noveltoon logo noveltoon
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 3

Ch. 3 / 29 Feb 05, 2022

NAKATINGIN lang si Calyx sa papalayong sasakyan ni Etheyl. Nang umalis ito sa dance floor ay mabilis niya itong sinundan pero hindi siya nagpakita sa babae. It seemed that the beautiful Etheyl did not want to see him.

Too bad he liked to see her again.

Huminga siya nang malalim at sumakay sa kotse. Pinaharurot niya iyon patungo sa penthouse niya. Pumunta lang naman siya sa party dahil inimbitahan siya ng kapatid ng nag-debut na pinaunlakan naman niya dahil wala naman siyang gagawin pagkatapos nilang mag-inuman ni Ymar. Isa siyang investor sa kompanya ng mga ito kaya imbitado siya.

Nang makarating sa kanyang penthouse, nag-text siya kay Lander, saka pinindot ang send. Ilang segundo ang lumipas, nag-ingay ang cell phone niya.

Lander is calling…

Sinagot niya ang tawag. “Nabasa mo ang text ko?”

“Yeah,” sabi ni Lander. “Si Shun Kim ang tanungin mo huwag ako.”

Umikot ang mga mata niya. “Mukhang pera si Shun Kim. Ayoko siyang kausapin.”

“Ang kuripot mo talaga.” Natatawang sabi ni Lander. “Siya ang makakatulong sa `yo ngayon. Sabi ni Iuhence, magaling si Shun Kim. He even recommended him to me kung may ipapahanap daw ako.”

He grunted. “Fine. I’m calling Shun.”

Tinapos niya ang tawag at si Shun naman ang tinawagan. Isang ring lang, sinagot kaagad nito ang tawag niya.

“What do you need, Vargaz?” tanong kaagad nito mula sa kabilang linya.

“Can you check who owns this plate number?” Sinabi niya rito ang plate number na pinapahanap niya. “And can I have a discount?”

Tumawa nang malakas si Shun. “Really, Calyx? Ang kuripot mo talaga.” Tumawa na naman ito. “Hindi naman mahal ang ibabayad mo sa impormasyon na ibibigay ko.”

“Magkano ba?”

“You see, may pinagbibili akong bahay sa Bachelor’s Village. Maganda `yon. May malaking solar, dalawa ang swimming pool. You can raise a family in there—”

“How much, Shun?” walang buhay niyang tanong.

“Thirty million only, my friend. Deal?”

Umawang ang mga labi ni Calyx at nanlaki ang mga mata niya. “What the fucking fuck? Thirty fucking million?!” Ipinilig niya ang ulo. “No deal!”

“Madali lang naman akong kausap, eh. No deal, no information. Bye, see yah—”

“Wait.” Huminga siya nang malalim at mariing pumikit. “Fine. Deal.”

Mahinang tumawa si Shun. “Kahit pala ang kuripot, maglalabas ng pera may malaman lang na impormasyon tungkol sa isang babae.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “I don’t know what you’re talking about…” pagkakaila niya, saka napabuntong-hininga at napailing-iling. “Paano mo nalamang babae ang may-ari niyan?”

Mahinang tumawa si Shun. “Because I’m awesome. Anyway, hold on a minute.”

Nawala ito sa kabilang linya ng mga dalawang minuto. Pagkatapos ay nagsalita uli ito. “Ang may-ari ng plate number na pinapahanap mo ay si Etheyl Vallega.”

“Ang bilis mo namang maghanap,” komento niya.

“I have a very powerful database, my friend. Anyways, she’s twenty-five years old and she is an Etiquette and Personality Development teacher.”

Lumalim ang gatla sa noo niya. “Ano `yon?”

“Teacher siya sa Etiquette and Personality Development.” Tinagalog lang nito ang sinabi. “I’ll send you the number kung kakailanganin mo ang serbisyo niya. Seriously, Vargaz, you should enroll.”

