noveltoon logo noveltoon
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 4

Ch. 4 / 29 Feb 05, 2022

NAKAKAPAGOD. Iyon ang masasabi ni Etheyl sa dalawang oras na pagtuturo niya kay Calyx tungkol sa mga dapat ikilos ng isang maginoong lalaki. Sa lahat ng pagkakataon, kailangan niyang bantayan ang nararamdaman ng katawan tuwing nagkakalapit ang mga katawan nila ng binata. Hindi niya nagugustuhan kung paano mag-init ang kanyang katawan dahil lang sa pagkakadikit ng mga braso nila.

Kung hindi lang siya binayaran ni Calyx ng malaking halaga at kung hindi siya nangangailangan ng pera, kanina pa niya ito nilayasan.

“Uulitin ko, Calyx, hindi ganyan ang dapat na paghawak sa isang babae?” Naiinis na inayos ni Etheyl ang kamay nito na nakapulupot sa kanyang baywang. Hindi niya gusto ang posisyon nila dahil nararamdaman niya ang epekto niyon sa kanyang katawan, pero wala naman siyang pagpipilian kundi tiisin iyon at pigilang ang sarili. “Put your hand in my back, that’s how a gentleman guides a woman. Don’t snake your arm around her waist. That’s not a gentleman thing to do.”

Calyx grunted. “Una sa lahat, hindi ako gentleman. Pangalawa, hindi na nakakagulat ngayon kung makakita ka ng nagyayakapan sa kalye kasi normal na `yon. Pangatlo, bakit naman ilalapat ko lang sa likod mo ang kamay ko kung puwede naman kitang yakapin?”

Naiinis na inalis ni Etheyl ang kamay ng binata sa baywang niya. “Sa susunod na linggo na natin ipagpatuloy `to.”

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Calyx. “Next week? Bakit next week pa? How about tomorrow?”

“Hindi puwede bukas. Next week ang schedule ng next class mo.” May pupuntahan siya bukas.

“The day after tomorrow then?”

“Busy ako.”

“Ano’ng gagawin mo?” Bigla na lang nagdilim ang mukha ni Calyx. “May ka-date ka?”

“You could say that.”

“Sino ang ka-date mo?” Magkasalubong ang mga kilay nito at mukhang iritado. “Sabihin mo sa `kin ang pangalan niya.”

Napapantastikuhang tinitigan ni Etheyl ang binata. “Ano naman ang kinalaman mo do’n? I just met you, Calyx. Hindi kita kaano-ano kaya please lang, huwag kang magtanong o makialam.”

“Masama bang magtanong?”

Napatitig siya sa binata. “Hindi, pero masama ang paraan ng pagkakatanong mo.”

Lalong nagdilim ang mukha nito. “Why are you being defensive? Nagtatanong lang naman ako. Unless…” Inisang-hakbang nitong ang pagitan nila at namalayan na lang ni Etheyl na ilang dangkal na lang ang layo ng kanilang mukha sa isa’t isa. “You don’t want me to know who he is because you’re fucking him too—”

Mabilis na lumipad ang kamay ni Etheyl para sampalin ang binata. Matatalim ang matang tinitigan niya ito. “Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan—”

Nahigit niya ang hininga at tinangay ng hangin ang iba pa niyang sasabihin nang hapitin ni Calyx ang kanyang baywang habang ang isang kamay ay hawak ang kamay niya na sumampal dito.

“Sino ang nagbigay sa `yo ng karapatan na sampalin ako?”

Kinakabahang napalunok si Etheyl. “Puwede ba, Calyx—”

“You should be punished.” Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. “How about a kiss?”

Kinabahan siya. “Don’t you dare—”

Bago pa matapos ni Etheyl ang sasabihin, nasakop na ng mga labi ng binata ang mga labi niya at mapusok siyang hinalikan.

