NASA Délicieux Cuisines Restaurant sina Calyx at Etheyl kasama si Seth na masayang kausap ang binata nang may umistorbo sa kanila. Nagtagis ang mga bagang niya nang makitang si Cole ang tumawag kay Seth. And Seth being an innocent one, lumingon naman sa papalapit na lalaki at kinawayan.
“Hey, Seth,” bati ni Cole sa anak niya.
Walang imik na ipinagpatuloy ni Etheyl ang pagkain. Ayaw niyang may masabing hindi maganda sina Calyx at Cole sa isa’t isa. She saw how Calyx’s jaw tighten when Cole got near their table. Hawak din nito ang kamay niya sa ilalim ng mesa at panay ang pisil nito sa kamay niya.
“Hello po, Tito Cole,” masayang bati ni Seth sa lalaki. “Tito Cole, narito na po ang daddy ko,” pagkukuwento ng anak niya.
Hinintay ni Etheyl na magsalita si Cole.
“Daddy mo?” May pang-uuyam sa boses ng lalaki. “Baka naman made-up daddy lang na ginawa ng mommy mo?”
Napamulagat siya at puno ng pag-aalala na tumingin sa bata. Nakahinga nang maluwang si Etheyl nang makitang nakangiti lang si Seth habang nakatingin kay Calyx na madilim ang mukha.
“Hindi po, siya po talaga ang daddy ko,” sagot naman ni Seth kay Cole. “Dinala nga po kami ni Daddy sa Disneyland—”
“Seth, I’m sure ginawa lang `yon ng made-up daddy mo para maikama ang—”
Cole’s words were cut off when Calyx gripped the collar of Cole’s polo and dragged the man to the men’s bathroom. Naiwan sila ni Seth sa mesa. Ang ibang tao na naroon ay nakatingin sa kanila ni Seth pero ipinagsawalang-bahala lang iyon ni Etheyl.
“Kain ka lang, anak,” sabi niya kay Seth.
“Mommy, saan dadalhin ni Daddy si Tito Cole?” inosenteng tanong ng anak niya.
Nginitian niya ito. “Mag-uusap lang sila, anak.”
“Ano po ang pag-uusapan nila?”
“Hindi ko alam, anak, eh. Tanungin mo na lang si Daddy kapag bumalik na siya.” Gusto rin niyang malaman kung anong pinag-usapan ng dalawa.
Gusto niyang malaman kung bakit hinila ni Calyx si Cole patungong men’s restroom. Sana naman hindi tama ang kanyang hinala. Ayaw niyang nakikipag-away si Calyx ng dahil sa kanya. Paano na lang kung magkaroon ito ng pasa o kaya sugat?
Pagkalipas ng ilang minutong pag-aalala kay Calyx, bumalik na ito sa mesa nila. Nakangiti ito habang humihingi ng tawad dahil natagalan daw ito sa restroom.
“Okay lang po, Daddy,” sagot ni Seth at ipinapatuloy ang pagkain ng finikia, isang Greek desert. It’s a mixture of orange and cinnamon so it tasted delicious.
Hinawakan niya sa balikat si Calyx at pabulong na nagtanong. “Anong ginawa mo?”
“You know what, Etheyl...” Nagdilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Akala ko noon ako na ang pinakagagong lalaki sa mundo dahil sa pagiging babaero ko. Pero may mas hihigit pa pala sa `kin. That man is an asshole and he deserves what I did to him.”
It was a sweet gesture but she’s worried. “Ano’ng ginawa mo sa kanya?”
Lalong nagdilim ang mukha nito at nagtagis ang mga bagang. “Bakit? Nag-aalala ka sa kanya?”
Pinaikot niya ang mga mata. “Ako? Nag-aalala? Pektusan ko siya, eh.” Lumamlam ang mga mata niya at hinawakan ang kamay ni Calyx na nasa ibabaw ng lamesa. “Ikaw ang inaalala ko? Ano bang ginawa mo? If you punched him or something, baka magsumbong `yon sa mga pulis. Ayokong mangyari `yon ng dahil sa `kin.”
Kaagad na nawala ang pagdidilim ng mukha ng binata at nginitian siya. “You don’t have to worry about me, Etheyl, I’m fine—”
“Anong hindi ako dapat mag-alala sa `yo?” Binato niya ito ng masamang tingin. “I am worried because I care for you, Calyx.”
“You care for me?” Nanunudyo ang kislap ng mga mata nito. “So you like me now? Hindi na ako isang walang kuwentang playboy na dapat ibaon sa lupa?”
Natatawang napailing-iling si Etheyl nang maalala ang sinabi niya rito noon.
