HINDI kayang ipaliwanag ni Etheyl kung ano ang nararamdaman habang nakasakay sila ni Seth sa sasakyan ni Calyx at humaharurot iyon patungo sa bahay ng mga magulang ng binata. Sinabi nito sa kanya kagabi na sa isang private beach daw nakatayo ang bahay ng mga magulang nito.
Parang hinahalukay ang bituka niya sa loob ng kanyang tiyan at nanlalamig ang katawan niya lalo na ang mga kamay. Pinagpapawisan siya ng malapot at kinakabahan.
Pumayag siya na sumama kay Calyx sa birthday party ng mommy nito. Marami nang nagawa ang binata para sa anak niya. This was the least she could do for him.
Sila ang regalo na gusto ng ina nito. Hindi niya alam kung positibo ba o negatibo ang ibig niyong sabihin. Hindi sana niya isasama si Seth pero panay ang iyak nito nang iiwan na nila ang bata sa ate niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang isama ito.
“Hey,” sabi sa kanya ni Calyx. “Okay ka lang? You really look pale. Hindi naman nangangain ng tao ang mommy ko. She’s actually pretty cool.”
Tumango lang si Etheyl at hindi nagsalita. Pinapakalma niya ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya mamaya sa harap ng ina nito. Gagawin niya ang lahat para magpatuloy ang maganda nilang relasyon at kung kailangan niyang pakisamahan nang mabuti ang ina ni Calyx kahit hindi siya nito gusto para sa anak nito, gagawin niya.
Hindi naman na bago sa kanya ang husgahan at maliitin dahil isa siyang single mom. Kakayanin niya ito.
“Mommy, saan ba tayo pupunta?” tanong ni Seth na nasa backseat at naka-seat belt.
Huminga siya nang malalim. “Pupuntahan natin ang parents ng daddy mo.”
Biglang ngumiti si Seth, gumuhit ang kasiyahan sa mukha nito. “Yehey! May lola at lolo na ako!”
Nababahalang napatingin siya kay Calyx na kinindatan lang siya nang magtama ang mga mata nila sa rearview mirror. Natatakot siya hindi para sa sarili kundi para kay Seth.
Paano na lang kung hindi ito tanggap ng mga magulang ni Calyx? Kapag nangyari iyon, iuuwi talaga niya ang anak niya at bahala na ang Diyos sa kalalabasan ng lahat.
Pakiramdam ni Etheyl ay iyon na ang pinaka-mahabang biyahe na naranasan niya sa tanang buhay niya, pero ang totoo, thirty minutes pa lang sila na nasa loob ng sasakyan ni Calyx.
“Relax, Etheyl,” sabi ni Calyx. Mukhang nakikita nito na kinakabahan siya.
Bumuga siya ng marahas na buntong-hininga. “I’m relaxed.” Bumuga na naman siya ng hangin. “I’m okay.”
Napailing-iling na lang si Calyx at tumingin sa kalsada.
Nang tumigil ang sasakyan ng binata sa isang two-storey house na nakatayo malapit sa dagat, nanginginig na ang mga kamay ni Ethyl sa nerbiyos. The house looked so cozy and homey. Siya kinakabahan samantalang ang anak niya ay nakangiti at sobrang excited.
“Ang ganda naman po ng bahay nina Lolo at Lola,” komento ni Seth habang nakatingin sa bahay.
“Dito ako nakatira noon,” kuwento naman ni Calyx sa bata.
Bago sila pumasok sa gate ng bahay, nilingon siya ni Calyx.
“Etheyl, I’m warning you.” His face was dead serious. “Medyo kakaiba ang ugali ng mommy ko. Huwag kang mao-offend sa mga sasabihin niya, ha? Ganoon na talaga siya, eh. My dad is just the same as Mom. Medyo light nga lang.”
“What? Calyx—”
“You’ll be fine, beautiful.”
