HINDI alam ni Calyx kung sino ang pupuntahan niya, si Etheyl ba na walang malay at may bali na buto o si Seth na may sugat sa ulo at maputlang-maputla na. Kailangan nitong salinan ng dugo. Hindi niya alam kung sinong uunahin niyang asikasuhin.
Kaya naman ang mga magulang niya ang nagdesisyon para sa kanya. Ang mga ito ang nagbantay kay Etheyl at siya naman ang nag-asikaso kay Seth.
Dinala niya ang mag-ina sa isang pribadong hospital malapit lang sa bahay nila.
Kanina, nang marinig niyang isinigaw ni Etheyl ang pangalan ni Seth, kinabahan na siya. At nang makita niya ang kalagayan ng mag-ina para siyang tinakasan ng lakas.
Seth was lying in his own pool of blood! He was horrified at the sight. Nanghihina siya habang nakatingin sa bata na natutunan na niyang mahalin. Hindi puwedeng mawala si Seth. Nag-aalala rin siya para kay Etheyl pero alam niyang hindi malubha ang kalagayan nito. Pagkatapos ng nangyaring ito, talagang sisirain at susunugin niya ang hagdan na `yon!
Nilapitan niya ang doktor na nag-aasikaso kay Seth.
“Doc, ano na po ang lagay ng anak ko?” natatakot na tanong niya. “Magiging okay lang ba siya?”
He couldn’t afford to lose this kid. He loved Seth too much now.
Tumingin sa kanya ang doktor at kaagad na nakita niya ang sagot sa mga mata nito.
“No...” napahawak siya sa gilid ng kama kung saan naroon nakahiga si Seth. “Magiging okay lang siya, `di ba?”
“I can’t tell,” sabi ng doctor. “The best thing to do now is to refer your son into a higher medical center. May ambulance naman ang hospital, puwede ninyo iyong gamitin. Pero bago kayo umalis patungo sa ibang hospital, kailangan muna ng anak mo ng blood transfusion.”
“Okay, Doc.” Hinawakan niya ang kamay ni Seth. “Do what you need to do.”
“’Yon nga, kailangan niya ng blood transfusion at pina-test ko ang dugo niya. Kapag lumabas na ang resulta, sasabihan kita. As of now, mag-usap na lang kayo ni misis kung sino ang magdo-donate ng dugo para sa anak ninyo.”
Kaagad na pumasok sa isip niya ang lagay ni Etheyl. “Hindi kaya ng asawa ko, Doc. Silang dalawa ng anak ko ang nahulog sa hagdan, eh.”
Parang normal na sa kanya na tawaging anak si Seth at asawa si Etheyl.
Tumango-tango ang doktor. “Ah, ganon ba. Sige, ikaw na lang ang mag-donate.”
Umawang ang labi niya. Siya ang magbibigay ng dugo? Napatitig siya kay Seth. Magma-match kaya ang dugo nilang dalawa? Sana nga.
“Sige ho, Doc. Type AB po ang dugo ko.” Iyon nalang ang nasabi niya.
“Okay, sige.” Tumango-tango ang Doktor. “I’ll get back to you.”
Nang umalis ang doktor, tamang-tama naman na dumating ang ama niya.
“Dad, pakibantayan muna si Seth, ha?” sabi niya sa ama. “May tatawagan lang ho ako.”
“Sige. Bilisan mo,” sabi ng ama niya.
Tumango siya at bahagyang lumayo sa emergency room pagkatapos ay tinawagan si Ymar. Buti na lang nasa loob ng bulsa niya ang kanyang cell phone.
“Hey, Vargaz.” Ymar groaned from the other line. “This better be good—”
“It’s an emergency.” He cut Ymar off.
Nang magsalita ulit si Ymar, seryoso na ang boses nito. “Ano’ng nangyari?”
“`Yong anak ko, eh, at si Etheyl. Emergency. I’m not a doctor so I don’t know what to do. Tulungan mo naman ako,” nagpa-panic na sabi niya. “Nandito kami ngayon sa isang pribadong hospital, for referral at kailangan salinan ng dugo ang anak ko. Si Etheyl naman may bali yata na buto kasi nahulog sila sa hagdan. Fuck! Shit!” Nasapo niya ang noo. “Ymar, ano’ng gagawin ko? I can’t lose my son!”
Nakarinig siya na mabibilis na yabag mula sa kabilang linya.
“Chill, Vargaz. Give me the address of that hospital, ipapadala ko riyan ang helicopter ko para madali ang biyahe ninyo,” hinihingal na sabi ni Ymar sa kabilang linya. Parang tumatakbo ito. “Tatawagan ko si Wolkzbin, baka matulungan tayo ng asawa niyang doktor.”
