ng babae ang kamay sa pinto ng opisina ng CEO. “Follow me, please.”

Nasa likod lang siya ni Eliza habang naglalakad ito papasok sa opisina ni Calyx. At nang makapasok na siya sa opisina, parang gusto niyang manliit. Napakalaki niyon kompara sa studio niya. Mabuti na lang at hindi pumunta roon ang binata.

Nang makapunta si Etheyl sa penthouse ng binata, hindi niya inisip ang nakakalula nitong karangyaan. Pero ngayong nakapasok siya sa opisina nito, parang ngayon lang nag-sink in sa utak niya na talagang magkaiba sila ng mundong ginagalawan. Oo nga at kahit papaano ay successful siya sa sariling larangan, hindi pa rin sapat iyon kompara sa mga achievement ng isang Calyx Vargaz.

He’s a billionaire… and she’s an etiquette and personality development teacher renting a not so spacious studio. Talagang magkaiba ang mundo nilang dalawa.

“Hey, boss. Miss Vallega is here,” imporma ng sekretarya kay Calyx.

Kaagad na nag-angat ng tingin si Calyx mula sa papeles na binabasa nito.

Parang kinapos ng hininga si Etheyl nang magtama ang mga mata nila ni Calyx. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging epekto nito sa kanya. I should have not come here. Sana ibinalik na lang niya ang pera nito.

But she needed the money for Seth’s future!

Kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang makipagtitigan dito, para siyang nanghihina. Ayaw niya sa pakiramdam na iyon. She’d end up in the dirt again. At napakahirap bumangon sa putikan na kinasadlakan niya noon. Ayaw na niyang bumalik pa sa panahong hirap na hirap siyang bumangon dahil sa pagkawasak ng puso at pangarap niya.

Tumayo si Calyx, saka ngumiti sa kanya. “How are you?”

“Okay lang ako.” Sinundan ng mga mata niya si Eliza na naglalakad palabas ng opisina. “She’s pretty,” komento niya nang makalabas ang babae.

Mahinang tumawa ang binata habang naglalakad palapit sa kanya. “Alam ko `yang iniisip mo. It’s a no. ´ Kinakapatid ko siya.” Namulsa ito. “At saka hindi ko siya type.”

Tumaas ang dalawa niyang kilay. “Ang ganda niya at hindi mo siya type?” Napailing-iling siya, hindi naniniwala. “Ano ba ang tipo mo?”

Tumigil sa harap niya si Calyx, tinitigan siya. Parang matutunaw siya sa uri ng pagkakatitig nito. Hindi niya maiiwas ang tingin dahil nahihipnotismo siyang makipagtitigan dito.

“Ikaw.” Inisang-hakbang nito ang pagitan nila, saka umangat ang kamay para haplusin ang pisngi niya. “Ikaw ang tipo ko.”

Napalunok si Etheyl nang makitang dahan-dahang lumalapit ang mukha ng binata sa mukha niya. Nilabanan niya ang sarili na ipikit ang mga mata at hintayin ang gagawin ni Calyx. No! Ikinuyom niya ang kamay. Kailangan niyang labanan kung ano man ang atraksiyong nararamdaman para sa binata. Wala iyong magandang maidudulot sa kanya.

Umatras siya para bigyan ng distansiya ang mga katawan nila. “H-huwag ka ngang magbiro nang ganyan,” sabi niya, saka muling napalunok nang humakbang na naman palapit ang binata. “H-hindi ka nakakatawa.”

“Hindi naman ako nagbibiro.” Napakaseryoso ng boses at mukha nito. “Ikaw ang tipo kong babae.”

Napatanga siya rito. “Hindi `yan totoo.” Umiling pa siya. “Hindi mo ako kilala.”

Gumuhit ang iritasyon sa guwapong mukha ni Calyx. “Ano’ng hindi totoo? Na ikaw ang tipo kong babae? Mas alam mo pa kaysa ka pa sa akin, eh, ako itong nakakaramdam ng ganoon.”

Hindi makapaniwalang ipinilig ni Etheyl ang ulo. “You know what, coming here is a mistake,” sabi niya, saka napailing-iling. “Ibabalik ko na ang ibinayad mong pera, Calyx. I can’t do this anymore if you’re going to be like this. Pasensiya na.”

Naglakad siya papunta sa pinto at akmang pipihitin na ang doorknob nang hawakan siya ni Calyx at isinandal sa pinto. Napalunok siya nang maramdamang magkadikit na magkadikit ang mga dibdib nila at ramdam niya ang init ng katawan nito.