Lalong nadagdagan ang kaba na nararamdaman niya. Parang gusto niyang tumakbo palayo pero huli na. Nakapasok na ang sasakyan sa loob ng bahay at nakasara na ang gate.
Kaya naman napipilitan si Etheyl na lumabas ng kotse. Pinagsalikop ni Calyx ang mga kamay nila. Ang isa naman nitong kamay ay hawak ni Seth na ang lapad ng ngiti.
“Ang lamig ng kamay mo, ganda,” puna ni Calyx. “Ayos ka lang ba?”
“Pakiramdam ko mahihimatay ako,” pag-amin niya sa kabang nararamdaman. “Nanginginig ang tuhod ko, Calyx.”
Nginitian siya ng binata. “Mabait sina Mommy at Daddy. They will love you.”
She doubted that. May anak na siya at binata si Calyx. Sinong ina ang magkakagusto na may sabit ang nagugustuhan ng anak nito. Siguro pinasama lang siya ng ina ng binata para makita siya at mapagsabihan.
Kaya naman nang pumasok sila sa loob ng bahay, inihanda na niya ang sarili.
Etheyl’s eyes were greeted by a comfortable and homey sight. Lahat ng palamuti ng bahay ay simple lang pero alam niyang mamahalin iyon.
“Mom!” sigaw ni Calyx. “I’m home.”
Oh, God… Oh, God… Oh, God. Etheyl was hyperventilating when she heard a woman squeal.
“Oh my, God! Calyx is here!” sabi ng babaeng boses.
Huminga si Etheyl nang malalim. It’s time.
She saw a woman in her late fifties coming out from a door. May suot itong apron at napakalapad ng ngiti. Ni hindi nga tumigil ang ginang sa paglalakad nang makita sila. Dere-deretso itong naglakad patungo kay Seth at lumuhod sa harap ng anak niya para magpantay ang mukha ng mga ito.
“Are you my Baby Seth?” excited na tanong ng ginang na medyo nanunubig ang mga mata pero malapad naman ang ngiti.
Tumango ang anak niya. “Yes po. Kayo po ba ang lola ko?”
Tumango ang babae at sinapo ang pisngi ni Seth. “Oh, you’re so cute, Baby Seth.” Parang nanggigigil ito sa pisngi ng anak niya. “Look at you, so handsome.” Nanggigigil na niyakap nito nang mahigpit si Seth. “So cute!” The woman squealed again. “Baby Seth! Ayei! Ang guwapo mo, baby ko. Ang ganda pa ng pangalan mo.”
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa ginang. Tanggap talaga nito si Seth? For real? Walang halong biro at kaplastikan?
“Mommy, ano ka ba?” naiinis na sabi ni Calyx. “Iniipit mo naman ang anak ko, eh. Bitawan mo nga si Seth.”
Hinintay ni Etheyl na magkomento ang babae tungkol sa sinabi ni Calyx na ‘anak ko’ , pero wala siyang narinig mula rito. Naka-focus ang atensiyon ng ginang sa anak niya na masayang-masaya.
Lalo lang humigpit ang pagkakayakap ng ginang kay Seth.
“Ang cute-cute mo, Baby Seth. Mana ka kay lola.” The woman squealed again.
Ngumiti ang anak niya kahit nakangiwi dahil sa sobrang higpit ng yakap ng ina ni Calyx. “Talaga po, Lola? Handsome at cute po ako? Same po kami ni Daddy ko, `di ba? Pareho po kaming handsome.”
Pinakawalan ng ina ni Calyx ang anak niya sa mahigpit na pagkakayakap, saka malapad itong nginitian. “No, baby. Mas guwapo ka kay Daddy mo. Pangit `yon, eh.”
Hindi makapaniwalang suminghap si Calyx habang nagtatampong nakatingin sa ina. “Grabe ka, Mommy. Ganyan ka na. Nakakita ka lang ng baby, itinapon mo na kaagad sa kangkungan ang kaguwapuhan ko. Sabi mo noon ako lang ang guwapo!” Humalukipkip si Calyx pagkatapos magsalita.
