CALYX woke up with a massive boner. He called it his morning wood. Lalo pang nanigas ang pagkalalaki niya nang makita kung sino ang katabi niyang matulog at nakayakap sa kanya. Etheyl. God! Why is temptation so hard to resist?
Ipinalibot niya ang mga bisig sa baywang ng katabi, saka hinalikan ang tungki ng ilong nito, patungo sa pisngi hanggang sa bumaba iyon sa mga labi nito.
Etheyl softly groaned in her sleep.
Iginiya niya patihaya ang dalaga, saka maingat itong kinubabawan. Akmang itaas niya ang pang-itaas nito nang bigla itong tumagilid ng higa.
Nailing na nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Fuck!
Dumukwang siya para halikan si Etheyl sa may tainga pababa sa leeg nito ng bigla siya nitong sikuhin.
“Ano ba?” Halata ang iritasyon sa boses nito. “Inaantok pa ako!”
Napabuntong-hininga na lang uli si Calyx. Inabot niya ang cell phone na inilagay kagabi sa gilid ng kama at tiningnan kung anong oras na. Nang makitang alas-sais na, dahan-dahan siyang umalis sa kama para hindi magising si Etheyl dahil inaantok pa ito at dahil na rin siguro sa pagod sa ginawa nila kagabi. Dahan-dahan at maingat niyang inayos ang damit ng dalaga, saka mataman itong tiningnan.
Kaninang alas-dos nang madaling-araw, ginising niya ang dalaga para magtalik sila uli at hindi naman siya nito binigo. Ilang ulit niya itong inangkin kaninang madaling-araw kaya naman walang ingay siyang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina para hindi ito maistorbo.
Pagkatapos magtimpla ng kape, iginala ni Calyx ang tingin sa kabuuan ng kusina nina Etheyl. Pinakialaman na niya ang laman ng refrigerator at cupboard nito. Nang makita na kompleto naman ng kagamitan sa kusina at ingredients, sinimulan na niyang mag-bake ng cookies. My favorite.
Calyx was half way done when Seth entered the kitchen. Kinukusot pa nito ang mga mata habang naglalakad. Napangiti siya sa hitsura nito. He looked so cute while rubbing his eyes.
“Daddy?” Naghikab ito. “Narinig ko pong maingay sa kitchen kaya pumunta ako rito. Nagluluto po kayo ng breakfast?”
Nilapitan niya ito at binuhat, pagkatapos ay pinaupo sa ibabaw ng mesa.
“Good morning, Kiddo.” Ginulo niya ang buhok nito na dati nang magulo. “Kumusta ang tulog mo?”
Tumigil ito sa pagkusot sa mga mata at tumingin sa kanya. “Okay lang po, Daddy. Nanaginip po ako. May monster daw pero hindi ako natakot kasi naroon ang daddy ko para i-save ako.”
Napangiti siya sa sinabi ng bata at parang may humaplos sa kanyang puso. This kid and his cuteness!
“Talaga? Strong ba si Daddy sa panaginip mo?” pakikisakay niya rito.
“Opo.” Ngumiti si Seth. “Super strong like a superhero.”
Natawa si Calyx sa sinabi ng bata. “Wow. Ang galing naman pala ni Daddy sa panaginip mo!”
Tumango-tango ito habang may malapad na ngiti sa mga labi.
Habang nakatingin sa mukha ng bata, naalala ni Calyx ang picture niya sa centerfold ng Bachelor’s Magazine na nakita niyang nakatago sa ilalim ng unan nito.
Kinuha niya ang cell phone mula sa bulsa ng pantalon na suot at inakbayan si Seth.
“Picture tayo, kiddo.”
“Talaga po, Daddy?” Nagliwanag ang buong mukha ni Seth na parang binigyan ito ng maraming candy. “Sige po,” sabi nito at yumakap sa kanya.
Tumawa siya at ini-stretch ang braso, pagkatapos ay iniharap niya sa kanilang dalawa ang camera ng kanyang cell phone. And then he pressed the capture button.