She could feel her body reacting… tingling. Please, don’t go there! No!

Pinilibot nito ang braso sa baywang niya, saka hinapit siya palapit dito. “Saan ka na naman pupunta? Tatakas ka na naman?”

Nahigit ni Etheyl ang hininga at napaawang ang mga labi nang makitang ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha nila ng binata. Dahil sa paglalapit nila, naaamoy na niya ang hininga nito at parang nawawala siya sa tamang huwisyo. Pero alam niya sa sarili na kailangan niyang labanan iyon.

“B-bitawan mo ako,” walang lakas niyang sabi kahit pa nga ang gusto niyang gawin ay sigawan ang binata na bitawan siya. Ano ba ang nangyayari sa akin?

“Bakit aalis ka na naman? Hindi mo ba nagustuhan ang sinabi ko na ikaw ang tipo kong babae? `Yon ba ang dahilan kaya ka aalis?”

Nawalan si Etheyl ng imik dahil iyon talaga ang dahilan.

“I thought so.” Dahan-dahan siya nitong pinakawalan. “Why?”

Nagbaba siya ng tingin. “Kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako ang tipo mong babae, Calyx. So please, hayaan mo na akong makalabas. Wala ka namang mahihita sa `kin.”

“Paano kung ayoko?”

Nagtatakang nag-angat siya ng tingin. “Bakit naman?”

“Maybe because I’m going nuts thinking of you and I want you to be mine.”

Napatanga siya sa binata. “To be what?”

“Mine.” Inilapit uli nito ang katawan sa katawan niya, saka hinawakan siya sa baywang at gumapang pababa ang kamay nito at bumulong sa mga labi niya. “Mine and mine alone.”

Bago pa makatugon si Etheyl sa sinabi ng binata, naipasok na nito ang kamay sa loob ng kanyang bestida, saka hinawakan ang waistband ng suot niyang panty at hinila iyon pababa. Kasabay ng pagluhod ni Calyx ay ang pagtingala nito sa kanya at pagtitig na para siyang nahihipnotismo.

“Panties off, beautiful.”

Wala sa sariling iniangat ni Etheyl ang paa para tuluyang mahubad ng binata ang panty niya. Tumayo ito kasabay ng kamay nito na gumapang mula sa binti niya pataas sa kanyang mga hita at sinapo ang pagkababae niyang pumipintig sa antisipasyon.

“Calyx…” mahina niyang sambit sa pangalan ng binata at nakagat ang labi nang maramdamang pinaikot nito ang daliri sa kanyang pagkababae. “Oh, God…”

Lumalim ang paghinga niya ng paglandasin ni Calyx ang dulo ng dila sa mga labi niya na parang binabasa iyon, saka siya hinalikan nang mapusok na parang sabik na sabik.

“I missed you, Etheyl…” bulong ng binata habang kinakagat-kagat ang pang-ibaba niyang labi kasabay ng paghugot ng daliri nito mula sa kanyang ari.

Abala ang mga labi niya sa paghalik sa labi ni Calyx nang makarinig siya ng tunog ng pag-lock ng pinto, pero wala doon ang atensiyon niya. Para nang naglalagablab ang kanyang katawan sa bawat haplos ng kamay ng binata sa maseselang parte ng katawan niya. Wala na ang kanyang inhibisyon, wala na ang pagdadalawang-isip, wala na siya sa tamang huwisyo dahil sa sarap ng mga halik ng binata.

Nang mas palalimin pa ni Calyx ang halik na pinagsasaluhan nila, napasabunot si Etheyl sa buhok ng binata. Mas mapusok pa ang naging palitan nila ng halik, nag-espadahan ng mga dila at naghalo ang mga hininga. Namalayan na lang niya na naigiya na pala siya ni Calyx sa mesa nito at bahagya na siyang nakaupo sa gilid niyon. Bago pa makapag-react si Etheyl sa kinaroroonan, lumuhod si Calyx, itinaas ang laylayan ng kanyang bestida at hinalikan ang pagkababae niya.

“Oh!” Hindi niya napigilan ang impit na mapaungol, lalo na nang maramdaman ang dila ni Calyx sa kanyang pagkababae at umiikot-ikot doon.

Napasabunot siya sa ulo ng binata at mas ipinagduldulan pa ang mukha nito sa gitna ng nakabuka niyang mga hita. At habang sinasamba ni Calyx ang pagkababae niya, nakatingala siya sa kisame at nagdedeliryong mahinang umuungol sa sarap na pinapalasap sa kanya ng binata.

