noveltoon logo noveltoon
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 7

Ch. 7 / 29 Feb 05, 2022

ABALA si Etheyl sa paghahanda ng daldalhin niyang tanghalian ni Seth sa paaralan nito nang makarinig ng katok mula sa pinto ng bahay niya. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. Wala naman siyang inaasahang bisitang darating. At kung ang ate naman niya iyon, tiyak na magti-text sa kanya bago pumunta. Lalong hindi si Beth dahil kaka-text pa lang nito na nasa studio na at naglilinis para sa klase nila mamayang hapon.

Hindi sana niya papansinin ang kumakatok pero hindi iyon huminto. Naghugas siya ng kamay, saka tinuyo iyon gamit ang laylayan ng apron na suot bago naglakad patungo sa pinto at padabog na binuksan iyon.

“Ano ba ang kailangan mo—” Parang nalunok ni Etheyl ang dila at namilog ang mga mata nang makilala kung sino ang naroon. “C-Calyx?” Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat kasabay ng pagbalot ng kaba sa kanyang puso. “A-anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Ano ba ang kailangan mo?” sunod-sunod niyang tanong.

Sumilip ito sa loob ng bahay, saka tumingin sa kanya. “Mag-isa ka lang ba?”

Mabilis siyang tumango,saka humigpit ang hawak sa doorknob. “Oo kaya umalis ka na.”

“I can’t,” sabi nito, saka bumaba ang tingin sa mga labi niya. “May kailangan ako sa `yo, eh.”

“Ano naman?” pagtataray niya. “Naibalik ko na sa `yo ang pera mo kung `yan ang dahilan kung bakit nandito ka.” Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib, saka tinaasan ang binata ng isang kilay para itago ang kabang nararamdaman. “Ano ba ang ginagawa mo rito at paano mo nalaman na dito ako nakatira?”

Sa halip na sagutin ang mga tanong niya, hindi makapaniwalang tumitig sa kanya si Calyx. “Hindi mo talaga ako papapasukin?”

Umiling si Etheyl. Baka kung ano pa ang mangyari kung papapasukin niya ito. “Hindi.”

Matiim siyang tiningnan ng binata. “Why not?”

“Just because!” Pilit niyang itinatago ang kaba.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Calyx. “Afraid of me, beautiful?”

Nagtapang-tapangan siya. “N-no.”

Inisang hakbang ni Calyx ang pagitan nila, saka inilapit ang mukha sa mukha niya. Nahigit ni Etheyl ang hininga. Naaamoy niya ang mabango nitong hininga at pakiramdam niya ay nanunuyo ang kanyang lalamunan. Lumalakas ang kanyang kagustuhan na halikan ang binata.

“Calyx…” she whispered his name as her eyes mindlessly dropped to his sexy lips.

Umangat ang kamay nito para haplusin ang pisngi niya habang matiim na nakatingin sa kanyang mga mata. “Are you afraid of me, Etheyl?”

Umiling siya. “H-hindi.” Nagtatapang-tapangan lang siya.

“Is that so?” His lips were inching closer to hers.

She could feel her lips tingles in anticipation. “Y-yes.”

Calyx softly gripped her chin, then he brushed his lips against hers, making her whimper quietly. Hindi napigilan ni Etheyl ang mga matang mapapikit nang tuluyan nang angkinin ng binata ang mga labi niya. Hindi rin niya napigilan ang ungol na kumawala sa mga labi niya nang ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya.

Etheyl felt a thousand bolt of electricity shoot down to her belly. It made her whimper. Parang may sariling isip ang mga braso niya na yumakap sa leeg ng binata nang maramdaman niya ang mga braso nitong yumakap sa baywang niya, saka hinapit siya palapit rito.

Nawala na siya sa tamang huwisyo. Nadarang na siya sa masarap nitong mga labi at halik. Lumaban siya ng halikan, nag-espadahan ang mga dila nila at sumisipsip. Mas naging mapusok ang halikan nila ng binata nang isandal siya nito sa gilid ng pinto habang ang kamay ay gumagapang pababa sa kanyang pang-upo.