Calyx took three shots. Pagkatapos ay parang batang excited na tiningnan nila ni Seth ang mga larawan nila. Sabay silang natawa nang makitang parehong magulo ang buhok nilang dalawa. Halatang bagong gising ang kanilang mga mata.
“Daddy, ang gulo ng hair mo,” tumatawang sabi ni Seth habang mas ginugulo pa ang buhok niya.
“Ikaw din naman.” Inakbayan niya uli ito at ginulo nang ginulo ang buhok nito.
“Daddy!” Seth squealed. “Stop! Daddy! Stop messing my hair.”
Natatawang binitiwan niya si Seth at niyakap nang mahigpit. “Magulo man ang buhok natin sa picture, guwapo pa rin naman tayong dalawa. Tama?”
“Tama po.” Nag-thumbs up pa ito.
Pareho silang ngumisi at nag-high-five.
“Guwapo ka kasi daddy kita,” ani Seth.
“Guwapo ka kasi anak kita,” nakangising sabi niya pagkatapos ay natigilan nang ma-realize kung ano ang sinabi niya. What the fuck did I just say?
Bumaba ang tingin niya kay Seth na nakayakap sa kanya at may ngiti sa mga labi habang nakatingala at nakatingin sa kanya.
“I love you po, Daddy.”
Parang may kung anong pumunong kasiyahan sa puso ni Calyx habang nakatitig dito. “I feel the same way, kiddo,” sabi niya, saka nginitian ito.
Nang pakawalan siya ng bata mula sa pagkakayakap, mabilis siyang lumapit sa oven nang mapansing luto na ang bini-bake niyang cookies. Nagsuot siya ng hand gloves at inilabas ang cookies mula sa oven.
“Cookies!” excited na sigaw ni Seth nang makita ang tray ng cookies na hawak niya.
Mabilis niyang inilapag ang tray na puno ng cookies sa mesa. “Huwag mong hawakan ang tray, kiddo, mainit pa `yan,” sabi niya kay Seth.
“Opo, Daddy.”
Kumuha si Calyx ng malapad na pinggan at inilipat doon ang mga cookies. Pagkatapos ay inilagay niya ang tray sa lababo. He didn’t know how to cook but he did know how to bake cookies. Talagang pinag-aralan niya iyon kasi paborito niya ang cookies.
Binalingan niya si Seth na nakaupo pa rin sa ibabaw ng mesa at parang takam na takam na nakatingin sa cookies na abot-kamay lang nito.
“Gusto mo timplahan kita ng milk?” tanong niya sa bata. “`Tapos sabay tayo mag-breakfast?”
“Yes po,” mabilis nitong sagot na tumatango-tango pa.
Mabilis na tinimplahan ni Calyx ng gatas ang bata. Inilapag niya iyon sa harap nito, saka umupo sa silya. Kumuha siya ng cookies at iniumang iyon sa bibig ni Seth.
“Say, ah,” nakangiting sabi niya.
Natawa siya nang mabilis na kinagat ni Seth ang cookies at nangalahati kaagad iyon.
“Ang tsarap-tsarap ,” sabi nito habang ngumunguya.
“Don’t talk when your mouth is full, kiddo, baka mabulunan ka.”
Tumango ang bata at ipinagpatuloy ang pagkain ng cookies habang unti-unting inuubos ang gatas nito. Siya naman ay sumisimsim ng kape habang kumakain din ng cookies.
“Ang sarap po ng cookies, Daddy,” sabi ni Seth na hindi maipaliwanag ang saya sa mukha. “Paborito ko po ang cookies kasi ang sarap.”
Natigilan siya at napatitig sa bata. “Talaga? Paborito ko rin ang cookies, eh.”
“Wow! Same tayo, Daddy.” Dumukwang ito at ginawaran siya ng halik sa tungki ng ilong, dahilan para matawa siya. “Pareho tayo ng eye color, hair color, pareho tayong may dimples, pareho tayong guwapo, `tapos pareho tayo ng favorite.” Sobrang lapad ng ngiti nito. “Ikaw talaga ang daddy ko.”