Gusto niyang magpumiglas, gusto niyang itulak si Calyx, pero ang katawan niya, kabaligtaran ang gustong gawin. Namalayan na lang niya na sa halip na itulak ay iniyakap pa niya ang isang braso sa leeg ng binata at tinutugon na ang mainit nitong halik.

Munting mga daing ang kumawala sa mga labi ni Etheyl nang bumaba ang halik ni Calyx sa kanyang leeg. May sariling isip ang kamay niya na humaplos sa leeg nito pababa sa braso hanggang sa bumaba iyon sa tagiliran nito.

Nakagat niya ang mga labi nang maramdaman ang isang kamay ni Calyx na kanina ay hawak ang kamay niya na lumapat sa kanyang hita at gumagapang pataas. Kusang bumuka ang mga hita niya at mahina siyang napadaing nang dumako ang kamay ng binata sa basa niyang kaselanan.

“So wet…” bulong ni Calyx habang hinahalik-halikan ang leeg niya “I like it…”

Nakagat ni Etheyl ang labi at mahigpit na napahawak sa balikat ng binata nang ipasok nito ang dalawang daliri sa loob ng basa niyang panty, saka hinagod ang kanyang pagkababae.

“Calyx…” mahina niyang ungol habang napapaliyad sa sarap na dulot ng daliri nito. “Oh! Sige pa…” Hindi mapigilan ni Etheyl ang mapaungol sa sarap at udyukan pa ang binata na mas pag-igihin ang ginagawa. “Oh, Calyx, Oh! Oh… Calyx…”

Nakatingala siya sa kisame at mahinang umuungol dahil sa sarap na pinapalasap sa kanya ni Calyx nang may tumunog nang malakas. Parang naging hudyat iyon para magising siya sa kabaliwan ng katawan niya.

Parang napapasong itinulak niya palayo ang binata. Hindi siya makatingin dito habang inaayos ang damit na nalilis.

“Etheyl…”

Kinuha niya ang bag na nasa center table, pinatay ang alarm na sinet nga pala niya kanina bago siya pumunta roon, saka tumikhim at nagsalita, hindi pa rin siya makatingin sa binata nang deretso. “Aalis na ako.”

“Etheyl—”

“Bye,” sabi niya, saka malalaki ang hakbang na lumabas ng penthouse ni Calyx.

PABAGSAK na umupo si Calyx sa mahabang sofa sa sala at napatitig sa pintong nilabasan ni Etheyl. Mayamaya ay bumaba ang tingin niya sa dalawang daliri na basa pa dahil sa katas ng babae na bumabalot doon.

Pumikit siya, saka ipinasok ang mga daliri sa bibig at tinikman ang masarap at nakakawala sa tamang huwisyo na katas ni Etheyl.

His cock hardened. Damn! She tasted really good. So good he wanted to taste her again and again and again. Pero parang napakaimposibleng mangyari niyon sa ngayon na mailap ang dalaga sa kanya.

Hindi niya talaga ito maintindihan. She enjoyed being in his arms, nararamdaman niya iyon, pero kapag nakakasilip ng pagkakataon, kaagad siya nitong itutulak palayo.

Ano ba ang problema ng babaeng `yon?

And really? She’s going on a date? Fuck!

Ano naman ang pakialam ko do’n?

Sa halip na isipin si Etheyl, tinawagan niya ang kanyang sekretarya. “Hello, Zha? Kumusta ka na?” kaagad niyang tanong nang sagutin nito ang tawag.

Zha grunted. “I’m busy, boss.”

Napangiti siya. “That busy, huh?”

“Oo!” biglang asik nito. “Hindi naman ako magiging busy kung pumapasok ka sa opisina. Boss naman eh, kung puwede ko lang akuin ang lahat ng trabaho mo, gagawin ko, pero boss naman, secretary ako at hindi CEO.”