Etheyl bit Calyx’s lips when his other hand caressed her inside thigh. Pleasure shot through her. She was losing her mind again, letting her body take over. Pero bago siya tuluyang madarang sa init na nararamdaman ng katawan, nagising siya sa kabaliwang ginagawa. Natauhan siya kaya mabilis na itinulak palayo si Calyx.

“Umalis ka na,” habol ang hiningang sabi niya.

“I don’t think so,” sabi ni Calyx, saka akmang hahalikan siya pero umalis siya sa pagkakasandal sa gilid ng pinto at umatras.

“Ano ba ang kailangan mo sa `kin?” tanong niya habang panay ang atras dahil panay naman ang hakbang ng binata palapit sa kanya. “Just leave, Calyx.” She couldn’t lose her mind again over a hot kiss. “Please… umalis ka na.” May bahid ng pagmamakaawa sa boses niya.

Umiling ang binata. “No.”

“Calyx—”

“’I came here to ask you out and I’m not leaving without a positive response.”

Napako si Etheyl sa kinatatayuan, saka hindi makapaniwalang napatitig sa binata habang nakaawang ang mga labi. “Pakiulit ng sinabi mo?”

Tumingin ito sa mga mata niya. Wala siyang mabasang biro doon. “Mag-date tayo.”

Ang kabang nararamdaman ni Etheyl nang mga sandaling iyon ay nauwi sa mahinang pagtawa na naging malakas.

Gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Calyx. “Bakit ka tumatawa?”

“Kasi nakakatawa ang sinabi mo,” sabi niya na tumatawa pa rin. “You really want to date me? Oh, please, Calyx.”

“I’m not joking, Etheyl.” He looked so serious. Dead serious.

Napatigil siya sa pagtawa, saka hindi rin naniniwalang tumingin sa binata. “No. Nagbibiro ka lang.”

Umiling si Calyx. “Hindi. Hindi ako nagbibiro. I’m serious.”

“Bakit mo naman ako aayaing makipag-date?” Mapait siyang ngumiti. “So you could have sex with me? Kasi sa mga naka-date ko noon, `yan palagi ang habol sa `kin, eh, at ni isa sa kanila, walang nagtagumpay. Kaya Calyx, be honest. Huwag mo akong pinaglololoko kasi wala kang mapapala sa `kin.”

Nawala ang emosyon sa mukha ng binata. “Iyon ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit kita inaaya ng date? Etheyl, kung gusto kitang maka-sex, kanina ka pa nakahubad at umuungol sa sobrang sarap habang paulit-ulit kitang inaangkin.”

Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito dahil may katotohanan iyon. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. “Ayokong makipag-date sa `yo.”

Kaagad na nagdilim ang mukha ni Calyx. “And why is that?”

“Kasi ayoko.” Naging mailap ang mga mata niya, ayaw niyang mabasa ng binata ang laman niyong lihim. “Kailangan ba na may rason ako para tanggihan ka?”

“Oo,” mabilis na sagot nito. “Kailangan bigyan mo ako ng isang valid reason kung bakit ayaw mong makipag-date sa `kin. Am I not good enough for you? Don’t you find me attractive? Mabaho ba ako? Tell me.” Halata ang frustration sa boses nito. “Sabihin mo sa `kin ang dahilan para alam ko kung ano ang babaguhin ko para lang makipag-date ka sa akin—”

“Hindi ko sinabing magbago ka. Geez, Calyx!” pagalit na sansala niya sa binata. “Ayoko kasi ayoko. Period!” Nang magsalita uli siya, malumanay na ang kanyang boses. “Please, huwag ka nang babalik dito.” It’s not healthy for me to feel like this towards you.

“One date,” sabi ni Calyx habang matiim na nakatingin sa kanya. “Kapag hindi mo nagustuhan ang date natin, puwede kang umalis at hindi na ako babalik dito. Isang date lang, Etheyl.”

Napailing siya. “Calyx…”

“Kapag hindi ka nakipag-date sa akin ngayon, I’ll just keep on coming back,” pananakot nito na ikinatigil niya. “Hindi ako titigil hangga’t hindi ka nakikipag-date sa `kin.”

Etheyl could see determination in Calyx’s eyes, and in that moment, she knew that she had to say yes. Hindi talaga siya titigilan ng binata hangga’t hindi siya pumapayag at iyon ang ayaw niyang mangyari.