Humagikgik si Seth at tumingin kay Calyx. “Mas guwapo daw ako sa `yo, Daddy.”
Ginulo ni Calyx ang buhok ni Seth. “Oo na. Talo mo na si Daddy.”
Ibinalik ni Seth ang tingin sa ginang. “`Love you po, Lola.”
Napahikbi ang ginang na ikinabahala ni Etheyl.
“Seth.” Her voice was firm. “Ano ka ba?”
Nakita niyang natigilan ang ina ni Calyx, saka tumingala sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ng ginang, nakita niya ang kislap ng emosyon sa mga mata nito. Sanay na si Etheyl na palaging hinuhusgahan ang pagkatao niya. Pero habang nakatingin siya sa mga mata ng ina ni Calyx, wala siyang panghuhusga na nakita kundi paghanga.
“Oh. You’re Etheyl, right?” tumayo ang ginang at lumapit sa kanya.
Ini-ready na niya ang kamay para magpakilala ng bigla siyang yakapin ng ginang na sobrang ikinagulat niya.
“Welcome to the family, Etheyl,” sabi nito.
Umawang ang labi niya sa sinabi nito. “T-thank you po, Ma’am.” Pakiramdam niya ay parang may bumara sa lalamunan niya. Naiiyak siya.
Pinakawalan siya ng ginang at may ngiting hinaplos ang pisngi niya. “You’re so beautiful, hija. By the way mommy na lang ang itawag mo sa akin, Etheyl.” Parang kinikilig itong ngumiti. “I always wanted a daughter ever since but God gave me a boy. But now, you’re here.” The woman squealed, making her jump. “Call me, Mommy. Please?” Nagmamakaawa ang boses nito.
Nagtatanong na napatingin siya kay Calyx. Nginitian lang siya ng binata at binuhat si Seth.
Ibinalik niya ang tingin sa ginang. “Ahm, nakakailang po.” Nagbaba siya ng tingin. “Alam n’yo naman kasi ang totoo—”
“Shh...” Iniangat nito ang mukha niya para magtama ang mga mata nila at nginitian siya. “Etheyl, it’s okay.”
Tumango siya. Napuno ng pasasalamat ang puso niya. “Salamat po.”
Niyakap siya ulit ng ginang. “Now, call me Mommy.”
“Mommy naman, eh!” Parang bata na nagpapadyak si Calyx. “Huwag ka ngang weird! You’ll scare her off. Baka iwan niya ako.”
Bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ng binata pero hindi niya pinansin si Calyx.
Naiilang siya pero hindi niya kayang hindian ang ginang na may ngiti sa mga labi. “M-Mommy.”
Napaigtad siya ng bigla na namang tumili ang ginang.
“Oh my, God! That’s so cute!” Malapad ang ngiting sabi ng ina ni Calyx.
“At magtatampo ako kapag hindi mo ako tatawaging Daddy,” sabi ng panlalaking boses na nanggagaling sa may hagdanan.
Napatingin siya sa lalaki na kabababa lang sa hagdan. Kamukhang-kamukha ito ni Calyx. Medyo matanda lang ng kaunti.
“Hi, Etheyl,” sabi nito na nakangiti. “I’m Calven. Calyx’s father.”
Sa halip na makipagkamay tulad ng akala niya, niyakap siya nito katulad ng ina ni Calyx. Was it just her or this family was a freaking hugger?
“Nice to meet you po,” sabi niya.
Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap at nginitian. “Say daddy.”
Pinandilatan ni Calyx ang ama niya. “Daddy, ano ba, pati ba naman ikaw? Baka iwasan ako ni Etheyl dahil sa ka-weirdo-han niyong dalawa ni Mommy,” sabi nito na nakasimangot.