“Oh, Calyx…” mahina niyang ungol habang sinusundot-sundot ng dulo ng matigas nitong dila ang bukana ng pagkababae niya. “Oh… oh…”

Ang isang kamay ni Etheyl ay napahawak sa gilid ng mesa at lalo pang ipinagduldulan ang mukha ng binata sa kaselanan niya. Para siyang mahihibang sa sarap, pabiling-biling ang ulo niya habang nakaawang ang mga labi at nanunuyo ang lalamunan.

Nang maramdaman niyang malapit na niyang maabot ang rurok ng kaligayahan, biglang tumigil si Calyx sa ginagawa, tumayo ito, binuksan ang butones ng pantalon, ibinaba ang zipper at inilabas ang kahabaan nitong namumula at nag-uumigting. Walang sabi-sabing isinagad nito iyon sa loob niya dahilan para mas bumaon ang ngipin niya sa pang-ibaba niyang labi.

Halos tumirik ang mata ni Etheyl sa sarap ng pagkakasagad ng kahabaan ng binata sa loob niya, nakaawang ang mga labi niya at humigpit ang hawak sa gilid ng mesa at lalo pang ibinuka ang mga hita. Wala na siya sa tamang huwisyo, darang na darang na siya sa init ng katawan at gustong-gusto niya ang ginagawang pag-angkin sa kanya ni Calyx. Lalo na nang mag-umpisa itong umulos, para siyang mahihibang sa sarap ng sensasyong bumabalot sa kanya.

Hindi alam ni Etheyl kung saan siya kakapit para kumuha ng lakas habang naglalabas-masok ang malaki at mahabang pagkalalaki ng binata. Marami siyang natabig na bagay na nasa mesa at nahulog ang mga iyon sa sahig pero wala siyang pakialam. Ang buo niyang atensiyon ay nasa bawat pag-ulos ni Calyx.

“Calyx… Calyx…” paulit-ulit niyang iniuungol at tinatawag ang pangalan ng binata habang binabayo nito ang pagkababae niya.

Sagad na sagad ang kahabaan nito sa kanyang ari sa bawat ulos. Nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa kakapigil sa ungol na gustong kumawala sa kanyang mga labi at halos tumirik ang mga mata niya sa sarap ng bawat paghugot at pagbaon ng binata.

“Oh, Calyx! Calyx! Calyx!” Etheyl was groaning in pleasure, writhing in so much bliss and her body arched as Calyx owned her.

In and out, he moved. In and out, he pleasured her. In and out, he made her moan. Her voice was hoarse from moaning. Pagkalipas ng mahabang minuto ng mapusok at mainit nitong pag-angkin sa kanya, naabot na niya ang rurok at kaagad siyang sinabayan ni Calyx ng paputukin nito ang maraming katas sa loob ng pagkababae niya.

Nanginginig pa rin ang mga hita ni Etheyl dahil sa orgasmong natikman nang hugutin ni Calyx ang pagkalalaki. Sinapo ng kamay nitong may hawak na panyo ang pagkababae niya para siguro hindi dumaloy pababa ang katas nito.

Habol pa rin niya ang hininga habang tinutuyo ni Calyx ang basa niyang pagkababae. Pagkatapos, nagtama ang mga mata nila. Hindi siya makatingin nang deretso sa binata. Nag-iinit ang mga pisnging nagbaba siya ng tingin, saka inayos ang sarili.

Naging mailap ang mga mata niya dala ng pagkapahiya. Pagkatapos ng mga paghindi at pag-iwas sa tawag ng katawan, heto, bumigay din siya at ni hindi man lang niya napigilan ang sarili. Mas ikinakahiya niya ang kaalamang nagustuhan niya kung paano siya angkinin ngayon ni Calyx. Gustong-gusto niya kung paano naglabas-masok ang kahabaan nito sa loob niya.

Ngayon, kung kailan tapos na siyang angkinin ng binata, saka lang niya naisip ang kamalian dahil hinayaan niyang matangay siya sa init ng kanyang katawan.

She should be ashamed of herself.

“A-aalis na ako,” nauutal niyang sabi habang hindi pa rin makatingin nang deretso sa binata.

Bago pa siya makahakbang palayo, pinagdikit ni Calyx ang mga katawan nila, saka siya hinalikan sa balikat, leeg, sa gilid ng tainga, saka bumulong. “That is how I’m gonna make you mine. I will own you in every position, in any place I want until you can’t say no to me, until you stop running away, until you tell me that... you... are... mine.”

