noveltoon logo noveltoon
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 24

Ch. 24 / 29 Feb 05, 2022

“W-WHAT?” Hindi makapaniwalang nakatingin si Etheyl kay Calyx. “A-anong kasal ang pinagsasasabi mo? Nababaliw ka na ba?” naguguluhang sabi niya. Hindi niya alam kung anong klaseng utak mayroon ang lalaking `to?

“So alam mo?” tanong nito.

“Anong alam ko?” naguguluhang tanong niya.

“Nagulat ka nang banggitin ko ang salitang kasal pero hindi nang banggitin ko ang paternity ko kay Seth? Ibig sabihin ba n’on, alam mong anak ko siya?”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin. “I was going to tell you—”

“Kailan mo sasabihin?” sabi ni Calyx sa malamig na boses. “Kapag handa ka na? Kailan? Kaya ba karga-karga mo si Seth kasi aalis ka? Katulad nang ginawa mo nang araw na `yon? Kaya nawalan ng ama si Seth dahil tumakbo ka. Bakit hindi ka bumalik sa bahay noong nalaman mong buntis ka, ha?”

Mapait siyang ngumiti. “Sa tingin mo, ginusto kong lumaki si Seth na walang ama? Calyx naman, eh, alam mo kung gaano ko kagustong magkaroon ng ama ang anak ko. Nagtataka ka kung bakit hindi ako bumalik sa bahay mo? Kasi hindi ko alam kung paano. Takot na takot ako nang umagang `yon nang magising ako. Hindi ko maalala ang nangyari nang gabing `yon kaya siguro naman ay may karapatan akong matakot at tumakbo.” Nag-uunahang umagos ang luha niya. “Pasensiya na, ha? Kasi no’ng tumakbo ako, hindi ko tiningnan ang address ng bahay niyo sa sobrang takot na naramdaman ko, basta tumakbo lang ako nang tumakbo habang umiiyak hanggang sa hindi ko na kayang tumakbo pa. Pasensiya na rin kasi wala ka roon noong nagle-labor akong mag-isa kasi si ate busy. Pasensiya na rin kung wala ka roon noong naghihirap akong manganak at naghihirap akong naghanap ng trabaho para lang may mapakain sa anak natin. At pasensiya rin dahil wala ka sa mga panahong iyak nang iyak si Seth dahil hinahanap ang ama niya at wala akong maipakilala sa kanya.” Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “Sorry ha? Nakakahiya naman sa `yo.”

Nang imulat niya ang mga mata, nakatungo si Calyx at punong-puno ng pagsisisi ang mukha nito.

“I’m sorry,” mahinang sambit ni Calyx. “I’m sorry wala ako sa tabi mo habang nagli-labor at nanganganak ka. I’m sorry dahil wala ako sa tabi mo habang nagpapakahirap kang maghanap ng trabaho para sa anak natin. And I’m sorry kung napagsalitaan kita.” He looked at her, his eyes were vulnerable. “Nang umalis ka nang araw na `yon, I haven’t had a good night sleep ever again. Sa tuwing nahihiga ako sa kamang `yon, palagi kong napapanaginipan ang nangyari sa atin. Pero ang babae sa panaginip ko, walang mukha. Nababaliw na ako noon. I couldn’t sleep. I couldn’t stop thinking that woman who I can’t even fucking remember. Kaya naman napag-desisyunan kong bumukod dahil hindi ko na kayang matulog doon na hindi napapanaginipan ang babaeng `yon. Hinintay kong may lumapit sa aking babae at magpakilala na siya ang babaeng unang bumaliw sa isipan ko. Pero wala. And then you came. And I fell in love with you at first night.”

Walang ingay siyang humagulhol. Frustration, pain, anger, guilt and regret. Halo-halo niyang nararamdaman ang mga `yon kaya hindi niya mapigilan ang mga luha niya.

Naramdaman na lang niya na may labing lumapat sa mga labi niya. Nang imulat niya ang mga mata, nakita niyang si Calyx ang humalik sa kanya.

Ibinuka niya ang bibig at hinayaan ang binata na palalimin pa ang halik na pinagsasaluhan nila. Tinugon niya ang halik nito. Ginaya niya ang bawat paggalaw ng mga labi nito.

She was kissing the father of her child. She was kissing the man she loved. Oh God. Ito ba ang kapalit sa lahat ng paghihirap ko noon? Calyx was like a sunshine to her dark and lonely world.

Tama na. Tama na ang pagiging bitter niya. Tama na ang pag-iisip niya ng kung ano-ano. Dahil habang magkalapat ang mga labi nila ni Calyx, nararamdaman niya ang pagmamahal nito. He was really here to stay. Gaga at bitter lang siya para hindi iyon paniwalaan.

Nang naghiwalay ang mga labi niya, ngumiti ito. “I love you, Etheyl and I want to marry you for quite a while now. But I really want everyone to know that this wonderful woman named Etheyl Vallega is mine and mine alone. Kaya lang nakikita kong hindi ka pa handa, na natatakot ka pa kaya hinayaan lang kita.”