Natatawang napailing-iling ang ama nito at kinuha si Seth sa mga bisig ni Calyx.
“Hello there cute baby Seth.” Pinanggigilan ng lalaki ang tungki ng ilong ni Seth. “Kilala mo ako?” tanong ng ama ni Calyx sa anak niya.
Tumango naman kaagad si Seth. “Opo. Kayo po ang lolo ko.”
Malapad na ngumiti ang ama ni Calyx. “Good answer. Gusto mo maligo tayo sa swimming pool? O tambay tayo doon sa may dagat? O kaya naman mangisda tayo. O kaya gusto mo maglaro tayo ng baril-barilan?”
“Dad, five years old pa lang ang anak ko,” paalala ni Calyx sa ama nito.
His father smiled warmly at Calyx. “I’m happy for you son,” sabi nito at tumingin ulit kay Seth. “Gusto mo kumain ng cookies dipped in barvarian chocolate?”
“Opo!” mabilis na sagot ni Seth na parang nai-imagine na ang cookies na kinakain nito.
“Great. Let’s go.” Bumaling ang lalaki sa kanya. “Hihiramin ko muna si Baby Seth, ha?”
Wala sa sariling napatango siya.
Dinala ng ama ni Calyx si Seth sa second floor. Napag-alaman niya mula kay Calyx na may terrace doon at naroon ngayon ang anak niya at kumakain ng cookies.
“Oh, ikaw, ano pang ginagawa mo rito?” Nakataas ang kilay na tanong ng ina ni Calyx sa binata.
“Ahm.” Inakbayan siya ni Calyx. “Ipapasyal ko si ganda.”
Tinanggal ng ina ni Calyx ang braso ng binata sa balikat niya at hinila siya palayo kay Calyx. “Heh! Doon ka sa taas. Mag-boy bonding kayong tatlo roon. Alagaan mo si Seth. Kami naman ni Etheyl ay maggi-girl bonding sa kusina. Sige na, alis na.”
Nakasimangot si Calyx habang umaakyat sa hagdan patungo sa second floor.
“Takot pala sa inyo si Calyx,” komento niya habang naglalakad sila patungo sa kusina.
Magkalingkis ang braso nila ng ginang.
“Mama’s boy `yang si Calyx,” natatawang kuwento nito. “Umalis lang `yan dito sa bahay noong twenty-five years old na siya sa kadahilanang ayaw na daw niyang matulog doon sa kuwarto niya. I kept on asking him why he didn’t want to stay in his room. Hindi naman niya ako sinasagot. As much as possible, ayokong bumukod si Calyx pero hindi siya nagpapigil.”
Nararamdaman niya ang lungkot sa boses nito. Siguro ganoon din ang mararamdaman niya kapag lumaki na si Seth at bumukod. Siguradong masasaktan din siya.
Nang makarating sa kusina, nakita niya ang nagkalat na mga ingredients sa island counter.
“Ano hong maitutulong ko?” naiilang na tanong niya.
May kinuha itong bowl na may harina. “Heto. Stir it my dear. Gagawa tayo na cookies. Paborito yan ni Calyx kaya hindi nawawala `yan sa menu kapag bumibisita siya rito. And I want you to know how to bake a cookie.” Nag-umpisa na itong tunawin ang maraming bar ng chocolates. “`Pag naging mag-asawa na kayo ni Calyx, dapat alam mo kung paano gumawa nito.”
Natigilan siya sa paghahalo ng dough.
“Ma’am—” Napatigil siya sa pagsasalita ng tignan siya nang masama ng kaharap.
“Sabi ko nang mommy ang itawag mo sakin, eh.” Humikbi ito. “Naiiyak na ako.”