Pinilit ni Etheyl ang sarili na kalimutan ang hiyang nararamdaman. Matapang niyang sinalubong ang tingin ni Calyx. Hindi niya nagustuhan ang klase ng pag-angkin nito sa kanya sa pamamagitan ng mga salitang binitawan nito.

“Init lang `to ng katawan, Calyx,” sabi niya habang matapang na nakatingin sa binata. “At isiksik mo riyan sa kukote mo na hindi ako isang bagay na puwede mong maging pagmamay-ari. At lalong hindi ako laruan na puwede mong laruin hanggang sa magsawa ka na. Yes, I like your kisses, I like how you made me feel every time you fill me, but that’s it. Nothing more and nothing less. At ang nangyari sa `tin ngayon, hindi ibig sabihin nito ay pag-aari mo na ako. Because no one owns me but myself.” Mabilis siyang naglakad patungo sa pinto, saka pinihit ang doorknob. “Aalis na ako. I’ll send you back your money.” Pagkasabi niyon ay mabilis siyang lumabas sa opisina nito.

“NABABALIW ka na ba?! Three hundred thousand, Etheyl!” sigaw ni Beth. Kahit sekretarya niya ito, malakas ang loob nitong sigawan siya dahil matalik niya din itong kaibigan. “Alam mo kung gaano kahirap humanap ng pera ngayon. Oo nga at marami tayong estudyante pero mas mabuti na `yong may dagdag kita tayo para sa oras ng kagipitan may mapagkukunan tayo ng pera. Okay lang sa akin kasi wala akong pinapakaing iba, pero ikaw? Nandiyan si Seth na inaalala mo ang kinabukasan. `Tapos ang renta pa sa studio na `to. Kaya wala kang karapatang mag-inarte. Pera na naging bato pa. Ipapaalala ko lang sa `yo, Etheyl, ang buhay mo ngayon ay hindi tulad noong dalaga ka pa na sunod ang luho mo kasi maykaya pa kayo at buhay pa ang mga magulang mo.”

“Hindi mo naman kailangan isampal sa pagmumukha ko na naghirap na kami mula nang mawala sina Mommy at Daddy.” Ilang taon na rin mula nang mawala ang mga magulang niya. At dahil maraming utang ang mga magulang sa bangko, sa mga iyon lang napunta ang naipundar ng mga ito kasama na ang bahay nila noon. Kaya sila ng ate niya ay kailangan mag-umpisa uli sa wala. Mabuti nga at maykaya ang naging asawa ng kapatid niya kaya kahit papaano ay natulungan siyang makabangon uli. “At hindi ako nag-iinarte, Beth. Kailangan ko talagang ibalik ito.”

“Bakit?”

Humugot siya ng malalim na hininga. “Sabi niya ako ang tipo niyang babae.”

Nagsalubong ang mga kilay ng kaibigan. “Sino?”

“Si Calyx Vargaz,” naiiling na sagot niya. “Siya ang may kayang magbayad ng one hundred thousand per session.”

Umawang ang mga labi ni Beth. “Calyx Vargaz?! As in the CEO and owner of CureMed Pharmaceutical?!” Bigla itong tumili at tumalon-talon. “Oh my, God, Etheyl! Sabihin mong siya rin ang tipo mong lalaki!” Tumili na naman ito. “Alam mo ba kung gaano kayaman ang lalaking `yon? Oh, my gosh! Makakabalik ka na sa dati mong buhay tulad ng kapatid mo na nakapag-asawa ng mayaman. In your face, Cole! Akala naman niya hindi ka makakahanap ng mas higit pa sa kanya.”

Umiling siya. “Hindi, Beth. Hindi ko sasabihin `yon sa kanya dahil lang sa pera. Hindi ako ganoon. Bukod sa takot akong pumasok na naman sa isang relasyon na malaki ang posibilidad na mauwi sa pagkadurog na naman ng puso ko, alam kong nagbibiro lang siya.”

“Bakit naman siya magbibiro?” naguguluhan nitong tanong.

“Bakit naman niya magugustuhan ang isang katulad ko?” balik na tanong ni Etheyl sa kaibigan. “Anong sasabihin ko kay Seth? At ang pinakaimportante sa lahat, matatanggap ba niya si Seth?”

Biglang lumungkot ang mukha ni Beth. “Oo nga pala. Gago naman kasi iyang si Cole, eh. Pinaasa ka lang at si Seth. At dadagdag pa ang mga magulang niyang mga mukhang pera at matapobre.”

Humugot si Etheyl ng isang malalim na hininga. “That’s life. It sucks. Pero wala namang mangyayari kung puro reklamo ang gagawin ko. Life sucks. I have to deal with and fight it to survive.”