Napangiti na lang si Calyx. Sanay na siyang palaging pinagsasabihan ng sekretarya. Zha or Eliza Velasquez had been working for him since he took over CureMed Pharmaceutical. His grandfather started it all. At dahil masipag ang lolo niya at talagang maabilidad, napalago nito ang CureMed hanggang sa maging isa sa mga pinagkakatiwalaang drugstore sa Asya.

The responsibility was given to his father and was passed down to him. Sabi pa ng ama niya noon, siya ang sisira sa CureMed Pharmaceutical. Tinatawanan lang iyon ni Calyx. Oo nga at hindi siya araw-araw pumapasok pero hindi naman niya pinapabayaan ang responsibilidad sa kompanya. Hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang pinaghirapan ng kanyang pamilya.

“Zha, papasok ako bukas. So chill, okay?”

“Ewan ko sa `yo, boss,” sabi nito, saka tinapos ang tawag.

Napatingin si Calyx sa screen ng cell phone niya at napailing-iling. That’s what he got for having a friend as his secretary. Hindi lang niya basta kaibigan si Zha, inaanak ito ng ama niya kaya naman close talaga silang dalawa mula pa noong mga bata sila. Para na silang magkapatid kaya kung makapagsalita ito sa kanya, parang hindi siya boss.

Malakas siyang bumuntong-hininga, saka lumabas sa penthouse. Nagmaneho siya papunta sa YS Pharmaceutics, ang kompanya ng kaibigan niyang si Ymar. Nang makarating doon, dumeretso siya sa YS laboratory kung saan siya itinuro ng sekretarya ni Ymar nang hanapin niya ang kaibigan sa opisina nito.

“Hey, Mr. Uptight and I don’t do fun,” sabi niya nang makapasok sa laboratoryo na nagsisilbing ikalawang opisina ni Ymar.

Tinanggal ni Ymar ang face mask na suot at inayos ang suot na lab coat. “Ano’ng ginagawa mo rito?” He gave him a bored look. “Unlike you, I have things to do.”

Nginitian lang ni Calyx ang kaibigan at umupo sa walang laman na parisukat na mesa na gawa sa marmol. “Kumusta ang mga orders ko?”

Businness partners sila ni Ymar. His company sold medicines while Ymar’s company, the YS Pharmaceutics, made medicines. Para matulungan ang isa’t isa, kay Ymar siya kumukuha ng mga gamot. Hindi naman siya lugi kasi kilala ang YS Pharmaceutics sa Asya. Mapagkakatiwalaan ang gamot na gawa ng mga ito.

Bumuntong-hininga si Ymar. “Nagpadala na ako ng tigsasampung truck ng mga gamot sa bawat branch ng CureMed Drug Store rito sa bansa. `Yong sa ibang bansa na branches, naipadala ko na rin. I already sent the SOA and the list of medicines to your office, basahin mo na lang. And no, I won’t give you a discount.”

Mahina siyang natawa. Kilalang-kilala talaga siya ng kaibigan. “Hindi naman ako manghihingi, eh, kasi alam kong hindi ka magbibigay.”

“Good. Now, please leave my laboratory.”

“Ayoko. I’m bored.”

Ibinalik nito ang atensiyon sa cylinder na kanina pa nito hinahalo gamit ang stirring rod. “Bakit hindi ka kaya pumasok sa opisina mo para hindi ka ma-bore?” suhestiyon nito.

“Lalo akong mabo-bore doon.” Nahiga siya sa mesang kinauupuan. “God. I need a change of pace. Pronto.”

“Maghanap ka ng babae na mamahalin mo, siguradong magbabago ang buhay mo,” sagot ni Ymar habang abala pa rin sa paghahalo ng kung anong likido sa cylinder. “Look at our good friend Tyron. Nang makapag-asawa, biglang nagbago ang mga pananaw sa buhay at mas naging masaya pa. You a want a change of pace, then find a woman to marry.”