“Thanks, man.”
Ymar chuckled. “Come on, Vargaz. You are one of my lunatic friends. It’s the least I could do.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “Thanks.”
“Okay. Hintayin mo ang helicopter ko. I-ready mo na ang mga pasyente.”
“Sige.” Tinapos niya ang tawag at bumalik sa emergency room.
NASA stretcher ang dalawa niyang pasyente, si Etheyl at si Seth. Two nursing aide were pushing the stretchers towards the helipad outside the hospital. Parehong walang malay si Etheyl at si Seth. Napagdesisyunan ng doktor na hindi muna salinan kasi ilang minuto lang naman ang biyahe at hindi sila nakahanap ng dugo.
He would gladly give his blood to Seth, pero kailangan pa raw i-test ang dugo niya.
Nang makarating sa helipad, naroon na ang helicopter ni Ymar pero nagulat siya nang makita si Valerian.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Malakas ang boses na tanong niya habang isinasakay ang mga pasyente niya.
Valerian grinned. “FYI, Vargaz. A helicopter needs a pilot.”
Naiiling na sumakay siya sa helicopter. Natigilan siya sa pag-upo nang makita roon si Ymar at ang mag-asawang Wolkzbin.
Abala si Ymar sa pagkuha ng dugo ni Seth. Ang asawa naman ni Train ay inaasikaso si Etheyl. He felt like someone touch his heart. Talagang maaasahan niya ang mga kaibigan sa kahit na anong oras.
“Thanks, guys,” sabi niya.
Train just punched his shoulder and Ymar just nodded at him.
Kinuhanan ng dugo ni Ymar si Etheyl pagkatapos ay siya ang sinunod.
“Hey! Bakit mo ako kinukunan ng dugo?” naguguluhang tanong niya.
“So I could test if you two have the same blood type with Seth. Para hindi na tayo maghanap ng donor kung puwede naman kayo,” sagot ni Ymar habang kinukuhanan siya ng dugo.
“Oh. Okay.”
Habang bumabiyahe ang helicopter, hawak niya ang stretcher ni Etheyl, si Train naman ang may hawak sa stretcher ni Seth para hindi gumalaw. Ilang minuto lang ang binilang niya bago sila nakarating sa Romero’s Hospital Main Branch.
Mabilis na inasikaso ang pasyente niya. Si Krisz ang umasikaso kay Etheyl dahil ayaw niyang isang lalaki ang tumingin sa babaeng mahal niya. The only man who could touch Etheyl was him! At wala nang iba. Calyx knew that this was not the time to be so darn jealous and possessive but just the mere thought of a male doctor touching the woman he loved, fury fueled inside him.
Umupo si Train sa tabi niya sa waiting area. Nililinis pa ulit ang sugat ni Seth at tatahiin daw kaya heto siya naghihintay sa labas.
“Okay ka lang, Vargaz?” sabi ng boses ni Train.
Tumango siya at nakatingin sa kisame na bumuga ng hangin. “Matagal ko nang alam na hindi ako isang father material. Pero nang makilala ko si Etheyl at nalaman kong may anak siya, hindi ko akalain na aabot ako sa ganito, na hindi lang pala si Etheyl ang mamahalin ko, kasama na pala ang anak niya. I really tried my best to be a father to Seth. Hindi ko akalain na mapapamahal sa akin si Seth nang sobra-sobra. Nagulat na lang ako isang araw na hindi lang si Etheyl ang binabalikan ko sa bahay na `yon kundi pati na rin ang anak niya.” Napailing-iling siya. “Kapag may nangyaring masama sa kanya—”
“Magiging okay siya.” Sansala ni Train sa kanya. “He’ll be fine. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, bud. Buntis pa nga lang si Krisz ngayon pero mahal na mahal ko na ang anak namin—”
“Yon na nga, eh. Anak mo . Anak ninyo . Seth is not mine. Pero minsan hinihiling ko na sana akin na lang siya, na sana, ako na lang ang tunay niyang ama. Kasi mahal na mahal ko ang batang `yon. Hindi man siya sa `kin, pero sa puso ko, anak ko siya.”
Tinapik-tapik ni Train ang balikat niya.
Natigilan sila pareho ni Wolkzbin ng umupo si Ymar sa kaharap nilang pang-isahang sofa at may dala itong mga papel. Magkasalubong ang kilay nito habang binabasa ang nakasulat sa papel na hawak.
“Hey, Stroam, you okay?” tanong ni Train kay Ymar. “You look bothered, man.”