Nangingiting napailing-iling siya. Tama si Calyx. Weird nga ang ina nito. “Ahm, M-Mommy, okay lang ba talaga sa inyo na ako ang kasama ni Calyx? I mean, may anak na po ako sa pagkadalaga—”
“You should be proud.” Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin habang malamlam ang mga mata ng ginang na nakatingin sa kanya. “Etheyl, hindi isang biro ang manganak at magpalaki ng bata. At lalong hindi biro ang manganak at magpalaki ng bata ng walang asawa at ama na tutulong sa `yo. And that’s what you’ve done all these years. You raised a very wonderful child, Etheyl. Dapat mong ipagmalaki `yon. You raised Seth alone. At nakikita kong mabuti siyang bata at masaya ako na makilala ka at tawaging apo si Seth. Kaya please lang, tanggalin mo iyang pagdududa sa isip mo na alam kong nariyan. Hindi ako katulad nang ibang tao na huhusgahan ka dahil lang sa may anak ka. I’m not like that. `Cause I myself is not perfect and I have no right to judge. And hey, my son loves you. Nirerespeto ko ang mga desisyon ng anak ko. Bilang isang magulang, dapat hindi mo dinidiktahan ang iyong anak. Dapat nandiyan ka lang para gabayan siya sa tamang daan. At sa kaso ni Calyx, hindi niya kailangan ang gabay ko. Dahil alam kong mabuting daan ang tinatahak niya ngayon.”
Isang butil nang luha ang nahulog mula sa mga mata niya. “S-salamat po.” Tinuyo niya ang nabasang pisngi. “Paano niyo po pala nalaman na single parent ako?”
“Nang sabihin ni Calyx na may nakilala siyang babae at may anak na pino-protektahan kaya ayaw ng babae na tanggapin siya nang ganoon-ganoon lang, I already assumed that you are a single parent.”
Napatango-tango siya. “Salamat at hindi n’yo ako hinusgahan. Pero hindi naman po ako mahal ng anak ninyo.” Pagtatama niya sa sinabi nito kanina. “Maybe he only likes me—”
“Manhid ka kung yan ang iniisip mo.” Ngumiti ang ginang at kinindatan siya. “I know that you know what I mean.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Hindi po siguro.” Umiling siya. “I’m sure maraming babaeng mas deserving kay Calyx. Maybe he likes me now but it will fade away.”
Napailing-iling ang ginang. “Ano ka ba, kaunting himas lang kay Calyx, aamin na yan.”
Natatawang naiiling siya at pinagpatuloy ang paghahalo sa dough.
“Anyway, hija,” basag ng ginang sa katahimikan na ilang segundong bumalot sa kanila. “Ang cute ng apo ko. Ilang taon na si Seth?”
Parang may humaplos sa puso niya nang tawagin nitong apo ang anak niya. Hindi maipapaliwanag ng sino man ang nararamdaman niyang kasayahan ngayon.
“Five years old po.”
“Ilang taon ka na?”
“Twenty-six po.”
Napatango-tango ito. “Ang cute talaga ni Seth,” Parang kinikilig na sabi nito. “Parang si Calyx lang nang baby pa. Cute rin. Do you want to see his baby pictures?”
Na-excite siyang makita ang picture ni Calyx noong bata pa ito. Ano kaya ang hitsura nito noon? “Talaga po? Sige ho. Gusto kong makita.”
“Dito ka lang.” Humigikgik ito. “Kukunin ko at nang may pagtawanan tayo.”
Habang naghihintay na bumalik ang ina ni Calyx, may yumakap sa kanya mula sa likuran at humalik sa leeg niya. She instantly knew that it’s Calyx. Naamoy kasi niya ang mabango nitong panlalaking amoy.
Napaungol siya sa masarap na sensasyong hatid niyon. “Uhm...”
“Ano naman ang pinag-usapan ninyo ni Mommy habang wala ako?” Boses iyon ni Calyx.
Isinandal niya ang likod sa matitipuno nitong dibdib. “Lots of things. Ikaw, kumusta si Seth?”
Mahinang tumawa ang binata. “Nandoon kasama si Daddy sa duyan. Nagsusubuan ng cookies. Nagseselos na ako.”