Oo nga, `no? Napailing-iling na lang si Calyx sa lihim niyang pagsang-ayon. Sigurado siyang maaalala niya kung nakatalik niya ang isang katulad ni Etheyl noon. She was unforgettable.
“Kiddo?” tawag niya sa pansin ni Seth habang abala ito sa pagkain.
Nag-angat ito ng tingin. “Yes po, Daddy?”
“Ahm…” Shit! Ang hirap magpaalam sa bata. “May pupuntahan kasi ngayon si Daddy. Baka whole day mo akong hindi makita. Baka bukas pa ako makabalik. May kailangang asikasuhin si Daddy at bibisitahin din ni Daddy ang friend niya sa hospital. Okay lang ba?”
Gumuhit ang kalungkutan sa mukha ng bata at nagbaba ito ng tingin. “Okay lang po, Daddy. Basta po balik kayo, ha? Baka po hindi na naman kayo magpakita.”
Okay na sana pero narinig ni Calyx ang gumagaralgal ang boses nito. He felt a hand grip his heart. “Babalik din naman ako. Promise.” Itinaas niya ang kaliwang kamay na parang nanunumpa. “Kaya nga, `di ba, nagpaalam si Daddy sa `yo, para hindi ka umiyak.”
Tumango lang ito at hindi umimik.
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at masuyong sinapo ang mukha ng bata. Parang nanikip ang dibdib niya nang makitang naluluha ito. Mabilis niyang tinuyo ang luha na umaagos sa mga pisngi nito. “Promise ni Daddy na bukas, sa pagbalik ko, mamamasyal tayo. Gusto mo ba `yon?”
Biglang umaliwalas ang mukha ni Seth. “Talaga po?” Parang hindi ito lumuha kanina, napakasaya na ng boses nito ngayon. “Gusto ko po `yon! I want to go to Disneyland and see Mickey, Minnie, Goofy and Donald Duck!”
Napangiti si Calyx. “Sige, promise ni Daddy, pagbalik ko pupunta tayo sa Disneyland.” Pangako niya sa bata para hindi na ito umiyak pa.
“Sige po, Daddy. Hindi na po ako iiyak,” sabi nito at ngumiti nang malapad.
Natatawang ginulo niya ang buhok nito. “Good boy.”
NAGISING si Etheyl nang maramdamang may yumuyugyog sa kanya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Seth na nakatingin sa mukha niya at nakangiti.
“Good morning po, Mommy,” masayang bati ng anak sa kanya.
Naghikab siya. “`Morning din, baby.”
Ginawaran siya nito ng halik sa pisngi. “Good morning kiss from me.” Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa lips. “And a good morning kiss from daddy.”
Nang marinig ang salitang daddy na lumabas sa bibig nito, mabilis niyang nilingon ang katabi at nang makitang wala na roon si Calyx, nakaramdam siya ng kalungkutan.
“Nasaan si Dad— si Calyx?” Ano ba ito. Nakiki-daddy na rin siya.
“Umalis na po.”
Parang bumigat ang dibdib ni Etheyl sa nalaman pero mas inisip niya ang nararamdaman ngayon ng anak. “Okay lang ba sa `yo?” nag-aalalang tanong niya.
Tumango ito. “Opo. Babalik din naman po bukas si Daddy `tapos nag-promise siya sa `kin na mamamasyal tayo sa Disneyland pagbalik niya.”
Hinilot niya ang sentido. Seth didn’t have a freaking passport. Paano dadalhin ni Calyx ang anak niya sa ibang bansa na walang passport? At hindi lang iyon, wala din iyon sa budget niya. Mas pinaglalaanan niya ngayon ng pera ang educational fund ng anak. Sana hindi na lang ito nagsinungaling kay Seth.
Naiinis na bumangon siya. “Anong gusto mong almusal, anak?”
“Tapos na po ako.”
Kunot ang noong tiningnan niya si Seth. “Tapos ka na?”