Napasinghot-singhot siya nang maramdamang nanunubig na naman ang mga mata niya.

“Please, Etheyl, sabihin mo namang mahal mo rin ako.” Nagmamakaawa ang boses nito.

Nakatitig lang siya sa mga mata ni Calyx na puno ng pagmamahal. Love glistened in his pitch black eyes and she couldn’t look away. The love in his eyes made her speechless.

“Etheyl?” tawag ni Calyx sa kanya ng hindi siya nagsalita. “Say something. Please.”

Bumuka ang bibig niya at nagsalita. “Ano pa ba ang gusto mong marinig mula sa akin? Na mahal kita?”

Tumango ito. “Oo.”

“Hindi pa ba obvious `yon?”

“I need to hear it, Etheyl.”

Masuyo niya itong nginitian. “Mahal na mahal kita, Calyx. Okay na? Manhid lang ang babaeng hindi mai-in love sa `yo. At hindi ako manhid, bitter lang. Pero ang pait sa puso ko ay tinunaw ng ka-sweet-tan mo na hindi ko akalaing meron ka.”

Napangiti ang binata. “Yes!” Sumuntok pa ito sa hangin sa sobrang saya. “Anyway, ngayong tapos na nating pag-usapan ang kay Seth at ang nararamdaman natin para sa isa’t isa. I have a question.”

Kumunot ang noo niya. “Ano `yon?”

Hinubad nito ang wristwatch. “This watch is very important to me,” sabi nito na puno ng pagmamahal na nakangiti sa kanya. “My mom gave this to me when I graduated in high school at mula noon, hindi ko to inalis sa bisig ko.”

Isinuot nito ang relo sa bisig niya at mahinang natawa ng makitang malaki iyon sa kanya.

Bahagyang tumawa si Etheyl. “Ano naman `tong pakulo mo?”

“I didn’t buy a ring.” Parang nahihiyang sabi nito. “This is an impromptu proposal at hindi ko nadala ang singsing na binili ko para sa `yo a week ago, kaya bilang kapalit ng singsing, ibibigay ko nalang sa `yo ang bagay na mahalaga sa `kin.” Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinalikan ang likod niyon. “Etheyl?”

“Hmm?” Abot-abot ang kabang nararamdaman niya.

“Will you marry this ex-playboy and make him the happiest man alive?”

Umawang ang labi nito. “Agad-agad?”

“Oo. Gusto mo bukas din, eh.”

Nagsalubong ang kilay niya. “Teka lang, bago ko sagutin iyang tanong mo. Paano mo nalaman na anak mo si Seth? And for your information, hindi kita tatakbuhan. Pababa ako sa hagdan kasi ihahatid ko sa mama mo si Seth at mag-uusap tayo para sabihin sa `yo na anak mo si Seth.”

Calyx looked at Etheyl dryly. “Way to ruin the marriage proposal atmosphere.”

Nginitian niya ang binata, saka tinapik-tapik ang pisngi nito. “Sagutin mo muna ako at saka ko pag-iisipan ang marriage proposal mo.”

“Pag-iisipan mo?” Binato siya nito ng masamang tingin. “Ang sama mo.”

She stuck her tongue out at him. “Ako ang babae kaya maghintay ka. Now, answer my question, please.”

Bumuntong-hininga ito. “Nagpa-blood test kasi ako kung puwede akong maging donor para sa blood transfusion ni Seth. And Ymar being Ymar, pati white blood cell, i-ti-nest. Kaya nalaman ko.”

“Nagulat ka ba?”

Calyx gave Etheyl an incredulous look. “Ano sa tingin mo? Malamang, oo.” Hinalikan niya ulit si Etheyl sa mga labi. “Nagalit ako kasi pakiramdam ko kasalanan ko lahat, eh.”

Napailing-iling siya at hinaplos ang pisngi nito. “Pareho tayong may kasalanan. Tanggapin na lang natin `yon. Patawarin natin ang isa’t isa at mag-move on na tayo. Period.”

That made him smile. “Okay. Agree. Anyway, ano na ang sagot sa tanong ko?”

“Yes. I’ll marry you Mr. ex-playboy.” Inginuso niya ang mga labi. “Now, kiss me. I want to taste your lips again.”

That made him smile widely and he pressed his lips on hers. Kaagad na bumuka ang bibig ni Etheyl para tanggapin ang halik Calyx. Pero kaagad na naghiwalay ang mga labi nila nang marinig niya ang boses ng anak nila.

“Daddy?”

Napangiti na lang si Etheyl nang makita ang kasiyahan sa mukha ni Calyx nang makita si Seth. Nakasakay ang anak niya sa wheelchair at isang lalaking hindi pa niya nakikilala ang nagtutulak niyon.

Umalis si Calyx sa pagkakaupo sa gilid ng kama at nilapitan ang lalaki na nagtutulak sa wheelchair.

“Hey, man,” sabi ni Calyx at nag fist-bump ang dalawa. “Thanks.”