Napabuntong-hininga siya, saka bagsak ang balikat na sumagot. “Fine. One date. And then you’ll leave me alone.”

A sexy triumphant smile appeared on Calyx lips. “One date.”

Tumango siya. “One date—”

In the blink of an eye, his lips were on hers. Kissing her fervently without permission. At kahit anong kagustuhan niyang itulak ang binata palayo, ang katawan niya ang may gustong hapitin ito palapit at hindi na niya kayang manalo laban sa katawan niya.

Napapikit na lang si Etheyl nang kusang umawang ang mga labi niya para tanggapin ang halik ng binata, at nang pakawalan nito ang mga labi niya, tinitigan siya nito, saka nagpaalam.

“Aalis na ako, baka magbago pa ang isip mo,” sabi ni Calyx, saka hinaplos ang pisngi niya. “I’ll pick you up at five PM sharp.” Hinalikan siya uli nito sa mga labi bago nagmamadaling lumabas ng bahay niya.

Napatitig si Etheyl sa papalayong likod ng binata. Wala sa sariling pinaglandas niya ang daliri sa nakaawang na mga labi. Akala niya, hindi na ito magpapakita pa sa kanya kasi isang linggo na niya itong hindi nakikita.

She actually missed him. Good God!

He kissed her. And she enjoyed it. Kahit anong ayaw at laban niya, palaging nananaig ang kanyang katawan kapag malapit lang si Calyx. But she couldn’t bear another heartache. Pinagdarasal niya na sana, hindi niya magustuhan ang date nila ng binata para may dahilan siyang iwasan at kalimutan ito nang tuluyan.

Kinuha ni Etheyl ang cell phone sa kuwarto, saka tinawagan si Beth.

“Hey, girl,” matinis ang boses na bungad sa kanya ni Beth nang sagutin ang tawag. “Patapos na ako sa paglilinis. May kailangan ka?”

“Ahm…” Nag-aalangan siyang sabihin ang kailangan sa kaibigan pero wala siyang ibang pagpipilian. She needed someone she can trust. “Puwede bang bantayan mo mamaya si Seth?”

“Ha? Bakit? May pupuntahan kang kliyente?”

“Wala. May lakad lang ako.”

“At ano naman itong lakad mo?” usisa ng nasa kabilang linya.

“Hindi ko puwedeng sabihin.” Kinagat niya ang labi. “So, puwede ka ba mamaya? Wala kasi si Ate Edna. Nasa beach kasama ang pamilya niya. Wala akong mapag-iiwanan kay Seth.”

Napabuntong-hininga ang kaibigan niya. “I can babysit Seth for you. Pero kailangan mo munang sabihin kung saan ka pupunta at inililihim mo pa sa `kin.”

Itinirik ni Etheyl sa inis ang mga mata. Mukhang wala siyang ibang choice. “Inaya akong makipag-date ni Calyx Vargaz.” Biglang tumili si Beth sa kabilang linya dahilan para sumakit ang tainga niya. “Beth! Ano ba?! Stop shrieking! Geez!”

Nauwi sa tawa ang tili ni Beth. “Kinikilig ako para sa `yo, Etheyl. Oh my, God. Calyx Vargaz. One of the most sought after bachelor in the country and even in Asia! Oh my, God! Kinikilig ako! Oh! My! God!”

Nagpakawala siya ng mahabang buntong-hininga. “Tapos ka nang magtitili?”

“Yes!” Beth exclaimed. “Papunta na ako riyan. Oh my, God! Hindi pa rin ako makapaniwala. Bye! Wait for me!”

Napailing-iling na lang si Etheyl nang mawala ang kaibigan sa kabilang linya. Mukhang mas excited pa yata ito kaysa sa kanya.

And true to Beth’s words, sampung minuto lang ang lumipas, nasa bahay na niya ito at napakalapad ng ngiti.

“Oh my, God, Etheyl. Hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi mo sa telepono,” sabi nito habang tinutulungan siyang maghanda para sa pananghalian na dadalhin niya kay Seth. “ The Calyx Vargaz asked you out. Woah!”

Nginitian niya lang ang kaibigan na parang hindi siya interesado sa sinasabi nito at ipinagpatuloy ang pagluluto.