Calyx looked at Ymar dryly. “Kung makapagsalita ka parang pupulot ka lang sa kalye ng babaeng pakakasalan at magiging masaya ka na.” Napailing-iling siya. “It doesn’t work like that. At least, that’s what Tyron said.”

“Nagpapaniwala ka naman kay Tyron.” Pumalatak si Ymar. “I’m sure kung ano mang ka-cheese-sihan ang pinagsasabi ni Zapanta, natutunan niya iyon sa asawa niyang si Raine.”

Mahina siyang natawa. “At least masaya si Ty sa piling ni Raine. Eh, tayo?”

Nag-angat ng tingin si Ymar. “Why Calyx? Getting bored of a being a much sought-after bachelor in the country?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Ikaw? Hindi ka ba nagsasawa? Damn it, I’m already thirty-one.”

“O, eh, ano ngayon?”

He grunted. “Nothing.”

“`Yon naman pala, eh.” Itinuro nito ang pinto ng laboratoryo. “Umalis ka na. Marami pa akong gagawin. Iniistorbo mo ako.”

Napasimangot siya. “Hindi ako nakakaistorbo. What are friends for?”

“Magkaibigan tayo, Vargaz, pero hindi ka n’on binibigyan ng pahintulot na istorbuhin ako habang nagtatrabaho.”

Pinukol ni Calyx ng masamang tingin ang kaibigan. “Ang sama mo. Binibisita lang naman kita, eh.”

“Get out, Vargaz. Si Lander ang istorbuhin mo.”

“Busy siya.”

Natigilan ito at napatingin sa kanya. “Kailan pa naging busy si Lander?”

Nagkibit-balikat siya. “I don’t know.”

“Narinig ko kay Cali na bumalik na si Vienna.”

Tumango siya. “Yeah. Sinabi din sa `kin ni Cali.”

“Bakit naman siya magiging busy ngayong bumalik na ang ex niya? `Di ba sabi niya naka-move on na siya?”

Nagkibit-balikat lang si Calyx. He knew about Lander’s feeling towards that woman. Nang minsang mag-inuman silang dalawa, sinabi nito ang lahat sa kanya. At nangako siyang hindi iyon sasabihin kahit na kanino. Kaya alam niya na tuwing sinasabi ni Lander na naka-move on na ito, kasinungalingan lang iyon. Hindi nito matanggap na mahal pa rin ang ex-girlfriend na nang-iwan dito.

Bumangon na si Calyx mula sa pagkakahiga sa mesa. “Aalis na ako.”

“Thank God,” Ymar exclaimed.

He flipped Ymar off. “Good-bye, my friend.”

“Don’t come back,” sagot naman ni Ymar.

Nginisihan niya lang ang kaibigan at lumabas ng laboratoryo.

Nang makalabas sa YS Pharmaceutics, kaagad na sumakay si Calyx sa kotse niya at pinaharurot iyon papunta sa CureMed Building. Wala naman siyang gagawin. Papasok na lang siya kahit pa nga isang oras na lang at maglalabasan na ang kanyang mga empleyado.

NANG makalabas si Calyx sa elevator na naghatid sa kanya sa top floor kung nasaan ang opisina niya, kaagad niyang nakita si Zha na abala sa harap ng computer.

Kumatok siya sa mesa ni Zha para kunin ang atensiyon nito. “Take a rest, woman.”

Tumalim ang mga mata nito nang balingan siya, saka nakakalokong ngumiti. “So, the boss is here.”

Nginitian niya ang kababata, saka umupo sa gilid ng mesa nito. “Yeah, I’m here. Anyway, call every country manager of CureMed all over Asia. May meeting tayo two days from now. Gusto ko silang makausap. Parami na nang parami ang drugstore sa bansa at sa Asya, kailangan maging maganda pa ang serbisyo natin para manatili tayo sa itaas. Tell them to make a report about their sales and how are they competing in the market. It’s been a long time since we had a meeting. Copy?”