“Fuck off.” Tinapos na ni Calyx ang tawag at pagkalipas ng ilang segundo, nakatanggap siya ng text message mula kay Shun, ang numero ni Etheyl.

Mabilis na tinawagan ni Calyx ang numero. Babae ang sumagot at nasisiguro niyang hindi iyon si Etheyl base sa boses ng nasa kabilang linya.

“Who’s this?” tanong niya na magkasalubong ang mga kilay.

“Good evening. This is Beth Farer, secretary of Miss Etheyl Vallega. How may I help you?”

“Ahm…” Nasapo niya ang noo nang wala siyang masabi. Fuck! “I want to enroll.” Holy shit! I have an excellent etiquette, thank you very much mouth!

“I’m sorry to inform you, Sir, but our enrollment is now closed. We have already reached the maximum number of students.”

Humigpit ang hawak niya sa cell phone. “I’ll pay triple.”

“I’m sorry, Sir—”

“One hundred thousand for every session.” Napapalatak si Calyx nang mag-sink in sa kanya ang lumabas sa bibig niya. Parang ang laki ng one hundred thousand … Oh well. “Still a no?”

Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. Mayamaya ay nagsalita itong muli. “A-are you s-sure, Sir?” Nasa boses ng kausap na hindi ito makapaniwala.

“Ibigay mo sa akin ang bank account name and number n’yo. I’ll send the money first thing tomorrow.”

Bumuga ng hangin ang kausap na para bang kanina pa nito pinipigilan ang hininga. “Kung hindi po kayo nagbibiro, you’ll be in Miss Etheyl’s special class.”

“Special class?” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano `yon?”

“`Yong mga nag-enroll po kasi ay kailangan pumunta sa studio namin, pero kayo po na kasali sa special class, pupunta po mismo si Miss Etheyl sa bahay n’yo kung ayos lang, kung hindi naman, puwede kang pumunta sa studio namin—”

“Okay sa akin `yong pupunta siya sa bahay ko.” Kaagad niyang ibinigay ang address niya. “That’s the address of my penthouse. Papuntahin mo na lang siya bukas para maumpisahan na namin ang pagtuturo niya sa akin ng—” Tumikhim siya, “—etiquette and personality development.”

“Sir, aayusin po muna namin ang schedule ng classes at kaagad ko po kayong tatawagan kung makakapunta si Miss Vallega bukas sa penthouse n’yo,” masayang sagot ng babae. “Anyway po, Sir, kakailanganin ko lang po ang ilang information tungkol sa inyo.”

Kaagad na ibinigay ni Calyx ang mga impormasyong hiningi ng babae sa kabilang linya. Maayos siyang sumagot sa mga tanong hanggang sa nagpaalam na ang babae.

Nang matapos ang tawag, nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. “I have an excellent etiquette and personality development. This is freaking hilarious,” sabi niya sa sarili habang papasok sa kuwarto niya.

PAGPASOK pa lang ni Etheyl sa studio, sinalubong kaagad siya ng isang malakas na tili na nagmula kay Beth.

“Etheyl! Etheyl!” Tumili ito nang makita siya. “Oh my, God! I have good news!”

Natigilan siya sa paglalakad at kunot ang noong napatitig sa sekretarya-slash-kaibigan. “Tumama ka sa Lotto?”

“Gaga. Hindi `no.” Napakalapad ng ngiti ni Beth. “May kliyente tayo na handang magbayad ng one hundred thousand per session.”

Napamulagat siya. “Totoo?”

Tumango ito habang nakangiti pa rin. “Yes! Totoong-totoo. Sabi ko nga sa kanya na sa special classes siya dahil—”

“Beth!” Pinandilatan niya ito. “Walang tayong special classes.”