“Basta tatandaan mo, kung dadalhin ka niya sa bar, huwag kang papayag,” paalala ni Beth. “The last time you went to a bar, you got drunk and you got knocked up.”

Etheyl’s lips thinned, a bit annoyed. “Beth, hindi na ako ang twenty years old na Etheyl na nagpakalasing sa isang bar at nagising kinaumagahan sa kuwarto ng isang estranghero na hindi ko man lang nakilala kasi kumaripas ako ng takbo sa sobrang takot na harapin ang katotohanan na ibinigay ko ang pagkababae ko sa lalaking hindi ko kilala.”

Napatungo si Beth. “I’m sorry,” puno ng pagsisisi ang boses nito. “Hindi ko lang talaga napigilan ang bibig ko. Pasensiya na. Nag-aalala lang ako sa `yo at the same time ay masaya na rin.” Tiningnan siya nito mayamaya ay nagtanong. “Hindi mo ba talaga naaalala ang nangyari nang gabing `yon?”

Ilang ulit na ba siyang tinanong ni Beth kung naaalala niya? Maybe a hundred times.

Umiling si Etheyl at mapait na ngumiti. “Kahit anong pilit ko, hindi ko maalala. I was so drunk that night. Ang tanging naaalala ko lang ay ang hitsura ng silid na namulatan ko kinaumagahan. Hindi mabura sa isip ko ang hitsura ng kuwartong `yon. I can picture the whole room in my head na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.”

Niyakap siya ni Beth at hinagod ang likod. “Anim na taon na ang nakakalipas, Etheyl. Kalimutan mo na `yon, okay? Ang isipin mo na lang, makaka-date mo si Calyx Vargaz. O, `di ba? Dream come true `yan ng mga kababaihan.”

Tumango siya at kumawala sa yakap nito. “Salamat, Beth, ha, kasi pumayag kang bantayan si Seth.”

“Hay naku, huwag mo nang isipin `yon. What are friends for? `ika nga.” Nginitian siya nito nang malapad. “Ngumiti ka at i-enjoy mo lang `to.”

“I will,” sabi niya, “Alam ko naman na biro lang ang lahat ng `to kay Calyx. Bakit naman niya magugustuhan ang isang katulad ko? Kaya nga ayokong mag-isip. Basta ie-enjoy ko lang `tong date na `to at pagkauwi ko, realidad na naman ng buhay ang haharapin ko at walang Calyx do’n.”

Napailing-iling si Beth. “Alam mo, bes, ikaw na ang pinakamapait na taong nakilala ko.”

“Sa mga naranasan ko ba naman…” Mapakla siyang natawa, saka umiling. “Kahit anong sabihin ni Calyx, alam ko kung ano ang tunay niyang pakay sa `kin. Pare-pareho lang naman ang mga lalaki sa mundo, alam kong wala siyang pinagkaiba sa iba.”

Napailing na lang si Beth, “You and your bitterness.”

Nginitian ni Etheyl ang kaibigan. “That’s me.”

Napailing ito, saka pinaikot ang mga mata. “Bahala ka diyan sa paniniwala mo, basta ako, ang mapapayo ko sa `yo ay mag-enjoy sa date.”

Masayang tumango si Etheyl, saka ipinagpatuloy ang pagluluto.

SA LABAS na lang ng bahay hinintay ni Etheyl si Calyx nang sumapit ang oras ng pagsundo ng binata sa kanya. Ayaw niyang pumasok ito sa bahay dahil nandoon si Seth. Ayaw niyang magkakilala ang dalawa. Ayaw niyang masaktan na naman ang anak niya.

Nang pumarada ang isang magarang kotse sa harap niya, alam niyang si Calyx iyon. At tama nga siya.

A very handsome Calyx stepped out from the car, looked at her and smiled. “Excited?”

Ngiting-aso lang ang sagot niya sa binata, saka sumakay sa passenger seat ng sasakyan nito. Naiiling na bumalik ito sa driver’s seat at pinausad ang sasakyan.

Pareho silang walang imik habang nagmamaneho si Calyx sa kung saan man siya nito dadalhin. Pareho silang may malalim na iniisip hanggang sa iparada nito ang sasakyan sa labas ng isang flower farm.