“Opo.” Tumango ito. “Nag-bake po si Daddy ng cookies at sabay kaming nag-breakfast.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Calyx can bake?
Itinuro ni Seth ang pinggan na nasa bedside table niya na puno ng cookies. “Hayun po, o. Para daw sa `yo sabi ni Daddy.”
Nilapitan niya ang bedside table at kumuha ng isang pirasong cookies at tinikman iyon. When the taste of the cookie exploded in her mouth, she remembered the first cookies that Calyx gave her. Ito rin ba ang nag-bake ng cookies na ibinigay nito sa kanya noon dahil magkasinglasa iyon?
Nai-imagine niyang nagbi-bake si Calyx ng cookies at wala itong suot na pang-itaas maliban sa apron. Dayum, hot!
Marahas na ipinilig ni Etheyl ang ulo at natigilan nang may makitang nakatuping puting papel na nakaipit sa ilalim ng pinggan.
Mahina siyang natawa nang makitang sulat iyon ni Calyx para sa kanya at lapis ang ginamit nitong panulat. Idagdag pa na pang-grade one na papel ang sinulatan nito. Hindi niya napigilan ang tumawa. Pero habang binabasa ang sulat ng binata, nahaluan ng kilig ang nararamdaman niya.
Good morning, ganda.
Maaga akong umalis. I didn’t have the heart to wake you up because you were peacefully sleeping. Okay, I tried to wake you up with my hot kisses, pero siniko mo lang ako. Rest assured na pinakain ko na si Seth at nakapagpaalam na rin ako sa kanya at nangakong babalik din ako bukas. At babalik ako, ganda. I will be knocking on your door first thing tomorrow morning so don’t miss me too much, though if you miss me too much, that would be okay, too. Anyway, I left photos in your printer. Sorry, pinakialaman ko ang laptop at printer mo at maraming salamat dahil may photo paper kang nakaimbak at pinakialaman ko rin `yon. That’s all. God bless. Have a bright day ahead and I hope that the cookies I baked will give you a very pleasant good morning.
Here to stay, Calyx.
Humugot si Etheyl ng isang malalim na hininga pagkatapos basahin ang sulat ni Calyx. Ano ba ang mayroon sa lalaking iyon at kinikilig siya sa simpleng sulat lang nito?
Naiiling na binalingan niya si Seth na abala sa pagpindot-pindot sa cell phone niya.
“Dito ka lang, anak. May kukunin lang si Mommy.”
“Okay po, Mommy.”
“Huwag malikot,” bilin niya.
“Opo.”
Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang study table niya kung saan naroon ang printer at laptop. And true to Calyx’s words may dalawang larawan na nasa printer. Ang unang larawan ay sina Calyx at Seth, nakahubad-baro ang binata at halatang bagong gising ang dalawa dahil magulo pa ang buhok ng mga ito. Nakaakbay ang binata sa anak niya at si Seth naman ay nakayakap sa binata. Parang kuha ang larawan na iyon sa kusina. Ang ikalawa naman ay larawan nilang tatlo. And she was sleeping in the picture while the two boys were grinning from ear to ear at the camera! Ang lalaking `yon talaga! Hindi man lang siya ginising.
At tulad ng sa cookies, may sulat ding iniwan doon si Calyx. Nakasiksik naman iyon sa gilid ng laptop.
Good morning again, ganda.
Pakibigay ng picture na `yan kay Seth. Ilagay mo muna sa picture frame bago mo ibigay. I don’t want Seth keeping a magazine picture of me. Gusto ko, kung may makikita man siyang picture ko, `yon ay ang magkasama kami at magkasama tayong tatlo. `Di ba, mas masaya `yon?
-Calyx
Etheyl was touched after reading Calyx’s second message. Why was Calyx so sweet, so understanding and so damn caring to her son? Kaya hindi na siya magtataka kung isang araw magising na lang siya na malalim na ang nararamdaman para sa binata. Even now, she could feel herself falling crazily and deeply for Calyx Vargaz.
And it scared her.