“I was lying when I said that,” pag-amin niya sa binata. “Takot lang ako noon na malaman mo na may anak ko. Nasanay na kasi ako na hindi palaging tanggap ang anak ko at isa kang binata, walang sabit at habulin ng babae. So, I’m sorry kung nasabi ko `yon sa `yo.”
Tumango-tango si Calyx. “That’s okay. Naiintindihan ko naman.” He leaned in to her. “Pero may tanong ako?”
“Ano?”
He smiled, showing his set of dimples. “Do you like me now, Etheyl?”
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya. Para iyong tambol na napakalakas ng tunog.
Nang mag-iwas siya ng tingin, hinawakan ni Calyx ang pisngi niya at pilit siyang pinatingin sa mga mata nito.
“Sagutin mo ako, Etheyl.” Napakabaritono ng boses nito. “Gusto mo ba ako?”
Nahihiyang tumango siya at tumingin sa mga mata ng binata. “Yes. I like you, Calyx.” Like is an understatement of what she felt for this man. Pero hindi siya aaming mahal na niya ito hanggang wala itong sinasabi sa kanya. Like and love were two different things.
Kinagat ni Calyx ang labi para siguro pigilan ang ngiting gustong kumawala roon. Para itong kinikilig na ewan kaya naman hindi niya napigilan ang tumawa.
Calyx innocently gave her a questioning look. “What?”
Umiling si Etheyl habang may ngiti sa mga labi. “Kinilig ka `no?”
Nawala ang ngiti nito sa mga labi, saka binato siya ng masamang tingin. “Shut up, Etheyl.”
Malakas siyang natawa. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao. Hindi siya makapaniwala na kinikilig pala ang mga lalaki. Calyx looked so cute and edible.
“Shut it, beautiful,” saway sa kanya ng binata.
She did stop laughing, but she was chuckling from time to time. Alam niyang naba-bad trip na sa kanya si Calyx kaya naman ginawa niya ang lahat para hindi na matawa.
“Thank you for not laughing anymore,” sarkastikong wika ni Calyx na ikinangiti niya.
“You’re welcome,” nakangising sagot ni Etheyl.
Binato siya nito ng masamang tingin at ibinigay ang lahat ng atensiyon kay Seth na nagtatanong kung bakit siya tumawa.
“Kinikilig kasi si Daddy kaya tumawa si Mommy,” sabad niya sa usapan ng dalawa.
Pinanlakihan siya ng mga mata ni Calyx. “Do you have to tell him that?”
Sinapo ni Etheyl ang bibig para pigilan ang sariling tumawa. “Sekreto `yon?” Mahina siyang tumawa. “So, tama ako, kinilig ka talaga—” Etheyl gasped and stopped speaking when Calyx leaned in to her. He was about to capture her lips when they heard someone clear his throat.
“SPG is not allowed in the Greek Cuisine floor.”
Nilingon ni Calyx ang nagsalita, saka nito nginitian at nakipagkamay sa lalaki na may berdeng mga mata.
“Hey, Thorn,” sabi ni Calyx sa lalaki at binalingan sila ni Seth. “This is Etheyl,” pagpapakilala nito sa kanya. “And this cute kid here,” ginulo nito ang buhok ni Seth na abala pa rin sa pagkain. “He is my son, Seth.”
Hindi na magtataka si Etheyl kung umingos ang lalaki nang sabihin ni Calyx na anak nito si Seth. Kaya naman laking gulat niya nang wala itong sinabi o inakto na negatibo.
“Hey, Etheyl.” Thorn smiled at her and damn, he’s hot.
Akmang aabutin nito ang kamay niya nang tapikin ni Calyx ang kamay nito palayo at sumama kaagad ang timpla nito. “Hey! She’s mine. Back off.”
Mahinang tumawa si Thorn, halatang inaasar lang si Calyx. “Come on, Calyx. Ang ganda kaya niya.”
Binato ng masamang tingin ni Calyx ang lalaki. “She’s mine. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Napailing-iling na lang si Etheyl sa pinagsasasabi ni Calyx. Kung alam lang nito kung gaano niya kagusto na angkinin siya nito nang buong-buo. Pero ayaw naman niyang nakikipag-sagutan ito dahil do’n.
Kaya naman dumukwang siya palapit kay Calyx at hinalikan ito sa gilid ng mga labi. “Enough, Calyx. I’m yours. Happy now?”
Kaaagad na ngumiti si Calyx. “Ecstatic.”
Hindi makapaniwalang napailing si Thorn. “You’re whipped. Anyway, I’m here to tell you that the body is now in the car owned by, ahm, Shun the singkit, ahm, I think his name is… Shun Kim?”
“Yeah. Tinawagan ko siya na kunin ang katawan,” kumpirma ni Calyx.
“Okay.” Tumango-tango ang lalaki. “Good. Aalis na ako.”
“Anong katawan? Kaninong katawan?” naguguluhang tanong niya.