Kunot-noong napatitig si Etheyl sa entrance ng flower farm. “Flower farm? Really?” sabi niya. “Tingnan mo nga ang suot ko. I’m wearing a dress. Eh, di sana nag-jeans ako,” reklamo niya. Ang akala kasi niya ay sa isang restaurant siya nito dadalhin tulad ng iba niyang naka-date.

“And you’re very beautiful in that dress.” Nginitian siya nito, saka tumingin sa entrance ng flower farm. “I used to come here when I was a kid. Espesyal sa akin ang flower farm na `to.”

So why did he bring her? Kasi espesyal siya rito?

Palihim na tinawanan ni Etheyl ang sariling imahinasyon. That would never happen. Ever. He was Calyx Vargaz and she’s just Etheyl Vallega.

Sa isiping iyon, binuksan niya ang pinto ng kotse nito, saka lumabas. Kaagad namang sumunod si Calyx sa kanya at magkatabi silang naglakad patungo sa entrance ng flower farm.

“Ang ganda mo ngayon,” pabulong na sabi ni Calyx.

Hindi napigilan ni Etheyl na mapangiti at tiningnan ang binata mula ulo hanggang paa. “You’re not so bad yourself.”

Ngumisi ito. “I know, right?” may pagmamalaki nitong sabi. “Ang guwapo ko talaga. My mother always tells me that I am a handsome man.”

Inirapan niya si Calyx. “Hindi mo ba naisip na baka nagsisinungaling lang ang nanay mo?”

“Nah.” Pinagbuksan sila ng guard ng gate. “Hindi nagsisinungaling ang mommy ko. You see, my rule kami sa bahay noon na bawal magsinungaling. At nadala ko `yon hanggang ngayon.”

Kinunotan niya ito ng noo. “Totoo? Hindi ka nagsisinungaling?”

“Nagsisinungaling ako kapag may kinalaman sa negosyo, pero sa personal kong buhay o sa mga kaibigan ko at sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi ako nagsisinungaling.” Ngumiti ito na parang may naalala. “Kapag nagsisinungaling ako noon at nalaman ni mommy, pipingutin niya ako at wala akong baon sa loob ng isang lingo. Trust me, nakakabaliw ang walang baon. Lalo na kapag sa isang private school ka nag-aaral at mayayaman ang classmates mo. Kaya naman naging habit ko na, na hindi magsinungaling kasi ako rin naman ang napaparusahan. And I agree with my mom, ang taong hindi sinungaling, walang problema.”

May paghangang naramdaman si Etheyl para kay Calyx habang nakatitig at nakikinig siya sa kuwento nito. Mukhang napansin ng binata ang pagtitig niya at nagsalubong ang mga kilay nito.

“What?” tanong ni Calyx sa kanya.

“Wala naman.” Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi ko lang akalain na ikukuwento mo ang childhood mo sa `kin.”

Mahinang natawa ang binata. “Hindi ako palakuwento sa mga taong walang halaga sa `kin.”

Kumabog nang malakas ang dibdib ni Etheyl. Darn! Dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Calyx, parang nakikipag-running marathon ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok niyon.

Tumikhim siya para pakalmahin ang sarili. “So, ahm, nasaan ang mga bulaklak dito?” Pag-iiba niya ng usapan.

Sa halip na sagutin siya, inabot ni Calyx ang kamay niya at pinagsalikop ang mga kamay nilang dalawa.

“Shall we start our date?” tanong ni Calyx habang nakangiting nakatingin sa kanya.

Tumango si Etheyl. “Sige. Let’s start.” Pero napakunot-noo siya nang hindi naman ito gumalaw sa kinatatayuan. “O, bakit hindi ka pa gumalaw diyan?” usisa niya sa binata. “Halika na. Umpisahan na natin `to kaagad.”

Parang tumigil ang paghinga niya nang biglang dumukwang si Calyx at sinakop ang mga labi niya. Isang kindat ang ibinigay nito sa kanya nang pakawalan ang kanyang mga labi. “Okay. Puwede na tayong magsimula.”

Napailing-iling si Etheyl pero ang totoo, sobrang lakas ng tibok ng puso niya, sa sobrang lakas, pakiramdam niya ay magigiba ang kanyang dibdib.