“Mayroon na ngayon.” Nilapitan siya ng kaibigan at hinawakan sa magkabilang balikat. “Isipin mo `to, Etheyl, one hundred thousand per session. Madali lang naman ang gagawin mo. This is what you do best, Etheyl. Pinag-aralan mo `tong trabaho mo. Kahit makasampung session ka lang, makakaisang milyon na tayo. Mabibili na natin sa wakas itong studio na buwan-buwan nating binabayaran para lang maging sa atin na at hindi tayo palayasin ng may-ari. At ang good news ay nagbayad na siya para sa tatlong session!”

Nagpakawala si Etheyl ng isang malalim na hininga. Mukhang wala na siyang magagawa. Nakabayad na pala, eh. At tama si Beth, makakatulong sa kanya ang malaking pera na iyon. Katatanggap lang niya ng mga bills noong makalawa at kasama na doon ang buwanang bayad sa studio at hindi lang iyon, ang bayarin din niya sa bahay na tinitirhan at ang pagkain nila araw-araw.

“Fine. I’ll do it,” sabi niya na ikinangiti pa lalo nang malapad ni Beth.

“`Buti naman.” May ibinigay sa kanyang munting papel si Beth. “Calyx Ventura ang pangalan ng kliyente mo. Lalaki siya at sa timbre ng boses, feeling ko guwapo siya.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Etheyl. “Calyx ang pangalan niya?”

“Oo. Bakit?”

Umiling siya. “Wala naman.” Nag-iwas siya ng tingin. This must be just a coincidence. Maraming lalaki sa mundo na ang pangalan ay Calyx. Saka Ventura naman ang apelyido ng kliyente nila, hindi Vargaz kaya nasisiguro niyang hindi ito ang binatang gusto niyang iwasan. “Siya nga pala, tinanong mo ba siya ng ibang mahahalagang impormasyon na kailangan natin?”

Mabilis na tumango si Beth. “Nagtatrabaho siya sa CureMed Pharmaceutics. Ibinigay niya sa akin ang contact number ng HR Department ng pinagtatrabahuhan niya at kinumpirma nga nila na may Calyx Ventura silang empleyado.”

CureMed Pharmaceutics? Calyx Vargaz’s company? Ipinilig ni Etheyl ang ulo. Siguro nagkataon lang uli. Sigurado siya.

“Nandiyan ang address niya sa papel na `yan,” pagpapatuloy ni Beth. “Nang maayos ko ang schedule kahapon, tinawagan ko kaagad si Mr. Ventura. Sinabi ko sa kanya na baka mamayang hapon ka na makapunta kasi may tuturuan ka ngayon.”

As if on cue, isa-isang pumasok ang mga estudyante niya na halos anak lahat ng mayayaman.

“I’ll be in the office,” sabi ni Beth at iniwan siya sa studio kasama ang mga estudyante niya.

Huminga muna si Etheyl nang malalim bago matamis na ngumiti sa mga estudyante. “Okay, class. Our lesson for today is about different smiles in every different occasion and situations.”

And her class of etiquette and personality development began.

PAGKATAPOS ng klase ni Etheyl, nananghalian muna siya, saka nagpunta sa address na nasa papel na ibinigay ni Beth sa kanya. Naririnig ni Etheyl ang malakas na pagtibok ng puso niya habang sakay siya ng elevator papunta sa penthouse ng kanyang special student. Kinapa niya ang pepper spray sa loob ng bag. Oo nga at may mga impormasyon siyang alam tungkol sa bagong estudyante, at kinumpirma naman ng pinagtatrabahuhan nito na mabuti itong tao, the fact still remained na hindi niya personal na kilala ang bago niyang estudyante.

Bakit naman kasi niya tinanggap `to, eh?

Kailangan niyang mag-ingat. Kung hindi lang malaki ang ibabayad sa kanya, nunca na pupunta siya, kaya lang, kailangan niya ngayon ng pera. Lalo na at may pinag-iipunan siya.