Aalis na sana ang lalaki na nagngangalang Thorn pero nang marinig ang tanong niya, humarap itong muli. “Katawan ni Cole Paller. This guy,” itinuro nito si Calyx na inosenteng nakangiti, “beat Cole Paller to pulp. Buti na lang at naabutan ko siya at napigilan. So I sent the body—”
“Wait? Body?” Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Calyx. “Calyx, bakit mo ginawa `yon?”
“Don’t worry, the body is breathing,” imporma sa kanya ni Thorn.
Calyx tsked. “Yeah. Lucky him.”
Napailing-iling na lang si Etheyl at napasandal sa kinauupuan. Hindi siya makapaniwalang ginawa iyon ni Calyx.
Shit! Paano kung magsumbong sa pulis si Cole?
HANGGANG sa makauwi sila sa bahay ni Etheyl, hindi siya kinibo nito. Hindi alam ni Calyx kung pagsisisihan ba niya ang ginawa sa Cole na iyon o maiinis siya sa babae. Pakiramdam kasi niya nag-aalala ito sa Cole na iyon. Baka may nararamdaman pa itong sa gagong iyon. Fuck it!
Nagpakawala ng marahas na buntong-hininga si Calyx nang mailagay sa kama nito si Seth. Iyon na ang routine niya gabi-gabi.
Nagtatrabaho siya sa umaga, sa hapon, pagdating ng alas-tres nasa labas na siya ng studio ni Etheyl at susunduin ang babae para mag-date o kung ano pa ang gusto nilang gawin. Pagsapit ng alas-singko ng hapon, susunduin nila si Seth sa school at magdi-dinner sila sa labas. And then he would read a book to Seth, hanggang sa makatulog ito. Iyon lang ang oras na nagkakasarilihan sila ni Etheyl, kapag tulog na si Seth. Halos hindi na siya natutulog sa penthouse niya. These past few days, halos sa bahay na siya ni Etheyl nakatira.
They could pass as live-in partners or something.
Lumabas siya sa kuwarto ni Seth at pumasok sa kuwarto ni Etheyl. Hinubad niya ang pang-itaas na damit bago nahiga sa kama, sa tabi ni Etheyl na mukhang mahimbing nang natutulog.
Sa halip na yakapin ang babae, ginawa niyang unan ang isang braso at patihayang humiga. His eyes were fixed on the ceiling. Iniisip niya kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit hindi siya kinikibo ni Etheyl. Maliban sa pagbugbog sa gagong iyon, wala naman na, eh. He’s nothing but loyal to her, kahit nga wala naman talaga silang relasyon kaya imposibleng ang pagiging playboy niya ang issue rito kasi wala namang babae sa buhay niya bukod dito at sa mommy niya.
Naputol ang pag-iisip niya nang makitang bumangon si Etheyl at humarap sa kanya.
“Hindi ako makatulog,” sabi nito na puno ng pag-aalala ang mukha. “Nag-aalala ako sa `yo.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit naman?”
Nahigit ni Calyx ang hininga nang kubabawan siya nito pagkatapos ay yumakap sa kanya habang nakahilig ang buong katawan sa katawan niya.
“My dad got into fight over mom. Maganda kasi si Mommy, eh,” kuwento nito habang nakayakap sa kanya. “Binugbog niya `yong lalaki na nanghipo kay Mommy, not knowing na makapangyarihan pala `yon. We were well off, until the man that my father beat up filed a case against my Dad. Halos lahat ng pera naman naubos habang umuusad ang kaso, nagkaroon ng maraming utang ang mga magulang ko. Pero natalo rin naman kami. Nakulong si Daddy, hindi kinaya ni Mommy kaya uminom siya ng maraming sleeping pills na naging sanhi ng pagkamatay niya. Nang malaman naman ni Daddy na wala na si Mommy, na heart attack siya at iniwan din kami.” Nagtaas ito ng tingin sa kanya. “You see, Calyx, I don’t want you to end up like my father. Ayokong iwan mo rin ako.” A tear fell from her eyes. “Alam kong gusto mo lang akong protektahan o ipagtanggol pero hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa `yo.” She was sobbing now, tears streaming down her cheeks. “Ayokong mawala ka, Calyx. You’re the only man who accepted me and my son wholeheartedly.”
Ngayon naiintindihan na niya kung bakit nag-alala si Etheyl. Kaya pala hindi siya nito kinibo.
Niyakap niya ito at hinagod ang likod. “Huwag ka nang mag-alala. Hindi kita iiwan sa kahit na anumang dahilan.” Hinalikan niya ito sa ulo. “Hanggang sa magsawa ka sa pagmumukha ko, mananatili ako sa tabi mo.”
Umayos ng upo si Etheyl sa katawan niya at inilapit ang mga labi sa mga labi niya.