Nag-angat ng tingin si Ymar sa kanila at napatitig sa kanya.
“Ahm, Vargaz,” huminga ito nang malalim. “I found something in yours and Seth’s blood.”
Kinabahan siya kaagad. “Ano?” Hinilamos niya ang kamay sa mukha niya. “Hindi ba kami magka-type ng dugo? Should I start looking for another donor? Type AB ako. Ano ba ang blood type ni Seth?”
Tiningnan muna ni Ymar ang hawak na mga papel bago tumingin sa kanya at sumagot. “Type AB si Seth.”
Malapad siyang napangiti. “Yes!” sigaw niya at napasuntok sa hangin. “Saan ako puwedeng magpakuha ng dugo para kay Seth—”
“Hindi lang `yon ang nalaman ko,” putol ni Ymar sa iba pa niyang sasabihin. “According sa test na ginawa ko, you two have the same white blood cells.”
Nalukot ang mukha niya. “Ymar, speak English please. Ano naman kung pareho kami ng white blood cells. Mas mabuti nga `yon para match talaga ang dugo naming dalawa—”
“Vargaz, your white blood cell and Seth’s are ninety-nine percent the same. Inulit-ulit ko ang pag-test pero `yon ang lumalabas.”
“What’s wrong with that?” Naguguluhang tanong niya.
“Ninety-nine percent, Vargaz.”
“What percent?”
“I run a DNA test and the result is ninety-nine percent.” Mariing sabi ni Ymar. “Ninety-nine percent na sigurado ang DNA test na anak mo si Seth.”
Nanigas siya sa kinauupuan. Nakaawang ang mga labi niya habang nakatingin kay Ymar. He could not wrap his head at the information Ymar just dropped.
Napakurap-kurap siya sa sobrang pagtataka. “W-what?”
Humugot ng malalim na hininga si Ymar. “Seth is your son. Nagulat din ako pero `yon talaga ang lumabas. Baka isa si Etheyl sa mga nakatalik mong babae noon at hindi mo maalala—”
“No! I would never forget someone like Etheyl.” He was shaking his head. “No. I would never do that to Etheyl.”
“Vargaz, naaalala mo ba `yong kinuwento mo sa amin na babae na nakatalik mo na hindi mo nakilala kasi nga umalis at hindi mo maalala ang mukha kasi nga may droga pala ang ininom mong alak?”
Napatingin siya kay Ymar mayamaya ay hindi naniniwalang umiling-iling. “She couldn’t be that woman—” Napako siya sa kinauupuan nang maalala ang reaksiyon ni Etheyl nang dalhin niya ito sa kuwarto niya. “Oh, God. Could it be?”
Sinapo niya ang ulo at parang baliw na tumatawa at naiiyak. Napapailing siya at matatawa naman. Hindi niya alam kung ano dapat ang maramdaman niya.
“So, Seth is really your son?” naguguluhang tanong ni Train.
“Alam ba ninyo kung ilang beses kong hiniling `yon?” natatawang tanong niya kay Ymar at Train na nakatingin lang sa kanya. “So what are you saying? Na ako ang lalaki na dahilan kung bakit nakaranas ng panghuhusga ang babaeng mahal ko? Ako ang may kasalanan kung bakit sabik na sabik sa pagmamahal ng isang ama si Seth?” Inihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha niya. “Alam mo ba `yong pakiramdam na tawagin kang `daddy ´ at alam mong hindi sa `yo pero pinapangarap mo na sana ikaw na lang ang ama?”
Calyx stood up, frustrated. He needed to let it out. Ikinuyom niya ang kamay at malakas na sinuntok ang sandalan ng upuan. Pain seeped through his knuckles but he didn’t stop. Sinuntok niya nang sinuntok ang sandalan ng upuan hanggang sa hindi na niya kayang itaas pa ang kamay niya.
Sinapo niya ang mata na hilam ng luha. He was crying with so much frustration, anger and regret. Bakit? Bakit hindi niya alam na nakabuntis siya? Sobra-sobra ang pagsisisi na nararamdaman niya. Kung sana nagpa-DNA test sila noon ni Seth, eh, di sana maaga niyang nalaman.
Does Etheyl know that he was Seth’s real father?
Marahas siyang napailing-iling. Oh, God!
Ang bata pala na pinapangarap niya na sana ay sa kanya na lang ay sa kanya naman pala talaga. Ang batang nagpapasaya sa kanya kapag tinatawag siya nitong daddy ay tunay pala niyang anak. Ang bata na gusto niyang palaging nakangiti at masaya dahil nagbibigay `yon sa kanya ng kaligayahan ay anak niya.