Nang tumigil ang elevator sa palapag na kinaroroonan ng penthouse, humugot siya ng malalim na hininga bago lumabas at naglakad papunta sa nag-iisang pinto sa floor na iyon.

Pinindot niya ang doorbell.

Nang lumipas ang tatlong minuto na walang nagbukas, nagbaka-sakali si Etheyl na pihitin ang doorknob. Nagulat siya nang bumukas ang pinto. What the heck? Hindi ba marunong mag-lock ng pinto ang may-ari ng bahay?

Kahit walang pahintulot, pumasok siya sa penthouse at isinara ang pinto. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa sala. Nalula siya sa mamahaling kagamitan na naroon. Simple lang ang ayos ng penthouse pero halatang bawat gamit ay tanging mayayaman lang ang makakabili. The owner of this house even had a piano! And that cost an arm and a leg.

“Hello? May tao po ba rito?” Malakas ang boses na sigaw niya habang kinakapa ang pepper spray sa bag. “I’m Etheyl Vallega, the etiquette and personality development teacher.”

Nang walang matanggap na sagot, naiinis na umupo siya sa pang-isahang sofa. “Nasaan kaya ang may-ari ng penthouse na `to?”

As if to answer her question, nakarinig siya ng mga yabag sa likuran at biglang may lumapat na mga labi sa leeg niya.

Malalaki ang mata na nilingon ni Etheyl ang pangahas at inihanda ang pepper spray. Laking gulat niya nang makita si Calyx Vargaz na ilang dangkal lang ang layo ng mukha sa mukha niya.

Nagkabuhol-buhol ang tibok ng puso niya. “C-Calyx?”

Tumuwid ng tayo ang binata. Wala itong suot na pang-itaas at nakatapi lang ng tuwalya mula baywang pababa. “That’s me.” Nginitian siya nito. “Sorry, naliligo ako kaya hindi kita narinig.” Umikot ito patungo sa mahabang sofa na kaharap ng pang-isahang sofa na kinauupuan niya. “So, a teacher, huh?”

Pinukol ni Etheyl ng masamang tingin ang binata nang mag-sink in sa isip niya ang nangyayari. Hindi siya makapaniwalang natawa. “Really? Calyx Ventura?”

He gave her an apologetic smile. “Sorry, though it’s not a lie. My mother’s maiden name is Ventura, so…”

Tumaas ang kilay niya. “Pinlano mo ba `to?”

“Oo, gusto kasi kitang makita,” walang pag-aalinlangan nitong sagot.

Hindi makapaniwalang napatawa siya. “Good God! Nagbayad ka ng one hundred thousand para pumunta ako sa penthouse mo?”

“Nope.” Sumandal ito at matiim siyang tinitigan. “I paid one hundred thousand for you to teach me.”

“Teach you what?” Hindi mapigilan ni Etheyl ang mga mata na bumaba sa matitipuno nitong dibdib. Crap!

“Teach me something. Ikaw ang bahala kung ano ang ituturo mo sa `kin.” Calyx smiled. “Kahit ano, basta may matututunan ako.”

Napalunok si Etheyl nang dumako ang tingin niya sa tuwalya na nakatapi sa kaselanan ng lalaki. Marahas niyang ipinilig ang ulo at tumingin sa mga mata ng binata.

“Mr. Vargaz, alam ko `yang kislap ng mga mata mo. Etiquette at personality development ang tinuturo ko, hindi ang mga posisyon sa Kama Sutra.”

Calyx chuckled, his eyes held amusement. “Wala naman akong sinabing ang mga posisyon sa kama sutra ang ituro mo sa akin, pero kung iyan ang ituturo mo, isa naman akong mabait na estudyante. Makakaasa kang makikipag-cooperate ako sa bawat posisyon na ituturo mo.”

Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Pinaglalaruan mo ba ako? I take my job seriously, Mr. Vargaz. Nagbayad ka at iyon ang rason kung bakit hindi pa ako umaalis ngayon sa penthouse mo. Ngayon, kung paglalaruan mo lang ako at hindi seseryosuhin ang pagtuturo ko, mas makabubuti para sa ating dalawa na umalis na lang ako at ibabalik ko sa `yo ang pera mo.”

Akmang tatayo siya nang kasimbilis ng kidlat na lumapit si Calyx at inilapit ang mukha sa mukha niya.

Nahigit ni Etheyl ang hininga sa biglang pagkakalapit ng mukha nila ng binata. “A-ano ba, Calyx. Lumayo ka nga.” Kinakapos siya ng hininga kapag malapit lang ito sa kanya.

“Let the class begin,” mahinang bulong ni Calyx malapit sa nakaawang niyang mga labi. “Shall we?”

Hindi pa siya nakakatugon at nakakapag-react sa sinabi nito, naangkin na nito ang mga labi niya habang ang dalawa niyang kamay ay hawak nito at iginigiya iyon pahaplos sa katawan nito, pahaplos pababa sa puson nito.

Hindi alam ni Etheyl kung ano ang sumapi sa kanya para hindi siya umangal sa ginagawa ni Calyx. Ang totoo ay nagustuhan niya iyon kaya namalayan na lang niya ang sarili na ginagaya ang bawat paggalaw ng labi ng binata sa mga labi niya. At bago pa siya makapag-isip nang matino, itinulak siya nito paupo sa sofa at inangkin uli ang mga labi niya.

Naramdaman ni Etheyl ang pag-iinit ng katawan, lalo na nang maramdaman niya ang kamay ng binata na pumasok sa pang-itaas niyang suot at gumapang papunta sa mayayaman niyang dibdib.

He was kissing her lips, his hand was massaging her breast and that’s enough for Etheyl to lose control over her body.

Nagpaubaya siya sa bawat haplos ni Calyx sa kanyang katawan, sa bawat pagdampi ng mga labi nito sa mga labi niya pababa sa kanyang leeg at mayayamang dibdib na ngayon ay malaya na nitong napagmamasdan. Itinaas ng lalaki ang laylayan ng kanyang blouse para makita ang kalahati ng katawan niya.

Nakagat ni Etheyl ang labi nang maramdaman ang kamay ni Calyx na humahaplos sa hita niya at gumagapang iyon pataas. At dahil nakasuot siya ng pencil skirt na hanggang tuhod ang haba, madali nitong naipasok ang kamay sa loob niyon.

Naglagablab ang katawan niya, lalo na nang humaplos ang daliri nito sa gitnang bahagi niya. Pakiramdan ni Etheyl ay nanginig siya sa kiliti at sensasyong naramdaman. Napakasarap niyon at gusto pa niyang haplusin doon ni Calyx. Pero bago pa nito maipasok ang daliri sa loob ng basa niyang panty, isang malakas na tunog ng cell phone ang gumising sa nahihibang niyang diwa.

Parang napapasong lumayo si Etheyl sa binata at inayos ang damit niyang kita na halos ang kalahati ng kanyang katawan. Gusto niyang sampalin ang sarili sa hiyang nararamdaman pero wala namang magagawa iyon. Sa halip, hinarap niya si Calyx pagkatapos nitong tapusin ang tawag. Siniguro niyang may distansiya sa kanilang pagitan.

“Umpisahan na natin ang klase,” sabi ni Etheyl, saka tumikhim. “`Yan ang ipinunta ko rito.”

Matamang nakatingin sa kanya si Calyx, saka bumuntong-hininga at tumango.

Lihim na napalunok si Etheyl sa pagpayag ng binata na simulan na nila ang kanyang pagtuturo.

Diyos ko, tulungan n’yo po akong labanan ang tukso na nagngangalang Calyx Vargaz. Hindi siya puwedeng magpadarang sa init ng katawan niya. Hindi iyon makakabuti sa kanya.