Kaagad niyang tinugon ang halik nito habang hinahaplos ang buhok nito.
Sabay silang napaungol ni Etheyl ng ipasok niya ang dila sa loob ng bibig nito. Kaagad na lumaban ng halikan ang dalaga at yumapos din ang kamay sa katawan niya.
Calyx’s breathing became ragged when he felt Etheyl’s hand unbuttoning his jeans. Pagkatapos nitong maibaba nang kaunti ang pantalon niya, sinunod naman nitong hubarin ay ang suot nitong pajama. Naghahalikan pa rin sila habang naghuhubad ito ng damit. Tuwing tinutulungan niya itong maghubad, tinatapik nito ang kamay niya kaya hindi na siya tumulong.
Nang wala nang saplot si Etheyl, kaagad nitong ipinasok ang nag-uumigting niyang pagkalalaki sa basa na nitong pagkababae.
“Oh!” ungol ni Etheyl habang nakaliyad ang katawan.
“Fuck!” He cussed then moaned.
Umupo siya sa kama at niyakap ang katawan ni Etheyl. Nakaupo ito paharap sa kahabaan niya habang ang mga paa nito ay nakapulupot sa kanyang baywang.
And then Etheyl started rocking his world.
She moved up and down while he thrust in and out. Pareho nilang sinasalubong ang galaw ng bawat isa. At pareho silang panay ang ungol kapag nagsasalubong ang maselang bahagi ng mga katawan nila.
“Oh, yes!” ungol ni Etheyl nang ipasok niya sa bibig ang naninigas nitong nipple. “Yes! Oh, yeah! I’m coming…Oh!”
Nararamdaman ni Calyx na lalabasan na siya kaya mas binilisan pa niya ang paggalaw.
Calyx gripped Etheyl’s ass and he grinded before thrusting in and out. Naramdaman niyang bumaon ang kuko ni Etheyl sa likod niya habang nakayakap ito sa kanya. Pero hindi niya alintana ang sakit dahil sabay nilang narating ang langit.
Hinihingal na bumitaw sila sa isa’t isa at mahina silang natawa nang magtama ang mga mata nila.
“I like this position,” sabi ni Calyx na may pilyong ngiti sa mga labi.
Natawa lang si Etheyl at tinulak siya pahiga sa kama. Kinagat niya ang labi nang maramdamang parang tinutukso nito ang pagkalalaki niya. Etheyl was grinding her mound against his shaft that was now coming to life again.
“Oh yeah, beautiful,” sabi niya sa paungol na boses. “Rock me.”
Etheyl was about to rock his freaking world again when his phone rang. Naiinis na sinagot niya ang tawag dahil baka importante iyon.
“H-hello,” nauutal na sabi niya sa kabilang linya. Etheyl was still grinding her mound against his shaft. “Sino `to?” kinakapos ang hininga na tanong niya.
“Bakit parang hinihingal ka, Baby Calyx?” Ang ina niya ang nasa kabilang linya.
“Fuck!” He cursed. “Mom?”
Mabilis na tumigil sa ginagawa si Etheyl at malalaki ang matang napatitig sa kanya.
“Anong fuck?” sikmat ng ina niya. “Calyx, iyang bibig mo, pipitikin ko `yan kapag nagkita tayo.” Her mother scolded him. Again. “Anyway, Baby Calyx, tumawag ako para ipaalala sa `yo na bukas na ang birthday ko. It’s just a family celebration. Pero kahit anak kita, hindi ka makakapasok hangga’t hindi mo kasama sina Etheyl at Seth. Sila ang gusto kong regalo mo. Okay?”
Napanganga siya at napatitig kay Etheyl na nakatitig din sa kanya.
“Well, Calyx, anak?” tawag ng ina niya.
“Okay.” Iyon na lang ang nasabi niya at tinapos ang tawag.
“Ano `yon?” parang kinakabahang tanong ni Etheyl sa kanya.
“Pinaalala niya lang sa akin na birthday na raw niya bukas.”
“Bumili ka na ba ng regalo mo para sa kanya?” usisa nito.
Umiling siya. “No need. Wala naman siyang magugustuhan sa ireregalo ko. She already told me what she wants.”
Kumunot ang noo ni Etheyl pero nagtatanong ang mga mata. “At ano ang gusto niyang regalo?”
“Hindi ano, kundi, sino.”
Lalong lumalim ang gatla sa noo ng dalaga. “Sino?”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “You and Seth. Kayo ang gusto niyang iregalo ko sa kanya.”
Hindi nakasagot si Etheyl. Nakaawang lang ang bibig nito at namimilog ang mga mata dahil sa gulat.
He let out a loud breath. “Tomorrow is going to be a very, very, very long crazy day.”