Humarap siya sa binata at ipinalibot ang mga braso sa leeg nito. “At bakit ka naman nagseselos?”
Sumimangot ito. “Si Seth kinuha ni Daddy, ikaw naman kinuha ni Mommy. I’m all alone.” Pagda-drama nito.
Inihilamos niya ang palad sa mukha nito at natatawang inilapat ang mga labi sa labi ng binata.
Nang maghiwalay ang mga labi nila, niyakap siya nang mahigpit ni Calyx.
“Salamat at sumama ka,” sabi nito.
“Salamat at isinama mo ako,” sagot niya.
Calyx kissed her temple. “Hindi kita dinala rito dahil iyon ang gusto ni Mommy. Dinala kita rito dahil espesyal ka sa akin, Etheyl. I want you to see the house where I grew up and I want you to meet my crazy parents who raised me with so much love and care.”
Hindi napigilan ni Etheyl na siilin ng halik ang mga labi ni Calyx. Inilagay niya sa halik na iyon ang nararamdaman niya para sa binata na hindi niya masabi-sabi. Naghiwalay lang ang mga labi nila ng makarinig sila ng tikhim.
“Get a room, you two,” natatawang sabi ng ina ni Calyx at tumingin sa kanya. “Mamaya ko na sa `yo ipapakita ang mga baby pictures ni Baby Calyx. Hindi ko nakita sa dati kong pinaglagyan, eh.”
Calyx looked horrified at the mention of his baby picture. “Mom! No!”
Tinawanan lang ng ginang ang reaksiyon ni Calyx. “Tsupe. Go and get a room.”
“Mom!”
“What?” inosenteng tanong nito. “Samahan mo si Etheyl sa kuwarto mo at pagpahingain mo siya. Pero kung ayaw mo siyang pagpahingahin, ayos lang naman sa akin kung mauna ang ikalawang apo kaysa sa kasal. I love babies!”
“You’re unbelievable, Mom.” Hindi makapaniwalang sabi ni Calyx at hinawakan ang kamay niya pagkatapos ay hinila siya palabas ng kusina.
Panay ang iling-iling nito habang hinihila siya patungo sa second floor.
“Si Mommy talaga,” naiinis na sabi nito. “Pati kahihiyan kong picture noong bata pa ako ipapakita pa sa `yo.”
Mahina siyang natawa. “Sobrang nakakahiya ba ang picture mo noon?”
“Yes! May picture ako roon nang tinuli ako. Damn it!” napapalatak na sabi nito. “She even took a picture of my newly-circumcised penis!”
Malakas siyang natawa. “Hmm. Gusto kong makita ang bagong tuli na kaibigan ni Calyx—”
“Shut it, beautiful.”
Hindi na niya dinagdagan ang inis na nararamdaman nito pero panay pa rin ang tawa niya.
Tumigil ang binata sa isang kuwarto na nakasara. The door had this sign that said ‘if you don’t knock, then you are not allowed to enter’ . Saka ang sa baba niyon ay may isa pang warning sign na ‘this is Calyx room, do not enter’ .
Iminuwestra niya ang kamay sa pintuan. “Really?”
Napakamot ng ulo si Calyx. “These are from my teenage days. Anyway, this was my room until I was twenty-five. I moved out after that night,” sabi nito at inilagay ang susi sa keyhole at pinihit pabukas ang pinto. “Welcome to my simple room.”
Nauna itong pumasok sa kanya. Nang hindi siya kaagad pumasok, nilingon siya nito at inilahad ang kamay. “Come on, beautiful. Pasok ka na.”
Tinanggap ni Etheyl ang kamay ni Calyx, saka pumasok sa loob ng kuwarto.
Pero ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya ay unti-unting naglaho nang makita ang kabuunan ng kuwarto ni Calyx. Hindi! Hindi `to maaari...