“No problem, Vargaz.” Sagot ng lalaki at nakangiting bumaling sa kanya. “Hi. I’m Ymar Stroam, Calyx friend when Lander is not around. Nice to meet you.”

Nginitian niya ito. “Nice to meet you too. I’m Etheyl Vallega.”

“Soon to be Mrs. Etheyl Vargaz,” dagdag ni Calyx na may pagmamalaki ang boses.

“I know,” sabi nito at tinapik ang balikat ni Calyx. “Sige, alis na ako. Ibalik mo si Seth sa kuwarto niya pagkalipas ng isang oras. Baka mabaliw ang mga nurse sa kakahanap sa kanya”

“Yes. I will,” sabi ni Calyx.

“Good.” Naglakad palabas ang lalaki at tuluyang umalis ng kuwarto.

“Mommy?” Bumadha ang pag-aalala sa mukha ng anak niya ng makita siyang nakahiga sa hospital bed. “Okay lang po ba kayo?”

“Okay lang si Mommy,” sagot ni Calyx para sa kanya. “Ikaw, okay ka na ba?”

Tumango ang bata. “Opo. Sabi ng doktor, okay na daw ako. Rest lang po. Kaya lang na-miss ko po kayo, eh.”

Maingat na binuhat ni Calyx si Seth at ihiniga sa tabi niya. Malapad naman ang hospital bed kaya kasya silang dalawa.

“There. Nakatabi ka na kay Mommy,” sabi ni Calyx.

“Tabi ka rin, Daddy,” ungot ni Seth.

Mahinang tumawa si Calyx. “Hindi puwede, anak. Maiipit natin si Mommy.”

Sumimangot ang anak niya. “Okay po.”

Nginitian ni Calyx ang anak nila at pinisil ang tungkit ng ilong. “Dito ka muna, kiddo. May pupuntahan lang si Daddy. Bantayan mo muna si Mommy, ha?”

“Opo, Daddy.”

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Etheyl.

Calyx looked at her and winked. “It’s a surprise, beautiful.”

Inirapan niya ang binata. “Whatever. Siguraduhin mo lang na maganda iyang surprise mo.”

“Maganda `yon.” Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi at nagpaalam. “Later, beautiful.” Sabi nito sabay kindat sa kanya.

Itinirik niya ang mga mata para itago ang kilig na nararamdaman.

PAGKALABAS ni Calyx sa silid ni Etheyl, kinausap niya ang kanyang mga magulang na bantayan muna si Etheyl at ang anak niya.

Habang naglalakad siya patungo sa labas ng hospital, tinawagan niya si Shun.

“Nahanap mo na?” tanong niya nang sagutin nito ang tawag.

“Yes. I’ll message you the address,” sabi ni Shun.

“Thanks, man,” sabi niya. “How much?”

Shun chuckled. “It’s free.”

Napatigil siya sa paglalakad. “Free? Kailan pa naging free ang serbisyo mo?”

“Ngayon lang `yan, Vargaz. Kaya sulitin mo.” Natatawang sabi ni Shun at pinatay ang tawag.

Naiiling na pinagpatuloy ni Calyx ang paglalakad. At dahil naiwan ang sasakyan niya sa bahay ng mga magulang niya, nag-taxi siya patungo sa address na natanggap niya galing kay Shun.

Nang makarating ang taxi sa destinasyon niya, binayaran niya ang driver at lumabas ng sasakyan pagkatapos ay pinindot ang doorbell ng bahay.

Bumukas ang gate ng bahay at nakita niya ang kapatid ni Etheyl.

Kaagad na tumaas ang kilay nito nang makita siya. “Ano’ng ginawa mo rito?”

Nginitian niya ang babae. “I’m here to tell you that Etheyl and I are getting married whether you like it or not.”

“`Yon naman pala, eh.” mataray nitong sabi. “Bakit ka pa nandito?”

“Kasi gusto kong hingin ang permiso mo na pakasalan si Etheyl.” Humugot siya ng isang malalim na hininga. “Mahal ko ang kapatid mo at naiintindihan ko kung bakit nagagalit ka sa akin, kaya narito ako ngayon para humingi ng isang pagkakataon na patunayan sa `yo na hindi ko lolokohin ang kapatid mo.”

“Hindi mo kailangan ang permiso ko para pakasalan ang kapatid ko—”

“Alam ko `yon. Pero ikaw na lang ang nag-iisang kamag-anak ni Etheyl. Ayokong may samaan kayo ng loob ng dahil sa akin.”

Napailing-iling ang babae at hindi mapakapaniwalang tumawa. “Saan ka ba napulot ni Etheyl? Talagang pumunta ka pa rito para lang hingin ang blessing ko sa kasal ninyo?”

Tumango siya. “Importente ka kay Etheyl kaya naman gagawin ko ang lahat matanggap mo lang ako.”

Naiiling na niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. “Pasok ka. Gusto kong pag-usapan ang motif ng kasal ng kapatid ko.”

Doon siya napangiti nang malapad. Mission accomplished. Thanks God.