That explained the allergy, why they liked the same food and the color of hair and eyes. Those dimples. He’s too dumb to notice those. And of course, naroon din ang lukso ng dugo kaya naman napamahal kaagad sa kanya ang bata. Why did he not question it?
Fate really had a twisted way of saying ‘Seth is your son, dipshit. Wake the fuck up’.
Calyx heard a sigh and a hand gripped his wrist. Nang tingnan niya kung sino ang humawak, nakita niya si Train.
“Come here, Stroam.” Tawag ni Train kay Ymar.
Naiiling na lumapit sa kanya si Ymar. May dala itong first aid kit. Kung saan nito nakuha `yon, hindi niya alam.
Pinaupo siya ng dalawa at nilinis ni Ymar ang sugat niya sa kamay. Pagkatapos ay nilagyan nito ng benda ang kamay niya.
“There,” sabi ni Ymar. “Huwag kang masyadong ma-drama. Nagsasayang ka ng dugo. Kailangan `yan ng anak mo.”
‘Kailangan `yan ng anak mo.’
Napangiti siya. That felt good. Awesome. Great. Fantastic. Wow! Parang lahat ng frustration na naramdaman niya kanina ay biglang naglaho na parang bula. Anak niya si Seth. Anak ko si Seth!
“Saan ako puwedeng mag-donate ng dugo para magamit ng anak ko?” tanong niya sa dalawa.
Ymar motioned him to follow. Si Train naman ay hahanapin daw ang asawa nitong buntis.
Nang makarating sila sa blood bank, kaagad siyang pinahiga at kinunan ng dugo.
ETHEYL woke up with her body aching. Lalo na ang likod niya. Sunod-sunod ang igik niya sa tuwing ginagalaw niya ang katawan. Napangiwi siya ng makaramdam ng kirot sa tagiliran niya at sa ibang parte ng katawan niya.
Nang ipalibot niya ang paningin, napag-alaman niyang nasa hospital siya. The white walls and the IV. Talagang nasa hospital nga siya.
And then Seth came into her mind. Oh god! My son!
Pilit siyang bumabangon para makita ang anak niya. “Seth!” Kahit sobrang masakit ang katawan niya pilit siyang bumabangon. “Seth! Anak! Seth!”
“Oh my god, Etheyl.” Nagpa-panic na lumapit sa kanya ang ina ni Calyx at pilit siyang pinapabalik sa pagkakahiga. “Relax. Huwag kang masyadong maggagagalaw. Oh goodness! Relax, oh god! Calven!” tawag nito sa pangalan ng asawa. “Tawagin mo si Calyx—oh dear. Stop moving.”
“Nasaan ang anak ko?” Umiiyak at sobrang nag-aalala na tanong niya. “Nasaan si Seth? Oh god! Seth!”
“Seth is fine, hija,” sabi ng ginang na puno ng pag-aalala ang mukha. “He’s fine. Si Calyx ang nag-asikaso sa kanya at ayos lang siya. Kaya please lang, huwag ka nang magwala, ha?”
Tumigil siya sa pagpupumilit na bumangon at walang ingay na lumuha. “Ang anak ko... I saw his blood... oh God…”
Hinaplos ng ginang ang buhok niya. “Ayos lang si Seth, hija.” Tinuyo ng ina ni Calyx ang basa niyang pisngi at nginitian siya. “Tinahi na ang sugat ni Seth. Nasalinan na rin siya ng dugo. Naroon siya ngayon sa Pedia Ward binabantayan ni Calyx.”
Bahagyan siyang kumalma sa nalaman. Thank God maayos na ang anak niya. Salamat talaga sa diyos.
Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto ng silid at humahangos na pumasok doon si Calyx.
“Etheyl, ganda!” Lumapit sa kama niya si Calyx at niyakap siya nang mahigpit. “You got me worried there, beautiful.”
Napangiwi siya at napaigik. “Aray. Masakit.”
“Sorry, beautiful.” Mabilis siyang pinakawalan ni Calyx at tumingin ang binata sa mga mata niya.
“Nasaan ang anak ko?” tanong niya.
Malalim na napabuntong-hininga si Calyx, saka hinaplos ang pisngi niya. “I think we need to talk about Seth.”
Kakaibang kaba ang bumalot sa puso niya. “A-ano naman ang pag-uusapan natin tungkol kay S-Seth? T-teka, okay lang ba siya?”
“Okay lang siya.”
“Kung ganoon ano ang pag-uusapan natin?”
Matiim itong tumingin sa kanya “First, we need to talk about my paternity to Seth and second, we’re going to talk about our wedding.”
Halos mahulog ang panga niya sa narinig. “W-what?”