“Copy, boss,” kaagad na sagot ni Zha at bumalik na sa trabaho.

Nagpakawala si Calyx ng malalim na hininga, saka pumasok sa opisina niya. Naglakad siya palapit sa glass wall at tumingin sa baba ng gusali. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang biglang pumasok sa isip si Etheyl. Malakas siyang bumuntong-hininga, saka umupo sa swivel chair.

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

“Saan kaya siya nakatira?” Hinilot niya ang sentido. “Should I call Shun?” Napailing-iling siya. “Nababaliw na ako. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?”

Bumuga siya ng hangin at hinarap ang mga papeles na kailangang pirmahan. Mukhang mag-o-overtime siya ngayon. Crap.

“GOOD night, Sir Calyx,” sabi ng security guard nang makalabas siya sa CureMed Building.

“Have a good night, too,” sagot ni Calyx at sumakay sa nakaparada niyang sasakyan. Alas-onse na nang gabi. Tama nga ang sinabi niya sa sarili kanina na mag-o-overtime siya.

Habang nagda-drive papunta sa kanyang penthouse, pumasok na naman sa isip ni Calyx si Etheyl. Kailangan na talaga niyang makita uli ang babae. Kanina pa ito nasa isip niya at mababaliw na siya sa kaiisip dito. Pagkatapos ay next week pa sila magkikita?

Fuck! I need to see her.

Nang makarating sa penthouse, kaagad siyang naligo at hubad na nahiga sa kama. Si Etheyl pa rin ang laman ng isip niya. It’s irritating him! Ano ba ang mayroon ang babaeng iyon at hindi mawala sa kanyang isip? Maybe because he wanted to fuck her again but he couldn’t because she became so aloof.

Fuck!

Bumangon siya at pagkatapos ay nagsalin ng whiskey sa highball glass. Holding the glass and the bottle of whiskey, he wented to the terrace and looked at the stars in the sky.

Habang iniinom ang alak sa baso, pumasok na naman sa isip niya si Etheyl. Bullshit! This is not normal! Ni minsan, walang babaeng pumasok sa isip niya maliban sa mahal niyang ina. Ni minsan, hindi ginulo ng isang babae ang kanyang buong sistema.

Whatever was happening to him, it was not healthy and he needed medication. Pronto.

INIHIGA ni Etheyl ang pagod na katawan sa kama, saka pumikit. Napagod siya sa pagtuturo kay Calyx. Hindi lang iyon, napagod din siya sa kakaiwas rito at kakakontrol sa katawan na hindi gumawa ng mas makakapagpagulo ng kanilang sitwasyon.

But seeing Calyx again made her heart beat so fast. Parang bumabalik uli ang atraksiyong naramdaman niya noon para sa binata na matagal na niyang binura. Pero alam niyang walang maidudulot na maganda sa kanya ang nararamdaman para sa binata.

Calyx was a billionaire and a womanizer. At siya, isa lang siyang normal na babae. Walang patutunguhan iyon, lalo na at alam niya kung gaano kababaero ito. Kilala ang binata sa mabilis na pagpapalit-palit ng babae kaya hindi siya umaasang may patutunguhan ang damdaming umuusbong para dito.

Huminga si Etheyl nang malalim, saka inabot ang cell phone niya na nasa bedside table, saka binuksan ang mobile data. Pagkatapos ay binuksan niya ang Google at sa hindi malamang kadahilanan, i-tinype niya ang pangalan ng lalaking palaging laman ng kanyang isip.

Calyx Vargaz.

Kaagad na lumabas ang larawan ni Calyx, iba’t ibang anggulo iyon pero lahat guwapo, lahat nakakatakam, lahat ay nakakapagpatibok sa puso niya nang mabilis.

Ini-scroll niya pababa ang page at nalukot ang mukha nang makita ang mga larawan ni Calyx na may kasamang iba’t ibang babae.

Umirap siya, saka binura ang page ng Google at pumikit.